Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"namumulat" poems
Pagod na ko sa kakasulat. Hindi ka naman ata namumulat Sa sakit at hinagpis na iyong dala. Na sa puso ko'y nagsisilbing bala. Mapapatawad pa ba natin ang isa't isa, Sa mga sala nating nagawa na nagpatung-patong na? Kailanman hindi ito napunta sa aking hinuha Na tayo maiiwang may agwat at sirang-sira. Kaibigan, ako sana'y patawarin Sa pagpayag sa mga bagay na maaaring sumira satin. Patawarin mo sana ang pusong nagmamahal Na sumira sa pagkakaibigan nating kay tagal. Nalulungkot, nasasaktan ang puso ko sa ideya Na ang minsan kaibigan ay isang estranghero na. Patawarin ako sa pagbibigay ng hinagpis Sa iyong kaluluwang takot at puno ng pagtitiis. Kaibigan, ito'y hindi pagmamalabis Ang tanging hiling ko lang ay huwag kang tumangis Sabihin mo lamang kung ika'y nasasaktan na Huwag kang mag-alala, handa na kong iwan ka. Kung ang pagkakaibigang ito ay hindi na masasalba Sabihin mo lang, wag nang magdalawang isip pa Dahil sa pagtakbo ng oras, lumalaki lamang ang lamat Unti-unting nababasag, nasisira ng hindi naman dapat. Kaibigan, sana'y sabihin mo Kung gusto mo pa bang ipagpatuloy ito. Pagkakaibigang puno ng tawanan Nagapos ng pangakong walang iwanan. Pagkaibigang pinahahalagahan Hindi sinasadyang masira at mayurakan Sa paglipas ng panahon Nagbago na ang noon at ngayon Ngunit umaasa pa rin ako Na hanggang sa dulo'y magkaibigan pa rin tayo
0
May 5, 2016
May 5, 2016 at 4:24 AM UTC
Kaibigan ng Kahapon
Di alam ang bawat sasabihin Pero alam ang nararamdaman, Mga bawat linya ng sulat Ako ay basta basta namumulat, Namumulat sa katotohonan Hinding hindi kita bibitawan, Hawak ang iyong mga kamay Naka tingin sa iyong mga mata At sasabihin, Mahal kita.
0
Feb 8, 2020
Feb 8, 2020 at 12:46 PM UTC
ligaya
112522 Sabihin Sa'kin ang tangan **** pangamba, Mga alinlangan o maging pagdurusa. At sa bawat patak ng luhang walang salita’y Ako mismo ang marahang hahagkan Sayo — Lalapit nang kusa’t aagapay Kahit ako mismo ang naghihingalo. Ihipan man ng Sandali Ang apoy **** patay-sindi Ay hindi magmamaliw ang pagtingin ko’t pagkabighani. At walang ibang nanaisin Kundi masilip ang Iyong mga ngiti — Mga ngiti **** simula’t sapul ay nakakakiliti. Lulan ng iyong mapupungay na mga mata Ay ligaya sa puso Kong Tanging ikaw ang pagsinta. Kaya maging sa pagbilad mo sa araw ay kumikinang ka— Nag-uumapaw ang kagandahang hindi masakit sa mata. Sa bawat pitik ay umiindak Ka Musika ng kahapon ay nasasapawan na Ngunit ang sining Sayong mukha’y Namumutawi pa rin sa pagningning. Ikaw ata ay Bituin At maging sa umaga’y kumikislap pa rin. Ligaya ang makapiling Ka Lalo pa’t ako ang napiling maging Katipan. Ngunit sa pagkumpas nang paulit-ulit Ng kamay ng orasan, Paminsan ay ayaw ko nang lisanin Ang larawan ng nakaraan. Unti-unti akong namumulat Buhat sa pananaginip ng gising. Pira-pirasong alaala’y Kusa na namang nababahiran ng dilim — Dilim sa paningin, Dilim na walang katapusan ang mithiin.
0
Nov 24, 2022
Nov 24, 2022 at 8:13 PM UTC
Pipi(to) na Ngayon
Akala ko alam ko Akala ko ito lang yun Akala ko madali lang Akala ko may sagot ako sa mga tanong Pero unti unti Namumulat ako sa katotohanan Nakikita ko ang bukas Nagkakaroon na ng mga katanungan Nagsisimula ng Malito Ano nga ba Sino nga ba ako Para saan ito Bakit ako nandito Mga katanungang ibinabato Sagot ay naging bato dahil hindi mapagtanto Hindi makita ang dulo Hanggang dito lamang Sa puso at isipan Tangi kong naibibigkas Hindi ko alam
0
Aug 19, 2017
Aug 19, 2017 at 7:40 AM UTC
Hindi Ko Alam