Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Marge Redelicia Jul 2015
naririnig mo ba?
ang bell ni manong na nagtitinda ng ice cream.
ang mga huni ng iba't ibang klase ng ibon.
ang mga harurot ng mga ikot jeep.
naririnig mo ba?
ang mga tawanan ng mga magkakaibigan
mga kuwentuhan, mga tanong at makabuluhang talakayan.
naririnig mo ba?
ang mga lapis at bolpen ng mga estudyante
na kumakayod sa mga papel:
husay
sa bawat ukit.
naririnig mo ba?
ang mga yapak ng mga iba't ibang klase ng Pilipino at talino
sa kalyeng binudburan ng mga dahong acacia
dangal
sa bawat apak at kumpas ng kamay,
sa bawat hinga.

naririnig mo ba?
ang mga salitang mapanlinlang, mapang-alipusta
ang mga sigaw sa sakit,
hiyaw sa hapdi, dahil sa
mga hampas at palo
ang mga tama ng mga kamao
naririnig mo ba?
ang mga iyak
ang mga hikbi ng mga kaibigan
para sa mga kapatid nilang nasaktan.
ang mga hagulgol ng mga magulang
na nawalan ng anak:
mga puso, mga pamilyang
hindi na buo.
wasak,
nasira na.

naririnig mo ba?
ang mga boses na nananawagan na
"tama na"
"utang na loob, itigil niyo na"
kasi
hanggang kailan pa
tutugtog ang ng paulit-ulit-ulit
ang sirang plaka ng karahasan
na patuloy na naririnig sa panahong ito
mula pa sa mga nagdaang dekada?

nakakalungkot, hindi, nakakasuklam
ang mga mapaminsalang kaganapan na nangyayari
sa ating mahal na pamantasan.
ang tawag sa atin ay mga
iskolar ng bayan,
para sa
bayan
pero paano tayo mabubuhay nang para sa iba
kung paminsan hindi nga makita ang
pagmamahal at respeto sa atin mismo,
mga kapwang magkaeskwela.

hahayaan na lang ba natin ang ating mga sarili
na magpadala sa indak ng
karumaldumal na kanta ng kalupitan?
hahayaan na lang ba ang mga isipan na matulog.
hahayaan na lang ba ang mga puso na magmanhid.
kailan pa?
tama na!
nabibingi na ang ating mga tenga.
nandiri. nagsasawa.
oras na para itigil ang pagtugtog ng mga nota.
oras na para tapusin ang karahasan.
oras na para talunin ang apatya at walang pagkabahala.
oras na para sa hustisya.
oras na para sa ating lahat,
estudyante man o hindi, may organisasyon man o wala
na tumayo, makilahok at umaksyon
para pahilumin ang sakit,
para itama ang mali.
oras na para sindihan ang liwanag dito sa diliman.
oras na para mabuhay ang pag-asa ng bayan.
a spoken word poem against fraternity-related violence
Krezeyyyy Jul 2016
Ikaw at ako
Tayo
Meron bang ganun?
Oo, sabi mo
Isipin natin ang tayo
Isipin natin kung ano ang
Nangyari at mangyayari pa
Isipin natin
Hindi ang ating sarili kundi..
Tayo
Meron bang ganun?
Oo, sabi ko
Sa tuwing magkatugma ang ating mga mata
Iyo’y kumikislap, sinasabing
Oo, tayo talaga
Magkadikit ang mga kamay
Doon ako’y tila nalulusaw
Sa init ng mga palad ****
Aking naging tahanan na
Sa tingin ko ba meron talaga?
Oo, sabi ko.
Hindi ka maiiwan
Hindi kita iiwan
Hindi kita kayang iwan.
Hanggang sa huli,
Tayo.
Oo, pero nawala ka
Iniwan ako sa ere
Ganun naman talaga
Nagsimula ang mga
Sakit ng nakaraan,
Akala ko'y kaya kong
Pahilumin ang sakit ng
Mga pag-ibig ****
Noon iniwan ka
At babalikan **** muli
Balikan mo akong muli
Na parang wala
Tayo ulit
Tayo na
Tayo pa
Masakit.
Asahan **** andito parin
Hindi ko iisipin ang ako
Kundi
Tayo.
Masakit.
Paano ba bumitaw?
Kung nakalimutan ko ng isipin
Ang sarili
Dahil nga,
Tayo di ba?
Paano ba maging tayo?
Hanggang ngayo'y
Wala ka pa.
Katryna May 2018
Tama na sa isang pirasong hikaw na lang kita maaalala
Habang ikaw suot ang 3 pirasong hikaw sa magkabila **** tenga.

Parang ikaw, ako at sya.
Kayo ang terno,
Ako ang naiiba.

Tama nang hikaw na lang ang gamitin kong palamuti sa tenga,
Kesa sa mga madudulas **** salita.

Dahil ang hikaw,
Mabilis alisin kapag ayaw na.
Mabilis alisin kapag nakakasugat na.
Mabilis linisan kapag narumihan na.
Pero ikaw, para kang butas sa tenga na mahirap ng pahilumin pa.

Magtataka pa ba?
Kung ako ulit ang luhaan,
Kasi kaya mo naman silang paikutin sa iyong mga salita
Tulad ko, naniwala naman sa paulit ulit **** litanya.

Ako,
Ikaw ang lang ang iisa kong piraso ng hikaw ko sa tenga.
Naka twerka at di na aalisin pa.
Mary Coleen Jun 2018
Gusto kong manahimik,
Sa salita o sa kaluluwa.
Gusto kong ibaon,
Katawang di uma ahon.
Gusto kong tumigil,
Pahilumin ang sugat.
Gusto kong manahimik,
Huling hinga't pipikit.

— The End —