Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tutuldok" poems
110916 Yugyugan, walang hele Galit at poot, walang tuldok. Bayan, Bayani at Rebolusyon Dugo, Latay at Krus. Pintasan sa saradong Libingan ng mga Bayani Pasismo'y binabali Demokrasya'y katunggali. Hampasan ng Hustisya, Latay ng Pagtutuligsa. Kalampag ng mesang panay barya Sigaw ng paghain ng kamatayan. Bukas ang Pintuang tila batong hinati Uhaw, sawing-palad, May luwad na dalamhati. Di makilala, suyod nang kaladkaran, Saboy ng pighati. Walang bahid, walang bisa -- Hindi maramot ang May Grasya. Negosyo sa pulitika Kalakal ng mga salita. Palimos nang makaraos Lusong, tapon, salo at ahon -- Yan ang pagtatapos -- Isa, dalawa, tatlo Tatlumpu't tatlong taon. Inihanay ba Siya sa mga Bayani? Hindi. Nalimot ba ang Kasaysayan? Hindi. Ang natatanging Kasaysayan, Tanging Kristo ang tutuldok Tanging Kristo ang saysay Walang iba, tapos na.
0
Nov 13, 2016
Nov 13, 2016 at 11:15 AM UTC
kaSAYSAYan
Dumating ka sa araw na di ko inaasahan Waring bagyong malakas na dumaraan Ang lahat sa akin ay dinadaanan At walang bakas na hindi mo iniwanan Sayo lamang ako nag bukas ng aklat At pinakita ang aking mga sinulat Ikaw na yata ang maglalagay ng pamagat At mag tutuldok pagkatapos ng lahat Sana'y hindi kana umalis Sawa na akong mag walis Nang kalat sa tuwing naiinis Kapag ako'y naghihinagpis Kaya sa aking bagyong natagpuan Buhumos ka ng walang katapusan Lunurin mo ako ng tuluyan Sa desyertong mundong kinagisnan
0
Mar 24, 2023
Mar 24, 2023 at 11:43 PM UTC
Bagyo
111422 Namumuo ang pawis sa kanyang kamao Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo. At dali-dali nyang sinarhan ang silid Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan, “Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,” Aniya sa kabilang linya. Kinuha niya ang lapis Buhat sa luma nyang aparador — Puno ng alikabok Na kahit ilang pagpag na’y Hindi naririndi sa pagbuga Ng umaalingasaw nitong karumihan. Naupo sya’t napapikit na lamang Inaalala ang bawat detalye Ang bawat katagang kanyang narinig Ang bawat imaheng nais nyang takasan. Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod, At nangangalay ang kanyang mga kamay. Habang tumatagas ang pawis nyang Kulay itim sa malagim na gabi. Naghihintay ng sagot Sa mga katanungang saksakan ng ingay Sabayan pa ng sunod-sunod na putok Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon. At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw Sa bintanang walang kurtina’y Nabaling ang kanyang tingin Sa buwang napakaliwanag Tila ba may taglay itong kung anong elemento — “Mahiwaga,” wika nya. Ang mga larawan sa kanyang balintataw Ay unti-unting gumuho At napalitan ng imahe ng buwan . Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito, Akala nya’y ito na ang huling kathang Kanyang maililimbag sa kanyang kwento. Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y Hindi nya maipaliwanag Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang Bigkasin ang mga pangungusap Na hindi nya ninais na sambitin. Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay Sa lapis na guguhit at tutuldok sana Sa kanyang masalimuot na nakaraan. At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan Hindi na buhat sa sarili nyang bintana Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin. Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan — “Sayang, ngayon lang Kita nasilayan… Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
0
Nov 15, 2022
Nov 15, 2022 at 11:11 AM UTC
Buwan ng Lagim

Continue reading...
53
hindi ko rin alam kung kailan ko ba ito matutuldukan dahil sa totoo lang natatakot ako na baka ito maging tutuldok-tutuldok o baka madagdagan pa ng napakaraming tandang pananong at akalain ko na tapos na ang lahat ngunit masusundan pa pala ng kuwit o ng panibago pa ulit na tudlok-kuwit aaminin ko na hanggang ngayon naman umaasa pa rin ako na baka sakaling magamit mo rin saakin ang panipi sa tuwing may ikukwento ka, na baka tungkol na saating dalawa na kahit man lang sa pamamagitan ng panaklong maranasan ko ang mayakap mo kahit papaano sa storya mo na maidugtong man lang ng gitling ang pangalan mo sa pangalan ko o kahit siguro malagyan lang ng kudlit ang pangalan ko na para bang inaangkin mo ako na dumating sa punto na magamit mo ang tandang padamdam pero alam kong hanggang dito nalang dapat na kahit kailan hindi ito magkaroroon ng tutuldok upang maipaliwanag kung bakit hindi o kahit sagot kung paano ito matatapos na hindi ito ganoon kadali tulad ng pag-ubos ko sa mga bantas sa pag-ubos ko sa nararamdaman kong ito upang matapos ang piyesa na ito tulad ng pagtapos ko sa naiisip kong 'to.
0
Apr 11, 2020
Apr 11, 2020 at 1:35 PM UTC
bantas
Tumilaok na ang manok Kasabay ng pilantik ng mga bibig Halika tayo'y maghanda sabayan mo ako sa almusal Pinakuluang Mura at paghiyaw huwag kang magalala hindi iyan hilaw sa katunayan tama lamang ang timpla Mapait pait at masakit sakit Minsa'y nakasasanay na rin Halika tayo'y maghanda Pupunta sa isang lugar na tila selda Kung saan bawat kilos ay nakalagda Mataas lamang ang marka kung ika'y masunurin at maganda Huwag kang magalala mababait sila Bawat ibigay mo ay susuklian nila ng lima Halika tayo'y maghanda Bawat minuto ay pagsubok bawat hininga ay pagkapit Kapit , lumapit upang hindi matangay ng agos Kung ang bawat pagyapos ay nakalalapnos Halika tayo'y maghanda teka, hindi pa ako handa ngunit Araw ay sisikat hindi ka na muli pang didilat malaya ka na;
0
Jun 15, 2019
Jun 15, 2019 at 9:45 PM UTC
Tutuldok kuwit;