Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"pumupukaw" poems
Ang pag-ibig Hindi parang load Hindi yan nauubos Wala sa tindahan Hindi inuutang. Ang pag-ibig Hindi parang gasoline station Na daraanan mo lang Na paparkingan mo Pero iiwan mo Pag nakuha na ang gusto. Ang pag-ibig Hindi parang kalsada Na malawak pero tatapak-tapakan Na aayusin at mas mapapansin lang Pagka may lubak na. Ang pag-ibig Hindi parang payong Na gagamitin mo lang Para sa pansariling proteksyon At itatago pag hindi mo na kailangan. Ang pag-ibig hindi yan sasakyan Na daraan sayo at hindi mo mapapansin Na bubusinaan ka At wala kang tamang pandinig. Ang pag-ibig Minsan makukumpara mo Sa kung anu-anong pumupukaw ng atensyon mo Minsan kasalungat Ng kung anong nakikita mo. Hindi mo na lang mapapansin Nandyan na pala, Eh kaso lang, ang layo ng tingin mo Naghahanap ka pa, Eh nasa harap mo na pala.
0
Jul 12, 2014
Jul 12, 2014 at 4:17 AM UTC
Ang Pag-ibig sa Barangay San Pedro
Hindi alam kung pano sisimulan, nahihirapan itugma ang bawat salita na lumilitaw sa isipan, Ang bawat tunog sa bawat saknong ng bawat kaludtod ay nabibigatan, Ilapat sa mensaheng ibig iparating ng damdaming nagaalinlangan. Oo, hindi ako sanay gumawa ng tula, Itoy dili iba't hindi inaakala, Ngunit aking susubukan, alang alang sa kaibigan, Nanghihinayang sa alaala ng ating samahan, sa isang saglit ay iniwan. Mga pagsubok biglang dumarating, Sa kabagabagan ng buhay at panimdim, saklolo niyaong Dakilang may gawa ang tanging hiling, araw at gabi siyang dalangin. Ako ma'y naguguluhan sa mararamdaman, isip at puso laging nasa kabagabagan, kalungkutan ang nasusumpungan sa bawat araw ng aking kinalalagyan, damdamin ay halintulad sa parisukat, makipot at madilim na kulungan. Kaibagan koy huwag magtanim ng sama ng loob, Sa puso ko'y kalungkutan ang bumabalot, hirap ng pakikibaka sa araw-araw siyang sahod, ng buhay na sa pagsusumakit sa paglilikod, upang sa harap Niya'y magbigay ng lugod. Ala ala ang siyang pumupukaw sa aking loob, huwarang kaibigan ang ipinagkaloob, nagbigay inspirasyon at lakas ng loob, upang maganap tungkuling kaloob, sa Maylalang aking utang na loob. Patawad, unang sambit kung tayo man ay muling magkikita. Kalakip ay ngiti't saya sayo'y muling igagawad. Ipapalit sa galit at sama ng loob ay aking ilalahad, magpapakumbaba sayo ay aking hangad.
0
Jun 10, 2019
Jun 10, 2019 at 11:09 AM UTC
Di Tugma
Sa bawat meron laging may wala Bulsa kong butas at walang makapa Balang araw ako'y magsisikap at di na ulit madadapa Pagkat lahat tayo'y hindi biniyayaan dito sa lupa Ngunit lahat ng bagay ay di hadlang Sa pag-abot ng aking mithiin at punan ang mga gatlang Kung mamamatay tayo ng mahirap ayun ang malaking kasalanan Pagkat isa lang yun sa patunay na di natin pinagbutihan Pasalamat dahil merong ikaw Na handang umalalay sakin at laging pumupukaw Ang aking natatanging yaman na hindi matumbasan Ng kahit anong bagay dito sa kaibabawan Marahil sa aking paglalakad ika'y handog Ng nasa itaas upang ako ay mamulat Na kung pano maging mayaman sa ngiti **** buhat At kung pano lumabas sa sariling pugad Hindi ko man maibigay ang mga gusto **** materyal Inibig mo pa din ako ng buong puso at bukal Pinakita mo sa akin ang ugali **** natural Iyong pagmamahal ang aking maituturing na mataas na aral Sa tulad **** walang kapantay, Ibibigay ko ang aking buo at pipiliting di sumablay Ng masuklian ko naman ang pag-ibig na dulot mo Sa aking puso at isipan iuukit ang pangalan mo.
0
May 17, 2018
May 17, 2018 at 2:09 AM UTC
ALAWS
Mahiwaga Mahiwagang mga ngiti, Mahiwagang mga mata, Mahiwagang ikaw, Sinta Ika'y bumuo sa akin At ika'y napabago ang ako, Dating kilala sa katarantaduhan Ngayon ako naman ang pumupukaw Sa mga makulos nilang kilos, Ika'y mahiwaga Ngiti **** taglay, Ika'y mahiwaga Mga paghawi mo ng buhok, Hindi ka matanggal sa isipan Kaya napapaisip nalamang, Ngunit alam ko naman ang rason Dahil sinta Ika'y mahiwaga Binigyan mo ng mahika ang aking buhay Sinta wag ka nang lumisan Luluhod pa ako sa harapan mo At sasabihing pwede ka bang ligawan? At sa mga susunod na tanong na Pwede na bang magisang dibdib nalamang? Sa bawat kilos, Sa bawat tawa, Sa bawat paghawi ng buhok mo, At sa bawat pagalaga mo sa ako, Ako'y tuluyang nahulog Hindi lang sa ganda **** taglay Subalit sa ugali **** mala anghel at mala demonyo. Kaunti lamang yan Kung bakit Bakit ako tuluyang nahulog at pipiliin ka Araw araw sa katulad **** Mahiwaga.
0
Feb 21, 2020
Feb 21, 2020 at 6:39 AM UTC
araw araw
gusto ko ng halik, ‘yung totoong halik, halik na pag dumampi ay naghahasik, halik na itutuloy kahit hanggang sahig, halik na dumidilig sa aking pagka-uhaw, halik na sa bawat sandali’y pumupukaw, ang halik na nagbibigay ng payapa at tanging bubungad tuwing gigising ako sa umaga
0
Apr 7, 2020
Apr 7, 2020 at 3:29 AM UTC
tuwing umaga
Isang pangkaraniwang tao lamang na lumalaban, Nakikipagsapalaran sa paminsan-misan, Napapagod na sa araw-araw na pakikipag-baka, Sa buhay, hangad lang ay kaunting biyaya. Hirap at napagkaitan ngunit naririto pa rin Ito ba ay pumupukaw pa sa kanilang pansin
0
Nov 17, 2018
Nov 17, 2018 at 8:19 AM UTC
Wala