"syudad" poems
Alam kong pagod ka na sa ikot ng iyong mundo
Maging sa iyong taun-taong pagkatalo
Sa isang masikip na lungsod ay mistulang preso
Hindi mo talagang nais na maparito
Anim na taon sa malaking syudad
Umani ng napakaraming kaalaman
Alam mo naman ang iyong mga hangad
Ang pangako lamang ang pinanghahawakan
Nadudurog na tiwala mo sa sarili
Sa iyong isipan, huwag kang paaapi
Tagumpay ay malapit mo nang mawari
Dahil siya ay ang iyong nasa isip at tabi.
Pagasa ay wala sa malayo
Nasa paligid ang mga kaibigan mo
Na magsasabi sa iyo ng totoo
~
Tunay kang nagaantay
Tunay kang magtatagumpay
Jan 5, 2019
Jan 5, 2019 at 1:10 PM UTC
Anak kumusta na ang Dodoy ko diyan sa syudad, Masaya ka ba diyan , ha?
Kami ng itay mo at ng mga kapatid mo dito ay ayos naman.
Natanggap ko nga pala yung sulat mo nakaraang lingo alam kong mahirap mabuhay at mag-aral dyan sa syudad anak, pagbutihan mulang at mairaraos ka rin namin.
At yung itay mo hindi na umiinum ng alak at di na naglalasing, meron na rin siyang tatlong-daang katao na under sa kanya. Sa sobrang busy niya nga sa trabahao, hindi niya na nga masabi mensahe niya para sayo ngayon, nasa trabaho kase siya naglilinis at nagdadamo sa sementeryo.
Nanganak na nga pala ate mo kaso di pa namin nakikita ang yung bata, di pa tuloy naming alam kung tito kana o tita, kaya dodoy tulungan mo kaming magdasal nasana maging tita ka para di matigas ang ulo ng bata at di magmana sa kuya mo.
Nandoon sa bundok nagtatraining sa Army, eh nakapagtataka may mga baril wala namang uniporme.
Okey naman ang lagay ng panahon dito sa atin, dalawang beses lang umulan ngayong lingo. Noong una tatlong araw tas nung sumunod apat na araw naman.
Ang itay mo okey lang din, naalala mo na yung sinabi ng doktor na mabubulag na daw siya buti nalang pumunta kami sa albularyo nakaraang lingo at pinigaan siya nang binendisyonang kalamansi, ipapatak daw yun sa mata ng itay mo at gagaling na daw ang katarata niya sa makalawa.
Anak wag ka magalala sinusulat ko to nang dahan-dahan, alam ko naming di ka mabilis bumasa.
P.S. Maglalagay sana ako ng pera sa sobre kaso nalawayan ko na anak, di bale sa sususnod na buwan nalang ako magpapadala ng pera sa iyo anak, magaral ka ng mabuti!
Jan 28, 2015
Jan 28, 2015 at 1:42 AM UTC
Kawawang syudad
puno ng gintong konkreto
di magkandaugaga
mga desperadong mata.
Kawawang syudad
may mga mamahaling mesa
di magkandaugaga
mga desperadong bunganga.
May 31, 2014
May 31, 2014 at 9:12 AM UTC