Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Virgel T Zantua Aug 2020
PANAHON AY NAGBABAGO
SABAY SA PAG-IKOT NG MUNDO
KATULAD NG DAMDAMIN MO
AT NG PAG-UUGALI KO
KUNG DATI-RATI AY TAYO
NGUNIT NGAYO’Y MAGKALAYO
SINO NGA BA ANG NAGBAGO
AT SAAN NA BA PATUNGO
ANG BAWAT PINTIG NG PUSO
PATULOY NA GUMUGUHO
PAALAM NA BALATKAYO
AT SA ISIP NA TULIRO
KAYLAN MA’Y DI KA NILOKO
HANGGAN SA WAKAS NG KWENTO
Jun Lit Aug 2021
Hindi mo na maririnig, tugtog ng lumang gitara,
awit ng batang kwerdas na kinulbit pag bagot na
ang mga talata’t salita, hindi mo na mababasa
sa tagtuyot na darating, tila mga dahong nalanta,
malalaglag, maiiwan lamang ay kupas na ala-ala

Di na matutupad, muling pagkikitang pinangarap,
sa mundong ibabaw, panahong tangi’y sasang-iglap
buhay na wari’y walang wakas, maglalahong ganap

Ganunpaman, hayaang lumipad ang aking paghikbi
'ka'y naging bahagi, kaputol ng pusod sa aking wari
Magpahinga ka na’t napagod kang anong tindi
Aalalahanin ka tuwina, kapatid na alalay ang ngiti.
Dedicated to the memory of my brod and friend, Bitagoras C. Nual, who we call Goras.
Translation:
Segment (For Goras)

You won’t hear anymore, the old guitar we played
the music of the youthful strings that were plucked when bored
the stanzas and words, you won’t be able to read ever
they’d be like wilted leaves that when the drought sets in,
will surely fall, and only faded photographs will remain.

A future reunion, we both dreamed of, now naught,
never forthcoming in this world where time ends in a wink,
where life we felt as if forever, ends as eyes blink.

Be that as it may, let my sobs fly to where you are,
a friend, a part of mine, a segment of my navel I felt
Rest now, brother, you must have been so tired
Someone like you, as unforgettable as your smile.
Ako ngayo'y nakatayo, naghihintay,
hindi mapakali, buong puso'y nakaantabay.
Sa pagbukas ng dalawang pinto sa dulo, sa hangganan,
lahat ng tao, nakaabang, tayong dalawa'y magkahagkan.

At sa wakas heto na nga,
sa umaalon **** belo ako'y napahanga.
Aking mga mata, patak ng luha'y di mapigilan,
ngiti at galak ko'y walang mapaglagyan.

Sa harap ng diyos, mahal, ako'y nangangako,
parehong saya at hirap, tayong dalawa ang aako.
Ikaw lamang at wala nang iba,
Hanggang ang apoy ng buhay ay hindi na maglinga.
Inspired by an Instagram post
kingjay Sep 2019
Kapag nayapos mo na't
Init ang nararamdaman
Pagmamahal iyan na lubos
At mapagbunyi
-hiyas kang hinalibas sa karukhaan ng aking mundo

Kahit naduhagi sa kapalaran
Anong pagdiriwang kapag ika' y nasisilayan
Kung maibabalik man ang ikalawang takipsilim
Hindi na hahayaan na mawalay ka pa sa akin

Sa balintataw ng buwan
Hubad na pagsuyong walang
Poot at panibughong kinikimkim
Kung may luha sa mata ko
Yun ay ang pagpawi sa pagkauhaw ng pag-ibig

Kung namiminto na ang wakas ng panulaan
Maipaliwanag sana nang pagkalinaw
Na hangad kong sambitin
na iniibig kang walang kahulilip

O dessa ikaw ang nasa
Winasak mo ang mundo ko't
gumawa ng bago
Kung saan ang araw katabi ng buwan
At ang bawat paglubog ng araw ay may tanglaw sa kaitaasan
Yhinyhin Tan Jul 2022
Patawarin mo ako kung mas pinili kong mahalin ang sarili ko kaysa sa'yo.

