Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Karapatang Ari 2016
WMSU MABUHAY ESU
DONWARD CAÑETE GOMEZ BUGHAW


Kung isa-isahin ang nangakaraan
Simula no'ng ika'y aking niligawan
Hanggang sa dumating ating hiwalayan,
Maikuk'wento ko ng walang alangan.

Unang kita palang, napaibig ako
Sa isang babae at Nimfang tulad mo;
Puso ko'y nahulog ng di napagtanto,
Siguro'y pakana ito ni Kupido.

Iyong itinanong, "Ikaw ba si Donward?"
Ako'y napatigil nang dahil sa gulat
Ako ay lumingo't ikaw ay hinarap,
Aking itinugon isang tango't kindat.

Nang ako'y lumabas na sa isang silid
Hindi ko mawari't ikaw ay nawaglit;
Ako ay nalumbay sa nasahing pilit
Ano't ang tadhana ay nagmamalupit.

Gusto ko pa namang ika'y makilala
Paanong nangyari't agad kang nawala,
Hindi tuloy kita natanong o sinta
Sa iyong pangalan na pang-engkantada.

Aking inusisa ang aking sarili:
"May pag-asa pa bang makita kang muli?
May tadhana kayang magtatagpo uli
Sa ating dalawa kahit na sandali?"

Hanggang isang araw, nang aking makita
Iyong kaibigang naglakad mag-isa
Agad kong tinanong kung ika'y nagsimba
Marahan n'yang sagot nasa tuluyan ka.

Pagkatapos niyon tinanong ko na s'ya
Sa iyong pangalan na may pagkad'yosa
Agaran niyang sagot, "Devina Mindaña,
Ang buong pangalan ng aking kasama.

Nagpatuloy kami sa pagkuk'wentuhan
Habang naglalakad sa tabi ng daan
Hanggang sa dumating ang aming usapan
Sa punto na ako ay kanyang mabuk'han.

Diretsahang tanong ay 'may gusto ka ba,
Sa kaibigan kong nanuot sa ganda?'
Sagot ko'y mistula isang tugong parsa,
Naging dahilan ko'y, 'Naku, wala! Wala!'

Imbis na makuha, siya ay natawa
At nang tanungin ko'y naging sagot niya:
"Subukan mo nalang ang ligawan siya
At baka maantig, batong puso niya.

Ni minsan ay hindi siya nagkaroon
ng isang siyota, pagkat umaambon
ang pangarap niyang gustong maisulong
ang makapagtapos at ang makaahon."

Pagkasabi niyon, ako ay nangusap:
"Diyata't parehas kami ng pangarap,
Kapwa puso namin ay nangangagliyab
Sa iisang nais na para sa bukas."

Nagpatuloy kami sa aming usapan
Hanggang sa tuluyang siya'y namaalam.
"Ako'y ikumusta sa 'yong kaibigan,"
Wika ko nang siya'y tumawid sa daan.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad
Hanggang sa marating ang nagliliwanag
nating pamantasang nagtatahang huwad
ng dunong at puring nanahanang likas.

Nagdaan ang gabi't umaga na naman
Pagsulat ng tula'y aking sinimulan,
Yaong tulang handog sayo kamahalan
Nitong si Balagtas, Donward ang pangalan.

Ang iyong pangalan ang naiititik
Niyong aking plumang espadang matulis;
Ang tinta ay dugong may hinalong pawis
Nitong aking huli't wagas na pag-ibig.

Ngunit sa kabila, niyong aking katha
Aking nalimutan ang lahat ng bigla
Maging pangalan mo, sintang minumutya
Kung kaya't nagtanong uli ang makata.

"Siya ang babaeng aking naibigan,"
Pagkukuwento ko kay Jesang huwaran
Nang ika'y nakitang naglakad sa daan
Kasama ang dal'wa mo pang kaibigan.

At nang naguluha'y aking itinuro,
Pagkatapos niyo'y siyang aking sugo;
Si Jesang huwaran ay parang kabayo,
Ika'y sinalubong ng lakarang-takbo.

Agad kang tinanong sa iyong pangalan
Katulad ng aking naging kautusan.
Nang ika'y tawagin -- o kay saklap naman
Di mo man lang ako nagawang balingan.

Nang aking tanungin si Jesang huwaran,
Nang siya'y nagbalik sa pinanggalingan,
Kung ano ang iyong tunay na pangalan:
"Devina Mindaña," kanyang kasagutan.

Hindi lumalao't hindi nakayanan
Ng puso kong ito, ang manahimik lang;
Kaya't nagsimulang ikaw ay sabayan,
Kahit hindi pa man kilalang lubusan.

Ewan ko kung bakit ako'y tinarayan,
Gusto kong magtanong, pero di na lamang;
Sa sungit mo kasi'y baka lang talikdan
At bago aalis ay iyong duraan.

Subalit, lumipas ilang linggo't buwan
Tayo'y nagkasundo't nagkausap minsan;
Insidenteng iyo'y di ko malimutan,
Malamyos **** tinig, aking napakinggan.

Nang ako'y tanungin sa aking pangalan,
Sa telepono ko'y sagot ay Superman;
At nang mukhang galit, agad sinabihang,
"Huwag kang magalit, ika'y biniro lang."

Agad kong sinabi ang aking pangalan
Baka tuloy ako'y iyong mabulyawan:
"Si Donward po ito," sabi kong marahan,
Pagpapakilala sa 'king katauhan.

Patuloy ang takbo ng ating kuwento,
Ang lahat ng iyo'y aking naging sulo,
Sa papasukin kong isang labirinto;
Sa isang kastilyong nasa iyong puso.

Hanggang isang gabi, mayroong sayawan,
Napuno ng tao ang gitnang bulwagan;
Ang aking sarili'y hindi napigilan
Na ika'y hanapi't maisayaw man lang.

Ngunit ng matunto'y hindi nakaasta,
Ang aking nasahin ay naglahong bigla;
Imbis na lapita't dalhin ka sa gitna,
Ay hindi na lama't ako'y nababakla.

Aking aaminin ang kadahilanan,
Takot na talaga ang pusong iniwan
Na baka lang uli't ito ay masaktan
Tulad ng sa aking naging kasaysayan.

Kaya't hindi ako nagpadalos-dalos
At baka pa tuloy yaon ay mapaltos;
Ang mabulilyaso'y mahirap na unos
Nitong aking pusong may panimding lubos.

Akin pang naitanong sa isang pinsan mo
K'wento ng pag-ibig na tungkol sa iyo
At kung maaaring ikaw ay masuyo,
Naging tugon niya'y: 'Ewan ko! Ewan ko!'

"Huwag ikagalit kung ika'y tanungin,"
Sabi ng pinsan **** maalam tumingin
Di sa kanyang mata na nakakatingin,
(Kung hindi'y sa kanyang talas na loobin).

Aking naging tugon doon sa kausap,
Yaong binibining aking nakaharap:
"Hindi magagalit itong nakatapat
Hangga't ang puso ko'y hindi nagkasugat.

Pagkatapos niyo'y kanya ng sinabi
Ang ibig itanong na nangagsumagi
Sa kanyang isipang lubhang mapanuri,
Ang kanyang hinala ay ibinahagi.

"Ikaw ba'y may gusto sa kanya na lihim?
Huwag **** itago't ng hindi lusawin
Ang laman ng puso at iyong pagtingin
Ng iyong ugaling, pagkasinungaling!"

Pagkatapos niyo'y agad kong sinagot
Tanong niyang sadyang nakakapanubok
At ipinagtapat yaong aking loob
Ng walang alanga't maski pagkatakot.

"Ako nga'y may gusto sa kanya na lihim,
Subalit paanong siya'y maging akin
Gayung tingin pala'y akin ng sapitin,
Ang lumbay, ang hapdi't kabiguan man din?"

"Di ko masasagot ang 'yong katanungan,"
Naging tugon niyong butihin **** pinsan,
"Tanging payo ko lang ay pahalagahan,
Huwag pabayaa't siya ay igalang."

Aking isinunod nang kami'y matapos
Ay ang iyong ateng wari d'yosang Venus;
Agad kong sinabi habang napalunok
Yaong aking pakay at nang s'ya'y masubok.

Imbis na tugunin yaong aking pakay,
Ako'y di pinansin kung kaya't nangalay
Dalawa kong mata sa kanilaynilay
Ako'y nanghihina't puso'y nanlupaypay.

Aking iniisip sa tuwi-tuwina
Ay ang pangalan mo, mahal kong Devina;
At ang hinihiling sa bantay kong tala,
Hihinting pag-asang makapiling kita.

Kaya't hindi ako nakapagpipigil,
Iyong aking loob na nanghihilahil
Aking inihayag sayo aking giliw
Ng walang palaman at maski kasaliw.

Tandang tanda ko pa no'ng makasabay ka
Papuntang simbaha'y sinusuyo kita
Hanggang sa pagpasok ako'y sumasama
Kahit hindi alam ang gagawin sinta.

Bago nagsimula ang misa mahal ko,
Ang aking larawa'y iniabot sayo;
May sulat sa likod, sana'y nabasa mo,
Yaong pangungusap ay mula sa puso.

Di kita nakitang ako ay nilingon,
Sapagkat atens'yo'y naroong natuon
Sa isang lalaking pumasok na roon,
At sayo'y tumabi hanggang sa humapon.

