Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
072821

Hayaan **** magsimula ako
Kung saan ang mga salita'y wala pang ugat
Kung ang lahat ng salitang ibinibigkas,
Ipinipintig ng puso't damdamin
Ay nagmumula Sa'yo.

Gusto kong sabihin Sa'yo nang harapan
Lahat ng nararamdaman
Gusto kong sambitin
Yung bawat tugma ng salita
Na pilit na kumakapit, kumakalas, gustong kumawala
Sa katauhan kong hindi alam
Kung saan nga ba papunta.

Hindi ko masilayan kung saan nga ba ang mga bituin
Ngunit siguro ako na ang Norte'y mararating din.

Sa paglalakad ko,
Patuloy na nangungusap ang Iyong mga matang
Hindi ko pa nasisilayan.
Ang mga mata **** luha'y ibinubuhos ng kalangitan
At sa bawat pagpatak nito'y
Pilit kong iniaabot ang bawat butil
At sinasabi ko sa sariling,
"Balang araw, wala ng luhang matitira pa."

Maging sa pagkilos ng mga bituin
At pag-ihip ng hangin,
Ay masasabi kong panandalian lamang ang mga ito.

Wala Akong gusto at iba pang hangarin
Kundi paliwanagin ang mga nakikita ng iyong mga mata.
Gusto Kong patuloy kang tuamakbo,
Patuloy kang mangarap
Kahit na pakirtamdam mo'y ikay nag-iisa.

Ngunit sa paniniwala **** iyon
Ay dahan-dahan Kitang aakayin at tutulungan --
Tutulangan papunta.. Patungo tayo
Sa pangarap Kong laan sa'yo.

At kung Ako..
Kung Ako man ang pinipili mo,
Hayaan **** ika'y bihisan ko --
Bihisan nang walang pag-aalinlangan.
Yung pag-aalinlangan mo sa sarili **** hindi mo kaya,
Yung pag-aalinlangan **** wala nang pag-asa,
Na 'yung sinimulan mo noo'y tapos na.

Pagkat sa bawat pahina,
sa bawat letrang inihahagis sa Akin patungo sa'yo
Na para bang ito'y pulang laso
Na patuloy Kong ikinakabit sa puso mo --
Sa puso **** patuloy na lumalayo..
Patuloy na nanganagmba
Sa kinabukasang hindi mo naman makita.

At sa kurtina ng Liwanag
Kung saan masisilayan ang tronong kumikintab
Ginto at pilak at kung anu-ano pang makikinang ay balewala
Pagkat sa presensya Mo'y tanging lahat
Ay masasabi kong may lunas na.
Ang liwanag ng Iyong pagtitiwala sa akin
Ay nasilayan ko na.

Salamat, salamat Ama.
Salamat Panginoong Hesus
Dahil sa krus tayo'y nagtagpo.
Patungo ako, tumatakbo sa kung saan man --
Sa kung saan mang lupalop na hindi ko maintindihan
Na lahat ng bagay sa mundo'y patuloy na dumadampi sa akin
Patuloy na pinipilit na sila yung makita 'ko.
Na sila 'yung magliwanag sa mga paningin ko.
Ngunit sa pagku-krus ng ating landas,
Ay masasabi kong,
"Masaya ako, guminhawa ang buhay ko,"
Yung pangarap Mo, sana ay pangarap ko na rin..
Yung kagustuhan Mo, sana magustuhan ko rin..
Sa na'y maisunod ko ang mga yapak ko..
Patungo Sa'yo.
Nagsimula akong mag-record ng spoken word poetry after devotion.
Lahat impromptu; lahat random at kung ano lang ang masambit ko. Yun na yun. Salamat, Panginoon!
Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa  
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Pero bago ka mawala ng tuluyan
Sana. Sana magkunwari ka man lang
magkunwari kang tayo
na parang mahal mo pa ako
na parang ikaw at ako lang ang tao mundo
Na parang atin parin ang bukas
yung takot tayong dumating ang bukas
Na parang wala sa diksyonaryo natin ang bukas.
Pero wala na nga palang bukas
Hindi na pala sa atin ang bukas
Dahil bukas, ang matitira ay ako
Kaya may isang hiling lang ako sayo
Na kung ito man ang huling gabi na magkasama tayo
Ituring mo akong higit.
Lalo sa puso mo
Bigyan mo ako ng huling sandali
Yung pwedeng kong baunin
Yung pwedeng sa utak ulit ulitin.
Ulit ulit ulit

