Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
JOJO C PINCA Nov 2017
“Set wide the window. Let me drink the day.”
― Edith Wharton, Artemis to Actaeon and Other Verses

Matapang, sino ang tunay na matapang?
Yung siga ba sa kanto?
O yung pulis na marami nang na-tokhang?
Hindi kaya ang senador ng oposisyon
Na laging bumabanat sa administrasyon?
O baka naman yung mamang komentarista
Sa radyo at telebisyon?

Saludo ako sa mga sundalo’t pulis na
Nakipaglaban doon sa Marawi. Walang
Sindak ang mga bombero na sumusugod
Sa nagngangalit na dila ng apoy.
Hindi matatawaran ang kagitingin ng
Mga nagpapakasakit para sa kalayaan
At kapakanan ng inang bansa.

Pero may ibang anyo ang katapangan
Na mas malalim at kahanga-hanga.
Ang katatagan ng puso at isipan sa gitna
Ng dusa at malagim na paghihirap.
Ang hindi pagsuko ng kaluluwang hindi
Kayang ibilanggo ng takot at banta ng paghihirap.

Si William Ernest Henley ang bayani ng
Katapangan na tinutukoy ko s’ya ay di nalupig
Kailanman. Hindi s’ya sumuko sa siphayo ng kapalaran
Hanggang sa huling sandali.

Pagnilayan natin ang kanyang Invictus:

“Mula sa gabing bumabalot sa akin,”

May mga kawawang nilalang na walang umaga
Ang kanilang buhay puro gabing madilim
ang laging umiiral. Walang liwanag, walang bukang-liwayway.
Mula pagkabata hanggang pagtanda puro hinagpis at pait
Ang kanilang laging sinasapit.

“Kasingdilim ng hukay na malalim,”

Maraming bangin sa buhay ng mga kapos palad
Na nakabaon sa dusa at hilahil. Hindi nila ito ginusto
Hindi kailanman pinangarap kaya’t hindi nila ito
Kailanman matatanggap.

“Sa mga diyos, ako’y nagpapasalamat”

Ang mga kawawang mahihirap at mga mangmang
Sa kaalaman na laging salat sa mabuting paliwanag
Ay laging nagpapasalamat sa diyos. Salamat sa diyos……
Hahaha….. walang diyos mga hangal. Kung may diyos
Wala sanang kahirapan at kaapihan na umiiral.

“Sa kaluluwa kong hindi natitinag.”

Katawang lupa lang ang sumusuko
Ang kaluluwa at pusong matatag
Kailanman ay hindi ito magagapi.

“Nahuli man ng pangil ng kapalaran,”

Ang pangil ng malupit na kapalaran
Ay laging nakabaon sa leeg ng mga hampas-lupa
At mga walang makain sa araw-araw.
Pero hindi nito kayang sakmalin ang mayayaman at
Ang mga burgis. Bahag ang kanyang buntot
Sa harap ng mga panginoon.

“Kailanma’y di nangiwi o sumigaw.”

Kahit sumigaw ka at ngumawa nang husto
Walang tutulong sa’yo, walang makikinig
Dahil bingi ang mundo at bulag ang mata
Ng panginoong mapagpala.

“Sa mga pagkakataong ako’y binugbog,”

Paos ang tinig ng mga inang mapapait kung humikbi
Mga pinanawan ng pag-asa at ulirat dahil sa pag-iyak
Walang saysay ang sumigaw – nakaka-uhaw ang
Pag-iyak magmumukha ka lang uwak.

“Ulo ko’y duguan, ngunit ‘di yumukod.”

Bakit ka naman yuyukod sa putang-inang kapalaran
Na walang alam gawin kundi ang mang-dusta at mang-api.
‘Wag mo’ng sambahin ang isang bathalang walang-silbi,
Lumaban ka at ‘hwag magpadaig.

“Sa gitna ng poot at hinagpis”

Galit at lungkot ito ang kapiling lagi
Ng mga sawimpalad. Malayo sa masarap
Na kalagayan ng mga pinagpalang sagana
Sa karangyaan at kapangyarihan.

“At sa nangingilabot na lagim,”

Nagmistulang horror house ang buhay ng marami
Walang araw na hindi sakbibi ng lagim, walang oras
Na hindi gumagapang ang takot. Takot sa gutom, sakit,
At pagdarahop.

“Mga banta ng panahong darating,”

Bakit ang mga walang pera ang paboritong
Dalawin ng katakot-takot na kamalasan sa buhay?
Ganyan ba ang itinadhana ng diyos na mapagmahal
At maunawain? Nakakatawa diba?
Pero ito ang katotohanan ng buhay.

“Walang takot ang makikita sa ‘kin.”

Tama si Henley bakit mo kakatakutan ang lagim
Na hindi mo naman matatakasan? Mas mabuti
Kung harapin mo ito ng buong tapang at kalma.

“Kipot ng buhay, hindi na mahalaga,”

Para sa isang lugmok sa pagdurusa wala nang halaga
Ang anomang pag-uusig at kahatulan na nag-aantay.
Impeyerno? Putang ina sino’ng tinakot n’yo mga ulol.

“O ang dami ng naitalang parusa.”

Parusa, ang buong buhay ko ay isang parusa.
Ano pa ang aking kakatakutan na parusa?
Hindi naging maligaya ang buhay ko ano pa
Ang mas malalang parusa na gusto mo’ng ibigay?

“Panginoon ako ng aking tadhana,”

Oo ako lang ang diyos na gaganap sa aking
Malungkot na buhay. Walang bathala akong
Tatawagin at kikilalanin ‘pagkat wala silang pakialam sa’kin.

“Ang kapitan ng aking kaluluwa.”

Walang iba na magpapasya sa aking tadhana
Ako lang hanggang sa wakas ng aking hininga
Ang dapat na umiral.

Si Henley ang tunay na matapang dahil kahit
Pinutol na ang kanyang mga paa, sa gitna ng sakit
At matinding dusa hindi s’ya sumuko. Ang kanyang
Kaluluwa ay nanatiling nakatayo.
JOJO C PINCA Nov 2017
“It's being here now that's important. There's no past and there's no future. Time is a very misleading thing. All there is ever, is the now. We can gain experience from the past, but we can't relive it; and we can hope for the future, but we don't know if there is one.”

― George Harrison

Ang kamusmusan daw ang pundasyon kung gusto mo’ng magkaroon ng matibay na kinabukasan. Dahil ang isipan daw ng isang paslit ay tulad sa Tabula Rasa (blank slate) na magandang sulatan ‘pagkat tiyak ang kalinisan. Nasa labi ng isang musmos ang katotohanan at nakikita nang kanyang mga mata ang malinaw na mga kaganapan at naririnig n’ya ang bawat katagang binibigkas dalisay man ito o masama nang walang halong alinlangan.

Subalit may mga paslit na hindi na makikita ang kanilang kinabukasan dahil maagang nawawala ang kanilang buhay. May mga paslit na sa muarang edad ay marami ng lamat ‘pagkat dangal nila’y hinapak ng mga hinayupak. Mga inosenteng paslit na dahil sa maling pagkonsenti nang mga hangal na magulang ay naging mga pasaway at salot sa lipunan. Naging sinungaling ang kanilang mga murang labi kaya’t natutong magtahi ng mga k’wentong mali. Naging mapurol at mabalasik na tulad sa isang asong ulol.