At nang nagsimula'y umalis na ako,
Pagkat ako itong walang sinasanto;
Baka tuloy ako magsasang-demonyo
Sa aking nakitang katuwaan ninyo.

Hindi ko malaman kung bakit sumakit,
Nanibugho ako, ano't iyo'y salik?;
Ano nga ba ito't tila naninikip?
Lintik na pag-ibig, puso ko'y napunit!

Napaisip ako habang naglalakad
Hanggang sa isip ko'y nagkakaliwanag;
'Manibugho sayo'y hindi nararapat,'
Napatungo ako sa sariling habag.

Ilang saglit pa at akin ng pinahid
Luhang sumalimbay sa pisnging makinis
At saka nangusap ng pagkamasakit:
"Wag kang mag-alala't di ko ipipilit."

"Itong pag-ibig kong nagniningas apoy,
Nasisiguro kong hindi magluluoy;
Ngunit, kung hindi mo bayaang tumuloy,
Mas mabuti pa ang puso ko'y itaboy!"

Nang ako'y magbalik doon sa simbahan,
Sa dami ng tao'y di kita nasilayan;
Ngunit, nang tanawin sa kinauup'an,
Naroong Devina't kinaiinisan.

Nanatili ako't hindi na umalis,
Di tulad kaninang lumabas sa inis;
Ako'y umupo na at nakikisiksik,
Kahit patapos na ang misang di ibig.

Hindi ko nga ibig, pagmimisang iyon
At maging pagsamba't gano'ng pagtitipon;
Pagtayo't pagluhod di ko tinutugon,
Pagkat ako itong walang panginoon.

Araw ay lumipas mula ng masuyo,
Ika'y sinubuka't nang hindi malugo
Itong aking pusong namalaging bigo
Sa loob ng dibdib, namugang tibo.

Iyong naging tugon ay nakakapaso,
Masakit isipi't maging ipupuso;
Yaong tumatama'y animoy palaso,
Narok sa dibdib, sugat aking tamo!

Sa kabila niyo'y di pa rin sumuko,
Tanging ikaw pa rin ang pinipintuho;
Kaya't wag isiping ito'y isang laro,
Pag-ibig kong ito'y hindi isang biro.

Hanggang sa dumating gabing aking asam,
Sa lilim ng mangga, bago ang sayawan
Ay iyong inamin ang nararamdaman,
Ating tagpong iyo'y di malilimutan.

Ipinagtapat mo na ika'y may gusto,
Ngunit di matugon itong aking puso,
Sapagkat ikaw ay mayroon ng nobyo
Di mo kayang iwa't ayaw **** manloko.

Aking naging tugon sa iyong sinabi,
Ay handang maghintay at mamamalagi
Hanggang sa panahong ikaw ay mahuli,
Makita't malamang di na nakatali.

Sa mukha'y nakita, matamis na ngiti
Niyong Mona Lisang, pinta ni Da Vinci;
Ako'y natigilan ilan pang sandali,
Nang aking matanaw, gandang natatangi.

Bago pa nag-umpisa'y pumasok na tayo,
Sa hinaraya kong dakilang palasyo,
At sa lilingkuran tayo ay naupo,
Niyong maliwanag, loob ng himnasyo.

At nang magsimulang musika'y tumugtog,
Ika'y namaalam at para dumulog
doon sa bulwaga't makikitatsulok,
ng sayaw sa indak dulot ng indayog.

Bago pa marating ang gitnang bulwagan,
Ako'y sumunod na't di ka nilubayan
Hangga't di pumayag sa 'king kagustuhan
Na maisayaw ka at makasaliwan.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Ang araw at linggo'y tila naging saglit;
Ako'y nagtataka't biglang napaisip,
Ano at ang oras ay mukhang bumilis.

Hanggang isang gabi nang aking tanungin,
Sa iyo, o, mahal kung bibigyang pansin;
Hanggang kailan mo pagdudurusahin;
May pag-asa pa bang nadama'y diringgin?

Iyong naging sagot sa katanungan ko:
"Di na magdurusa't ngayo'y maging tayo."
Ang rurok ng saya ay aking natamo,
Lalo pa't sinabing mahal mo rin ako.

Sa kadahilanang gustong masiguro,
Aking naitanong kung iyo'y totoo;
Baka mo lang kasi ako'y binibiro,
At kung maniwala'y sugatan ang puso.

Iyong ibinalik, ating gunitain,
Doon sa manggahan 'sang gabing madilim;
Ipinagtapat mo ang iyong damdamin,
Ngunit, di nagawang puso ko'y tugunin.

Pagkat mayroon kang sintang iniibig,
Iisang lalaking namugad sa dibdib;
Di mo maloloko't iyong inihasik
Sa paso ng puso't bukirin ng isip.

Pagkatapos niyo'y sinabi sa akin,
Na ating pag-ibig, manatiling lihim;
Aking naging tugo'y 'sang tangong lampahin
Pagkat aking isip, gulong-gulo man din.

"Sigurado ka ba sa'yong naging pasya?"
Ang muli kong tanong, bago naniwala
Sayo aking mahal na isang diwata,
Yaong aking ibig at pinapantasya.

Iyong naging tugon sa aking sinabi:
"Kung ayaw mo'y huwag, di ko masisisi;
Ano pa't puso mo'y sadyang madiskarte,
Baka may iba ng pinipintakasi."

Agad kong sinabi sa iyo mahal ko:
"Ano at kay daling ikaw ay magtampo,
Nagtanong lang nama't ako'y naniguro
Baka mo lang kasi, ako'y nilalaro.

Lumipas ang gabi't umaga'y sumapit,
Unang araw natin ay lubhang mapait,
Pagkat di nakayang ako ay lumapit,
Sayo aking sinta't ewan ko kung bakit.

Ilang sandali pa't hindi nakatiis,
Sa pagkakaupo'y tumayo't lumihis
ng landas patungo kay Musa kong ibig,
pagkat aking puso'y lubhang naligalig.

Muli kang tinanong kung pasya'y totoo,
Di na mababawi't di na mababago;
Iyong naging tugon sa katanungan ko,
Pisngi ko'y hinaplos, sabay sabing 'oo.'

Kay sarap marinig, salita **** iyon,
Iisa ang punto at maging ang layon;
Para bang lagaslas ng tubig sa balon,
Ibig kong pakinggan sa buong maghapon.

Matapos ang pasko'y siyang araw natin,
Na kung gunitai'y araw na inamin,
tinugon ang puso at binigyang pansin,
at saka sinabing, ako'y mahal mo rin.

Aking gabing iyo'y narurok ang saya,
Ngiti niyong buwa'y nakakahalina;
Ibig kong isulat ay isang pantasya,
At ikaw Devina, yaong engkantada.

Araw'y nangaglipas, daho'y nangalaglag,
Ano at ang oras tila naging iglap;
Siyang araw natin ay muling lumapag,
Ano at ang panaho'y tila naging lundag.

Iyong regalo mo'y hindi malimutan,
At maging pagbating ibig kong pakinggan,
Sa bawat umagang araw'y sumisilang
At kung maaari'y mapawalang-hanggan.

Ngunit nang magdaan ilang araw't linggo,
Naging malungkuti't di na palakibo;
Puso ko'y mistula isang boteng tibo,
Nabiyak sa dusa nang itatuwa mo.

Sa tuwi-tuwina'y napaisip ako,
Talaga nga kayang tapat ang puso mo?;
Ulo ko'y sasabog, bulkang Pinatubo,
Bakit ba't isip ko'y nagkakaganito?

Ilang araw kitang hindi tinawagan,
Pagkat labis akong nagdusa't nagdamdam;
Malakas kong loob ay di nilubayan
Ng kapighatia't maging kalungkutan.

Tayo nga'y mayroong isang kasunduan,
Di maikaila't sinasang-ayunan
Ngunit, ang itat'wa'y di makatarungan,
Alalahanin **** ako'y nasasaktan.

Ako'y wag itulad sa makinang robot
Na di nakaramdam maski anong kirot;
Ako ay may pusong nakakatilaok,
Pumipintig baga'y putak ng 'sang manok.

Kaya't nang sadyain sa tinutuluyan,
Ika'y kinausap at pinagsabihang:
"Sakaling darating ating hiwalayan,
Huwag magpaloko sa kalalakihan.

At saka-sakaling sayo'y may  manligaw,
Isipin mo muna't wag agad pumataw;
Pasya'y siguruhin bago mo ibitaw,
Ang iyong salita, nang di ka maligaw."

Unang halik nati'y hindi malimutan,
At kahit na yao'y isang nakaw lamang,
Pangyayaring iyo'y di makaligtaan,
Naging saksi natin ay ang Taguisian.

Tila ba talulot ng isang bulaklak
Labi **** sa akin na nangangagtapat;
Animo'y pabango yaong halimuyak,
Ng iyong hiningang sa halik nangganyak.

Ika-labinlima, araw ng Pebrero,
Hindi malimutan ating naging tagpo;
Sa iyong tuluya'y nagkasama tayo,
Doon sa Kwek Kwekan, nagdiwang ang puso.

Ako'y isang taong lubhang maramdamin,
Ang hapdi at kirot siyang tinitiim;
Puso ko'y tila ba 'sang pagong patpatin,
Sa loob ng dibdib sakit ang kapiling.