Patawad kung mas natakot akong lumaban  dahil alam ko na rin naman kung  ano ang ating patutunguhan.

Patatawarin ko rin ang sarili ko dahil alam kong hindi rin naman ako naging kontento.

Kaya patawarin mo rin ang sarili mo sa mga pangakong hindi mo na nagawang matupad.

Hanggang ang pagpapatawad natin ay mauwi sa paghilom, at ang paghilom ay mauwi na rin sa wakas sa pag-usad at sa paglimot.

-Ate Yhin , April 9, 2022
091222

Dakila ang Iyong Ngalan —
Walang makapapantay Sa’Yo.
Ikaw ang Himig sa aming pagsamba,
Ang Liwanag sa mundo naming kaydilim.

Ilapit Mo kami Sa’yo,
Nawa’y ang aming pagsinta’y
Maging kanais-nais na samyo
Sa trono **** banal
At sa pag-ibig **** hindi pabagu-bago.

Hubad man ang aming pagkatao’y
Hindi ito naging hadlang
Para kami’y Iyong tawagin —
At kusa **** akayin
Ng wagas **** pag-ibig
At bihisan nang walang anumang bahid
Ng paghuhusga’t pagkukutya.

Putik man ang aming pinagmulan
Ngunit kami’y Iyong hiningahan
Ng buhay na sa huli’y
Sa’Yo rin ang katapusan.
Ikaw ang simula at ang wakas —
Sa’yo nagmumula ang dunong at lakas.

Sa’yo iaalay ang buhay na hiram
Sa’yo igagawad ang lahat ng papuri’t pagsamba.
Salamat, Panginoon! Ikaw ay Dakila!
Maligayang Anibersaryo, LifeChurch!
Kaybuti ng Diyos!!!
Brielle Dec 2023
Ang buhay ay parang isang nobela,
May mga karakter na papasok sa kwento mo,
Meron silang layunin na gagampanan
Pero hindi magtatagal, sila'y lilisan rin.

Unang kabanata, nandyan na ba sila?
Anong klaseng karakter kaya ang isinulat ng manunulat?
Maisasama ko kaya sila sa kwento kong maulap?

Pangalawang kabanata, meron pa pala.
Anong klaseng aral kaya ang hatid nila?
Hanggang dulo na ba sila?

Pangatlong kabanata, ay dinagdagan pa pala niya.
Hindi ka ba nauubusan ng iisipin, aking manunulat?
Kailan ka kaya mapapagod?

Pang-apat na kabanata, may bago ng pahina.
Anong usapan kaya ang magbibigay kulay sa pahinang ito?
Ikaw at ako, siguro.

Pang-limang kabanata, dagdagan mo pa.
Anong suliranin naman kaya ang maisusulat mo manunulat?
Sana, wag mo akong pahirapan.

Pang-anim na kabanata, kamusta ka na kaya?
Maitutuloy mo pa kaya ang pahina?
Tinatamad ka na bang magsulat?
O naubusan ka na ng tinta?

Pang-pitong kabanata, ang saya.
Salamat manunulat sa pahinang ito,
Patuloy mo pa kaya akong bibigyan ng biyaya? Para matuloy ang ligaya?

Pang-walong kabanata, kay saya naman sa isang nobela
Ang manunulat na ang bahala,
Bahalang mag plano kung anong mangyayari sa kabanata.

Pang-siyam na kabanata, nasa gitna na ba?
Nasa simula pa ba tayo, manunulat?
Kailangan ka kaya mapapagod sa pag-uulat?

Pang-sampung kabanata, bakit naman ganon manunulat?
Ang dami mo namang binigay na problema,
Simple lang naman ang hiniling ko,
Na wag mo akong pahirapan.

