Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
 
John AD May 2022
Paalam aking kaibigan , kapatid , bantay
Ikaw ang saksi sa lahat ng aking problema
Ang mga tahol mo ang gumigising sakin tuwing umaga
Malambing at Makulit kapag ikaw ay kasama

Hindi ka hayop , ikaw ay tao para sa akin
Naiintindihan kita kahit hindi mo sabihin
Pitong Taon inalagaan kasama sa lahat ng sakuna
Paalam Bantay hanggang sa muli nating pagkikita
Paalam Aking Minamahal na alaga , Mahal na mahal kita!
John AD Apr 2022
Ama
Nakakasawa din pala magpanggap maging masaya,
Nakakulong sa kasinungalingan , Marami na rin ang nagtataka,
Diyos-diyosan ka ba ama ? bakit hindi kita makita o madama,
Walang ginawang paraan nakinig sa mga hindi kilala.

Ang daming balita , Nasagap ng aking dalawang tenga,
Nanatiling Pipi , ngunit matalas ang aking mga mata,
Puno ng galit inggit sa sarili ang aking mga nadarama,
Hindi nyo ko tinutulungan , hinayaan nyo lang akong mag-isa.

Kailangan ko bang saktan ang sarili ko para sa atensyon at simpatya?
O Mamamatay muna ba ako para lang mabuo muli ang aking pamilya?
Iiwan ko na ba kayo para lang tayo ay mag kanya-kanya?
O Baka may paraan , para ibalik ang masaya.
Sayang ang Panahon
John AD May 2020
Isa pang rason , Sa pag-usad
Kurbang linya , katamtamang ruta
Tunog ng kampana , ginising ang isip
dati rati sumisilip , reyalidad na ang panaginip

Tinagpi ang pisi , bagwis muling papagaspas
Sanhi ng dahas naakit , uwak ay maghihiganti
Paglubog ng araw , pagsikat ng dilim
Sanay na kong bangkay , Nanghuhusga nalang ako kung sinong mamamatay

Kamatayan ang aking katauhan
Orasa at karit aking sandata
Buhos ng lupa , Kalkulado ka
Sa pagdaan ko , mananaginip ka
John AD May 2020
Matalas na mata , Tulog lang sumasara
Kadiliman sa kuweba, Nangangaso ng bampira
Walang talab sakit , Manhid ang resistensya
Paniking dinagit ng uwak , Inihanda sa noche buena

Inakit ka ng huni , Siniyasat ang gamot
Iturok sa sarili , Patayin ang salot
Balisa kaibuturan ng iyong isip
Umipekto ba ang eksperimento? Dinalaw ka ng idlip

Napuksa na ang sakit , Galak ang mamamayan
Nagluksa na ang uwak , Sakripisyo'y inilaan
Kampanteng mga hangal , Higanti ng sinaktan
Pagpatay ng mga uwak sa mga taong makasalan
Ang pisi ay patibong
John AD May 2020
Pagpatak ng ulan , kasabay ng aking mga luha
Patpating katawan , baluktot na at nakahiga
Hindi na makagalaw , Pinilit kong lumaban
Kaya konti nalang , Pataba na ako sa mga halaman

Bakit mo pa ako didiligan ? Basa na ako ng sariling mga luha
Tagtuyot nalang hinihintay ko , Hindi mo kasi ako makuhang punasan
Pawis na pawis na mga kamay , Ang dulas wala akong makapitan
Natanggap nyo na ba ang bangkay ko , Puwede naman kayong makiramay.
John AD May 2020
Digmaang hindi pisikal
Walang bakas ng dugo
Malihim ang sanhi
Manhid ang Puso

Emosyong magpatiwakal
Nalilingid sa sulok
Kaisipa'y ngangungulimlim
Punyal , Sagot sa Lunos

Mabagal ang kapbisa
Itinatangis ang sakit
Ipinikit pagod na mga mata
Umaasang maibalik

Mulat na,Walang nagbago
Tila tuod na nilalang
Sabik ng masinagan ng araw
Sobrang dilim kasi rito
Pamilya hinahanap kita
Hindi ang Lungkot,Kundi Ang Saya
Masayang Alaala,Mararanasan ko pa ba?
O mananatili nalang itong isang alaala...

"Sana my paraan pa upang hindi mapigtal ang mga Pisi"
John AD Apr 2020
Nahihirapan na ako makisalamuha sa ibang tao
Kinakain na ng Duda ang sensitibong utak ko
Bawat kilos, iniingatan ko !

Malaya ako ! (pero nakakulong naman ang tunay na mga paa ko sa loob ng kaluluwa ko!)
Nais kong takasan ang mundong ito!
May tahanan naman ako , bakit ako lilisan dito sa mundo?

Duwag na ba ako? dahil di ko malutas ang problema
Mahina na ba ako? dahil di ko na kayang lumaban sa gera
Lumalala , lumuluha , kala ko tapos na

Pansamantala lang pala ang sigla
Mapang-akit ang kalungkutan
"Pinagmukha ka lang malaya , maluwag ang selda"

Mas nakakaawa pa nga ako , nasilayan ko ang awa sa mukha ninyo
Sa sobrang maawain ko , kinunsumo ko lahat ng lungkot para mawala ang awa sa mukha nyo.

Naglalaban na ang dalawang grupo sa utak ko , hilahan ng lubid , palarong lahi ang tema
Palakasan nalang ng pwersa kung mapipigtal , aba mukhang balanse pa
auxilium
Next page