Kaya't nang makitang may kasamang iba,
Marahang lumason sa puso ko sinta
Ay ang panibugho't sakit na nadama;
At para maglaho, alak ay tinungga.

Sa ika-tatlumpu, na araw ng Marso,
Akin pang naalala pagbisita sayo,
Sa inyong tahana't mapayapang baryo,
Nagmano pa ako sa ama't ina mo.

Ibig kong ang lahat ay di na magtapos,
Masasayang araw nating lumalagos
Sa isip, sa puso't maging sa malamyos,
Na kantahi't tulang aking inihandog.

Ngunit, nang lumipas ang ika-limang araw
mula nang makita't sa inyo'y madalaw
ay isang mensahe ang lubhang gumunaw
sa aking damdami't marahang tumunaw.

Animo'y balaraw yaong tumatama,
Nang ang mensahe mo ay aking nabasa;
Gusto kong umiyak, gusto kong magwala,
Ngunit, anong saysay gayung wala na nga?

Kung isaulan ko itong aking luha,
Masasayang lama't walang mapapala;
Kaya't kahit ibig, ako ay tumawa,
Wag lamang masadlak yaong pagdurusa.

Kung ang kalayaa'y siyang ibig sinta,
At ang saktan ako'y ikaliligaya
Aba'y payag ako't ikaw na bahala,
Basta lang ang akin ika'y liligaya.

Kay sakit isiping tayo ay hindi na,
Ngunit, kung ito man ang itinadhana,
Aba'y pag-ibig ko't pag-ibig mo sinta,
Di makakahadlang sa ibig sumila.

Mahal ko paalam sa ating pag-ibig,
Mahal ko paalam, kahit na masakit;
Mga alaala'y huwag ng ibalik,
Burahin ng lahat sa puso at isip.


~WAKAS~
Ang tulang ito ay handog ko para kay Devina Mindaña.
Stephanie Aug 2018
Para sa Pusong Iniwan
: A Spoken Word Poetry by Stephanie Dela Cruz

Umuulan na naman pala
Basa na naman ang kalsada
Malamig na naman ang dampi ng hanging nagmumula sa bukas na bintana
Gabi na rin pala, nalipasan na nang gutom,
Nakapatay ang ilaw sa kwarto, pero maya’t mayang binibisita ng liwanag ng kidlat
ang malungkot na gabi
Ang hirap pala ngumiti kung may luhang dumadampi sa mga pisngi
Nakakatawa kasi eh. Buti pa ang kidlat bumibisita
Buti pa ang kidlat, may hatid na liwanag, tapos yayakapin ka ng kakaibang lamig ng haplos ng hanging dala nito
Mabuti pa ang ulan, bumubuhos na parang malayang-malaya
Bumubuhos kasama ng mga luha
Bumubuhos kasama ng mga sakit na iniwan
Bumubuhos kasabay ng pagluha ng pusong iniwan.

Umaga na naman pala
Buti nalang nagising ng maaga
Haharap sa mesa, at kagaya ng nakasanayan, magtitimpla ng mainit na kape
Tatangkaing gisingin ang diwa, susubukang palitan ng init ang hatid na lamig ng gabi
Iba talaga ‘pag hinahatid ka ng sariling paghikbi sa kapayapaan ng mundo ng mga panaginip
Doon kung saan walang sakit, yung bang walang imposible
Heto na naman, panibagong araw
Araw-araw kong nasisilayan ang sigla ng sikat ng araw pero bakit dama pa rin yung dilim kinagabihan
Hindi pa rin matanaw ang liwanag
Tinangay mo kasi
Sinama mo sa pag-alis
Bakit naman kasi ang bilis? Hindi man lang ako nakapagpaalam

Tanghali na pala
Oras na ng kain.
At tulad ng dati, inaaya pa rin nila ko kumain
At tulad ng dati, tumatanggi pa rin
Kasi alam ko pupuntahan mo ko tapos sabay tayong kakain
Dun sa dati, sa paborito natin
Tanghalian na pala
Pero imbis na sa pagkain ay sa telepono ako nakatingin
Hindi man aminin pero sa loob loob ko’y naghihintay pa rin
Para sa iyong “kumain ka na ba?” o “Puntahan kita, kain tayo”
Hingang malalim, yung may kasamang matinding damdamin

Ilang tanghalian pa at malilimutan rin kita

Malilimutan ko rin yung ningning sa’yong mga mata kapag kausap kita
Yung mga biro **** corny pero tatawanan ko pa rin kasi habang binabanggit mo yun, natutuwa  ako
Natutuwa ako na kasama kita
Natutuwa ako na kausap kita
Natutuwa ako kasi akin ka
Natutuwa ako kasi ang cute mo, para kang batang masayahin
Natutuwa ako kasi magkasama tayo
Natutuwa ako kasi solo natin ang bawat sandali
Natutuwa ako kasi ikaw yan at mahal kita

Yun. Tumpak! Mahal pa rin kita.


Matagal na rin pala.
At hindi na tulad ng dati
Memoryado ko na lahat ng pasikot-sikot ng pagkatao mo
Ginawa kasi kitang mundo ko
Mahirap.
Masakit.
At para lang malaman mo, hindi kita kinabisado na tila mga salita sa paborito nating kanta para lang limutin
Mahirap.
Masakit.
Hindi naman kasi kita ginawang mundo para lang lisanin
Pero hindi naman talaga kita nilisan, mahal.
Ikaw yung nang-iwan
Ikaw yung sumuko
Ikaw yung bumitaw
At matagal na rin pala
Nung sinabi mo sakin na “Malaya ka na” alalang-ala ko pa. Yun yung panahon kung kalian ayaw kong lumaya. Ayaw kong lumaya sa pag-ibig mo. Gusto ko masintensyahan ng habang-buhay na pagkakulong dyan sa puso mo, sa buhay mo.

Pinilit ko kumapit pero kinalagan mo ako, pangako, pinilit ko pero pinalaya mo ako

Matagal na rin pala
Mahirap pa rin.
Masakit pa rin.
Ako nalang ang hinihintay. Siguro’y panahon na.
Para sarili ko naman yung palayain ko
Hindi naman siguro kailangang pilitin
Hindi naman kasi ganoon kadaling kalimutan ang isang taong naging parte na rin ng pagkatao ko
Pero para sa ikalalaya ng pusong iniwan
Para sa ikagagaling ng pusong lubos na nasaktan
Sisimulan ko na…..                makalimot.

Pero teka…


Umuulan na naman pala.
Wag naman sana pero ayan na, papatak na naman pala


Maaalala na naman kita.
I just have every pain and smiles enough to write this piece, not necessarily the experiences. Perhaps, with all my heart
Lynne Pingoy Aug 2015
Sa loob ng sampung buwan
marami mang pagsubok ang pinagdaanan
nguni wala pa ring atrasan
marami na rin ang pinagsamahan
at naging magkakaibigan.

Isang grupo ng kabataan,
na nagkaroon ng isang magangdang samahan.
Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya:
kaya nila itong pagtagumpayan.

Isang grupo ng kabataan
na kung minsan ay may alitan
pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan
at tuloy na ulit ang kasiyahan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay
isang **** ang na aming tagapatnubay
na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay.
**** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay.

Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan.
Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming ****, na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo.
Salamat po sa inyo mahal naming ****.

Salamat mo sa iyo mahal naming ****, ng dahil sa inyo kami ay natuto.
Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo.
Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto.
Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
For Ms. Bb. Palac :D tagal na ng tula na ito :D
III-Beryllium
CRESTINE CUERPO Aug 2017
Boom!  Pagsabog!
Na sa aking dibdib ay kumabog!
Ang isip at kaluluwa ko'y nabubulabog!
Ito nga ba'y himig ng kapayapaan o himig ng digmaan?

Isa akong musmos na batang---- naninirahan sa isang bayan,
Dito ako lumaki at nagkaroon ng pangalan,
Bayang Marawi ang lupang aking sinilangan,
Isang bayang tanyag sa kaunlaran,
Ngunit ngayo'y nagiging usap-usapan sa t.v, radyo at maging sa pahayagan.

Hindi ko malilimutan ang gabing nagdaan,
Gabi!--- ng ika-23 ng Mayo ang nagpinta sa aking pusong sugatan,
Isa ako sa mga nawalan ng magulang,
at saksi sa karahasan na walang katapusan,
Hudyat ng pagguho ng pag-asang aking pinanghahawakan.

at habang aking pinagmamasdan,
Isa-isang nabubulagta at dugu-an,
Ang aking mga kamag-anak at kaibigan,
at sila'y.....wala na----- wala ng malay at nakahandusay.

Wala akong magawa kundi ang tumakbo ng tumakbo,
kumarepas ako ng takbo.....ng isang napakabilis na takbo.... nanginginig sa takot...pagod na pagod...  humihingal....
Iyak ng iyak at nagsusumamo
at habang ako'y papalayo ng papalayo--------
Naisip ko:
      "Saan ako patutungo?"
       "Sa mga pangyayaring ito sino          
         ang namumuno?"
         Sila ba'y mga Muslim o
         Kristiyano?"
        Ngunit maging sino man sila----
        Sila'y hindi santo na may pusong
        bato,
        Dahil sila'y pumapatay ng kahit
        na sino,
        at ito'y hindi makatarungan at
        makatao.