Nagsisiksikan sila sa mga madidilim na eskinita habang sumisinghot ng solvent at lumalaklak ng syrup. Nagumon sa bisyo at kalaswahan, binaon sila ng sistema. Naging mga dilingkwenti at walang kwenta. Nasayang na buhay, nasayang na panahon. Ang iba ay bigla na lang tumutumba kapag tinamaan ng bala o di kaya ay nahagip ng saksak sa tagiliran. Mga makabagong desaparecidos na bigla na lang naglalaho sa dilim ng gabi.

Hindi ko na mabilang ang mga eksena sa telibisyon na tulad nito: binatilyo nawawala, dinukot daw nang mga di-kilalang lalake makalipas ang ilang araw natagpuan na patay. Binaril, tinadtad ng saksak. Riot sa kanto mga kabataan nagsagupaan. Nagpaluan, nagsaksakan at may nagpaputok pa ng baril – patay bumulagta na lang bigla. Sabi ni Rizal ang kabataan ang pag-asa ng bayan; hindi mali ka Pepe, ang kabataan ay hindi pagasa ng bayan kundi sila na ang panlaban sa mga sagupaan. May mga pick-up girls na nahuli sa kalye, ilan taon daw ito? Disisyete anyos lang, putang-ina naman hija kabata-bata mo pa bakit naging pakantot kana? Grabe! May gatas ka pa sa labi puro kantutan na ang alam mo bwesit kang bata ka.

Mga kabataan na pag-asa sana ng inang bayan bakit kayo nagkaganyan? Hindi n’yo ba naiisip ang iyong magiging kinabukasan? Bakit kayo nagpapatangay sa mga tuksuhan at mga walang kwentang huntahan? Meron pa kayong mapupuntahan, ang kabiguan ay hindi isang hangganan. Umahon kayo sa pagkakalugmok habang meron pang paraan. H’wag n’yo sanang sayangin ang inyong buhay.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Yesterday is gone. Tomorrow has not yet come. We have only today. Let us begin.”
― Mother Teresa

May mga panahon sa buhay ko na nasayang, may mga darating pa siguro pero baka hindi ko na maabutan, tanging ang ngayon ang tangan ko sa aking palad. Sisiguraduhin ko na hindi ito masasayang. Gagamitin ko at pagyayamanin ang ngayon ko sapagkat ito lang ang oras na hawak ko. Magsusulat ako ng mga salitang matulain kahit hindi nila ito tanggapin. Kahit ako lang ang tunay na aangkin sa aking simulain. Kahit malalim ang dagat na aking lulusungin kapos man ang bait ito’y aking gagamitin at titimbulanin.

Walang yumayaman sa pagsusulat ng tula at ang buhay ng isang makata sa panukat ng lipunan ay laging salat. Pero wala na akong magagawa napasubo na ako, matagal ko na itong nilimot at tinalikuran subalit para itong isang sumpang anino na laging nakasunod ayaw akong tantanan. Mabuti pa ang nag-uulat sa radyo at telebisyon dahil may nakikinig pero sa sumusulat ng tula bihira lang ang lumilingap. Putang-Ina bakit ba kasi ito pa ang nakahiligan ko?

Siguro dahil dito ako sumasaya, kasi nagagawa kong bigyang tinig ang tahimik kong isipan. Bakit kasi hindi na lang ako naging payak sa lahat ng bagay lalo na sa gawaing pag-iisip? Bakit kasi masyado akong mapagmasid, mausisa at malikhain sa pagsasalarawan ng mga bagay-bagay? Bakit ayaw magpahinga ng aking diwa?

Hindi naman ako magaling sa tugmaan at sa pagkatha ng mga kinakailangang sukat kaya kinalimutan ko na ito. Pero may ulol na bumulong sa akin “ok lang yan may free verse naman e kung hindi mo kaya ipahayag sa tugmaan gamitin mo ang malayang taludturan”. Kaya ito nanaginip na naman ako ng gising at tinatawag ang sarili ko na isang “makabagong makata”. Putang Ina makatang walang pera at laging nangungutang. Buti man lang sana kung makukuha ko kahit ang kalahati ng tagumpay nina Walt Whitman, Amado V. Hernandez, Jose Corazon De Jesus at Francisco Balagtas o kahit na si Emilio Mar Antonio na lang – e tiyak na hindi naman.    

Kanina pa tumatakatak ang tiklado ng aking computer, ayaw ko nang magsulat pero may demonyo na tumutulak sa akin para gawin ito. Ayaw akong patahimikan ng putang-ina. Kaya’t heto ako at nagpupursige parin. Ang makabagong makata ay hindi na muling tatalikod sa tawag ng tulaan. Kahit walang pera magpapatuloy ako kasi dito ako masaya, masaya pero malungkot din. Ewan, madalas hindi ko maintindihan. Hindi ko na muling sasayangin ang natitirang oras ko.
JOJO C PINCA Dec 2017
Walang sukat ang damdamin at wala rin itong tugma,
Ang wagas na pag-ibig o nagbabagang galit ay walang ritmo,
Lahat ng ito ay dapat na lumaya. Sumabog na tulad sa bulkan
Kung kinakailangan o di kaya ay dumaloy na tulad sa agos ng ilog.
Ganito ang malayang taludturan na aking tinatangkilik, oo alagad ako
Ni Walt Whitman at hindi ko ito ikinakahiya.

Hindi ko kinakailangan na bumilang ng mga araw, lingo at buwan,
Hindi ko kailangan na pagandahin ang mga salitang isusulat ko.
Totoo na gusto ko ring sumikat at makilala ng balana ang maging tanyag
Na tulad ng iba. Subalit wala akong balak na itakwil ang aking tunay na
Saloobin, hindi ko isasakripisyo ang aking nararamdaman para lang
Tanggapin at kilalanin ng iba.

Minsan mala-sutala pero mas madalas ay magaspang na tulad sa sako
Ang mga salitang ginagamit ko. Hindi ako nanunuyo sa halip madalas ako’ng
Nagmumura at nang-uusig. ‘Pagkat yan ang laman ng aking dibdib at hindi
Ko ito ikinakahiya. Malaya ako na tulad sa malayang tauldturan na itinataguyod ko.
Putang-ina ko man kahit hindi ako ma-publish gagawin ko parin ito.

Hindi ko pakikinisin ang magaspang na katotohanan, hindi ko pababanguhin
Ang nangangalingasaw na kaganapan ang isusulat ko ay ang tunay lamang.
Magiging tapat ako sa aking damdamin, hindi ko uulolin ang aking sarili at hindi
Ako mag-iinarte sapagkat hindi naman ako artista. Hindi ito Sunugan o Flip Top ito ang
Tunay na ako na s’yang nagsasalita. Hindi ko kailangan na magpatawa.

