Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"nagiisip" poems
Nandito nanaman ako sa isang silid, malungkot , nagiisip kung anong mangyayari sa paligid Bukas ba ay payapa muli ang isip o bibilis nanaman ang tibok ng dibdib Sa bawat nangyayaring karanasan sa buhay ko may mga bagay akong naiisip na lumalait sa sarili kong pagkatao, sa pagkatao kong , pagiging mahina , na puro salita walang gawa, sa pagkatao kong kulang sa tiyaga umaasa sa kasiyahan na napupunta sa wala...At Paglipas nang taon sa kolehiyo , nanatili parin akong talo sa pag angat , pinili ang kurso na hindi naman kasing bigat ng abogado, Oo inaamin ko naiwan ako sa larangan ng akademika , alam ko naman na ginawa ko tong landas na to para sumaya pero, Dati yon iba na ang nasa isip ko ngayon, sana pala pinagbutihan ko nung mga araw na nakakahabol pa ko Pero ngayon ,ito natupad nga ang mga pangarap ko sa sarili ko , Pero di ko naman naisip ang kapalaran na darating sa kinabukasan ko Ano nga ba ang magiging kinabukasan ko ? Kung sariling kaligayan nalang palagi nag nasa isip ko Palagi nalang bang ganto ang buhay ko o isang araw , babagsak ang katawan ko katulad ng pagbagsak ng utak ko Tuwing naiisip ang mga malalagim na nakaraan sa buhay ko Mula sa palangiting tao na nakikita nyo , Maganda lang tignan parang takip ng libro, Pero ang totoo ay iba ang nilalaman nito, Magulo ang takbo ng buhay ko , Pero salamat narin may mga tao na nagbibigay ng halaga at pagmamahal Upang magpursigi pa akong mabuhay dito sa mundo... Salamat Ina,Itay,Lolo,Lola, Kaibigan,Katunggali Salamat sa walang hupay na pag intindi sakin sa lahat ng galit , panunukso Pagmamahal , pakikisama at sa mga bagay na nakalagay dito sa memorya ko, Isa kayong tagapagligtas dahil kung wala kayo Wala rin saysay ang pagkatao ko...
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 2:02 AM UTC
Malungkot ang Kwento sa Silid

Continue reading...
31
Pabalik balik ako Nagiisip kung paano Ilang araw na ang lumipas Sa tuwing dilim ako kumukumpas Mahal paano ko isusulat Natatakot ako sapagkat Baka magkulang ang mga salita Baka hindi sumakto ang titik at letra Susubukan ko Kasi ayokong sumuko Sa pagibig at pagtula Kasi ikaw, ang ihaharap ko sa tala Handa naman ako Sabihin **** languyin ko ang dagat para sayo Nilangoy ko na upang makarating sayo
0
Mar 1, 2019
Mar 1, 2019 at 3:03 AM UTC
Pag ibig at Pagtula
Pagod na ako sa mga gawain na paulit-ulit lamang Pagod na ako sa mga bagay na kailangan intindihin at tanggapin ko lang Pagod na ako sa paggawa ng mga bagay na wala namang saysay Pagod na ako sa araw-araw na pag-alalang kakayanin ko ang lahat ng bagay Kaya ko... Kaya ko... Kaya ko pang gawan ng paraan Kaya ko pang remedyohan Kaya ko pang isalba ang lahat Hindi na dapat ako nag-papakulong sa gantong emosyon Hindi na dapat ako nag-iilusyon Hindi na dapat ako nagkakaganito Hindi na dapat ako nagiisip ng ganito Sa layo na ng narating ko dapat kaya ko na ito Sa dami na ng pinagdaanan ko dapat sisiw nalang sakin ito Sa dami ng hirap na naranasan ko sanay na dapat ako sa mga ganito Ngunit higit sa lahat, sa dami na ng naipundar kong oras at pagod, alam ko sa sarili kong kayang-kaya ko 'to
0
Apr 4, 2016
Apr 4, 2016 at 9:07 AM UTC
Untitled
Gusto kita, ilang ulit ko ng binigkas ang mga salitang paulit ulit sa isipan ko tuwing umaga sa pagdilat ng aking mga mata, tuwing sasapit ang gabi kayakap ang unan habang iniisip ka Pinipilit itali at ikulong itong pakiramdam Na walang ulit ang pagsabog pero pahapyaw lang. Dahan dahan lang sabi ng puso pero pag hindi na ginamitan ng utak ito’y bigla na lamang titibok ng walang humpay at sa pagtibok nito kasabay ang pagbigkas ulit sayo - gusto kita. Sobra. Ang dami kong tanong, araw araw ako nagtatanong, nagiisip ng bakit, pano, ano? Ano ba talagang tama ko sayo? Pogi ka pero di naman ako mahilig sa pogi. Pangit ba ko, anong mali sakin bakit hindi ko makuha ang iyong pagibig? Hindi ba may mga bagay naman na ayaw natin nung una pero nagugustuhan din sa huli. Ako kaya? Kelan yung oras na ako naman yung gustuhin mo. Gusto ko na malaman, ibigay mo na sakin kasi nababaliw na ko.
0
Feb 25, 2018
Feb 25, 2018 at 7:01 AM UTC
Gusto Kita
Noong ikaw ay unang makilala, mundo ko ay nag-iba. Isip ko ay umariba, puso ko nama'y tumaba. Sa ganda **** taglay, ako ay napalupaypay. Titig ng iyong mata'y, binura ang dala-dalang lumbay. Buhay ko ay lalong sumaya nang makita kita, Pero ano itong nadarama, pag tumingin sayo'y natutulala. Hinanap ko ang dahilan at sa wakas ito'y natagpuan. Ang inaasam-asam na katotohanan ay aking nahanap. At nang ito ay nahagilap, nabigla ako't napakurap. Sa sandaling bumukas ang mata ko'y, ikaw ang nakita. At doon ko napagtanto, gusto na pala kita. Ngayo'y alam ko na kung bakit, paano ko kaya ibabatid ang nararamdaman kong labis. Buong araw nagiisip, halos mapudpod na ang ginagamit kong lapis. O sinta aaminin kong hindi ako makatingin ng direcho. Sa titig mo ba naman kapag magkausap tayo. Di ko makakaila pero nakakakilig syempre, pero  kailangang lumiko, patay malisya nalang ang palusot ko. Simpleng minamasdan ka. Bat di ako nag sasawa? Wala ka mang ginagawa. Sayo ako'y namamangha. Pero ako'y nagtataka. Ano nga ba ang meron ka. Bat sayo ko nakikita. Bagay na wala sa iba. Nabihag mo ako, gamit ng iyong mga mata, gamit ng iyong mga ngiti, gamit ng iyong maamong mukha. Nabihag mo ako. Wala akong maisip na paraan kung paano mo ito mababasa. Pero kung sakaling ako'y magbabasa sa harapan. Sinisigurado kong ikaw ang dahilan. Dahilan kung bakit nagawa ko itong tula.
0
Oct 18, 2018
Oct 18, 2018 at 9:23 AM UTC
Unang araw