       Ang sakit....Oo ang saklap...ang
       bayan na naghahatid ng
       kaunlaran,
       Ngayon ay nabubura at nag-iiwan
       ng isang malagim na ala-ala,
      Nagsisilbing aral sa tuwina at          
      nagpa-paalala,
      Na kinakailangan ng isang may      
      malinis na adhikain at tapat sa
       tungkulin ang namamahala.

    Ano nga ba ang hatid ng kaguluhang ito?
Kaginhawaan o Kahirapan?
Kabuhayan o Kamatayan?

Ang katotohanang ito'y--------
Isang malagim na karimlan!
Pagluha para sa aming mga kabataan,
Crestine Cuerpo
at pagmamaka-awa para sa darating naming kinabukasan,

Oo.....masakit ang mawalan,
Ngunit kailangan kong maging matapang,
Dahil ako'y isang Pilipinong handang lumaban,
Kaya't sigaw ko Pagbabago! Katarungan!

Sa mga kinauukulan:
   Nasaan? Nasaan? ang inyong pagmamalasakit sa kapwa at sa bayan?
Kung sa isip at puso niyo'y  para lamang sa pera at kapangyarihan?


Kapatid... Kapuso.... Kabarkada....  at Kapamilya.......
Gumising ka ang lahat ay may-----hangganan.
Gwen Pimentel May 2015
Putang inang pakshet gago putangina mo tarantado x2
Kinakanta ko 'to tuwing nagagawa ng isip kong paglaruan ang mga alaala kong ang nilalaman ay ikaw
Ikaw lang naman talaga eh, dati, ngayon, at bukas, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng pipi kong puso
Ikaw ang tanging Nakikita ng aking mga matang bulag
Ikaw ang tinig na naririnig ng bingi kong tainga
Ikaw ang nakapapasok sa maliliit na eskinitang daan papunta sa aking puso
Ikaw lamang ang may kakayahang baguhin ang daloy ng ilog ng aking dugo upang masundan ka

Ikaw
Ikaw pa rin ang pipiliin
Kahit ilang beses mo akong saktan
Kahit ilang beses mo akong saksakin gamit ang bubog ng aking nabasag na puso
Kahit na mawalan ng boses kasisigaw ng iyong pangalan
Kahit ilang babae pa ang pinagkukwento mo sakin at ang pakiramdam ng bawat kuwento ay tila baril na tumatagos sa aking puso
Dahil pagkatapos mo akong saktan nagpapakatatag lang naman ako upang masaktan mo muli

Ikaw
Na minsan kong tinawag na mahal, babe, pangga, bebe luvs,
Ay matatawag ko na ngayon na
Tanga, ulol, manhid, pangit, hampas lupa, haliparot, lintek, demonyo, leche, gago, tarantado,kulelat, hayop, sira ulo, walang hiya, bakulaw
Iilan lang to sa mga katagang binigay ko sayo
Sa pag-asang malilimutan ng puso ko kung gaano kita minahal
Pero wala
Nag-aalumpihit na ang sikmura kong pinipilit ilabas ang lahat ng mga parte **** linunok ko hanggang sa wala nang maiwang bakas na minahal nga kita
Nag-aalinlangan ang isip ko, kung itatapon ko na ba ang ating mga alaala o itatago lamang upang mabalik-balikan kapag nalulumbay

Siguro ikaw si Kuya Kim, diba ang buhay ay weather weather lang?
Kasi nagdala ka ng bagyo sa aking mga mata na naging landslide pababa ng aking pisngi
Nagdala ka ng lindol na ang epicenter ay sa puso ko at nabulabog ang buong mundo ko, at ang puso’y nawasak
Nagdala ka ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako
Nagdala ka ng tsunami sa aking isipan at binura mo ang lahat kaya’t ikaw nalang ang laging isip

Ikaw
Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin
Oo
Ako na yung tangang nagmahal pa rin sayo
Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin
Ako na ang sumalo sa lahat ng bubog ng iyong puso, sa lahat ng luhang iyong iniyak
Ako na ang trainer wheels sa iyong bike, sabi mo di mo na ko kailangan pero gusto kong naroon pa rin ako upang masigurong hindi ka masasaktan
Ako na ang bandaid sa bawat sugat na iniiwan ng mga babaeng minahal mo, mga halik sa sugat pinapatigil ang dugo
Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil
Ako na yung stik-o sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo
Ako na ang babaeng umaasa sayo na parang naghihintay ng ulan sa tagtuyot
Bakit ba hindi nalang ako

Ito ang tanong ko sayo, ako nga ba ang talagang tanga rito? Di ba ikaw rin?
Bago ka maghabol nanaman ng isa pang babae, kuya tingin tingin naman diyan sa paligid
Baka nasa harap mo lang, ang babaeng matagal nang hinahanap
ikaw filipino tagalog hugot nanaman potek saklap sakit pagibig love
Desirinne Mar 2017
Noong una kitang makita
Ako'y napa tulala't napanganga
Sa kagandahan ng loob mo ako napahanga
Na sabi sa sarili ko'y ikaw na nga

Di malilimutan ang iyong magandang ngiti
Pag ika'y nasa palgid, ako'y di mapakali
Nangininig ang tuhod na para bang naiihi
Nama! Ako sayo's nabighani

Lunkgot sa buhay aking nadarama
Sa tuwing hindi kita nakikita
At kung sa panaginip ay kasama ka
Sana nga, hindi na muling magising pa

Pinapanalangin na sa muling pagkikita
Makasap at makasama ka
Nawa'y wag sanang umatras ang dila
Para'y masabit matatamis na salita

Pinitg ng puso ko'y nag iba
Pana ni kupido saki'y tumama
Paghanga sayo'y di na matakasan pa
Dahil CRUSH KITA, ALAM MO BA!!
ALORA
3-13-17
inggo Jul 2015
Para sayo ito
Bago matapos ang kaarawan ko
Ikaw lang minahal ko ng todo todo
Ikaw lang ang nagiisa sa puso ko

Mahal kita kahit na sino ka pa
Kahit masungit ang mga mata
Kahit matalas pa ang iyong mga dila
Kahit sinasabi kong ikaw ay mataba

Hinding hindi ko malilimutan
Mga masasayang ala ala na ating pinagsamahan
Akala natin ay walang hanggan
Ngunit ngayon ay nasaan?

Huli na ang lahat para ikaw ay bawiin
Ako ay hindi mo na mapapansin
Pagkat sayo ay may iba ng umaangkin
Ayoko ng umasa na babalik ka pa sakin

Huwag **** kalimutan na nandito pa din ako
Bilang kaibigan na dadamay sayo
Sanay maging masaya ka sa susunod na kabanata
Maraming salamat, mahal na mahal kita.
G A Lopez Mar 2020
Walang nagtatagal sa mundo
Sapagkat hamak lamang ang mga tao
Lahat ay dumaraan sa pagiging bata
Hanggang sa maging kulubot na ang mga mukha
Hinang hina na ang katawan at hindi na makapagsalita.
Sa edad na walumpu't dalawa,
Kinuha na ng Panginoon ang iyong lakas at kaluluwa.

Ang pagmamahal mo sa aming mga apo
Higit pa sa pagmamahal na naibigay namin sa iyo.
Walang makakatumbas sa mga sakripisyo mo
Dahil inuuna mo ang kapakanan ng iba.
Hindi ka nagsasawa na mahalin kaming iyong pamilya
Ikaw ay mabuting kapatid, asawa at ama
Hindi ka malilimutan ni Lola.

Hilam na ang mga mata sa pag-iyak
Habang nasisilayan kang nakahiga
Hindi na sa kama kundi sa kabaong na parihaba
Na nakapikit ang mga mata.
Kasabay ng pagpanaw ng iyong alagang pusa
Ang siya namang iyong pagkawala.

Mga larawan mo'y hindi itatapon
Bitbit pa rin ang alaala na iniwan ng kahapon.
Taon lamang ang lumilipas
Ngunit ang mga alaala mo'y hindi kumukupas
Sa iyo'y walang maipintas.
Kailangan pa ring tanggapin
Na nasa piling ka na ng Panginoon natin.
It's been 6 years since you died Lolo but you're still in our hearts.
PLAGIARISM IS A CRIME
A Tango Mar 2017
Ang alak na ito ang magiging dahilan
kung paano kita malilimutan,
kahit sandali.
Sa alak na ito
ibubuhos ko ang bawat luha
na hindi ko na maiiyak.

Naalala ko pa
kung paano naglapat
ang mga labi natin sa isa’t isa.
Tulad ng kung pa'no
dumampi ang labi ko
sa bibig ng boteng hawak ko ngayon.
Bawat halik ay mapait
ngunit 'di kasing pait ng beer
na madalas kong inumin.

"Isa pang bote diyan!"
Meron pa bang mas malamig
sa pagtrato mo sa'kin?