Hahayaan kita
Hindi na ko magsasalita
Hindi na ko babalik sa mga araw na masaya pa
Hindi ko na sasabihin pa
ang mga salitang sinasabi ko sayo
Nung tayo pa
Nung mga araw na  mahal mo pa ako
na hawak mo pa ang kamay ko
Noong bago dumating ang ngayon
Ngayon
Wag ka nang magsalita
Halata na sa yong mga mata
Na itoy huling gabi na
At alam ko nakikita mo rin sa mga mata ko
Na sa akin ang gabing ito ay mahalaga
Kaya bigyan mo ako ng alaala
Dahil baka akoy hindi na muling magmahal pa.
Isinulat ko ito hindi para mabasa mo
Ito ay paalala sa sarili ko
Kung anong meron tayo
Na hanggang dito lamang ako

Ipinagdarasal ko na sana ikaw na nga
Ang sa akin ay nilikha at nakatadhana
Hanggang sa pagtanda ay makakasama
Kabiyak sa Hirap at ginhawa

Ngunit sa kabilang banda
Realidad ay sa aki'y bumabangga
Ako ay kaibigan lang pala
At hindi maaaring lumagpas sa linya

Hindi ko alam kung bakit ikaw
Ang sa atensiyon ko ay pumukaw
Sa puso ko ay umagaw
At sa buong pagkatao ko'y sumaklaw

Sinusubukan kong sayo ay lumayo
Ngunit Ako'y pinapangiti mo
Mabigat na araw ko ay humahayo
Araw ko'y muli **** kinumpleto

At heto nanaman ako
Gusto ko tayo pero mukhang malayo
Imposibleng maging Ikaw at ako
Iyong mga mata'y nasa kabilang dako

Hanggang dito lamang at aking lilimitahan
Upang Hindi masaktan
Sa sampal ng katotohanan
At magising na lamang kinabukasan

Makita kang masaya at masigla
At sa akin ay ibinabalita
Ang natagpuang pagibig sa iba
At makita kung gaano kayo kaligaya

Wala na akong ibang hiling pa
Na tunay na pagibig ay iyong makamit na
Ating pagkakaibigan ay manatili sa tuwina
Dahil ito lamang ang sa aki'y matitira
Bryant Arinos Feb 2021
Ikaw ang araw na nagiging dahilan ng pagbangon ko
Ang gumigising pagtapos masilayan ang madilim na tanawin sa pagtulog ko
Ang kasabay ngumiti ng liwanag na sumilisip sa aking bintana
At ang simbolo ng kagandahan tuwing umaga

Kung tutuusin ay inggit ako sa ulap at kalangitan
Sila ang lagi **** kasama at nahahagkan
Tila sila ang nagbibigay sayo ng hinahanap **** ligaya
Habang ako nama'y kahit titigan kay hindi kaya

Laking pasalamat ko sayo reynang araw
Dahil ikaw ang gabay ko sa aking paglakbay
Ang nagmistulang lampara sa daanan ko tuwing gabi
At ang kahalili ng buwan na sinasamahan ako tuwing walang katabi

Mahal kong Sol, kapag dumating ang araw na ika'y pagod na
Kapag ang iyong init ay di ko na nadadama
At ang sarili **** liwanag ay magtatago na sa likod ng kawalan
Maaari mo ba akong balikan at muling hagkan?

Kung di man dumating ang umaga na ikaw ay umahong muli
At maipakita sakin ang kagandahan **** natatangi
Maaari bang silipin mo pa rin ako at gabayan?
Kahit nagtatago ka na lamang sa likod ni luna kapag sa gabi siya'y nakaharang

Di na rin naman natin malalabanan ang panahon at tadhana
Kaya kung dumating ang oras na ika'y napagod nang lumutang sa mula sa silangan
Ako'y mananatiling kakaway sa mula lupa
Habang ninaais kang pagmasdan kahit na silaw na sa inyong kagandahan

Huwag mo sanang ipagkait sa akin tuwing umaga ang napaganda **** ngiti
Gisingin mo pa rin ako nang may tuwa at galak sa aking mga labi
At bigyan ng init sa tuwing uulan at lalamig
Dahil yan na lamang ang matitira kong alala mula sa iyong pag-ibig

Sol, wag ka sanang mapagod na ipakita ang iyong liwanag
Hayaan **** samahan ka ng mga kaibigan **** ulap
Takpan man nila ang natatangi **** tanawin ng sanlibutan
Alalahanin mo sanang mayroon pa ring ako na naghihintay sayo sa ilalim ng kalangitan.

— The End —