Ang tunay na makata ay naglalahad ng katotohanan hindi ng mga salitang
Gustong mapakinggan lamang ng mga taong bumabasa ng kanyang mga tula.
Walang sukat at walang tugma ganito ang tunay na demokrasya. Damdamin ko
Ang magdidikta, ito ang panginoon ng aking panulat.
Gwen Pimentel May 2015
Putang inang pakshet gago putangina mo tarantado x2
Kinakanta ko 'to tuwing nagagawa ng isip kong paglaruan ang mga alaala kong ang nilalaman ay ikaw
Ikaw lang naman talaga eh, dati, ngayon, at bukas, ikaw pa rin
Ikaw pa rin ang sinisigaw ng pipi kong puso
Ikaw ang tanging Nakikita ng aking mga matang bulag
Ikaw ang tinig na naririnig ng bingi kong tainga
Ikaw ang nakapapasok sa maliliit na eskinitang daan papunta sa aking puso
Ikaw lamang ang may kakayahang baguhin ang daloy ng ilog ng aking dugo upang masundan ka

Ikaw
Ikaw pa rin ang pipiliin
Kahit ilang beses mo akong saktan
Kahit ilang beses mo akong saksakin gamit ang bubog ng aking nabasag na puso
Kahit na mawalan ng boses kasisigaw ng iyong pangalan
Kahit ilang babae pa ang pinagkukwento mo sakin at ang pakiramdam ng bawat kuwento ay tila baril na tumatagos sa aking puso
Dahil pagkatapos mo akong saktan nagpapakatatag lang naman ako upang masaktan mo muli

Ikaw
Na minsan kong tinawag na mahal, babe, pangga, bebe luvs,
Ay matatawag ko na ngayon na
Tanga, ulol, manhid, pangit, hampas lupa, haliparot, lintek, demonyo, leche, gago, tarantado,kulelat, hayop, sira ulo, walang hiya, bakulaw
Iilan lang to sa mga katagang binigay ko sayo
Sa pag-asang malilimutan ng puso ko kung gaano kita minahal
Pero wala
Nag-aalumpihit na ang sikmura kong pinipilit ilabas ang lahat ng mga parte **** linunok ko hanggang sa wala nang maiwang bakas na minahal nga kita
Nag-aalinlangan ang isip ko, kung itatapon ko na ba ang ating mga alaala o itatago lamang upang mabalik-balikan kapag nalulumbay

Siguro ikaw si Kuya Kim, diba ang buhay ay weather weather lang?
Kasi nagdala ka ng bagyo sa aking mga mata na naging landslide pababa ng aking pisngi
Nagdala ka ng lindol na ang epicenter ay sa puso ko at nabulabog ang buong mundo ko, at ang puso’y nawasak
Nagdala ka ng buhawi ng hangin na paikot-ikot lang at kahit sinisira mo ang lahat, nahihigop mo pa rin ako
Nagdala ka ng tsunami sa aking isipan at binura mo ang lahat kaya’t ikaw nalang ang laging isip

Ikaw
Sa kabila ng lahat ng kasawiang dinala mo sakin
Oo
Ako na yung tangang nagmahal pa rin sayo
Ako na ang nagpakamartir na harapin ang matitindi **** hangin
Ako na ang sumalo sa lahat ng bubog ng iyong puso, sa lahat ng luhang iyong iniyak
Ako na ang trainer wheels sa iyong bike, sabi mo di mo na ko kailangan pero gusto kong naroon pa rin ako upang masigurong hindi ka masasaktan
Ako na ang bandaid sa bawat sugat na iniiwan ng mga babaeng minahal mo, mga halik sa sugat pinapatigil ang dugo
Ako na ang unan **** sa gabi mo lang nakikita, sinasandalan tuwing pagod, may problema, mahihigpit na yakap tuwing luha’y di tumitigil
Ako na yung stik-o sa pakete mo ng sigarilyo, inosente’t di ka sasaktan, pero iba pa rin ang pinili mo
Ako na ang babaeng umaasa sayo na parang naghihintay ng ulan sa tagtuyot
Bakit ba hindi nalang ako

Ito ang tanong ko sayo, ako nga ba ang talagang tanga rito? Di ba ikaw rin?
Bago ka maghabol nanaman ng isa pang babae, kuya tingin tingin naman diyan sa paligid
Baka nasa harap mo lang, ang babaeng matagal nang hinahanap
ikaw filipino tagalog hugot nanaman potek saklap sakit pagibig love
JOJO C PINCA Nov 2017
"bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? sapagkat ang paglisan sa sariling ina upang sumuso sa bukal na buhay ng ibang dibdib ay isang pailalim na pamimirata. at sa daigdig, ang mga limahong ay matatagpuan sa lahat ng lahi at sa lahat ng kulay. kapag pinag-usapan si Limahong, bawat kinapal na nakatapak sa lupang hindi niya kakulay ay dapat paghinalaan"  - Edgardo M. Reyes, SA MGA KUKO NG LIWANAG



bakit ang piratang tsino na si Limahong at hindi ang rebolusyunaryong si Komrad Mao ang napadpad dito sa ating dalampasigan? bakit ang mga piratang tulad ni Limahong ang dumami at lumaganap sa bansang Pilipinas?
oo, laganap ang mga pirata sa ating bayan, pinirata nila ang ating kabuhayan. matagal na nilang hawak ang ating ekonomiya. kahit saan mo ibaling ang iyong paningin ang mukha ng mga kapitalistang tsino ang lagi **** makikita. lahat sila kamukha ni Limahong. sila ang mga bagong pirata.

kung si Komrad Mao sana ang dito ay sumalta, malamang mga Sosyalista tayo ngayon. hindi sana tayo inaalipin ng mga ganid na Kapitalista. siguro sinlakas na rin tayo ngayon ng tsina. malamang walang tiwaling pulitiko na nagnanakaw sa kaban ng bayan. walang mga gunggong na pinagsasamantalahan ang taong bayan. walang mayaman na mang-aapi sa masang naghihirap. walang kolonyal na kaisipan na iiral, hindi sana tayo lumuluhod sa mga dayuhan. walang magtatatwa ng sariling wika at manghahamak ng sariling kultura. wala sanang maka-dayuhan na paghanga. wala sanang taksil sa sariling lipi. sapagkat lahat ng mga duming ito ay lilinisin at gagawing dalisay ng Cultural Revolution.

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit si Henry Sy, Lucio Tan, John Gokongwei, Andrew Tan ang mga panginoon at naghahari sa bansang ito? bakit tayo inaalipin ng mga dayuhang ito? putang ina, inaalipin at inaapi tayo dito sa loob ng sarili nating bayan. bakit sila ang nagpapatakbo sa buhay at bansa natin?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit ang diwang pirata at hindi ang binhi ng kalayaan ang lumaganap dito sa atin? bakit kapitalismo at hindi sosyalismo ang namayani? bakit tayo mga alipin at hindi malaya?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? nakakalungkot isipin na natulad tayo sa South Africa kung saan inalipin ng mga puting dayuhan ang mga katutubong itim. ang Pilipinas ba ang katumbas ng Gaza Strip dito sa South East Asia?

bakit si Limahong at hindi si Komrad Mao? bakit tayo pumapayag na ginaganito tayo? wala silang karapatan na babuyin tayo at hindi sila ang dapat na nakikinabang sa yaman natin.
Sabi nila na nakakabaliw daw ang sobrang pagiging matalino.
Pero bakit ako? Hindi naman ako matalino pero bakit nababaliw ako.
Sayo.
Nakakabaliw ka na
Putang ina ka.