Lasing na ako.
Lango na ako
sa pagmamahal ko sayo.
Nilunod ko na ang sarili sa alak,
ngunit ang puso ko
ay parang walang balak
na bumitaw sa'yo.
George Andres Jan 2017
kailan ba nabuhay ang mga manunulat?

sa lahat pagkakataon, kumukuha lang sila ng materyal, ng inspirasyon, ng hangin sa baga ng apoy.

kung iniisip **** ibinigay na nila ang lahat sa'yo, pakaisipin mo ring marami silang nakuha mula sa'yo: ang alon ng buhok mo, ang tsokolate **** mata, pantay na mga ngipin, nakakaakit **** ngiti

ngunit higit sa lahat nang 'yon, ikaw pa rin ang talo, bakit?
dahil minahal ka nila upang iguhit nang tulad nang sa mga pintor: delikado, misteryoso at orihinal.

kahit pa ilang tauhan na ang nagdaan, makikita mo ang pagkakaiba ng oras, panahon at lugar; pagkapusyaw at pagkalamlam, katingkaran o putla ng kulay mo sa tuwing magkahawak kayo ng kamay.

ikaw ang talo, dahil kahit sinong gagawa ng sariling istorya, ikaw; na tinutukoy niya ay ang laging kontrabida. 'hanggat hindi natututong magsulat ang leon, palaging papupurihan ng mga istorya ang mandirigma.'
ikaw ang nang-iwan, unang nilapitan, unang bumitaw sa magpakailanman,
ang hindi lumingon

sa bawat pagtawag sa pangalan **** kirot na ngayon ang katumbas
para bang kalamansing piniga sa sugat na kailanma'y di naghilom at naglaho.
pero sa panahong bumakat na sa papiro ang mga letra, hindi na lamang siya ang luluha sa pagkawala mo, ni maiihi sa kwentong una kayong nagkatagpo

kailan ba nagkaroon ng pagkakataong inisip lamang ng manunulat ang ngayon at hindi ang bukas na isusulat niya ang mga nangyari nang araw na 'yon?

ang unang beses mo siyang halikan sa pisngi, ang panay na pagdantay mo sa kanyang balikat at pagkahawak sa kanyang braso?

kailan ba niya malilimutan at ilang beses pa niyang pauulit-ulitin ang gunita ng pagpatak ng mga luha mo sa harapan niya nang walang dahilan kundi dahil masaya kang kasama siya?

kailan ba nabuhay ang isang eskribo?

sa simula pa lamang ng panahon, kasiping niya gabi-gabi ay ang tinta ng pluma at papel sa harap ng init ng gasera at nagbabagang puso.

mamahalin ka niya gamit ang buhay na mga salita
papatayin ka niya hangga't di ka na makaahon sa lalim ng bangin kung saan inimbak ang pagtingin niya sa'yo
nabuhay siya nang dumating ka
nang mga panahong ang mga oras ng kabataan ay itinatapon na, ikaw ang naging gasolina
upang magliyab siya
oo ikaw na irog niya

nabuhay siya upang buhayin ka magpakailanman
PoemsFor....
1916
Nang ako'y napatingala sa mga tala
ang naalala ko'y si Bathala
kaya nama'y humingi nalang ako ng gabay
para sa aking napipintong paglalakbay

malayo man ang paroroonan
alam kong ika'y hindi malilimutan
saan man ako magpunta
ikaw pari'y makikita

sa aking mga mata'y
ikaw ang nasasalamin sa twina'y
ako'y magagalak
hanggang sa aking pag halakhak

gaano man kalayo
tayo ri'y muling magkakatagpo
hindi man bukas o sa makalawa
alam ko'y makikita ko rin ang iyong tawa

ani nga nila'y
magkalayo man, magkaibigan pa ring tunay
alam kong di ka bibitaw
dahil yan ang lagi kong hiling sa bulalakaw

paalam, sa ngayon
ang ating muling pagkikita'y sa Mayon
dahil pagdating ng panahong iyon
alam kong sa tuktok na tayo naroroon
kahit di halata... Oo mamimiss ko kayo... naniniwala pa din ako sa forever kahit bitter kayo HAHAHAH #ION5EVER ♡ ♡ ♡
Bryant Arinos Aug 2017
Tandang-tanda ko pa

Makakalimutin ako pero tanda ko pa rin ang mga dumaang araw
Mga panahong ang bawat salita mo bumubuo ng akin araw,
Bawat katinig sa aking balat humahaplos,
Bawat patinig sa balahibo ko dumadausdos.

Hinding hindi ko malilimutan, tunog ng boses **** kay lambing
Nang sinabi mo sa’kin na ako’y gusto mo rin.
Makakalimutin ako pero natatandaan ko lahat ng sinabi mo,
Nung panahong ginantihan mo ko ng salitang “ikaw lang rin ang mahal ko"

Hinding hindi ko malilimutan kung papaano tayo magtinginan
Kung paano tayo naghahati sa mga pagkaing nakahain sa ating harapan.
Kung kelan tayo sabay humahalakhak at parang lunod sa kapit ng alak
At kung papaano tayo magtinginan sa tuwing tayo’y magkaharapan.

Hinding hindi ko malilimutan ang mga panahong kamay nati’y naglapat
Nag salit-salit bawat daliri, nagsasabing habang buhay tayong magiging tapat.
Yung higpit ng bawat kapit sa balikat na tila ayaw malayo
At siyempre ang panahon na una tayong nagtagpo.

Hirap talaga akong makaalala ng mga bagay na nangyayari,
Kilala mo naman ako, likas na makakalimutin.
Kaya nga di ko lubos maisip na kahit hirap akong makaalala.
Hinding Hindi ko pa rin malimutan, ang mga luma nating ala-ala.
madrid Oct 2015
Para sa ulap na di ko maabot
Para sa pasang di magamot-gamot
Para sa halik na di malilimutan
Para sa akalang hanggang akala nalang

Para sa ibong di makalipad
Para sa pangarap na di ko matupad
Para sa bukas na di ko na masilayan
Para sa ating hanggang ikaw at ako nalang

Para sa bagyong di matapos-tapos
Para sa hawak na nagmumukhang gapos
Para sa panaginip na di ko mabitawan
Para sa sanang hanggang sana nalang
This one's for you.
Candice Mar 2016
nagsimula sa simpleng kamustahan,
nagkakilala't nagkamabutihan,
'di inakalang lalalim,
ang pag-iibigang akala'y tunay.

dumaan ang ilang araw,
umaga, tanghali at gabi,
ikaw ang tanging kausap,
laging sa isip kahit 'di man matanaw.

habang tumatagal ay,
palalim ng palalim ang nadarama,
puso ko'y patay na patay,
sa'yong pagkataong ubod ng ganda.

ngunit sa isang iglap,
wala pang dalawang kurap,
ako'y iyong nilisan,
at 'di na binalikan.

'yun pala ikaw ay,
may iniirog nang kay tagal,
'di mawari ang nadama,
ako'y tila nasaktan.

akala ko ay ika'y akin,
'pagkat ako'y paga-ari mo,
akala'y parehas ng nadarama,
'yun pala'y nagkamali lamang ako.

kailan kaya kita malilimutan,
at 'di na iisipin pa,
inalay na pagmamahal,
akala'y masusuklian na.
Tagalog poem.
Lumaki ako na kinukwentuhan ng aking inay bago ako tumungo sa panaginip ko tuwing gabi.
Kinakantahan niya ako ng mga oyayi’t hele. Hinding hindi ko malilimutan ang mga gabing iyon.
Hindi lang ang tugtog ng awitin ng kanta niya ang pinakinggan ko, pati na rin ang pintig.
Pintig ng tibok ng puso naming mag ina na onti onting nagtutugma sa tugtog ng kanta na inawit naming dalawa.
At tuwing magsisimula ang awit, ako’y sumasabay… A-Ba-Ka-Da…
Ngunit hanggang ngayon, hanggang Da lang ang aking natandaan. Ang aking inay ay may katawa-tawang paraan ng pagkanta ng awiting ito. Matatapos siya sa Da, ipagpapatuloy sa Du at magsisimula ulit sa A at sasabihing “aking anak hindi kita sinukuan.” “A-Ba-Ka-Da-Du-A-Ba-… aking anak hindi kita sinukuan.” Hindi ko naunawaan ang kantahing ito at hindi ko inisip na unawain. Isang gabi, kumuha siya ng pluma at papel. Sumulat siya ngunit hindi ko ito nabasa. Ibinilin niya saakin na basahin ito sa tamang panahon. Hindi ko ito naintindihan pero talagang naghintay ako para sa sinasabi niyang panahon. Ilang taon ang lumipas, ngayon, ako’y nakaharap sa kanya(sa puntod niya), hawak ang papel na sinulatan niya noong ako’y munting musmos pa. Nakatingin ako sakanya, hinihiling kay Bathala na maibabalik ko ang mga taon na lumipas.
Isa. Dalawa. Tatlo. Onti-onting tumulo ang aking mga luha.
Umawit ako ng mahinhin… A… Ba… Ka… Da…Du… A… Ba… Aking inay, kailanma’y di kita sinukuan…
Ito na siguro ang tamang panahong ihinahayag ng aking mahal na ina. Binuksan ko ang papel na kanyang sinulatan. At saaking pagbuklat, ako’y nagulat at natulala. Mayroong labing apat lamang na salitang nakasulat dito. “Ang BAlakid ay KAkalat at DAdating. DUmating Ang BAlakid, aking anak hindi kita sinukuan.” Ngayon ay naunawaan ko na ang ipinararating ng aking inay. Gusto ko siyang kausapin sa huling pagkakataon para sabihin na salamat. Salamat sakanya kasi kahit na DUmating ang mga balakid ay tinuruan niya akong lumaban. Kaya ngayon, handa na ako sa mga DAdating na pagsubok dahil alam kong nasa tabi ko lamang siya.
The language used is filipino.
Pearly Whites Apr 2013
Kaibigan,
Huwag mag-alala.
Hindi kita malilimutan,
kahit limutin mo ako.*

Friend,
I won't forget you,
even if you forget me.
The English translation lacks sentiment because of the 10 word limit--the second line in Filipino reads: "Worry not." Also, I'm not satisfied with translating "kaibigan" as friend. The Filipino word for friend is closely related to "pag-ibig" which means love, so I would've rather translated it as "beloved friend" or something intimate like that.

