Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"naaagnas" poems
Paglisan Pinangangambahan kong lubos na malaman kung meron nga bang pangalawang buhay, saan kaya ako tutungo? gagala kaya ang aking diwa o baka makukulong ito sa naaagnas at walang buhay kong katawan habang buhay. ang dinanas na sakit kaya ay lilisan na parang alikabok na hinipan sa mesa? , o magiging tanikalang bakal na nakagapos sa aking kaluluwa. Sa pagkakahimlay ko, may dadalo kaya?, kung may dumalo man,ano ang pakay nila?, narito kaya sila upang pintasan ang aking kasuotan?, o pintasan at hamakin ang halaga at disenyo ng aking kinahihigaan? Narito kaya sila upang lumasap ng kape at tinapay kasabay ng pagpitik ng baraha sa mesa? o sadyang dadalo lang upang patagong magdiwang sa tuwa sa aking pagkawala?, Natatakot akong malaman. Nangangamba ako sa hindi pagiging handa sa pagdating ng araw na ito, hindi sa panghihinayang sa aking mga maiiwang mahal kundi ang pagsisisi na aking dadalhin sa bigong pag-usal at pagpaparamdam kung gaano sila kamahal at masabing ako ay lilisan na sapagkat ang pinakamasakit na paglisan ay ang mga pagpapaalam na hindi nasabi at hindi naipaliwanag.
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:16 PM UTC
Paglisan
Kahanay niya ang tambak Ng basura ng lansangan At sanlaksang mga matang Naguudyok upang ihanay Niya ang kanyang sarili sa Naaagnas na pag-asa ng lipunan. Siya ay puta. Sa dambana ng Mga banal, kasabay niyang Umuusal ng dasal ang mga Paham ng pamantasa't Pamantayan ng pagiging tao. Siya ay tao sa paningin ng mga Hayop. Siya ay hayop sa paningin Ng mga tao. Siya ay puta. Ano mang Anyo't samyo ang paulit-ulit niyang Ipalit at ipilit sa nakapinid na Pangunawa't awa ng mga nagsasabing Sila ay hindi mga puta, ang katotohanan Nga ay katotohanan. Siya ay sumasaatin. Nasa simbahan. Nasa Pamahalaan. Nasa paaralan. Nasa pamilihan. Nasa ng laman. Siya nga ay sumasaatin, Sumasalamin sa kalipunan ng mga Kabulukan ng ating lipunan. Mga puta.
0
Dec 10, 2013
Dec 10, 2013 at 6:48 AM UTC
Ang Puta
Paglalakbay Nag-iisa, iniwan ng diwang naglakbay patungo sa lugar ng kawalan Naiinip, suya na magmasid Sa paligid na pawang wala namang pinagpalit. Kausap ang sarili,nakikibalita. Baka sakaling may bagong malata. Subalit naaagnas at walang katas. Tuyo, upos at butas butas. Humaplos baka sakaling may madama Nakinig baka sakaling may maulinigan Ngumanga baka sakaling may matikman Na kaunting ligaya ng pawang mailap Napukaw sa manhid na paligid Nakinig sa saliw at lira Ng katahimikan Lumasap ng malamyang putahe Napalasap sa walang buhay na kalagaya
0
Jul 2, 2015
Jul 2, 2015 at 12:17 PM UTC
Paglalakbay (Adventure)
"A spectre is haunting Europe" - Communist Manifesto Ang multong gumagala noon sa Europa ay hindi parin natatahimik. Hanggang ngayon ay patuloy itong gumagala at nanggagambala. Hindi n’ya pinatatahimik ang mga burgis at elitista. Kaya’t patuloy na nagsasabwatan ang ibat-ibang kapangyarihan sa lipunan upang labanan ang multong ito at hadlangan ang kanyang paggala. Ang mga lider ng relihiyon, ang mga kapitalista, ang mga namumuno sa gobyerno na panay oportunista, ang pasistang militar, ang pulisya pati na ang midya lahat sila ay nagsasamasama upang kalabanin ang multong gumagala. Nasaan na ang tunay na partido ng mga manggagawa na kinakatawan ng multong gumagala? Nasaan na ang mga rebolusyunaryo at mga aktibista na kakalaban sa bulok na Sistema? Bakit hanggang ngayon ay namamayani parin ang naghaharing mapagsamantalang uri? Kinain na ba kayo ng maling sistema at ngayo’y naaagnas na rin? Nang bumagsak ang Rusya at lumihis ang Tsina ay nagdiwang ang mga imperyalista. Akala nila ito na ang wakas nang paggala ng multo, subalit nabigo sila at nagmukhang mga asong hangal na kumakahol sa sariling suka. Pagkat nagpatuloy ang multo sa kanyang paggala at ibayong lagim ang kanyang dala-dala. Subalit bakit tanong nila? Simple lang ang dahilan: Hanggat laganap ang kahirapan at hindi pagkakapantay-pantay hindi sila patatahimikin ng multong gumagala. Patuloy nitong uusigin ang budhi ng mga ganid at sakim sa kayamanan. Hanggat ang biyaya ng lupa ay hindi nakakamtan ng lahat ng tao ay patuloy itong magmumulto. Hanggat ang mga manggagawa ay hindi gumiginhawa hindi mananawa ang multo na magpaalala sa kanila na patuloy nilang igiit at ipaglaban ang kanilang mga karapatan na s’yang nararapat. Patuloy na gumagala ang multo ng Komunismo na nagmula pa sa Europa kailanman hindi nito patatahimikin ang mga sakim sa yaman at sukaban sa kapangyarihan.