Ikalabing-isang kabanata, may tutulong kaya?
"Sino kaya ang tutulong sakin?" Napaisip ang karakter
Manunulat, bibigyan mo pa ba siya ng ligaya?

Ikalabing-dalawang kabanata, saan pa ba patungo ang nobelang ito?
Lahat ng karakter ay lumilisan na,
At nag-iisa na ang pangunahing karakter
Maawa ka naman, aking manunulat.

Ikalabing-tatlong kabanata, may katapusan pa ba ang nobelang ito?
Napapagod na ako, aking manunulat
Bigyan mo naman ako ng pahinga.

Tama na, manunulat.
Nagsusulat pa ba tayo dito ng nobela?
Bakit lahat sila'y lumisan na?
Akala ko ba, hanggang dulo na sila?

Teka, nasa loob ba ako ng nobela?
O sinasalamin ko lang ang sarili ko sa isang nobelang nabasa ko
Tama nga ako, ang buhay ay parang isang nobela,
May sarili itong simula, gitna at wakas
Na akala natin ito'y patuloy na mag-uulat

Naalala ko nga pala,
Ako nga pala ang sarili kong manunulat
Ako ang mag-uulat sa buhay kong maulap
Naalala ko, tayo nga pala ang gumagawa sa sarili nating kahulugan.

Hindi mo naman makikita ang kahulugan mo,
Kung hindi mo bubuksan ang isip mo
At kung hindi mo dadamdamin ang puso mo.

Oh sige na aking manunulat,
Ituloy mo na ang iyong pag ulat
Sa karakter na nais **** bigyan ng kahulugan,
Sa karakter na nais **** maulat.
Sa iyong sariling nobela.
Faye Feb 2020
Nagsimula sa isang hapunan
Hanggang umabot sa masarap na kwentuhan
Hindi namalayan ang oras
Hatinggabi na't tuloy parin ang tawanan.

Pagkikita ay nadugtungan
Muli ay nagkayayaan
Kain dito, gala doon
Ikaw at ako magkasamang nagbibiruan.

Kasama ka sa pag-uwi
Kasabay ng musika paulit ulit naririnig
Hindi namalayan ang oras
Makasama ka lg walang lungkot sa labi.

Labis ang lungkot sa iyong pag-alis
Mga boses at ngiti **** nakakasabik
Mga matang mapungay at labing mapula
Sa isip ko ay laging nakapinta.

Pero mahal, ako'y nasasaktan
Nasasaktan sa maling pagmamahalan
Pagmamahalan sa maling panahon
Panahon na sinusubok ng pagkakataon.

Sa iyong pag-alis ika'y may hiling
Ika'y huwag kalimutan at ang mga alaala natin
Natulala at hindi na alam ang ibibigkas
Pero pangako mahal, ako'y andito lang hanggang wakas.
KI Nov 2018
Bilang na ang ating mga sandali
Kailangang magmadali
Tamang tiyempo, ngayon na ay mali
Wakas na di gusto, ang tadhana na ang pumili

Paubos na ang oras
Paubos na ang aking lakas
Ang paalam ay palapit na ng napakapaspas
Sasabak na sa laban na ni minsan di naging patas
Old poem, may iniba nga lang
Miss Emma Writes Oct 2019
Binalot na naman ng dilim ang aking paningin,
Di ko na naman alam ang gagawin.
Mga nanlilisik na mata ang nakatingin sakin.
Na para bang isa akong salarin.

Pinilit kong ikurap ang aking mga mata,
Ngunit sila parin ang nakikita.
Ayaw nilang umalis.
Tila ba ako ang hinihintay nilang umalis.

Sinubukan kong matulog nang mahimbing,

Sa wakas.

Wala na sila.
Wala na rin akong naririnig mula sa kanila.
Pero bakit parang may kakaiba?
Di ako makahinga sa sobrang kaba.