Ang sarap mabuhay sa imahinasyon
Ang sarap mabuhay sa ilusyon
Sobrang sarap mabuhay sa pangarap.

Ayos ba yon?
Ayos.

Ayos na ako sa buhay ko na gusto lang kita
Ayos na ako sa buhay ko na pangarap lang kita
Ayos na ako sa buhay ko na makita lang kita.
Ayos na ako sa sitwasyong ganito
Ayos na ako sa galawang ganito
Ayos na ako sa nararamdaman ko para sa'yo.

Oo sige sabihin na natin na
Nakakapagod din na magkagusto ka sa isang bagay na kahit alam **** hindi mapapasayo.
Pero ayos na ako do'n
Ayos na ako doon
Sa mga bagay na yon
Ayos na ako.

Kasi ayaw kong masaktan.
Ayaw kong masaktan
Ayaw kong sabihin na gusto kita
Ayaw kong sabihin na pangarap kita
Ayaw kong sabihin na ayos na ako makita lang kita
Ayaw ko
Dahil ayaw kong masaktan.

Patawad
Dahil sa ayaw kong sabihin lahat ito
Dahil sa ayaw kong magkailangan tayo.
Patawad
Dahil ayaw kong isipin mo na sasaktan lang kita
Dahil ayaw kong isipin mo na lolokohin lang kita.

Marunong akong umibig
Marunong akong magmahal
Marunong akong magpasaya
Marunong ako ng kung anu-ano
Pero hindi ako marunong masaktan
At ayaw kong masaktan
Dahil naniniwala ako na ang lahat ay may katapusan.

Sabi din nila na hindi tayo matututo kung hindi tayo masasaktan. Pero ayaw ko,
Ayaw ko, ayaw ko at ayaw ko na masaktan.

Patawarin mo ako kung ika'y pinaglihiman ng tunay na nararamdaman.
Patawad dahil AYAW KO.
Sorry na !!
George Andres Jun 2016
Hindi matigas lahat ng bato
Hindi lalago ang halamang nakatago
Pero kung bubunutin din naman
Anong silbi ng pagkakakilanlan?

Itaas ang kamay kung ginawa mo ito:
Ituro sa kapatid na bakla ang tito mo,
Kung gayon, ito ay duwag at gago,
Tingnan bilang presong kulong sa kandado

At kung sapatos ni kuya, suot ng ate mo,
Walang alam ni isa, pero sa ina sinabi mo
Nasaksihan ang paglisan ng nagturong pumorma
Narinig ang galit ng ama, sigaw ay "imoral ka!"

Putang ina, lahat iyon ay narinig mo
Hindi na kaya ng sentido mo
Mali ito, mali ito ang pilit ng lipunan sayo
Iwaksi mo, iwaksi mo, at tatanggapin ka nito

Sa oras na lumabas ka, wala ka nang pangalan
At araw-araw sa buhay mo, tila umuulan
Ng husga, ng ismid, ng dura sa sahig
Tawag sainyo ng kasintahan ay bawal na pag-ibig


Tomboy, bakla, bayot, tibo
Araw na binigyan ka ng ngalan tila naglaho
Binato ng panghahamak na gusto mo nang lumisan
Kaysa tanggapin ang galit na pinagmulan ay di alam

'Mahalin mo ang 'yong kapwa'
Banggit at turo ng May Likha
Pero bakit may galit ata
Nagpahayag nito't nagsalita?

Hindi ba itinuturing na kapwa sila?
Na kasama **** lumaki, magdalaga?
Kalaro ng chinese garter baga,
Kahit alam **** lalaki naman talaga siya

Ang saya na dulot niya di mo naalala
Nang minsan sa kanto'y sutsutan siya
Sapatos lang daw at k'onting barya
Tiningnan ka niya, ikaw ay tumawa

Saan ba ang lugar sa mundo para sa kanya?
Mahirap bang sabihin, katagang, 'tanggap kita?'
Tingin mo ba'y karamdaman kanyang nadarama?
Oh bakit nakangiti ka? Nahawa ka ba?

Kaya ba't ka umiiwas nang nalaman mo na?
Bilang kaibigan, oo nabigla ka nga
Pero 'wag mo naman sanang isiping
Naisip niya minsang ika'y makasiping

Alisin na natin ang malawakang pag-iisip
Na pandirihan ang kakaiba, pero subukan **** sumilip,
Lalawak ang saradong takip
Sana isang araw ang hangin, magbago ang ihip

Maging magkasama, pantay-pantay sa ibabaw ng isang ulap
Nawa'y mga anak nati'y maranasan, ekwalidad sa hinaharap
Matapos na ang inis at galit
Pagmamahal ang pumalit
62816
Mira Alunsina Jan 2018
Tahimik at tila nawalan na ng ganang huminga ang mundo
Nakasarado ang mga labing to pero alam kong punong puno
ng mga sigaw
ng mga hagulgol
ng mga mura
na pinipilit na hindi makawala
Dahil alam ko na kahit ang boses ay maubos
hanggang sa tuluyan nang mapaos
Hindi mo pa rin pakikinggan
Dinadaan nalang ang mga sakit na naipon
sa pagsulat sa basang pahinang pinipilit mang pagtagpiin
ay tuluyan nang napupunit
Gawa ng mga luhang kumakawala sa mga matang bulag
Marahang pinapahid dahil sa namamagang pisngi
Katulad ng pag-iibigan natin
Sa pahinang ito
Tuluyan nang nawasak at paunti unti nang naglalaho
Nabura na ang tinta at naging malabo na
ang mga salitang Mahal na mahal kita
Ipipikit nalang ang mga mata para tumigil na
Kasabay ang paghaplos sa nanlalamig na espasyo
Sa bandang kaliwa ng ating kama
Dito dating nakahimlay ang isang nilalang na nagbigay halaga sa kalawakan
Ang nagparamdam ng tunay na kahulugan ng buhay at pagmamahal
Pinapaniwalang ang pag-iibigan ay tunay at magtatagal
Pero mahal
Bakit ang mga halik ay napalitan ng mga mura
Ang mga yakap ay napalitan ng mga sampal
At ang mga matamis na ngiti ay napalitan na ng matalim na mata
Nasaan na ang pinangakong walang hanggan?
Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan
Alam ko kung paano mawasak ang mundo ng isang iniwan
Pero alam mo ba kung ano yung pinakamasakit?
Magkatabi tayo at magkadikit ang mga balikat
Walang matitirang espasyo sa gitna dahil sa liit ng higaan
Pero hindi ko maramdaman na nariyan ka
Mali..
Alam kong andiyan ka pero alam ko rin na ang pagmamahal mo ay naglaho na
Sabi nila masakit makita ang mahal **** may kasamang iba
o hanggang kaibigan lang ang tingin niya
o wala na siyang ibang nabanggit kundi ang isang taong ayaw sa kanya
Putang ina
Hindi nila alam na mas masakit ang nararamdaman ng isang tangang katulad ko
Na pinipilit pinapaniwala ang sariling mahal mo pa ako
Mas masakit yun
Mahal hindi mo ba nakikita ang mga mapuputlang labi na minsan mo nang nahagkan?
Hindi mo ba naririnig ang mga hikbi na pinipilit kong itago pero hinihila pa rin palabas ng pighati?
Hindi mo ba nararamdaman kung gaano kita kamahal, kung gaano ako kahangal?
Gusto ko lang naman pakinggan mo ako
Gusto kong malaman mo na ayoko na
Na kahit ayoko na ay ayoko pa
Ayoko pang bumitaw
Dahil natatakot akong maligaw
Sa paniniwalang ang iyong palad ang gabay sa mundo kong minsan nang naging bughaw
Ayoko pang mawalay sayo
Ayoko pang ako’y iwan mo
Tawagin mo na akong tanga, gaga, boba
Pero Mahal kita
Pero Ayoko na
Ayoko na sana
Sana pigilan mo ako sa pagtangka kong pagbitaw
Pigilan mo sa pagsulat muli sa mga basang pahina dahil huli na to
Halikan ang mga nakasaradong labi nang mapalitan ang mga mura ng mahal
Mahal kita
Oo na hanggang sa huli
Kahit matagal nang sinasabi ng mga mata, labi at puso ko
At nakasulat sa huling basang pahina na ito
Na Ayoko pa, mahal ayoko na.
bartleby Dec 2015
Ang ganda na sana ng tugtugan
Ang yabang ko pa
Abang na abang ako sa kantang patutugtugin nung kuya sa caf
Ayun, "Forevermore" ng Side-A
"Ay putang ina"
Solid.
Kahit may pagkain sa harap ko.
Ang sakit pala.
Ang hina ko pala.
Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Oa para sa iba.
Pero para sa'kin?
Iba.
Masakit.
Hindi ito yung mga oras na kaya ko maging matapang.

Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Bakit ba ako nasasaktan?
Bakit ang lala?
Mahal mo pa ba sya?
Mahal mo ba talaga ako?
Ang sakit pala.
Ang hina ko pala.

Ang yabang ko pa.
Akala ko napakatatag ko.
Pero hindi pala.
Isang kanta lang, hindi ko kinaya.
Bakit kasi hindi mo ako hinintay?
Pinanindigan ko ba talaga pagiging "laging late" ko?
O sadyang kailangan ko lang talagang masaktan nang ganito?

Isang kanta pero ibang sakit ang dulot sa'kin.
Isang kanta mula sa nakaraan mo na labis na nagpapasakit sa ngayon natin.
Madaling sabihing lumipas na yun.
Pero mahirap ding pilitin ang sariling 'wag mapaisip
Ano kayang iniisip mo nung narinig mo rin yun?
Naalala mo ba lahat?
Naalala mo ba sya?

Nanghihinayang ako.
Bakit ba hindi kita noon nakilala
Nung hindi pa ako ganito kahina
Nung kaya ko pa magmahal nang buong buo
Hindi tulad ngayon na puno ng takot

Nang tignan mo ako sa mata
At sinabing mahal mo ako
Saglit na tumigil sa pagtibok ang puso ko
Masaya at masakit
Sabay.
Lalo akong nahirapan.
Hindi ko na alam.

Sa bawat araw na dumadaan
Mas minamahal kita
Ayaw na ayaw kong nawawala ka sa tabi ko
Maya't maya hinahanap kita
Akala ko ganun ka din
Kaya lang nasasakal ka na pala
Hindi ko namalayan
Sobra na pala
Paano ba talaga magmahal?
Bakit kung hindi ako kulang, sobra naman?

Ngayon hindi ko na alam paano ka kakausapin
Paano kikilos
O magsasalita kapag andyan ka
Pakiramdam ko lahat ng gawin at sabihin ko,
Mali.
Sobra.
Kulang.
Ewan. Paano ba?
Siguro nga ganito talaga kapag nagmamahal.
Masakit.
Kumplikado.
Uubusin lahat ng lakas mo.

Ibibigay ko ang gusto at kailangan mo.
Pero sana sabihin mo
Kung sawa ka na
Kung ayaw mo na
Kung kaya mo pa
Kung mahal mo ba ako
Kung mahal mo pa ba ako
Kung mahal mo ba talaga ako
Kaya ko tiisin lahat
Hanggang alam kong may pinanghahawakan ako
Pero kung wala na,
Handa naman akong magpatalo
Handa akong masaktan
Maging masaya ka lang

Sanay naman kasi ako
Alam kong mahirap akong mahalin
Hirap din akong mahalin ang sarili ko
May mga bagay na sadyang hindi nababago
Pero kung tunay kang nagmamahal, matatanggap mo
Matitiis mo
At kahit hirap ako
Ginagawa ko
Hindi ko isinusumbat
Gusto ko lang malaman mo
Na ganito ako magmahal
Uubusin ko ang sarili ko

Sana maubos na rin lahat ng sakit na 'to
Hindi ko alam na ganito ang epekto ng isang kanta
Isang kantang magsasampal sa akin ng katotohanan
Na walang madaling paraan para magmahal
Daniel Dec 2017
Gusto ko ng panibagong balat.
Iyong maputi at makinis.
Mala porselana,
Na halos kuminang tuwing masisinagan ng araw.
Kabisado ko ang bilang ng araw,
Na ginugugol sa ilalim ng araw kakabanat.

Ngunit,
Ang panibagong balat,
Hindi nito ako kayang protektahan, alam ko.
Lilimitahan lamang nito ang mga nalalaman ko.
Ngunit,
Sa panibagong balat, nais ko magsimula.
Kilalanin at kalimutan ng halos magkasabay,
Ang imahe ng nakakadiri kong balat.

Bilang ang peklat.
Sukat ko kung gaano kalalim ito,
Noong sugat pa lamang.
Kaya ko gusto ng bagong balat para pagtakpan ito.
Baka sakaling iwasto ng bago kong balat,
Ang mga naimali ko.

Makikilala kaya ako ng ibang tao,
Sa bagong balat na suot ko?

Marahil hindi,
sana hindi,
panigurado hindi.

Nais kong magtago,
Sa paraan kung paano ako lulutang ng hubo't hubad.
Nang hindi ko na itatakip,
Ang aking palad sa aking dibdib,
Dahon sa ibaba ng puson.

Isisigaw ko ang salitang "PUTA!" ng napakalakas,
Halos magsisilabas
Ang mga putang mismong makakarinig,
At yayakapin ko sila.

Dahil bago ang balat ko, ito'y mainit.
Kumpara sa nahamugan kong balat kagabi.
Malinis,
Kumpara sa balat kong may dampi ng mabahong laway.
Mabango,
Kumpara sa mumurahing aficionado na nahaluan
Ng pawis ni Ricardo kagabi.

Bagong balat.
Ibebenta ko ang luma kong balat,
Sa gabing ito.
Bilhin mo ang aking balat.

