Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Louie Clamor May 2016
Napadaan ako sa isang perya
Naghahanap ng mga munting ngiti at saya
Sa mga nakakamanghang ilaw na tila mga bituin
Makaalis lamang sa paglamon ng dilim
Makaiwas sa ngiting bitin

Sa aking pagikot,
Napansin ko yung mga ngiti
Ngiti ng mga taong puti at may pulang labi
Kasiyahan dumaloy sa kanilang muka
Tunay ba kahit pagtalikod nila?

Isa’y pinagmasdan
Tinitigang mabuti ang mukang puti
Aking napansin ang isang ngiti ng muka’y nakapaskil
at isang mukang umiiyak na tila walang ****
Sa mga taong hindi nakakapansin

Munting payaso
Umiiyak nga ba o tumatawa?
Magaling magtago ng tunay na nararamdam
Na halos kaunti lang ang nakadadama
Ikaw, mapapansin mo kaya?
Random Guy Oct 2019
Hindi ko rin alam.
Kung bakit naguguluhan,
kung bakit mas gusto ang pinaghihirapan.
O mas gusto lang talaga mahirapan.
Bawat tinginan na hindi ko alam
kung ako lang ba ang nakaka alam,
nakakapansin,
na meron talagang namamagitan sa atin.
Isang napaka weirdong koneksyon
na nagdudugtong sa mga isipan,
iniisip
pati ang pinaka malalim
at ang pinaka sulok ng imahinasyon,
kuha mo ako.
At agad ay nakuha rin kita,
hindi ko naman alam na pati pala ang puso ko nakuha mo na.
O ako lang pala ang nakakaramdam,
nakakaisip,
nakakapansin,
na ako lang pala ang nakakakita,
nakakarinig,
amoy ang bango ng iyong buhok sa t'wing bebeso
o yayakap
o lalapit upang tumabi,
makipag-usap,
oh sinta.
Ganda ng iyong mga mata,
chinita,
halos hindi na ako makita kapag napapatawa,
o hindi mo naman pala talaga ako nakikita
sa paraan kung paano ko gustong makita mo ako?
Oh sana, habang napapatawa kita,
habang lumiliit ang iyong mata
ay mas lumakas ang pandinig mo,
na ikaw lang sinisigaw nito.
Nitong puso ko.
081721

Bagamat dumadaplis lamang sa atin
Ang mga palaso ng kalaba’y
Hindi moog ang ating mga damdamin
At hindi rin bulag ang ating mga pananaw
Sa hayag na pagsasalitan ng mga balang ligaw.

Gaya ng durungawang nakasilip
Ay bukas na rin ang ating mga isipan
Sa mga di kanais-nais na mga patibong
Na ilang ulit inilagan sa katahimikan.
Bagkus, ang mga ito’y nagmistulang mga laruang papel
Na madaling napunit at bumigay
Buhat sa walang awang pamimihasa
Ng mga ahas at linta sa lipunan.

Tila sila’y nakasilid na lamang
Sa kahong hindi de-baterya
Habang tayo’y nagsisilipat
Sa tuwing nagsusulputan ang sari’t saring palatastas.

At habang tayo’y nananatiling panatag
Buhat sa ating mga kinatitirika’t kinalalagyan,
Kasabay naman nito ang pagyurak sa mga dangal
Buhat sa mga ideolohiyang kumikitil sa mga pangarap
At nagsisilbing diktador sa kani-kaniyang mga tahanang
Wala nang makita pang ibang dahilan upang tumahan pa.

Ang mga luhang hindi natin makayang punasa’y
Nagmimistulang mga tinik na lamang sa’ting mga pagkatao.
Syang susulpot at tutusok sa pakiramdam nating
Minsan nga’y malapit lamang tayo sa isa’t isa
At sana’y kaya nga nating patahimikin
Ang walang himpil na pag-usok sa kanilang ipinagbabaka.

At sa ating paghimlay sa ating mga kumot
Ay sabay din silang mangungulila
Sa mga akap at lambing ng kanilang mga mahal sa buhay
At hihilinging huminto na lamang ang mga sandali’t
Makatakbo sila’t makalisan nang walang nakakapansin.
Crissel Famorcan Oct 2017
Minsan naisip kong huminto
Naisip ko na ring sumuko
Pakiramdam ko kasi kakaiba na ako sa lahat
Kaya madalas naiisip kong tumigil na sa pagsusulat
Hanggang sa makatagpo ako ng ilang Makata
At sa PANGATLONG PAGKAKATAON,sa kakayahan ko,
Mayroong naniwala
Isa yun sa mga pangyayaring labis kong ikinatuwa
Pagkat kahit papano,may nagpapahalaga pa sa aking mga akda
May nakakapansin pa sa natatago kong kakayahan
Kaya nga mas lumakas ang taglay kong paniniwala
Na isinilang ako para magsulat
Kahit na pakiramdam ko kakaiba ako sa lahat
Hindi ako titigil
Sa pangarap kong 'to walang makakapigil
Patuloy akong magsusulat hangga't kaya ko
At Pagyayamanin pa ang bigay sa aking talento
At sana balang araw,
Matupad din yung pangarap ko
Maging propesyonal na manunulat
At May akda ng Isang Libro.

— The End —