Ilang sandali pa ay may babae akong nakita,
Ngunit di ko maaninag ang itsura nya.
Dahan-dahan nyang inilapat ang kamay nya,
Inaanyayahan nya kong sumama sa kanya.

Nagdalawang isip ako.
Kung gigising pa ba ko o sasama na lang ako?
Taliwas ang sagot ng puso at isipan ko.
Subalit nagdesisyon parin ako.

At
Unti-unti
Akong
Binalot
Ng
Dilim.

  - E.P
Euphrosyne Feb 2020
Mahal na mahal kita
Mayroon kang tulad ng isang malaking puso
Iyon ang una kong napansin
Sa simula palang

Gustung-gusto ko ang nararamdaman nito
Kapag hinahawakan mo ako ng mahigpit
Sa wakas ay nakakaramdam ako ng ligtas
Tulad ng makatulog ako sa buong gabi

Mahal ko na hindi mo ako hinuhusgahan
Para sa aking hinding perpektong sarili
Iyon ay mas kaakit-akit
Kaysa sa anumang halaga ng kayamanan

Marami pang dahilan
Ngunit magsisimula ako sa iilan lamang
Siguro balang araw
Ibibigay ko sayo itong tula na ito
Hindi lahat ng bagay nasusunod ayon sa kagustuhan naten minsan ito ay nauudlot at minsan hindi na natutuloy at madalas nangyayare.
LazyShun Feb 2021
Lahat ng bagay ay merong katapusan
Ngunit iyong pag-ibig ay walang hanggan
ligaya o lungkot ikaw ay nariyan
upang ako'y ihatid sa walang hanggan.

Nandoon ka sa simula at sa wakas
palaging nakatuon sa aking buhay
Hindi napapagod at hindi nagsasawa
Laging nariyan upang ako'y tulungan.

Salamat panginoon sa lahat ng bagay
Kahit na ika'y pinahirapan noon
Ginawa mo parin ang lahat para samin
Upang kami lang ay iyong magabayan
Eindeinne Moon Aug 2023
Ikaw ang simula at ang wakas
Panahon man ay lumipas
Sa iyong yakap ako’y walang takas
Aking pag-ibig sa iyo ay wagas

Ang ating pagmamahalan sa isa’t isa
Lumiliwanag nang parang mga tala
Hindi ko ninanais na ikaw ay magtaka
Huwag ka nang mag-abala pa

Ikaw ang kinang sa ‘king mga mata
Ikaw at ako’y iisa
Ikaw ang laman ng bawat pahina
Ang pamagat sa aking tula

Ang musika sa aking kanta
Kung ang pag-ibig ko sa iyo, sinta
Ay magiging isang sumpa
Habangbuhay akong manunumba sa dambana

Ayokong lumayo sa’yo
Ikakalungkot ng puso ko
Ika'y aking naging mundo
Sa iyo, mahal ay ako'y natutuliro

Hawakan mo lamang ang aking kamay
Ikaw lamang ang aking pipiliin sa habangbuhay
Ang aking minahal ng tunay
Ang makamit ka ay isang tagumpay

Ikaw ang aking biyaya
Ang dumating nang kusa
Ikaw ay mahalaga
Huwag kang mag-alala

Ikaw ay minamahal kong talaga
Ang aking puso'y sa iyo mas sumasaya
Ikaw ang aking dinalangin sa Poong Maykapal
Ang hinintay ko nang kaytagal
29 Ang ikalawang pagsubok ay pabilisan
Ng paglangoy mula dalampasigan

