Pinilit kong sabayan, ang takbo ng panahon Nagbabakasakaling malilimutan ka rin Ginawa na ang tamang desisyon Na sarili naman ang bibigyan ng pansin
Sinusubukang kalimutan ang mga alaala Na magpapabalik ng aking dadamdamin Idinilat ko na ang aking mga mata Sa mga bagay na maari kong sapitin
Tinahak na ang daan ng hindi ka kasama Nang hindi lumilingon pabalik sa iyong mga mata Sinubukan ko At pilit na sinusubukan
Subalit ito ako, nagaantay sa dati nating tagpuan Lugar kung saan kita unang nakita at nakilala Lugar na aking kinamumuhian Dahil dito, dito mo din tinapos ang lahat
Mahal, hihintayin kita Hihintayin ko ang pagbabalik mo Hihintayin ko kahit imposible naman ito Hihintayin ko na sabihin mo ulit na mahal mo ako Maghihintay ako
Ngunit mahal, hindi ko maipapangako Hindi ko maipapangako na hindi ako mapapagod Hindi ko maipapangako na hindi ako dadating sa puntong aayaw ako Dahil mahal, tao din ako
Gusto ko din na pahalagahan ako Gusto kong mahalin ako Yun nga lang gusto ko galing sayo Pero sabi nga nila, mahalin mo muna ang sarili mo
Kaya mahal, maghihintay ako Habang minamahal ko ang sarili ko Ngunit kung hindi na kita kayang hintayin pa Sana mahal, maintindihan mo Dahil mahirap ang dinanas ko para lang makuha yang pagmamahal mo