Sa kumpol ng mga tao ika'y nasilayan
May saya sa mukha ang liwanag mo sa karamihan.
Nakita ang ngiti **** kay tamis,
Ngiti ng mga mata ****, lubos kong na-miss.
Nang magtagpo ang ating mga mata,
Mundo'y huminto sa labis na tuwa,
Habang hakbang mo'y saakin ay papalapit,
tibok ng puso ko ay muling bumalik.
Tila isang batang sa presensya mo'y-
sabik na sabik.
Hawak-kamay tayo sa gitna ng tuwa,
Walang salita pero dama ko na,
Nang sandaling iyon ay walang iba..
Tanging ikaw at ako at ang pagibig
na tunay at buo pa.
Ngunit biglang nadama ang bigat
Ramdam ang lungkot ng mga mata'y dumilat
Di pala totoo ang lahat ng saya.
Dinalaw mo lang ako, kahit saglit lang sinta.
Ikaw na dati kong minahal
dinalaw lang ako ng dating ikaw,
nang dating tayo
sa panaginip..
Vivid dream of you last night