May panibago bukas,
Pag-asa, hamon,
Mantikilya sa loob ng pandesal.

Gamit ang luma kong balat,
Makakabili pa ba ako ng bago?

Magkaiba ang bagong uri sa bagong palit.
Ang balat ko, nalaspag na.
Tulad ng puti kong damit,
Hindi na ito puti.

Marumi ang titig ko.
Marumihin ang aking naisuot.
Ang balat ko ay puno ng mantsa,
Ngunit bago ang aking suot ngayon, bagamat,
Iisa parin ng uri.

Balat na nakalaan para ulitin ang pagrumi at
Yurak sa puti kong suot.
Bagong balat, kulay puti.
Wala na akong maisuot.

Hubad na ang aking puri.
Hindi ko masuot ang salapi.
Magkano pera mo? Tara?
Nais mo bang makita ang aking balat?
Itong tulang ito ay patungkol sa prostitusyon. / This poem tackles prostitution.
George Andres Aug 2016
Uy, gawa tayo ng tula
Kasi putang ina ng Maynila
Sa nayon ay dinadakila
Isang abot-kamay na tala

Kailan ka ba kakawala
Sa anino ng Maynila?
Umambon ay may baha
Selpon ay may kukuha

Walang pawis at luha
Walang ngiti ni tuwa
Kwartang pulos kaltas
Walang pambili ng bigas

Kapit kahit mapurol
Mga bundok ay gagawing burol
Nakakita ka na ba ng ulol?
Sa Maynila marami niyan,
buhol-buhol

Kung saan walang permanente
Maging sa suplay ng kuryente
Ang pamahalaan ang hinete
Tagasulsol naman ang gabinete

Kapatiran may kaputol
Basta't kumapit mala kuhol
May nakahihigit sa batas
Umangal ka at ika'y utas

Wala nang lunas
Wag ka nang lumuwas
Utang na loob kaibigan
Maawa ka sa iyong ksasadlakan
8316 WIP
Mula sa higanteng alpombrang balot
Bumuhos ang walong henerasyon halos
Ng karit, palay, tagtuyot, unos
Martilyo, pako, pagpapakaputa sa utos!
Aba, hindi pangako ng sistema ang presensya ni Hesus!

Sa madilim na purgatoryo ng impiyerno at kalangitan,
Sa mahiwagang pagitan ng lunsuran at lansangan
Nagka-prusisyon ang dibinong Toledong bayan
‘Pagkat naipasalangit na
Ang Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka/
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo/
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata
Na sumiil sa banal na pook ng Toledo.

Pitu-pituhan ang naging palitan
Sa pagbuhat sa bangkay ni Rodiano Abduhan.
“Dito ako sa ulo.” “Pasmado ka ba? Larga na!”
Padulas-dulas ang kapit, sumisilip na ang paa
At sa bawat yapak, bumuhos ang patak
Ng dugong pesante sa sagradong Toledong lupa.

Rodiano Abduhan, mas kilala bilang Tatay Godong
Manggagamot, tagalunas ng salot, kampon ng Diyos,
Ika ng iilang nagpatingin sa mahiwagang tatang,
Pero manyak, magnanakaw, aswang, mangkukulam
Kamo ng nagmula sa abang Toledong bayan.
‘Pagkat ang pugad niya’y sa kanayunan, sa kalaliman, sa kaibuturan,
Ng mailap na lansangang ng Diyos tinalikuran.

Kaya nang ang taumbaya’y nakabatid
Na lumubha ang sakit ng pamangking si Adring,
At na natagpuang bukbukin ang bangkay ni Celine,
Kaniya-kaniyang satsat, sitsit, at hirit
Ang kumapal sa amihan ng Toledong hangin.

“Mangkukulam! Heto yung bumati sa Adring kong pamangkin!”
Kaya ng taumbaya’y binatikos at siniraan sa lihim
Sa walwal o gimik, pagkalaklak ng gin.

“Berbalang! ‘Di ka umawat hanggang naubos ang dugo!”
Kaya’t nang-imprinta ang madla ng mga galos abot sa buto
Tatak Cebu! Tatak lungsod ng Toledo!

“Aswang! Luwal ng putang nakunan!”
Kung kaya’t naisama rin ang anak ni Abduhan
Sa kawawang listahan ng mapapaslang.

Biro mo! Ang manggagawa ng himala
Natamaan ng sumbi ng masaklap na realidad!
Ay, hindi makaliligtas ang dukha
Sa kamandag ng pader ng matayog na siyudad!

Pero nang maabot ang mapanglaw na kremahan,
Ang mailap na lubid ng buhay at kamatayan
Ni Rodiano Abduhan, aswang at mangkukulam,
Ng dugong maliliwat ay tuluyan siyang naubusan.
Maputla niyang balat, sa abong langit ay umagpang.
Inaakit ng lagay na hamak na sa wakas ay tumahan.
Pero nang maunawaan niya na sa kaniyang kamatayan
Mapupuksa ang kasarinlan at kalayaan,
‘Pagkat siya ang sisidlan ng dugong maglilinang,
Kampeon ng kanayunan, hari ng himagsikan,

Nasapian ni Lazaro.
Nabuhay.
Natauhan.

Magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya.
Artista, mayora, tindera, tsismosa.
Karpintero, ****, kutsero, kaminero.
Abugado, inhinyero, piloto, maestro.
Ninais ng lungsod ang pagsapit ng mundo
Sa mahinhing mundo ng mga diwata’t engkanto.
Oo lang nang oo, bawal mangontrabida,
Kaya kung gusto nila ng Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka
Ano pang magagawa kundi patabain ang mataba?

So natunaw ang pintura
Ng nagbabalat na ngang dingding
Nabawian ng Sol at Luna
Ang kalangitang sadya nang makulimlim
Ang basang semento ay nauhaw
At naging nagbabantang lamig.

Mula sa naagnas na kabaong sa hukay lumaya
Ang mga magsasaka, mangingisda, labandera, gerilya
Ang mga Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.
Mula sa abo sa loob ng saro nagka-anyo
Ang mga karpintero, ****, kutsero, kaminero
Ang mga Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo.

Tsaka humayo’t bumulong kay Abduhan
Nang siya’y mailatag sa loob ng makinarya.
Tsaka niya nagunita ang anak at asawa
Nombrado na atang manananggal at tiyanak.
At ang bawat katiting na patak ng dugo
Na hinayaan niyang umagos, bumuhos, tumulo
Sa lupang Toledo, lupa ng berdugo’t demonyo.
Doon niya nabatid kung saan totoong nagmula
Ang mga Multo/Kapre/Bal-bal/Berberoka,
Aswang/Mangkukulam/Agta/Santelmo,
Batibat/Berbalang/Bungisngis/Diwata.