0
Nov 8, 2017
Nov 8, 2017 at 12:36 AM UTC
Ang Multong Gumagala

Continue reading...
10
“Real generosity towards the future lies in giving all to the present.” ― Albert Camus Kung gusto may paraan, kung ayaw laging may dahilan. Pero may mga taong sadyang mahina kaya’t nahihirapan makahabol. May mga naghahabol naman na hindi talaga umaabot. Kahit anong gawin walang nasasambot, parang bunga na laging bubot at mukhang hindi na mahihinog. Hindi mo kailangan na maging alipin ng sistema kung ito ay iyong isinusuka. Kumawala ka at maging palaboy kung kinakailangan. Ibinabaon ka ng mga sama ng loob at ng matinding awa sa sarili. Hindi dapat maging ganito ang buhay. Dalawang taon nang pagtitiis, dalawang taon na puro hinagpis at dalawang taon na panay tanggap ng mga galit at paninisi. Tama na, ito na ang panahon para wakasan ang lahat. Sapat na ang mga pagpapakumbaba at pagsasawalang kibo. Hindi ka aso, tao ka tandaan mo yan. ‘Hwag **** ipilit kung hindi naman talaga sukat dahil kahit anong pilit hindi ito babakat. Maging karapt-dapat ka sa paggalang na dapat ibigay mo sa’yong sarili. Tama lang yan magpahinga kana. Ang mundo ay de-kahon hindi kapa isinisilang ganito na ito, wala ka nang magagawa para baguhin ito. Pero ‘pwede kang kumawala, maging rebelde at lagalag. Oo, maghimagsik ka laban sa mapang-dusta na sistemang umiiral. Patunayan sa kanila na kaya **** mabuhay sa labas ng sapot na bumabalot. Hindi ka balut kundi tao kaya hindi ka dapat na matakot kahit naglipana pa ang mga salot. Hindi ka dapat na lumuhod at magmaka-awa sa mga taong umaastang panginoon. May mga nag-di-diyos-diyosan na mga kupal na nasa lipunan na ang paboritong tapakan ay ang mga mahihina at hampas-lupa na tulad mo; mga putang-ina sila na walang alam gawin kundi ang mang-api ng mga taong kapos sa dunong at pinag-aralan. Ganito ang sistema ng lipunan, ganito kabaho ang mundo na pinatatakbo nang mga walanghiyang tao na kung umasta ay aakalain **** mga kagalang-galang. Mga hindot sila na walang pakundangan sa damdamin ng iba maitanghal lamang nila ang huwad na kadakilaan ng kanilang nabubulok na mga sarili. Tama lang ang ginawa mo, tama lang na kumalas ka sa naaagnas na sistema na nagkukubli sa loob ng mga magagarang opisina. Tama yan, itakwil mo ang mga panlalait na pinakikinis nang mga salitang Inglis na inilalagay sa mga dokumento. Panahon na para maging totoo ka sa iyong sariling damdamin at pagkatao. Binabati kita dahil sa wakas nagpasya ka ng may katapangan – sana noon mo pa ito ginawa. Ako na ang sasalo sa natitira **** kalat, ako na ang haharap sa mga halimaw na iyong tinakasan.
0
Nov 14, 2017
Nov 14, 2017 at 11:30 PM UTC
MATRIX

7
Ibabaon sa limot ang inaasam Sa pagpikit ng mata'y di mapakali Ang malikot na lagyo dumikit sa kumot na pantabon Nahihiya na makita na duguan Alisan sana ng pandamdam Sa karsel masilip ang sulat Di maipalabas sa kinalalagyan Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan Sona ng mag-uumpisang kalbaryo Nakiusap na madala ng hangin Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam Matisod nang kanyang malaman Naaagnas nang labing-isang taon, Maghihintay hanggang sa malagutan Ibahin ang pananaw sa sanlibutan Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak Hayaan ang oras na lumipas Maghintay sa uusbong na babala Bago dumating sa hantungan ay gumala Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap ay madaling ngumiti kahit na kay pait
0
Dec 24, 2018
Dec 24, 2018 at 7:23 AM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #26