Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
Leilaaa Aug 2015
kaya kitang mahalin
pero
hindi kita kayang ingatan.
sa piling ko
ikaw lang ay masasaktan
kaya ang hiling ko lang sa 'yo ay
damdamin para sa akin
sana iyong malimutan.

lahat
ng ginagawa ko para sa iyo
ay nasa ngalan ng pag-big kaya
paumanhin, mahal,
ako'y iyong patawarin.
Leilaaa Jul 2015
for a paper girl
paper towns by john green
Leilaaa May 2015
There is only one thing I'm sure of in this world
And it was gravity
We may not see it,
but we could definitely feel it
I surely felt it
When I
fell for

**You.
Leilaaa Aug 2015
balikan natin ang panahon noong tayo'y mga bata pa.
naalala mo pa ba
noong tayo'y nagtagpo sa gitna ng mapunong gubat,
sa may malinaw at malinis na sapa?
ang mga kamay natin ay hasang-hasa sa paglikha,
pagtupi ng mga obra:
mga bangkang gawa sa papel, na
ating pinapanood ang pag-anod sa tubig
na banayad na dumadaloy;
nagpapadala lang sa agos.
at hindi,
hindi ito isang paligsahan o karera.
ang tanging pakay ay
malibang at magsaya.
kung lumubog o masira man ang ating mga bangka,
ayos lang,
gumawa na lang ng iba.

pero ngayon,
tayo ay lumaki at tumanda.
pati lunan natin ay nag-iba.
sa ating pagtingala,
hindi na yung mapunong gubat ang ating nakikita,
kundi ang bughaw na langit
na walang anuman ang makakadaig
sa lawak at laya.
at siyempre,
ang ating malinaw na sapa
ay humantong na sa
karagatan.
di matalos ang hangganan,
di matalos ang lalim.
maraming tinatagong lihim.
nalusaw na sa tubig ang mga bangkang gawa sa papel.
at dito sa dagat,  
nararapat lang na maglayag sa mga galyon kasi
araw-araw may digmaan sa laot.
kalaban natin
ang mabagsik na hangin,
mga higanteng alon,
mga piratang nananamantala,
pati na rin ang uhaw, gutom, at pagod.
pero bago pa man magsimula ang digmaan,
tayo na ang panalo.
walang sinabi ang lupit ng dagat sa bagsik ng ating puso.

sa ating paglingon
mapapagtanto na
hindi masukat ang layo
ng narating na pala
at mararating pa natin.
matagal nang wala ang gubat at sapa,
napalitan na rin ang mga mumunting bangka.
ngunit ako,
ay nandito pa
at patuloy na mananatili
kahit na
magkaiba at magkalayo
ang sinasakyan **** barko sa sinasakyan ko.
'di bale
iisa lang naman ang Kapitan,
iisa lamang ang kayamanan na hinahanap,
iisa lamang ang lupain na tinutungo.

hindi talaga
matiwasay at madali ang paglalayag
dito sa malawak na dagat na ating tinatahak. kaya
kung dumanas man ng sindak at lungkot,
huwag maniwala sa lawak at lalim
na natatanaw sa mga alon; kasi
kahit saan man mapadpad,
kahit saan man ihatid ng tadhaha,
**nandito lang ako.
Leilaaa May 2015
Now the years had passed,
You return to my room.
The adventures returned as I saw you.


But I'm sorry Peter,
I'm no longer the child who's
heartbroken
because of

**you.
Leilaaa May 2015
I push you away hoping
I'd forget you
Leilaaa May 2015
When I was younger,
My mother taught me a trick
That when you keep repeating a word
Over and over and over again
It loses its meaning.

You. You. You. *You.
Leilaaa Aug 2015
May isang katanungan na
laging bumabagabal
sa aking puso,
sa aking isipan.
Tila lagi ko na lang
nininilay kung ano
ang sagot; ang sagot
na tama kahit
maaaring maging
isang masakit
na tama sa akin.

Pero hindi ako magtatanong
dahil "Hindi" man o "Oo"
masisiraan pa rin ako ng ulo.


**"Mahal mo rin ba ako?"
Leilaaa May 2015
This is the last poem I will ever write for you
I don't know how many words, stanzas, or pages it might take
but I will not stop until I have said each word
that describes you

perfect, beautiful, amazing, breathtaking
joy, love, pain, heart break, anger,
bitterness


I can go on and on
because you see,
this is the last poem I will ever write for you

I have to get everything off my chest
I have to get you out of my mind
and the only way I can do that is
if I write one last poem for you

and this is how it goes


I have loved you in ways you can never
imagine, in ways no one can ever love you,
but while I was doing so

*I lost myself
I can finally say that I've learned how to let you go.
Leilaaa Jul 2015
...
makalipas ng daang-daang araw
ikaw ay nagbalik,
nagtagpo muli ang mga mata, bisig, at ngiti.
'di nila mapigilang magtaka
kung ano ang pasalubong
dala mo sa iyong pagbisita;
kung anong mga damdamin at alaala
ang mahuhugot mula sa mga puso nating
'di malaman kung
nagtataguan ba o naghahanapan,
basta
siguradong nawawala.
...
ang surpresa mo kaya ay
kaba?
sabik?
takot?
hiya?
hiwaga?

hindi.

pinunit ang balot at
binuksan ang kahon.
natagpuan ko ay

wala.

oo,
wala lang.
wala na pala
tayong natira para sa isa't isa.
baka tinangay na ng bagyo,
ninakaw na ng iba,
o 'di kaya'y
naglaho lang talaga na parang bula.
...
'di nila mapigilang magtaka
at napaisip din ako kung bakit.
natagpuan ko ang sagot
at ito ay
...
wala.
Leilaaa May 2015
Is your faith so fragile
you **** to protect it?

— The End —