This is too simple, I know. It's just something I've felt lately because of friends leaving.
StrayRant Jul 2017
Iiwan kita hindi dahil meron na akong iba.
Iiwan kita dahil gusto ko nang lumaya.
Iiwan kita hindi dahil ayoko na kitang makita.
Iiwan kita dahil ayoko nang pagmasdan ang mga luhang
nangingilid sa iyong mga mata.
Hindi ko na kaya!

Ang makita kang lugmok at naghihimutok sa lungkot.
Ito’y nagdudulot sa puso ko ng kirot.

Tama na! Tama na! Tama na!
Tahan na aking sinta.
Ako sana’y unawain.
Napakabilis ng mga pangyayari.
Hindi ko alam ang hiwaga mayroon ka.
At iyong nasungkit ang matamis kong oo.

Mabilis. Napakabilis. Sadyang kaybilis.
Heto ako ngayo’t litong-lito.
Sana’y hindi nagmadali.
Sana’y natutong maghintay.
Sana’y walang taong nadamay.

Oo. Sa tinagal ng ating pagsasama,
Ngayon ko lang napagsama-sama.
Ang mga himutok ng aking saloobin.
Ako’y naging mapusok at ngayo’y naghihimutok.
Sana’y walang inaalala.
Sana’y hindi kinokonsensya.

Sa tingin ko ay ito ang tama,
Ang ika’y iwanan ng ika’y mabuhay.
Hindi ko batid ang sakit na iyong nararanasan.
Aking irog, ako man di’y nahihirapan.

Ang higpit ng iyong pagkakahawak,
Siyang sumasakal sa akin tuwina.

Iiwanan kita dahil ayoko na.
Oo! Ayoko na!
Tatapatin kita aking sinta,
Hindi ko na kaya!
Hindi na ako masaya.

Sa pag-inog ng mundo ako’y unti-unting nawawala.
Nawawala sa sarili.
Nawawala sa landas na aking dapat tahakin.

Sadyang kay mura pa ng aking edad
Upang sumuong sa ganitong realidad.
Nadala lang marahil ng matinding emosyon.
Sa tagal ng ating pinagsamahan aking napagtanto,
Hindi ikaw ang saki’y siyang nakalaan.

Tayo’y pinagtagpo upang matutunan ang isang leksyon.
Hindi para sa iyo ngunit para sa akin.
Aking kaibigan ako sana’y patawarin.
Hindi ko sadyang puso mo ay wasakin.

Ang hirap! Napakahirap!

Sa dalawang taong ating pinagsamahan,
Hindi kita malilimutan.
Aking pagsusumamo na sana’y
Paglipas ng panahon ay iyong matagpuan
Ang taong magmamahal sa iyo ng lubusan.
At hindi ipaparanas ang pait ng kahapong ating pinagdaanan.

Iiwanan kita dahil alam kong kaya mo na na ako’y wala na.
Iiwanan kita dahil nais kong iyong ipagpatuloy ang iyong buhay.
At nang matupad ang iyong mga plano para sa iyong pamilya.

Sinta alam kong ito’y sadyang masakit.
At sa pagtatapos nitong aking talata.
Nawa’y iyong ibigay ang aking kahilingan.
Sinta, ako sana’y palayain mo na.

Iniwan kita hindi dahil ayoko na.
Iniwan kita dahil mahal kita.
Sadyang ang lubos na pagmamahal na nararapat sayo
ay hindi mo matatamo sa akin bagkus ito’y iyong
matatamasa sa piling ng iba.
Chi Jul 2017
Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon
Nagbabakasakaling malilimutan ka rin
Ginawa na ang tamang desisyon
Na sarili naman ang bibigyan ng pansin

Sinusubukang kalimutan ang mga alaala
Na magpapabalik ng aking dadamdamin
Idinilat ko na ang aking mga mata
Sa mga bagay na maari kong sapitin

Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama
Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata
Sinubukan ko
At pilit na sinusubukan

Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan
Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala
Lugar na aking kinamumuhian
Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat

Mahal, hihintayin kita
Hihintayin ko ang pagbabalik mo
Hihintayin ko kahit imposible naman ito
Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako
Maghihintay ako

Ngunit mahal, hindi ko maipapangako
Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod
Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako
Dahil mahal, tao din ako

Gusto ko din na pahalagahan ako
Gusto kong mahalin ako
Yun nga lang gusto ko galing sayo
Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo

Kaya mahal, maghihintay ako
Habang minamahal ko ang sarili ko
Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa
Sana mahal, maintindihan mo
Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo
isang hawak na di ginusto
nagsimula sa panghihipo
pag iisip mo'y kasing dumi
ng burak sa estero
nalilito natutuliro
magsasalita ba ako?
kapangyarihan mo'y inabuso
ginamit para bumango ang pangalan mo
para maitago mo ang halimaw na nagbigay ng lamat sa buhay ko.

Isang gabi! isang gabi lang!
nadurog ang pagkatao ko.
kinulong mo sa madilim na nakaraan tulad ng pagkulong mo  sa akin
sa madilim at maliit na kwartong iyon
mabilis ang pintig
naririnig bawat kabog ng dibdib
paralisa ang katawan
di makasigaw
tulong! tulong! mga salitang tila naipit
sa aking lalamunan.

halik na di ko ginusto
yakap na di ko hiniling sayo
mga hawak sa aking katawan
nandidiri ako sayo
seksuwal na panghahalay
di ko nararapat pagdaanan

lamat na di malilimutan
lamat na mananatiling parte ng nakaraan
di mo na ko maapektuhan
ang lamat na bigay mo
ang aapakan ko
ang magiging boses ko

para maparating ang mensaheng ito

walang sinuman ang dapat makaranas nito!
walang sinuman ang dapat mabuhay ng may takot mangyari ulit sa kanila ito.
walang babae ang mahahalay base sa kanilang pananamit, kilos o pananalita.

ang lamat na bigay mo,
andito man ito
pero di na ito hadlang
sa muling pag ahon ko.
Denise Sinahon May 2020
Panibagong tula nanaman
Panibagong eksena sa aking buhay ay iyong masasaksihan
Handa ka na bang mabasa kung paano ako nasaktan?
Ng mga salitang binitawan ng taong aking pinapahalagan

Nagsimula ito nung panahon na ako ay iyong pinangakuan
Ndi ko inaasahan na magkakaroon ito ng epekto sa aking katauhan
Katauhan na aking binuo at iniingatan
Ngunit masisira ulit ng dahil sa mga pangakong nag wakas ng dahil sa mga pangyayaring di inaasahan

Akala ko iba ka sa mga taong sa akin ay ng iwan
Ang hindi ko alam isa ka rin plang martilyo na lahat ng pangako ay napapako lamang
Pinaramdam mo saakin ang saya na tumatak sa aking isipan
Ngunit nag iwan din ng sakit na hinding hindi ko malilimutan

Nakabangon ako dahil naging matatag ako
kinaya kong labanan ang sakit na iniwan mo
Kahit na binalik mo ang isang bagay na matagal ko ng gustong itago
Sinira mo nanaman ang pagtitiwala ko sa mga taong nasa paligid ko

Pero salamat pa rin sayo
Kahit na ganito ang nangyari sa buhay ko
May aral kang iniwan sa kokote ko
At yun ay wag magtiwala kung kani kanino

Ndi sapat ang tagal ng pagkakakilala
Para mapatunayan na ndi ka iiwan bigla
Dahil pag may nahanap ng iba Na nagpapasaya  sakanya ng sobra
Makakalimutan nia ang taong nasa tabi nia sa tuwing siya ay may problema

Maaring ndi naging sapat ang effort na pinakita mo
Para sakanya na ndi marunong makuntento
At naghahangad pa ng mas matinding lambing at pag suyo
Kaya wag **** sisihin ang sarili mo,wala kang kasalanan sa mga ito

Laging tatandaan at wag na wag kakalimutan
Ang taong marunong makuntento sa kanyang naiibigan
Ay nagmamahal ng purong katotohanan
Hindi ko sinasabing ikaw ay aking nagustuhan

Wag umasa at baka masaktan
Pero ako ay aminado na muntikan
Muntikan na akong mahulog sa isang taong torpe at gago
At easy to get ang gusto

Ayaw mo ng make up at kung ano anong pampaganda
Pero ung jowa mo muka ng pabrika ng harina
Sa sobrang puti ng kanyang pagmumukha
Nakakatawang isipin na ndi mo napanindigan ang binitawan **** salita