30 Ang mga lalaki na walo
Kailangang makuha ang bandilang ginto

31 Na nakatayo ng mga metrong labindalawa
Mula sa buhanging kinatatayuan nila

32 Mga banderang sa tubig nakalitaw
Na parang sa bangka’y mga paraw

33 Nakatusok ang patpat sa buhangin
Na mga paa’y aabot rin

34 Pangatlo si Agus na nakakuha
Malapit na sa dalampasigan ang una

35 Subalit kanyang ibinuhos lahat ng lakas
Naging pinakamabilis at nauna si Agus sa wakas.

-06/24/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 146
Virgel T Zantua Aug 2020
DI AKO NABUBUHAY SA NAKARAAN
NGUNIT SA AKIN ITO AY NAKALAAN
ANG MGA ALAALANG DI MAIWANAN
SILA’Y BAHAGI NA NG AKING KATAWAN

ANG KAHAPO’Y TULAD NG AKING ANINO
SA LIWANAG AY MAKIKILALANG AKO
NGUNIT SA DILIM SYA’Y NASA AKING PUSO
SA ALAALA SIYA ANG BUMUBUO

TULAD NG BUHAY NA MINSA’Y DI MALIRIP
DAHIL ANG DINADAANA’Y SOBRANG SIKIP
NGUNIT HIHINTAYIN ANG ‘SANG PANAGINIP
HANGGAN ANG HANGIN AY MULING UMIHIP

SA KWENTO NG BUHAY NA LUMULIPAS
ALAALA ANG S’YANG NAGBIBIGAY NG LAKAS
KUNG DUMATING MAN ANG HANGGANAN NG BUKAS
ALAALA ANG KASAMA HANGGAN WAKAS
Prince Allival Mar 2021
Balang araw,
Biglang babagal ang paglakad ng oras
Bahagyang hihinto ang ilog sa kanyang pag lagaslas
Aawit ang mga langay-langayan
At luluha ang kalangitan

Luhang hatid ng matinding galak
Sa wakas ay wala ng iiyak
Dahil natapos na ang panaginip
Salamat at hindi ka nainip

Maraming istorya ang nais kong sabihin
Inipon kong lahat para sa'yong pagdating
Kulang ang magdamag kung aking isasalaysay
Kung paano kita hinintay

Sa sandaling tayo'y magtagpo
Doon lamang magiging perpekto ang mundo
Dahil sa kabila ng mga gasgas nating puso
Ay may paraisong tayo lang ang makakabuo

Sana nga bukas kapiling ko na ikaw
Sana nga bukas na ang ating Balang araw.
012025

Paanong ang mga bulalakaw
Ay kusang nagpapaubaya?
Mahuhulog sa lalim ng gabi
Dawit ang liwanag nitong taglay.

Sumapit ang ika-dalawampu ng unang buwan
At pumipisan pa rin ang mga mata
Sa lilim ng Kanyang kagandahan.
Ang yaman ng pag-ibig ay bukas sa lahat,
Sa palad Niya’y kakapit pa rin
Maging ang may tangan ng mga sandata.

Sa wakas at hindi na muling mauubusan pa
Ng hininga ang gabing walang himpil sa paghikbi.
Hindi na muling pipikit at hahawi sa dilim
Na nagbabakasakaling masaklawan nito
Ang Ilaw na papawi sa kanyang pagkabulag.

Ilalantad na ang sarili
Na para bang ito na ang huling paghinga.
Hindi na iaantala ang panahon,
Ngayo’y oras ay hindi na kalaban pa —
Ngayon ang tugon nya‘y “oo”
Pagkat ang bukas ay wala nang pahina.
Virgel T Zantua Aug 2020
Kung ang halik mo'y namamaalam
Sa pagmamahal na hiniram
Ang mga matang sa luha ay hilam
Pait at sakit ang dinaramdam...

Ang pag-ibig na aking kinamkam
Alay ay paglayang inaasam
Na parang lason na ninanamnam
Matamis ngunit may agam-agam...

Panahon lang ang nakakaalam
Sa lahat ay s'ya ang may alam
Kahit ang lahat ay makialam
Ang wakas ng lahat ay paalam...
Yhinyhin Tan Jan 2024
Totoo nga ang sinasabi nila.

