Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
w Apr 2019
91
Ang sabi nila na ang pinakamasakit daw na tunog ay ang iyak at hikbi,
Malakas man, mahina o pag-pipigil
Lahat daw ‘yon ay pare-pareho lang
Tama nga siguro sila kasi ang iyak ay nakapag-sasabi ng totoong nararamdaman, ang iyak ay isang kalungkutan
Noong gabing yon, narinig ko ang pinakamasakit na tunog
Sabay tayong lumuha
Sabay nating iniyak ang sakit na para bang masasagot lahat ng tanong sa ating isipan
Mga pagkukulang, mga sana at dapat na pareho nating gustong malaman, gustong ipaglaban
Mga tanong na matagal ng kinukwestyon ang mga bagay na hindi maintindihan
Mga pagkukulang na pinipilit buuin na unti-unting lumalabo
Mga sana at dapat na matagal nang pinipigilan
Ngunit narinig ko ang tunog ng bawat galaw ng iyong mga paa na humahaplos sa sahig
Narinig ko kung paano mo ikinabit muli ang iyong mga paa sa iyong medyas at sapatos,
Kung paano mo ito itinali at binuhol nang napakahigpit
Narinig ang bawat kilos at galaw
Sa huling beses ay narinig ko ang iyong mga daliri
Kung paano dumapo ang iyong palad sa pinto
Hindi iyak at hikbi ang nangibabaw
Kundi ang tunog ng pagsara ng pinto
Babelyn Hije Jun 2020
Tuwing sumasapit ang Setyembre,
Ako ay kinikilig.
Makikita ko na ang mga parol
At mga christmas tree.

Napakagandang masilayan.
Bumabalik ang aking pagkabata.
Ako ay natutuwa
Makita at matanaw
Ko lamang.

Nang sumapit ang bisperas,
Kinabahan na ako,
Baka hindi na dumating
Ang bukas.

Umaga, kinabukasan.
Dali-Dali akong pumunta
Sa sinabit kong medyas.

Wala ka na doon.

Sa tingin ko,
Ako ay tumanda na.
At naintindihan
Na hindi si Santa Klaus
Ang naglalagay ng mga regalo.

Kayo pala
Inay at Itay.
Stum Casia Aug 2015
Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least.
At least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat.
At least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge.
At least hindi ko na kailangang halughugin ang mga gusgusing morgue

makita lang sila.

At least buhay sila-

nakakulong nga lang,
may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang,

nakakabingi ang inyong mga at least.
Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan.

Parang gabundok na labahing poproblemahin.
Parang lukot na polo na makikita ko sa salamin.

Parang masikip na brief at basang medyas.

It *****.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip.
Ginugulo nito ang relasyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really *****.

Bakit naman kaya ako makukuntentong-
at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang
ang mga namumuno’y tila 3 for 50 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?
solEmn oaSis Jan 2022
Sintas Man Ay Kalas
Luma Na At Pigtas
Sapatos At Medyas
Dibaleng May Pintas

Kamisetang Butas
At Maong Na Kupas
Pigtal Na Tsinelas
Hindi Pa Parehas

Tinotonong Kwerdas
karakrus ang kwintas
sa sugal ay utas
pati pato hulas

bahala na bukas
tawagin mang takas
hihiram ng lakas
tatagay ng wagas

nalango sa wakas
kamay lang may hugas
bahid, patak, tagas
palay naging bigas

kahapon ay bakas
sing-linaw ng habas
nahinog ang prutas
ngunit di pinitas

bagsak mula taas
sabik na pumatas
kahit pa lumabas
tinatagong Katas

Tinukso Ng Ahas
Yinapos Ang Angas
Kinapos Sa Alas
Nilukso Yung Dahas

Natisod, Nadulas
Kasi Nga Nangahas
Kung Dati Minalas
Nadapang May Bangas

Babangong Matikas
Sa Mali iiwas
panata kong tagos
dalangin ay lubos

payak man ang lapis
yakap Di Pa labis
sugat na may hapis
ginamot ng kapis

Tila Tala Lihis
Kutitap Sa Bilis
Araw May Silahis
kidlat ang hagibis

mukha na manipis
nagpalit ng bihis
hahakbang sa libis
Layon Ay Malinis

Patama Ay Daplis
Ngunit May Hinagpis
Pinawi Ng Haplos
Animan na agos

Timplang Nalamukos
Animo Ay Musmos
Siglang Dinaraos
Biyaya Ay Puspos !!!
Coming 🔜...
" Pakay ng Yapak "
Elly Apr 2020
Ikaw yung mangga at ako ang bagoong
pero asin ang gusto mo
Ikaw yung papel at ako ang ballpen
pero lapis ang hanap mo
Ikaw yung medyas at ako ang sapatos
pero tsinelas ang kailangan mo

Ikaw yung mahal ko at ako ang nandito
pero siya ang mahal mo

Ngayon at okay na ako..

Ako na yung bagoong na kayang ipares sa iba na gugustuhin ako

Ako na yung ballpen na pang permanate na hindi na muling ipagpapalit pa

Ako na yung sapatos na mamahalin at kakailangan ng iba

Ako na yung tapos na sa'yo at kaya nang mahalin ang sarili nang higit pa

— The End —