At doon nabuhay ang Santelmo ng Toledo;
Nang umalpas mula sa crematorium si Rodiano Abduhan,
‘Di na mas hahaba ang buhok, at nakatatak ang pangalan
Sa kaniyang mga galos at sugat, habang
Noo’y banig ang balot, ngayo’y apoy na bagong silang.
At nang nadaanan niya ang mga balintataw
Ng mayayamang poong siya mismo ang nakapukaw,
Nabatid niya kung bakit kailangan ng Toledo ng isang halimaw.
ive never written in such an aboveboard style aint proud of this **** lol
JOJO C PINCA Nov 2017
"Life is either a daring adventure or nothing at all"
- Helen Keller


May mga taong tinutugis na parang mga hayop, may mga hayop na nagpapanggap na tao. Mga halimaw na nagaanyong pangkaraniwan. Ang mundo ay isang malaking gubat na punong-puno ng mga ganid sa laman, uhaw sa kapangyarihan at mga alipin na lumuluhod sa kinang ng salapi. Ang lupa ay hindi inilaan para sa mga mababait na tao, ito ay para sa mga ulol, imbi at mga tarantado. Ang mga baliw, sadista at mga putang-ina ang itinakdang maghari. Sa bawat yugto ng kasaysayan ay laging may pag-aaklas, ito na ang panahon nang pag-aalsa. Buksan ang isipan at gisingin ang natutulog na damdamin. Wakasan ang pang-aapi at pabagsakin ang nang-aapi. Sabi nga ni **** Abay "magkakaroon ng rebolusyon". Ngayon ang panahon nang pagbabangon, simulan natin sa ating sarili. Tularan natin ang mga bayani nang ang bayang nakalubog ay maka-ahon. Simulan natin sa tula upang gisingin si Juan sa malalim n'yang pagkakahimbing.
JOJO C PINCA Nov 2017
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.”
― Albert Camus

Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay.

Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag mo’ng ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana.

Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya mo’ng mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon.

May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain mo’ng mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili.

Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira mo’ng kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
Para kay Rey
JOJO C PINCA Nov 2017
“Wake up and live”
― Bob Marley

Mga mukhang tao pero ugaling hayup,
hindi naman aso pero laging kumakahol.
Mga bastos magsalita,
mas salaula pa sa baboy ang mga putang-ina.
Matataas ang kanilang pinag-aralan
pero bagsak ang grado pagdating sa kagandahang asal.
Sa maiksing salita mga MAL-EDUKADO sila.

Ayaw nila nang sinasagot sila kahit nambabastos sila.
Gusto nila na galangin sila pero wala silang galang sa kapwa nila.
Masyadong mataas ang tingin sa kanilang sarili
kaya sobrang baba kung ituring nila ang iba.
In short, mga HIJO at HIJA DE PUTA sila.

Ang kanilang libangan ay ang pagalitan ang mga nasa ibaba nila.
Hindi sila kailanman pweding magkamali
at hindi nila tatanggapin ang kanilang naging pagkakamali.
Ang ipasa ang sisi d’yan sila dalubhasa na tila ba sanay na manggahasa,
manggahasa ng damdamin ng iba.
Ang paborito nilang motto ay ito “THE BOSS IS ALWAYS RIGHT”.

Mga bossing na saksakan ng kupal hindi pa kayo tamaan ng kidlat.
Sana bumuka ang lupa at lamunin kayong lahat.
Kung totoo ang aswang sana dagitin kayo ng mga manananggal.
Bakit kasi hindi pa kayo dukutin ng mga Tamawo?  

Ang mga katulad ninyo ang nagpapahirap sa buhay ng mga maliliit na tao. "You're adding insult to injury."
Dinadagdagan ninyo ang sugat sa kanilang mga dibdib.
Ipinamumukha ninyo lagi kung gaano lang sila kaliit.
Hindi kayo marunong umunawa at maawa
kasi ang alam lang ninyo ay ang mag-utos.
Puro lang pakinabang ang laman ng utak ninyo.

Hindi ninyo alam kung paano mabuhay ng marangal
kasi wala kayong dangal.
Salapi at posisyon ‘yan lang ang gusto ninyo.
Kapag hindi na ninyo napapakinabangan ang isang manggagawa
hindi na n’yo ito pinapansin,
walang pagsalang na inyong binabaliwala.
JOJO C PINCA Nov 2017
putang ina ka wala bang hiya ha hayup ka? hindi kaba nahihiya sa amin ha? kami  ang dahilan kaya yumaman kang animal ka. wala kang mansion, kotse, limpak limpak  na salapi kundi dahil sa dugo't pawis namin. tapos kung tratuhin mo kami ngayon e para kaming basura hayup  ka.

kailanman hindi naging sapat ang pasuweldo mo sa amin. lagi kang nakaangil pag dagdag na sahod na ang pinaguusapan. marami kang satsat marami kang dahilan kesyo nalulugi ang kumpanya at hindi kumikita. kaya pala panay ang expand ng business operation.

mahilig ka pang manakot na magkakabawasan ng tao sa kumpanya kapag lumaki ang gastos dahil sa dagdag sweldo na aming hinihingi.

madalas mainit pa ang ulo mo sa amin e samantalang dahil sa amin kaya ka kumikita. kung aso ang tingin mo sa amin e ano ang tawag mo sa sarili mo? edi unggoy masyado ka kasing tuso.

lahat ng bagay ay nagwawakas kaya wag ka masyadong mapagmataas dahil sa oras na bumagsak ka hindi kita tutulungan sa halip tatawanan pa kita.
Para sa lahat ng ganid na kapitalista
JOJO C PINCA Nov 2017
Kung ang bunga ng isang makata ay tula
humihingi ako ng paumanhin
sapagkat mapakla
at hindi matamis ang sa akin.

Gusto ko sanang saysayin
sa paraang patula
ang buhay mo at dalita
na tulad sa bulaklak
ay nalanta nang ikaw ay dahasin
ng mga puting dayuhan.

Ikaw ang Sisa na nabaliw
sa paghahanap ng iyong Crispin at Basilio,
Babaylan kang hinubaran ng dangal
sa harap ng madla,
subalit ikaw din ang Gabriela
na nag-armas at lumaban.

Inang Bayan ko
na sakbibi lagi ng lumbay
kailan mo kaya makakamtan
ang tunay na kalayaan
na kay tagal mo nang inaasam?

Wala kang maasahan
sa mga anak **** hangal
na parang birhing matimtiman
na laging nakaluhod
sa paanan ng dayuhan;
mga putang walang kahihiyaan
na ibenibenta lagi ang puri mo't dangal.
A Watoot May 2015
Huwag kang papakain sa putang inang sistema natin. Mabuhay ka!
putang ina. nakakita ako ng video ng nanghuli dahil sa overspeeding. kitang kita naman ang lahat ng ebidensya. may video na. pinagpipilitan pa rin ng putang ina na over speeding daw. Ayaw niya ibigay ang pangalan niya nang hininge ito ng hinuli.

hindi naman ito nangyayari kung hindi magara ang kotse na totoong nagooverspeeding eh.

kuya ko hinuli. beating the red light daw. eh anak ng tokwat tofu. anong klaseng mata meron kayo?sira ang stop light. binigyan niyo ng ticket. sige tinanggap ang ticket. pag dating sa city hall, bakit may kasamang arrogance na?

ANO BA?! PUTANGINA!
TIGIL NA KAYO.
Mel-VS-the-World Nov 2017
Until we find ourselves under the same stars. We'll be searching over and over for the love we have left in the open sky. And this my love, is my unsent letter of an unfinished story.


