Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"umaraw" poems
AKO’Y NAKA TINGIN SA LANGIT SA ITAAS NG BUBONG NAMING PAGKANIPIS NIPIS. TINATANAW KO ANG MGA PUTING HUGIS BULAK NA PAPALAPIT SA ISA’T ISA AT SAKA DUMIDIKIT. KAPAREHO NG MIGHTY BOND NA DINIKIT KO SA SIRA SIRA KONG SAPATOS, KAPAREHO NG KULANGOT NA PINAHID KO SA PADER NG ROOM NAMIN. KASING LAGKIT NG TINGIN MO SA TAONG WALA NAMAN GUSTO SAYO. PARA KA TALAGANG ULAP, KASING GANDA MO ANG ULAP. NAKAKA SILAW SA SOBRANG GANDA. MASAKIT PERO MASAYA. MARAMING TAO ANG DINADAAN KA LANG, YUNG IBA TUMITINGIN AT SABAY AALIS. PERO AKO ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG, KAHIT TIRIK NA TIRIK ANG ARAW. KAHIT MATUYUAN AKO NG PAWIS, KAHIT MABASA AKO NG ULAN, ANDITO PARIN AKO. TINITINGNAN KA SA MALAYO. KAYA KAPAG UMUULAN, MINSAN GUSTO KONG KUMANTA NG “PAIN, PAIN GO AWAY COME AGAIN ANOTHER DAY.” DAHIL AKO, AKO ANG UNANG MASASAKTAN KAPAG UMIIYAK KA. DAHIL SABI KO NGA KANINA UMARAW MAN O UMULAN ANDITO PARIN AKO SA ITAAS NG BUBONG TINITINGNAN KA AT HANDANG SALUHIN LAHAT NG IYAK NA GUSTO **** IBUNTONG SA ISANG TAO. TANGA PAKINGGAN DIBA? SABI NILA SAKIN BAKIT KO DAW HAHAYAANG MAGKASAKIT AKO DAHIL SA ULAN, BAKIT KO DAW HAHAYAANG TUMAGAKTAK ANG PAWIS KO SA GITNA NG NAGTITIRIK NA ARAW KUNG PWEDE NAMAN DAW AKO PUMAYONG. OO NGA TAMA SILA. NAPAKA TANGA KO. DAHIL MAS GUGUSTUHIN KO PANG MABASA NG ULAN, AT MATUSTA DAHIL SA ARAW KESA HINDI KITA MAKITA. ULAP. KAHIT SAAN NAKIKITA KITA. IKAW? NAPAPANSIN MO KAYA AKO.
0
Feb 14, 2017
Feb 14, 2017 at 11:25 PM UTC
Ulap
"hwag kang mag-alala mahal ka parin nun". ito ang sinabi mo sa akin noong nakaraang taon. hindi ko agad naintindihan palibhasa'y tuliro ang isip ko, problemado ako sa bagong trabaho na kinakaharap ko. tapos bigla kong naalala, oo nga pala, anibersaryo nga pala ng kasal natin. Ngumite na lang ako para maikubli ang aking pagkapahiya. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong mahal mo ako noon pa man hanggang ngayon. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong lagi kang tapat sa akin. hindi ako kailanman nag-alala pagkat batid ko na hindi mo ako iniwan, lagi kang nandyan sa tabi ko umulan ma't umaraw. hindi ako kailanman nag-alala dahil alam kong matagal mo nang inilaan ang buhay mo't pag-ibig para sa akin. hindi ako kailanman nag-alala sapagkat alam kong sasamahan mo ako hanggang sa ating pagtanda. pero nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko na maraming beses ka nang umiyak dahil sa akin. naiinis ako pagkat hindi ko nagawang samahan ka ng mga panahon na kailangan mo ako. nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko natapatan ang katapatan mo noong kabataan natin. namamanglaw ako sa tuwing nakikita ko na kapos ang mga pagsisikap ko. nalulungkot ako pag naiisip ko na baka mauna ako at hindi kita masamahan sa ating pagtanda. ang nakaraan ay hindi ko na maibabalik, may mga pagkakamaling hindi ko na maitutuwid. pero pwede pa naman tayo makatawid dahil may ngayon at bukas pang maghahatid. malapit na naman ang ating anibersaryo. hwag kang mag-alala pagkat hindi ako mag-aalala. alam ko na mahal mo parin ako kahit konti lang ang iyong napapala sa gagong asawa na tulad ko. kung sapat lang sana ang sulat at tula, kung ang mga tugma at tayutay at mga saknong nito ay magagawa kong lantay na yaman malamang hayahay ang ating buhay. hindi ako si Perpekto at lalong hindi ako si Mr. Right si Jojo lang ako, ganito lang ako kaliit, pero salamat at minahal mo ako.
