Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
J Guillermo Apr 2016
Sana makapaghabi ka ng magarang tula
gamit ang tira-tirang retaso ng puso ko
Maiibsan ang kirot sa pagkakaalam
na muling mapakikinabangan
damdaming nagmistulang basahan

Heto pa ang mga luma kong luha
Tambak, nagkalat, 'di na alam saan nagmula
Kiluhin mo na't gawing sining
Nang may malugaran,
sariwang luhang nagbabadya pang dumating
Ayoko nang maging Pambansang Alipin ng Feelings, please lang.
Eugene Oct 2018
Abalang-abala ka sa pakikipag-usap sa iyong kustomer at hindi mo na namalayang tumatakbo ang oras. Ang nasa isip mo lamang nang mga oras na iyon ay matapos mo ang iyong trabaho nang walang palya at walang ano mang iisipin pa. Nang iyong tanggalin ang headset ay doon mo lamang napansing ikaw na lamang pala ang nag-iisang ahente sa ikatlong palapag ng opisinang iyong pinapasukan sa isang call center.

Tanging ang liwanag na lamang sa iyong station ang tanglaw nang mga oras na iyon. Kaya naman ay sinipat mo ang orasan sa iyong wrist watch at napagtantong isang oras na lamang at sarado na rin ang buong building at kailangan mo ng umuwi.

Inayos mo na ang iyong mga gamit at siniguradong na-i-document mo nang maayos ang mga calls recordings mo. Nag-inat-inat ka pa muna bago mo pinatay ang monitor at CPU ng iyong kompyuter. Hinintay mo munang naka-shut down na ito bago ka tumayo. Nang tuluyan na nga itong namatay ay agad **** binitbit ang iyong back pack. Nang tatalikod ka na ay isang malamig na simoy ng hangin ang nanuot sa iyong balat.

Sa iyong pagkakaalam ay sarado naman ang mga bintana sa opisinang iyon at sigurado kang pinapatay na rin ang aircon kapag isang tao o walang tao nang naiiwan roon. Ngunit, kakaibang lamig ang iyong naramdaman. Hindi lang iyon dahil isa, dalawa, at talong beses kang nakarinig na may nagtitipa sa keyboard.

Halos lumabas na ang iyong mata sa takot pero nanatili ka pa ring matapang. Huminga ka muna nang malalim at agad nilingon ang kanina pang nagtitipang bagay sa iyong likuran. At doon ay lalo kang nanginig nang makita ng iyong dalawang mata ang biglang pagliwanag ng monitor at sunod-sunod na pagtitipa ng wala namang kamay na mga letra sa keyboard.

Nang mag-flash sa screen ang mga letra ay doon ka na nagtatakbo palabas dahil nakasulat doon ang mga katagang TYPING KEYBOARD  na may kasamang pigura ng duguang bungo.
elvin ado Feb 2020
BY; ELVIN ADO

SIMULA PAGKAMUS-MOS PAGKAKAALAM KO AY SA LANGIT LANG MAKIKITA,
PERO SA LUPA’Y PWEDE RIN PALANG MAKITA,
KAYA HALINAT BASAHIN ANG AKING TULA,
TUNGKOL SA ISANG ANGEL NA PINADALA NI BATHALA SA LUPA.

DAPIT HAPON, NAGLALAKAD MAG-ISA
SA LUGAR KUNG SAAN PURO KAHOY ANG MAKIKITA,
TAHIMIK , LUNTIANG PALIGID ,MGA IBONG NAGSASAYAWAN SA SANGA
NA NAKAKABIGHANI SA MGA BILOGAN KONG MATA,

MGA HUNI NG IBON NAGPAPAIGTING NG TAINGA,
PERPEKTONG LUGAR PARA ILABAS ANG MGA PROBLEMA.
TINGIN SA KANAN ,TINGIN SA KALIWA,
HANGGANG SA NAHAGIP ANG HINDI PAMILYAR NA MUKHA,

NAPAKA-AMONG MUKHA NA TILA BA ISANG DIWATA,
NAPAKO ANG MGA MATA MULA ULO HANGGANG PAA,
KARIKTAN NA SA BUONG BUHAY NGAYON LANG NAKITA,
MAGULONG ISIP AY NAPALITAN NANG KUNG ANONG SAYA,

PAA’Y DI MAPIGILAN LUMAKAD MAGISA,
PATUNGO SA ISANG PRINSESA NA NGAYO’Y NASA HARAP KO NA,
SARILI’Y DI MAPALAGAY KUNG BAKIT IBA ANG NADARAMA,
KABOG SA DIBDIB AY IBANG-IBA.

NGAYON AY KAYLAPIT NA NAMING DALAWA,
BIBIG AY BIGLANG NAGSALITA ,
AT LUMABAS ANG KATAGANG ANGHEL KABA?
SIYA’Y NAPATINGIN AT NAKITA KO ANG MAPUPUNGAY NIYANG MATA.

MALA ANGHEL NA TINIG NA LALONG  NAGPAANTIG NG KABA,
ANO BA TONG NADARAMA PAGIBIG NABA,
TILA BA SILI NA KAY BILIS MADAMA,
MGA LUNGKOT AY NAPALITAN NANG  SAYA.

SA UNANG PAGKAKATAON UMIBIG ANG MAKATA,
PERO ISANG SAGLIT DUMILAT ANG MATA,
NAPAGTANTONG LAHAT AY PANAGINIP LANG PALA,
AKALA’Y  LAHAT AY TOTOO NA SA ISANG IGLAP AY NATAPOS NA.
Nichole Aug 2017
Naranasan mo ba ?
Yung biglang may lalabas
Pangalan mula sa nakalipas
Nakakagulat diba

Kasi ang alam mo tapos na
Naka move on ka na eh
pero heto nanaman ba ?
Bumalik ka kasi

Nilandi
Nagsaya
Nahulog ulit
Ang saya diba

Na alam mo sa sarili **** pampalipas ka lang
Na diyan ka magaling ang maging past time
Tinanong ko nga sarili ko?
Sino ba talaga ko sayo?

Oo heto tayo
Naglalandian na parang tayo
Pero ang pagkakaalam ko wala akong titulo sa salitang
"Sayo lang ako"

Sorry na
Eto kasing gaga
Naging loyal sa isa
kahit wala na

Wag ka magalala
Darating yung panahon na
Masaya na ko sa iba
At kaya ko ng wala ka

Yung mga araw na sasabihin ko "ang saya pala"
makahanap ng iba
siya na nagpapasaya
kahit nasasaktan ka

Siya na nagpapangiti
ng mga panahong sawing sawi
Bumangon ako
Kasama siya na bumuo sa pagkatao ko

Magiging masaya ako kahit wala ka
dahil eto siya
siya na akin talaga

— The End —