And this is the beginning.


From scraps of broken pieces of ourselves, we once built trust.
From the shattered pieces of our hearts, again we danced without the music and the lights surrounding us.
From empty chairs and spaces, we shared the deepest scars unknown to the people around us.
From lonely words and empty promises, we laughed and smiled as we exchanged happy thoughts of goodbyes and suicides from past experiences.


And from nothingness, for a moment,
As we lie down together with the sky slowly covering the sun,
I watched you as you slowly undress,
I prepared for battle,
I knew it will happen,


Our souls collide
Our bodies unite
Our hearts ignite
And the night was filled with lust
And there was something
Yes! it was a different kind of love
No! It wasn’t love but it was pretty close


But until then…


Until we find ourselves in the same bed, underneath the same blankets. We’ll be searching over and over for the love we thought would never end. And this my love, is my unsent letter of an unfinished story.


I remember how you would cling onto my arms and you’d tell me:

“I’ll annoy you forever”

And then, we’d walk around town like it’s the last.

I remember how often we exchanged messages and how long we spent talking on the phone.
We talked about politics, we talked about god, we talked about how ****** up this life is for us.
We talked about anything under the sun.


I remember everything we did that made us who we are. I remember everything you said. From sweet talks to curse words. From I love you to go **** yourself. From I'm sorry to *******. From i miss you to why don’t you just die? And from ingat ka to putang ina.

For a second, I remember everything.

Wait.

You were like the sound of the pouring rain, it ease my mind, you remove my pain. You were like a freshly opened bottle of water or a Gatorade, you quenched my thirst every time I dive right in between your hips without wearing anything. You were like the PM1 at Mang Inasal, when I was starving to death, you feed my hunger with unlimited supply of love, but only for a matter of minutes until the guard places the signboard at door saying “sorry we're closed.”


“Sorry, we’re closed.”


At that moment, I saw the future was only a step away from the present.
And every time you said “I love you, babe” without sound.
I knew it from the heavens above,
Angels can be true, sometimes.
But then I knew it too,
Before we even began,
We were already at the end.
Just waiting to finish what we were about to get started.


From the promises we made, we lied to keep us safe.
From all the pain we felt, not even a single shot of morphine can make us numb.
And from all the hurt we had, we drank ourselves with beer and threw up all the **** like we don’t care.
And from something, once again, we were nothing.
Yes, we were nobody from the beginning.
And it happened as if it was expected to happen.
Before we even began,
We were already at the end.
Just waiting to finish what we haven’t started.


But until then..


Until we find ourselves under the same sun. Burning our skin trying to look tanned. Burying our toes into the sand like burying the past ‘cause no one would understand. Maybe somehow, somewhere, we won’t be searching anymore for the love we thought we deserve. But maybe, we could just accept the love that is being freely given without asking anything in return.


And this my love, is my unsent letter.


And I'm just a name you won't even remember. And you'll look for that distinct part of me but you won't find that from anyone else. I swear to god that I don't even believe in, you won’t find me in that lonely hearts club band playing your favorite songs of blues and jazz.


But you know exactly where to find me.
You just don’t want to.
And if you’d only search your heart.
You’d find me there, sleeping soundly.


But until then...


This is the end of our story.
JOJO C PINCA Nov 2017
Nakasadlak ngayon sa laksang dusa ang nagluluksang lungsod ng Marawi.
Nasiraan kasi ng bait ang mga ulol na galit na galit kaya nila pinunit na parang damit
ang bayang marikit. Palibhasa’y mga baliw sila na walang paggiliw sa aliw ng iba.
Ito daw kasi ang gusto ng kanilang diyos kaya wala silang pakialam sa iyong pagpupuyos
Mga putang-ina sila na wala sa ayos.
JOJO C PINCA Nov 2017
Kaninang umaga
Habang hithit ko
Ang nagbabagang yosi
Ay naalala ko
Ang lumipas na tag-araw.
Kalagitnaan ng Abril 2017
Maalinsangan ang umaga
Nang ako’y magising
Matapos ang isang gabing
walang pagkahimbing.
Sa sala at maging sa lamesa
Namagitan ang isang
Mahabang katahimikan
Walang usapan, Walang kibuan
Isang nakakainis na pakiramdaman.
Nung sumapit na ang tanghali
Mas mainit pa sa nakasalang na kawali
Ang init ng nakakapugnaw
na putang-inang araw.
Pero kakaiba ang tag-araw na ito
Sa gitna ng matinding init
Akoy giniginaw
May Malaria? Wala s’yempre
Pero ako’y giniginaw.
Giniginaw ako sa tindi
ng panlalamig mo sa akin.
Kaninang umaga habang nagyoyosi
Sa pagitan ng usok at buntong-hininga
Naalala ko ang lumipas na tag-araw.
Vaniexe Kafka Mar 2020
nais kong magpaalam sa
        kislap ng 'yong mga mata
        tono ng 'yong mga tawa
        at sa lutong ng 'yong
putang ina

kasi sa totoo lang,
        pagod na 'kong maghintay
Pedro kalungsod Jul 2020
Aso
Kahol ka ng kahol, Alas dose na ng Gabi di kami makatulog dahil sa walang saysay **** pag kahol. Putang-ina! Nakawa kana-naman ba sa kadena kaya ka nangangagat ng taong bayan, Bumalik ka na sa amo mo sa pagkat  sya lang naman pinapakingan ng taenga mo.
a name Aug 2021
there's always a way
for us
to express ourselves
better

barely anyone here reads books
or poetry
anymore
barely anyone speaks of rizal
or jose corazon
why would they
it costs thought to digest balagtasan

poetry has to be complicated, it seems

but everyone's feelings are simple
even when it's complicated, too

i half thought simple poetry was an impossibility

but i am also an idiot

in rush hour at old katipunan
i boarded a taxi cab with broken windows
hot air out of it's vents
mud on its wheels

and it's driver had a phone call
"pasensya, di ako makakauwi ngayon,
kainin nyo nalang muna yung tira"

he looked as tired as a soldier
as tattered as the far road
looking like most of us
when ready
to give up

a motorcycle scraped the left door
"PUTANG INA MO!!!!"
roared through the avenue

and i could feel
what seems to be
entire centuries of anger
entire centuries
of not being able
to write like the spanish
or the american
or the japanese
or themselves

well, i do think we do have a piece of ourselves
in that shout
he could be swearing to the motorcyclist
or the dilapidated car
or the stupid government
and our stupid history

i'd like to believe
his entire week
was written
in that shout

and i knew i was wrong
oh, so wrong

there are poets everywhere
and you don't have to eat an old filipino dictionary
to say hate
or love
or the color of sunset
or the taste of a summer's day

it might not be as pleasant
as a frenchman saying several stanzas
only to insult someone's ***

eat your heart out, hemingway
our poets here only have to say three words
to mean so much

(granted, so do yours
but give me this one)

and i have learned what poetry means

i gave the driver 500 pesos for a drive two thirds that price

i should use more swear words now, then
quite a ramble from my old self, but it's ok

— The End —