0
Nov 3, 2017
Nov 3, 2017 at 4:48 AM UTC
Untitled

Continue reading...
18
Parang ako yung nag-aabang sa kanto Yung ang tagal makasakay Yung umulan, umaraw makapaghihintay Yung kahit naiinitan na, mag-aabang pa rin. *Aasa pa ba ako sa muli **** pagdating?* Pano pag dumaan ka’t hindi pala nakatingin? Pano pag bumalik ka pero may sakay na pala? Kaya nga ayoko ng laro Minsan madaya kasi Seryoso na, pero ba’t nakikipagbiro pa? Hindi laruan ang puso Na pwede may mag “Time First” Pag na-checkmate na ang isa. Pilit ko mang ikubli sayo Pero sana hindi na lang Tinanggap ang hamon Ang hirap pala mag-move on Tutulak ka nga Pero may pasan pa rin. Walang pasintabi, Katapusan na pala. May nabibigo pala talaga sa laban Hindi man lubos na maintindihan May istratehiya pala Pero sa bawat laban, bawat laro May sasalo pa rin pala sa bawat kabiguan. Titingin pa rin sa Kalangitan Titiklupin ng Hari ng Sanlibutan Ang pahinang walang saysay May maisusulat pa rin pala Kahit sa pusong naging sugatan. Ang Amang may Likha, nagbigay-pag-asa Patuloy na iibig nang tunay Pagkat simula pa lang nang pagsagwan Hindi ko alam kung kailan hihinto Pero alam kong may mararating ito.
0
Feb 15, 2015
Feb 15, 2015 at 11:45 PM UTC
Martyr Love Nga Ba?
Walang araw at gabi na hindi ko naiisip ang iyong kalagayan. May mga pagmulat sa umaga na tila nananaginip ako, Iniisip ko na nagbago na ang lahat, na sa wakas ay nalampasan Mo na ang ang iyong hirap na pinagdadaanan. Mga pagkabigla ng isipan na para bang naalimpungatan lang. Subalit laging bumabalik sa mga katotohanan na kailangan harapin. Mga lungkot at kurot sa pusong tanawin, mga sana at mga Panghihinayang. Puno ng mga pagbabakasakali at pag-asa, Hinahanap-hanap ang kasagutan sa mailap na katanungan. Bakit ikaw? Bakit sa’yo pa nangyari? Bakit nagkaganyan ka? Wala ako’ng ibang hiling kundi ang maging maayos ka, Na maging malusog at kaaya-aya ka. Hindi ko hinangad ang yaman ng mundo, ikaw lang at ang kapatid mo ay daig na ang lahat ng yaman sa daigdig. Pero ‘hwag kang mag-ala-ala anak ko hindi kita iiwan, Kailanman hindi kita pababayaan ako’y laging nandito sa tabi mo. Haharapin natin nang magkasabay ang buhay. Naalala mo ba ang naghahabulan na mga alon sa dalampasigan? Masayang masaya ka habang ito’y humahampas sa iyong katawan, Ganito ang buhay punong-puno ng mga alon. Kailangan na ito’y harapin, wala ka’ng ibang gagawin. Ngitian mo ang hampas ng buhay maliit man o malaki ang dala nitong mga alon. Habang ako’y nabubuhay sasamahan kita sa pagharap mo sa mga alon, Hindi ka namin iiwan ng ate at mama mo. Lalabanan natin ang dagok ng mga daluyong, Sabay tayong tatawid na karagatan ng buhay, Umulan man at umaraw lagi kitang yayakapin. Ganyan kita kamahal aking bunso.
