Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"tularan" poems
At sa pagkagat ng dilim Kasabay ng pamamaalam ng araw sa'tin Mahihimlay ko sa sulok ng apat na dingding Huhubarin ang mga ngiti, ipapahinga ang bibig at ibababa ang hinlalaki kong kanina pa nangangawit Sa kapapaalala sa mundo na ayos lang Na makakatagal pa ko ng kahit sampung minuto Sampung minuto--- Ito lang ang kailangan para tuluyan nang tapusin ang sinimulang kwento natin At sampung minuto para dapuan ka nila ng tingin at sabihin sa'king Kailangan na kitang talikuran Ngunit di na ko inabot ng sampung minuto pa para pakingga't tupdin sila Dahil sampung segundo lang--- Isa, dalawa, bitaw na, bitaw Lima, anim, ayoko pa, ayoko pero Siyam, sampu...ay nagawa na kitang bitawan Ang sabi kasi ni nanay ay di ka nararapat para sa'kin Sabi ni tatay pag-aaral ko muna ang atupagin Ang sabi nila ay dapat ko silang sundin Ang mga bumuhay at nag-aruga sa akin ay dapat na lagi kong susundin Huwag mo nang gawin yan, ito ang mas bigyan **** pansin Di yan makabubuti para sa'yo, bat di mo na lang tularan ang kapatid mo Ang lalaki dapat ay matikas Ang tanga tanga mo, wala kang mararating diyan Kahit sino kayang makagawa ng ganyan, magsundalo ka na lang Dinaig ka pa ng nakababata sa'yo? Dapat pareho kayong tinitingala ng tao Kaya't binigo ko ang nag-iisa kong pag-ibig at sumuong sa digmaang di ko kailanmang naisip Dahil dapat lagi pa ring susundin ang mga bumuhay at nag-aruga sa'kin, mga bumuhay at nag-aruga sa'kin dapat kong sundin, ang sa'kin ay nag-aruga't bumuhay lagi pa ring susundin Nay, yakapin mo ko't pahupain ang hapdi Kaya, Tay, tapikin mo ko sa balikat at sabihin **** tama ang ginawa kong pagtupad sa pangarap mo Dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na ko Sa panonood sa pagkislap ng mga mata ni bunso Mga kutikutitap na di mapapasakin dahil ang mga mata ko'y namumugto Mga matang naniningkit na katatanaw sa sarili kong mga pangarap Dahil ng mg paa ko'y habol ang bawat dikta't kagustuhan niyo Sawa na kong pilit pantayan si bunso Dahil kahit anong gawin ko'y di bubukal sa'kin ang kaligayahan Di tulad niyang may malayang kinabukasan Ako'y may busal ang bibig, may taling mga kamay, nakakulong sa ekspektasyon ng sarili kong mga magulang Pagod na ko, ayoko na Ayoko nang marinig ang "Tingnan mo siya,buti pa siya, mas magaling pa siya..." Hindi ako binigay sa inyo para ikumpara niyo sa isa niyo pang anak at sa anak ng iba na hinihiling niyong meron din kayo Gusto ko lang naman marinig na may tinama ako kahit papano, kahit kapiranggot Gusto kong marinig ang "Salamat" at "Mahal kita" at "Ipinagmamalaki kita" dahil tapos na tapos na ko Pagod na pagod na kong Habulin ang liwanag ng talang matagal nang namatay sa kalawakan Kaya Nay, Tay Ako po muna Ako naman ngayon...
0
Aug 12, 2017
Aug 12, 2017 at 5:53 AM UTC
Sampung Minuto

Continue reading...
50
Ako’y isa lamang pinuno, Gumabay sa isang hukbo. Oras ay itinataya upang magturo, Upang bigyan ng kaalaman ang mga pribado. May mga taong gusto akong tularan, Mga nasa ikatlong taon ng paaralan. Tungkulin ko sila’y turuan, Upang sila’y magkaroon ng kaalaman. Mga COCC kung sila’y tawagin, Lahat sila’y may sinusunod na tungkulin. Mga katulad ko’y dapat sundin, Upang makamit nila ang kanilang hangarin. Meron akong isang CO na nakilala, Pansin ko’y kanyang nakuha. Hindi ko maipaliwanag ang kanyang ganda, Lagi nalang sa kanya ang aking mga mata. Ang ibigin siya’y isang bagay na bawal, pagkat posisyon ko’y pwedeng matangal. Ito’y aking gagawan ng paraan. Kahit ito pa ang batas ng paaralan. Tinataguan ko ang aking Commando, Upang makipagkita sa giliw kong CO, Tinutulungan din ako ng kaibigan kong pribado, Na umiibig naman sa isang pinuno. Bakit ganito nalang ang pag-ibig, Palagi nalang may humahadlang sa paligid. Hindi ba nila alam kung gaano kasakit, Ano ba ang kanilang naiisip. Ang pamumuno ko ay pansamantala lamang, Ngunit pag-ibig ko sana’y walang hanggan. Huwag sanang masira ang ating samahan, O Aking Joana, hindi kita titigilan.