Maraming pagbabago
Ung taong nakasanayan ko
Ngayon wala na sa piling ko
May iba ng babaeng gusto

Pero masaya ako sa buhay ko
Dahil may mga taong nandyan para damayan ako
Intindihin ung ugaling minsan walang sinasanto
At ung pag iisip na ndi maiintindihan ng kung sino sino

Naguguluhan ako ngayon
Pero ndi ako pinapabayaan ng bakasyon
Binibigyan niya ako ng mga bagay na maaring pagbalingan ng aking atensyon
At andyan ang tropa handang makinig sa aking drama at orasyon

May isang mahalagang taong sakin nag sabi
Mahalagang matutunan ang pagmamahal sa sarili
Upang maging puro at totoo ang pagmamahal mo sa iba
At maging buong pagmamahal ang maibibigay mo saiyong sinisinta

Sa bawat tao na sa atin ay nang iiwan
Wag mawalan ng pag asa dahil sila ay lumisan
Maaring sila ay nag iwan ng isang aral na dapat tandaan
At sa hinaharap ay magamit sa mga mararanasan
Ang tulang ito ay maaring kapulutan ng mga aral na magagamit mo sa mga panahong ikaw ay makakaranas ng sakit at pighati na dulot ng pang iiwan sayo ng isang taong pinagkatiwalaan at minahal mo
Sadyang puno ng kabalintunaan ang mundo. Sa isang lugar na tinaguriang tirahan ng mga patay, sinong mag-aakalang doon rin nakatira ang mga buhay? Nagsimula ang aking malungkot na karanasan nang matanggal sa trabaho ang aking ama at pinaalis kami sa aming bahay. Kaya't naisipan ng aking mga magulang na manuluyan sa kanyang kumare na naninirahan sa North Cemetery. Hindi naging madali ang manirahan sa sementeryo. Sa gabi, walang ilaw. Umaasa lamang kami sa mga poste ng ilaw sa parke. Walang malinis na tubig at kailangan pa naming mag-igib sa malayo. Hindi ko magawa ang mga gusto ko. Bukod sa iniisip kong wala kaming matinong bahay. Nariyan pa ang di maintindihang takot at pangamba lalo na't sagana sa kwentong katatakutan ang mga palabas at naririnig ko sa mga tao dito. Naku, saan pa kaya maaaring magkaroon ng multi mundo sa hantungan ng mga patay. Ngi!! Pero sa awa ng Diyos, wala pa akong nakikita. Sa sobrang kahirapan, naranasan namin na hindi kumain ng isang araw o mag-ulam ng asin. Pero malakas pa rin ang pananampalataya ko sa Diyos, sa huli, muling nagkatrabaho ang aking ama at ngayon, nakalipat na kami ng bahay sa labas ng sementeryo. Ngunit hinding-hindi ko malilimutan ang aking karanasan na tumira sa sementeryo. Ito ay alaalang nagsisilbing sandata ko sa kahirapan upang magsikap at maging ganap na pari. Ating pakatandaan saan man tayo ilagak ng Diyos, magulo man o katakot-takot, hinding-hindi niya tayo pababayaan.
Coco Li Jun 2014
Sa sikip at kakapalan
ng iniwang usok,
mga langgam ay
di magkamayaw dito
sa kahabaan ng pila.
Hibik nang hibik nang
pumasok sa kaliwa
at sa kanan ng ika'y
nagaabang at tulala.

Tanda mo ba nang
dito'y nagkabungguan,
nakipagtitigan,
at nagtawanan sa
kawalan ng
ating kalikuran?

Sa hirap ng buhay
sinabi mo ang
iyong naranasan
at nangakong
hindi malilimutan ang
dating pinaggalinan.

Sa paglipas ng
apat na buwan
kahit bulong ay
hindi naaninag.
At ako'y nalinlang
sa pangakong
hinayaan mo na
dito'y matapaktapakan.
Gwen Pimentel Jan 2015
Hoy!
Tanga! Manhid! Pangit!

Mga katagang ibinibigay ko sayo
Sa pag-asang malilimutan ng puso ko
Kung gaano kita minahal
Atheidon Mar 2018
Kaibigan?
Ka-ibigan?
Kai-bigan?

Ano nga ba tayo?

Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig,
Dalawang taong pinili ang isa’t-isa,
Dalawang taong nais maging isa.

Ngunit ano nga ba tayo?

Pinasaya,
Binigyan ng oras,
Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso,
Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan,
Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig.

Kinuha mo ang puso ko,
Pero gusto ko lamang linawin,
Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin.
Pero para bang ginago ako ng tadhana,
Itinakbo mo ang puso ko palayo—
Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon.

Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman,
Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin.
Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan,
Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang.

Totoo nga,
Madaya ang kapalaran.

Nakakatawang isiping
Sa loob ng isang buwan,
Kaya **** mainlove.
Pero, nakakagago din isiping,
Sa loob ng isang buwan,
Kaya ka rin nyang iwanan.

Sa bagay, ano nga ba tayo?
Wala naman, diba?

Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo,
Na marahil pagdating ng panahon,
Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin,
Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan.

Hindi ako yung tipo **** babae,
Hindi ako matalino,
Wala akong political stance,
Hindi ako kagandahan.

Ano nga bang kataka-taka dun?
Walang dapat ikasakit dahil
Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso.

Walang tayo,
Hindi rin tayo magkaibigan.
At lalong hindi magkasintahan.

“Almost”, yun tayo.

Halos
   Halos naging tayo.
   Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo.
   Halos napaniwala mo kong mahal mo ko.
   Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako.
   Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan.
   Halos bigyan mo ko ng oras mo.
   Halos naramdaman kong sincere ka.
   Halos araw-araw kung hanapin kita.
   Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo.
   Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin.

Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman.

Halos.
akda ni: Babelot

Maraming bagay na ang nangyari simula ng gabing yun.
Yung gabing di ko malilimutan, nagsimula sa simpleng usapan.
Nagkapalitan ng koro-koro,nagkaroon ng tawanan.
Hanggang di natin namalayan na inabot na tayo ng umagahan.

Ngayon ito na naman sila unti-unting bumabalik sa aking ala-ala.
Yung araw na una kang nakilala, yung unang larong ikaw ay nakasama
Ang unang tawag sa teleponong ating ginawa.
Ang unang tulang sayo ay nagpasaya.

Yung mga oras na ikaw ay nakasama, ang isa sa pinakamasaya.
Binigyan ng kulay ang buhay na napuno na ng lumbay.
Simula ng makilala ka kayganda ng bawat umaga.
Kaysarap matulog at umasa na lahat magiging ayos na.

Kaya heto na naman ako bumubuo ng isang imahinasyon.
Gumagawa ng kwento na puno ng ilusyon.
Ipipikit ko na lang ang aking mga mata.
Hahayaan dalhin ako sa kadiliman sinta.

Kung saan ikaw at ako ay may nahuhulma.
Kaysarap ng lugar na ito pagkat ikaw ay kasama.
Nandito ka saking tabi, masayang nakahiga sa kama.
Habang ika'y katabi lubos na saya ang nadarama.

Oo dito sa mundo ko, magkahawak ang ating kamay.
Habang sinasabi mo na sakin ay magiging kaagapay.
Nagbibigay enerhiya sakin ang yung mga sinasabi.
Mga problemang kinakaharap ay naisasantabi.

Habang sa mga mata mo ay nakatitig, di maiwasan ang kilig.
Di ko makayang tumitig sa mata **** makapangyarihan.
Dinadala ako sa dimensyon ikaw lang ang tanging naririnig.
Hinihipnotismo ng bawat titig mo ang aking puso at isipan.

Ngunit,

Habang lumalim ang ating koneksyon, ako ay nagising.
Nanumbalik sa realidad, ako ay biglang nalungkot.
Napapaisip sa imahinasyon na lang ba ang lahat.
Sayang, panaginip lang pala.Kaydali ko namang nagising.

Sinta kung sa imahinasyon na lang kita.
Salamat pa din at nagkaroon ng mukha ang babaing sinisinta.
Ang babaing hiniling ko sa MAYKAPAL.
Ang babaing sakin ay nagbalik ng pagmamahal.

Hayaan mo lang akong mahalin kita kahit sobrang sakit.
Hayaan mo lang kahit walang epekto aking pangungulit.
Kung ikaw lang naman ang SAGOT, sa bakit kaysarap umibig.
Aasa ako kahit patuloy na puso ay madurog sa iyong pag-ibig.

Dahil kahit sa dami rami ng rason para sumuko na.
Kahit gaano pa kadami ang dahilan para kalimutan ka.
Puso ay di makayang pigilan na gustuhin ka.
Isipan ay laging bumabalik sa dako na kasama ka.

Alam ng Diyos kung gaano kita kamahal, at ayaw kong mawala ka.
Pero di ko makayang ipaglaban at patunayan yun, kaysakit amining ako'y talo na.
Sana dumating yung araw na pwede na ang pag-ibig nating dalawa.
Ako ay patuloy na aasa sa istorya nating magkakatotoo pa.
madi Apr 2018
Matagal na kitang gusto
Hindi ko lang masabi-sabi sayo
Kasi baka iwasan mo ako
O baka sabihin mo "hindi kita gusto"

Ilang beses kong sinubukang aminin sayo
Pero inuunahan ako ng takot ko
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko itatago
Baka isang taon pa palilipasin ko o bahala na nga lang ako

Pero isang araw nagkaroon ako ng lakas ng loob
Sabi ko sa sarili ko aaminin ko na sayo
Naghanda ako,
Papalapit na sana ako sayo...