0
Dec 4, 2017
Dec 4, 2017 at 10:07 PM UTC
BUNSO

28
*Ukitin ang namumuong salita ng iyong pag-ibig Wari'y ipikit ang iyong mga mata Kung tadhana'y nakalaan, Sa tamang oras at panahon. Pagkat ang buwan at ang araw; Ay namumukod tangi sa ulap At hangga't maaaring tanaw ay abutin. Silipin sa aking palad; ang kapalarang mapaglaro. Sa ihip ng hanging amihan Ito'y dumaan man hanggang tanaw mo'y maabot sa kalagitnaan ng daigdig. Yung tipong aanurin ka na ng karagatan. Kahit umulan man o umaraw Yung tipong paghihiwalayin kayo ng landas. Pero sa kabila ng lahat, ito'y babalik sa tamang panahon.* (English Translation) Court The Heart ***Carve the coagulating words of your love. As eyes closed, Whether, destiny reserve the heart, that fall in love at the right time. Whereas the moon and the sun; the only exceptional top of the skies & As long as I could reach the scenery. Glanced at my palm hands; That playful act of fate. As the breeze of the cooling air Whisper the touching soul of yours, Reaching as much as it could. Between the World we knew it'll still hold you back from time to time. & Even if the ocean will drown us apart Even if the sun shines nor we soak at the rain & Even if the path would break us apart, Still we could turn back at the right time.***
0
Aug 17, 2015
Aug 17, 2015 at 7:28 AM UTC
Suyuin Mo Ang Puso
umulan man at umaraw sa gutom man at uhaw gaano man kababaw etong ating abot-tanaw sa panahon ng tag-lagas sasanga ang puno ng wagas dahon at dagta magbabawas may mag-aanyong maangas sa punong walang lilim walang aninong maililihim magbubunga ang ugat lingid sa ating pamulat mula sa pagsilip ng bukang-liwayway hanggang sa init ng tanghaling tapat maging sa pagsapit ng dapit-hapon pagtatakpan ako, mula sa simula muli ng takip silim
0
Nov 9, 2015
Nov 9, 2015 at 2:03 PM UTC
ang kulay bughaw at ang nag-iisang ikaw
Itong tulang ito ay para sa mga taong hanggang sulyap lang sa kanilang mahal Na kay raming gustong sabihin Ngunit di masabi sabi Pagkat hanggang sulyap nga lang sila Isa, dalawa, tatlo Ikaw Oo ikaw nga Ohp ohp oho Wag ka ng lumingon pa at wag ka na sanang lilingon pa Hayaan mo akong sambitin ang bilis ng pagkakahulog ko sayo Yung tipong Parang kahapon magkashare lang tayo ng libro Tapos ngayon mahal na pala kita Lungkot sa aking mga puso Sana'y matapos na At iyo na sanang marinig sigaw ng aking puso Para sa ganun ako ng iyong pansinin Pagkat ngayon hanggang sulyap lang ako sayo Sulyap lang ayos na Kasi ang masilayan ka sa araw araw Buong maghapon ko ay kumpleto na Pasalamat ako sa Maykapal Hayaan mo sana akong banggitin ang bawat letra na aking dinugtungan upang makabuo ng mensahe Mensaheng aking ginawang tula Tulang aking inaalay para sayo Tulang aking pinamagatang ABAKADAE IKAW Simulan ko na ba? A- ako nga pala ang matagal ng may gusto sayo at pinapangarap sa sana'y BA- balang araw ika'y makapiling KA- kaso mukhang wala yatang pag asa DA- dahil may mahal ka ng iba at kahit nagmumukha na akong tanga E- ewan ko ba at hanggang ngayo'y mahal pa rin kita GA- ganito sana tayo ngayon kaso HA- hanggang dito lang pala ako pero kahit ganon I- iibigin kita hanggang sa huli LA- lalambingin ka hanggang sa pati lang langaw, tutubi, aso, pusa, at iba pang hayop ay dumikit na sa sobrang tamis ko MA- mamahalin kita