Na kapag umiibig, ang mga mata ay hindi nakakakita.

Dahil puso, puso ang siyang nagmamagaling at namamahala.

Na kahit ilang beses ka na niyang pinaluha, ang huling mutawi pa rin ay ang patawarin siya.

Isip tuloy nagsisimula nang kumontra, "Hanggang kailan?" aniya.

Ngunit ang malambuting puso, ang oras at wakas ay wala sa bokabolaryo niya.

"Digmaang malamig" ni Yhin
1182024854am
Cold ward
KI Feb 2018
Sarili ay sa wakas napagbigyan
Ngunit ang natanggap ay malamig na katahimikan
Isang pagtanggi, na di makakalimutan, na itatatak, na tatandaan
Meron talagang mga bagay na napakatamis parin kahit man masaktan

Tanggap ko na ang nakatakda
Tanggap na ang katapusan na di kayang palitan kahit pa ng pinakamagaling na may-akda
Tanggap na pero pilit paring nagpapakatanga
Pilit paring linulunod ang sarili sa damdamin na parang na wawala
Ako nalang sasagot sa sarili
(before receiving the true rejection kay di man niya dayun gi hambal )
Hindi ako ang taong hinahanap mo, at siguro, hindi rin ikaw ang taong akala ko noon na kailangan ko.

Oo, nagbago ako— at alam kong iyon ang hindi mo matanggap. Pero kailan ba naging kasalanan ang pagbabago? Bakit kailangang may masisi? Bakit kailangang isa sa atin ang may sala?

Ang "tayo" noon ay tila isang kwento na sinimulan natin nang may galak, ngunit natapos nang walang malinaw na wakas. At kahit gusto **** isipin na isa lamang itong kwento ng paglimot, alam **** hindi lang iyon ang nangyari.

Alam **** may mga sandali na kahit magkasama tayo, ang isip ko ay lumulutang, naghahanap ng ibang daan, ibang kapiling. At alam **** kahit anong sakit ang maramdaman mo ngayon, walang balikan, walang paliwanag na sapat para burahin ang katotohanang iyon.

Kung ang paglayo ko ang naging dahilan ng pagguho mo, hindi ko na iyon mababawi. Pero huwag **** isipin na ginawa ko ito upang sirain ka. Dahil hindi ko kailanman hinangad ang bumitaw sa bagay na minsan kong pinahalagahan.

Pero minsan, ang isang tao ay hindi talaga itinadhana upang manatili. At minsan, ang pagmamahal ay hindi sapat upang hindi hanapin ang iba.

Hindi kita pinagkaisahan, hindi kita ginamit, hindi kita iniwan nang walang dahilan. Nagbago ako, nagbago rin ang nararamdaman ko. At hindi kita ginawang laruan— pero hindi ko rin kayang ipilit ang isang bagay na nawala na.

Ikaw ang naglingon pabalik, habang ako naman, tuluyan nang lumakad palayo. Hindi dahil gusto kong makalimutan, kundi dahil alam kong wala nang dapat pang balikan.

Hindi ko na hihilingin na intindihin mo ako. Hindi ko na pipilitin ang sarili kong magpaliwanag pa sa iyo, dahil sa dulo, hindi naman kailangang lahat ng bagay ay may paliwanag.

Matagal ko nang alam ang nararamdaman mo, matagal ko nang alam ang hinanakit na hindi mo kayang bitawan. Pero kung ako ang nagpasyang lumayo, ikaw rin naman ang matagal nang hindi nagawang manatili.

Kung ang huli nating usapan ay isang paghuhusga, isang pagsisi, isang hanapan ng dahilan— siguro, ito na ang huling sagot ko sa iyo.

Hindi ko na kailangang lumingon pa. Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa kung paano ako nakahanap ng iba, kung paano ako tuluyang nawala kahit sa harapan mo pa lang.