0
Dec 3, 2010
Dec 3, 2010 at 7:26 AM UTC
Mi Inspiracion de Militar
Katarungan nasa'n? Inapakan, dinuraan Ng mga taong niluklok para paglingkuran 'Tong bayan nating lubog, at dugoan Magkano? Sanlibong baryang dinumihan Libong buhay ang tinapos, musmos, at mga naghihikahos Mga nanay na nawalan ng anak, mga batang di pa tapos Droga? Talaga ba? Ang sabi mo ay kayang-kaya? Tatay Digs, pano na? Bat biglang 'di pala kaya? Sanlibong tanong sa bawat buhay na binawi Diyos-diyosang maitim ang budhi Bata, matanda, babae, estudyante Nanlaban daw, kaya niyaring nakatali Bayan kong minamahal, dito na lamang ba? Naka duct tape ang mukha ni inang hustisya May dyaryo, at may nakapaskil na larawang 'WALANG HUSTISYA, WAG TULARAN'
0
Sep 12, 2017
Sep 12, 2017 at 8:20 AM UTC
Sanlibo
Ngayong araw ako'y siyang naatasan Na ipakilala ang ating kaybigan Mahirap sabihin, ang inyo nang alam Kaylangang galing nya'y bigyang katarungan Sikat sadya itong ating kaibigan Pang-showbiz ang dating, pinagkakagul'han Pagkat nang magsabog d’yos ng kagwapuhan Tabo lang dala ko, sa kanya'y "orocan" Ngunit bahagi lang 'yon ng katangian Kung bakit sya'y tunay na hinahangaan Talino at t’yaga ang kanyang puhunan Sa pag-aaral ng buhay, kalikasan Sya'y taong tunay ang angking kabaitan Na dama ng tao, hayop at halaman Sa dami ng kanyang lathalaing-agham Sierra Madre'y nginig, kapag nagtimbangan Palaka, butiki, ahas at butaan Nang dahil sa kanya'y lalong natutunan Lumaki't lumawak ating kaalaman Kung kaya't umani laksang karangalan Alam kong sa bawat uri ng palaka O ibang buhay na sa mundo'y mawala Kasama natin s’yang lungkot na luluha Pagkat magkaugnay ang lahat sa lupa Dedikasyon niya ay dapat tularan Ipakilala s’ya'y isang karangalan Si Arvin Diesmos po, Syentistang huwaran Samahan n'yo akong siya'y palakpakan!
0
Sep 28, 2017
Sep 28, 2017 at 4:54 AM UTC
Pagpapakilala Kay Doc Arvin
"Life is either a daring adventure or nothing at all" - Helen Keller May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
0
Nov 13, 2017
Nov 13, 2017 at 9:23 PM UTC
Ngayon ang panahon nang pagbabangon
Isang Lugar Kung saan Walang Katungkulan Wala ni isang dapat gampanan o dapat tularan Malaya kang humakbang sa pampang ng pinagmulan Ng walang iniisip o pagaalinlangan Huminga ka ng malalim At wag ng ipagkait ang pangarap **** minsang Inukit Na Tila ba'y ika'y naging malupit Tama na, Tahan na karapatan mo ang kumalma ibigay mo sa sarili mo ang dati'y wala na ang maging masaya.. ang maging malaya.. sa sariling pagakakulong ng wala ni isang nakakaunawa ...
0
Jan 24, 2021
Jan 24, 2021 at 12:51 PM UTC
Kawalan
Para sa bansa, sila ay naghihirap Upang makamit ang bunga ng pagsisikap At para na rin sa kani-kaniyang pangarap Ating tularan at bigyang ng lingap. Manlalaro ng bayan na dapat tularan Bigyan ng pansin at dapat tulungan Nagsisikap ng lubusan at nahihirapan Ating tularan at ating parangalan. Huwag kalilimutan at ating tandaan Mga atleta ng baya na naghihirap nang lubusan Dapat tangkilikin at ating tularan Nang pagdating ng panahon tayo ay pumalit Sa mga manlalaro ng bayan.
0
Jun 18, 2018
Jun 18, 2018 at 1:39 AM UTC
Manlalaro ng Bansa ...