hanggang sa aking huling hininga dahil ako'y NA- nangangakong andito lang ako lagi para sayo at sa NGA- ngalan man ng lahat ng santo ako'y mananalangin na ang O- oo mo'y akin ng makamtan PA- para magkaroon na ng tayo at matapos na ang ikaw at ako lang RA- ramdam mo sana ang lahat ng aking sinasabi SA- sa hilaga man o sa timog o sa silangan o sa kanluran man TA- tapat at totoo ang aking pagmamahal sayo U- umuwi man ako ng luhuan ngayon WA- wala akong pake at wala akong ibang gugustuhin kundi ang YA- yakap **** mainit saakin ay sumalubong Sa dami ng aking sinabi baka di mo matandaan lahat ng yun Ngunit sana iyo man lang naintindihan Gayunpaman itong aking huling sasabihin Sana'y iyong itaga sa puso at isip mo o maging sa bato man Na ito! Itong lalaking nasa iyong harapan Umulan man o umaraw Kumulog at kumidlat man Daanan man ako ng matinding unos Isa lang ang sinisigaw ng puso ko Yun ay "IKAW"
0
Aug 18, 2017
Aug 18, 2017 at 11:44 AM UTC
ABAKADAE IKAW

58
umulan man at umaraw (rain or shine) sa gutom man at uhaw (in hunger and thirst) gaano man kababaw (no matter how insignificant) itong ating abot-tanaw (our gather horizon) sa panahon ng tag-lagas (during the autumn) sasanga ang puno ng wagas (the tree gotta branch full of pure) dahon at dagta magbabawas (leaves and resin currently reduce) may mag-aanyong maangas (then a form of the only you takes its amazing column) sa punong walang lilim (in chief unshaded) walang aninong maililihim (no shadow would hide) magbubunga ang ugat (root shall yields) lingid sa ating pamulat (lurking at our naked eye) mula sa pagsilip ng bukang-liwayway (From dawn preview) hanggang sa init ng tanghaling tapat (until mid-noon heat) maging sa pagsapit ng dapit-hapon (even at the approach of dusk) pagtatakpan ako, mula sa simula muli ng takip silim (shielding the blue one, i started again on the twilight)
0
May 14, 2016
May 14, 2016 at 1:32 PM UTC
" the blue one and the only you " (translation)
Kahit malayo ng ilang kilometro Kahit tayo ay nasa magkabilang panig ng Maynila Kahit umulan man o umaraw Kahit ilang taon ang lumipas Naniniwala ako na kapag tayo ay para sa isa't-isa Balang araw, tayo ay magkikita muli At doon uusbong ang nakatagong nararamdaman
0
Oct 27, 2016
Oct 27, 2016 at 8:08 PM UTC
Kahit
Umulan man o umaraw Daanan man ng pagod Kahit ang sakit pa ay dumalaw Handa ako, para sayo, sumugod
0
Sep 17, 2017
Sep 17, 2017 at 10:13 AM UTC
Sugod
Anong nilalang Ang kahit saktan ‘Di ikaw kayang iwanan? Sagot: Matatag na kaibigan Sino sa mga kasama mo Ang kakapit sa’yo Umulan, umaraw, lumindol, bumagyo? Sagot: Kaibigang totoo. -03/30/2012 (Dumarao) *Walong Maiikling Tula ng Kahapon, Ngayon at Bukas
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 9:23 PM UTC
Kaibigan KB?
Umulan man o Umaraw ikaw lang ang laging kaagapay.at sabay natin  tahakin ang landas patungo sa mga nakakabatu-balaning tanawin.Mapa dalampasigan man o kabundukan na ni minsan d pa natin nasisilayan. KaSabay sa pag andar ng makina ang makita kang masaya. Humawak lang sakin para masigurong ligtas ka. Sa isang pitik ng kamera sabay ng mga ngiti **** manghang-mangha sa mga nakikita, At ang masigurong natutuwa at naaaliw ka ay labis na rin sa akin ay nagpapasaya.
0
Apr 4, 2023
Apr 4, 2023 at 11:14 AM UTC
Road Trip at Ikaw