Kaso, nakita ko
May kasama kang isang babae
Maganda siya oo
Walang wala ako

Hindi ko sinasadyang marinig yung sinabi mo
Pero isa lang yung naramdaman ko
Yung sakit tapos biglang tumulo mga luha ko
Pagkasabi nya sayo ng "Gusto rin kita"

Tumakbo ako papalayo sainyo
Na hindi ko namalayang nakakabunggo na pala ako
Hindi ko na rin kasi alam kung saan pupunta
O saan ulit magsisimula

At kasabay ng pag-iyak ko
Kasabay rin ng pagbuhos ng ulan sa araw na yon
At 'yon ang hinding hindi ko malilimutan
Na parang nakikisabay ang ulan sa aking kalungkutan.

Kaya sa mga hirap umamin dyan sinasabi ko sainyo
Wag niyong hayaang kainin kayo ng takot o emosyon niyo
Baka kung kailan nakakuha ka na ng lakas ng loob
Saka pala nakaamin na rin siya sa taong hinding hindi magiging ikaw.
twenty-six May 2019
iwanan ang lahat
bago pa lumalim
ang mga sugat ng puso
na hindi na gagaling

kung ngayon ako'y lilisan
ako'y humihingi ng kapatawaran
sapagkat ito ay nararapat
upang hindi na kayo masaktan

pagdating ng ilang buwan
unti-unti niyo akong malilimutan
sa aking pagpapaalam
sana'y tanggapin niyo ang aking pagbitaw
Hindi na ako makahinga,
pinipilit ang sariling bumangon.
Nasa ilalim ng mabigat na bunga,
ng aking mga pagkakamaling naglaon.

Natatakot, nangangamba,
sa pagsilang ng umaga.
Sa hudyat nitong kasama, laging dala,
ang siklo ko'y muli nang nagsimula.

Lalaban, lalarga, makikibaka,
sa alon ng buhay, mabagal, nalunod na.
Ngunit nang mata'y nagkasalubong, nagkita,
aksidente nga ba o matamis na tadhana.

Sa pagitan ng pawis at dugo at luha
ng mga tao na ngayon tayo ay nasa gitna.
Mayroon ako, ikaw, gustong ipahiwatig,
pero pareho tayo, boses, napatid.

Pagkakataon lumisan na,
ikaw ang nauna, ako'y nasakal ng pangamba.
Muling sinubukan, ipagtagpo ang mga mata,
hindi kita malilimutan.
Inspired by an Instagram post
Ysabel Nov 2017
Patawad Inay sa walang pakundangang pagsuway sa iyong mga pinaguutos,
Sa walang kagatol-gatol na pagsumbat sa bawat pangaral,
Sa walang lamas na pagwaldas sa mga pinaghirapan niyong salapi,
At sa patuloy na pakikipagkaibigan sa mga kaaway.

Ako,
kami,
ay hindi na nakikinig,
hindi na natututo mula sa mga nangyari noong pahanon mo,
mula sa mga karanasang hindi mo malilimutan.

Kaya´t Inay sa susunod na mga taon ay sisikapin ko, sa tulong ng aking mga kapatid, ng aking mga kaibigan na patuloy na nagtitiwala sa akin, ay babaguhin ko ang aming bansa. Kami ay magiging radikal upang ang pagbabagong ito ay hindi masayang at maging isang panaginip lamang.
Maisunshine Dec 2017
Anibersaryo ng ating mainit n pagmamahalan, kung san nagsimula ang mainit n disyembre na hindi ko malilimutan.

Kung sana nabigyan ng pagkakataon na patunayan ang nararamdam
E sana tayo ngaun ay masaya at nagdiriwang.

Ako nalang ang nakakaalala at binabalikan ang naudlot na pagiibigan,
Dahil itong iyong nilimot at pilit tinuldokan.
December 3 2015
Daniel Dec 2018
Lobo, maaaring hayop o bagay
Ano nga ba ang tunay?
Mga kaibigang nagbibigay pugay.
Sino nga ba ang tunay?
Araw araw magpasalamat para sa mga totoo
Mga pekeng kaibiga'y alisin sa buhay mo.
Magpakasaya hangga't may hininga.
Dahil balang araw malilimutan mo rin sila.
Prince Allival Mar 2023
HULING PAHINA

Nababalot ng kalungkutan
Nalulunod sa kabiguan
Nilalamon ng kadiliman
Pinapatay ng nararamdaman

Patak ng luhay palatandaan
Emosyon ay di mapigilan
Sugat na iyung iniwan
Humilom man ay may peklat parin ng nakaraan

Pag kabigoy di malilimutan
Sa gawa **** isang huwad at mapaglinlang
Ikaw ay isang timawong nilalang
Mapag kunyari at nagbabalat anyo sa mga pangakong kay bilis **** bitawan
Ngunit niisa ay walang napatunayan

Walang gamot ang kasalukuyan
Para mag hilom ang sugat ng nakaraan
Nag iwan ka ng peklat at pangit na karanasan
Sa inalay kung tapat na pagmamahal nasyang dapat **** kaluguran.

Pagtataka'y diko maiiwasan
Sapagkat ginawa ko lahat ngunit ako'y iyung pinag taksilan
San ako nag kulang,,ang aking buongpag mamahal ay sayo'y aking ibinigay
Walang limitasyon at walang pag aalinlangan pagmamahal ay aking isinaalang alang
Pati aking kaligayahan ay sayo narin nakasalalay

Binigyan mo ng katapusan
Ang tayo na akala ko'y walang hanggan
Inalisan moko ng kasiyahan
Pag mamahal ko'y sinuklian mo ng kalungkutan

Nakakatawa bagamat alam kung nong una palang ay wala na
Pero bakit paba ako umasa
Sa salitang baka sa kaling pede pa
BAKASAKALING pede pa ang tayong dalawa
Ngunit kahit na ipilit ko pa
Ay wala na talaga
Dahil ikaw ang nagbigay proweba
Na ang tayong dalawa ay mananatili nalang ala-ala
At ang ating istorya ay nagtapos na dito sa huling paghina kung saan iniwan moko mag isa....
reyftamayo Jul 2020
sisinghap-singhap ang dekada
ng mga makabagong bayani
inaalat na tulad
ng mga butil-kaliskis na balakubak
kasingpait ng mga nakakubling libag
sa talampakan nitong maglulupa
wala na ang simoy
ng amihan sa kanayunan
pinalitan ng umaangil
na ulap ng nagbabagang pulbura
parito, paroon
palitan ng mga tinggang
hugis karayom
walang patawad na babaon sa kalamnan
ngunit ang mga bayani
ay hindi malilimutan
malibing man
maagnas at maisama
sa lupa nitong ipinaglaban
John AD Jun 2020
Lugod kong pinasasalamatan ang haligi ng tahanan
Bagamat magulo ang kaganapan , dito sa tahanan
Nag-iba ang simoy ng hangin , hindi na ko marunong manalangin
Lagi nalang napupunta sa wala , ang dalangin ko noon na tinangay na ng hangin

O kay sigla ng ngiti kung babalikan ang nakaraan
O kay sarap sa pakiramdam ang samahang hindi ko malilimutan
Mabilis magpinta ang pintor , ang imahe ay magulo
Ngiti sa larawan , binaliktad ang mga nguso

Batid ko ang kaligayan kung may tamang pag-iisip
Bagkus konti nalamang ang buhay ng mortal na tulad ko , madalas nadin mainip
titig ko sa punyal , titig ko sa lubid
magulo ang pagiisip , pero ang utak ay hindi makitid.
Ama aking pinagkukuhanan ng karunungan , ikay namumukod tangi dahil ikaw ang nag bigay lakas sa akin upang matuto at matauhan .
Kenn Dec 2019
23
Bawat pag - iisip ay nilalabanan.
Bawat pag - iisip ay di malilimutan.

Ang pag - ibig na isang tao lang ang may alam.
Jezreel ang kaniyang pangalan.

Mahal ko, ako’y hindi magpapaalam sayo...
Dahil alam kong ikaw at ikaw lang

Ang
Laman
Ng
Aking
Puso
Notes of K
Araw at gabi sa isipan ko'y laging kang sumasagi,
'Di malilimutan ang pagsasamahan sa bawat sandali;
Kasama ka sa bawat oras na magdaan,
Kung kaya't mga problema ko'y nalilimutan.

Araw at gabi minamasdan ko ang kalangitan,
Ngunit iyong mukha lang ang aking namamasdan;
Sa'n man pumaroon, boses mo'y naririnig sa'king isipan,
Hanggang sa pagtulog ko'y laging kang napapanaginipan.

Araw ka ba? Dahil ikaw lang nagbigay liwanag,
Liwanag sa buhay kong puno ng bagabag;
At tulad ka ng gabi na puno ng katahimikan,
Anupat nagdala ng kapayapaan sa magulo kong kaisipan.

O' aking mahal, sinasambit sayo ng aking labi,
"Ikaw ba'y Araw at Gabi?"

— The End —