Wala na rin naman kahit na balikan, wala na ang tamis nung ika’y nahagkan, at sa huling paalam, naintindihan na sa ating dalawa, may ibang nakalaan.

Wala na tayong “tayo.” At kung iyon ang katotohanan, matagal ko nang natanggap iyon.

Sa pagkakataong ito, hindi ko na kailangang lumingon pa. Paalam.
I quoted this song from Dionela title "Langit"

Ikaw ang dahilan kung bakit 'la nang dating sa 'kin si Darna (Darna)
(You're the reason why Darna no longer amazes me (Darna))

Sa wakas ay mas maganda na'ng reyalidad sa pantasya
(At last, reality is more beautiful than fantasy)

Okay lang kung ako'y alipin kung ikaw naman ang reyna
(It's okay if I'm a slave, as long as you're the queen)

Pilitin mang lumigaya, 'di ko kaya kung wala ka
(I try to be happy, but I can't without you)

Hawak-kamay nating haharapin, marami man ang magbago sa 'tin
(Hand in hand we'll face it all, even if many things change between us)

Tila mirasol sa malaking hardin, wala akong ibang gugustuhin
(Like a sunflower in a vast garden, there's no one else I'd ever want)

Halik at yakap mo ang minimithi
(Your kiss and embrace are what I long for)

Ako'y dalhin mo sa langit sandali (langit sandali)
(Take me to heaven, even just for a moment (heaven for a moment))

Ikaw ang pinakamagandang panaginip at ayaw nang magising
(You're the most beautiful dream I never want to wake up from)

Ang sagot sa panalanging higit pa sa hiniling
(The answer to a prayer far more than what I asked for)

Listen, ikaw ang aking Mariang Makiling, sa 'king mata, ika'y diwata
(Listen, you're my Mariang Makiling, in my eyes, you're a fairy)

Kung ang buwan at araw mawala man, sisiklab ang iyong ganda
(Even if the moon and sun disappear, your beauty will still blaze)

Bukas man nati'y mag-alanganin, mahal ko, 'wag kang mabahala
(Even if our tomorrow is uncertain, my love, don't you worry)

Tiyak na ang mga "yata", saksi natin si Bathala.
(All the "maybes" will become certain—Bathala (God) is our witness)

In a world full of uncertainties, I answer I get to every boy I have been with was full of maybe, I hope so, perhaps.

But in a world full of cheaters, I found a man who is so sure of me. No pretense. No buts, no ifs. No lies. Just pure love.

You are God's given gift to me. My answered prayer. The hope and love I was longing to find. I got misled in a different path, but it leads me back to you.  You are my north star. My compass. My lighthouse. The light to my world.

I love you.
Marlon Aquino
Jan C Jun 13
Pagkalipas ng mahabang taon,
na hindi ako sumulat,
naalala pa rin ng aking mga kamay
kung paano hawakan ang panulat,
parang pangakong minsang binitawan,
minsan ding minahal.

Bawat guhit ay multo:
halakhak na nakalambit sa kurba,
sigaw na itinago sa matutulis na linya,
luha na dumampi sa pagitan ng mga salita.

Hindi nagtatanong ang tinta,
tumutulo lang ito,
may kasamang tuwa,
may halong hinagpis,
bitbit ang galit na pilit kong nilibing.

Nanginginig ang daliri, hindi dahil sa paglimot,
kundi sa bigat ng alaala.
Bawat letra'y sugat,
bawat paghinto'y dasal,
bawat tuldok ay wakas na di talaga nagtatapos.

Ang mga pahina’y kumukulot na parang pagod na balikat,
ngunit patuloy pa rin ang kuwento,
kahit ayaw ko na sanang isulat.

At heto pa rin ako, sumusulat.
At heto pa rin ang puso, kumikirot.
Dahil naaalala pa rin niya,
masyado pang malinaw.
https://open.spotify.com/track/0jGL1ApJ7QrVWL7nRqLdij?si=94fc780a28ac4a87

— The End —