Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"matatalo" poems
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa...... Ano bang pakiramdam ng nahulog ka? Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala, Yung pakiramdam na parang kayo na, Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala. Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga? Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya, Masasabi mo bang balewala ka sa kanya? Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba? Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro, Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado Ngunit pano? Nakakalito, Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo. Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan, Ganap nang manatili yung paminsan minsan Dahil... Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag Para sa  mimahal ko, na di nahahabag Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap Sana’y wala ka nang di nalulumbay, Nang Sana’y di nalang ako nasanay, Kasi hinahanap hanap pa kita, Buti sana kung di kita madalas makita, Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid Tulad parin ako nong una, Umaasa, Mga iniwan **** alalala Andito pa nagmamarka, Papano ko mabubura Sanay makalaya, Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
0
Sep 28, 2018
Sep 28, 2018 at 12:16 AM UTC
Sana’y Di Nalang Ako Nasanay

Continue reading...
39
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya                       (KWENTO) (Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu) Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon
0
Dec 18, 2018
Dec 18, 2018 at 5:49 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #16
Bakit mas pinipili natin yung mahirap at kung saan alam nating masasaktan tayo? Bakit mas pinipili natin yung mali habang alam natin kung ano yung tama? Bakit tayo nagmamahal kung iiyak rin naman tayo? Bakit mas pinipili nating lumaban kung alam nating matatalo rin tayo sa dulo? Bakit tayo ngumingiti kung hindi naman talaga tayo masaya? Bakit mas pinipili nating magpatawad ng tao kung alam nating uulitin lang 'to? Bakit tayo nalulungkot ng walang dahilan at bakit tayo napagiiwanan? Bakit sinasarado ang mga bintana tuwing umuulan? Bakit meron tayong mga tanong na wala namang kasagutan? Bakit dumidilim ang kalangitan tuwing umaangat ang buwan? Bakit tayo nagmamahal ng mga taong may mahal ng iba? Bakit maraming namamatay sa maling akala? Ikaw at ako ay pinagtagpo sa isang mundo; sa isang mundo na punong-puno ng walang kasagutan at puro kasinungalingan. Teka lang, saglit may isa pa akong katanungan ngunit alam 'kong hindi mo ito masasagutan; Kung ika'y pagpipilian sa aming dalawa, Sino mas pipiliin **** saktan?
0
May 6, 2016
May 6, 2016 at 4:19 AM UTC
Untitled
Sinta pasensya, Pasensya dahil Hindi ko agad napansin Ang pag usbong Ng nasasalat mo Patungo saken, Ngunit Sinta dama ko Nadadama ko Nadadama ko lahat Hindi ko lang pinapahalata Dahil mas nauna sa aking isipan Na ako'y matatalo agad Dahil malalaman **** gusto kita Marahil Mahal na rin kita Pasensya sinta Tinago ko lahat ng ito Lahat ng nadarama ko Alam kong may pagasa pa At hindi ako mawawalan Ng pag asa Dahil naniniwala ako sayo Kahit karampot nalamang Ang tsansa sayo At handa akong isugal Lahat ng iyon Para sa pagusbong natin Subalit Sinta ngayon Hindi ko na papalagpasin pa Hindi ka na mabibigo pang muli Ibibigay ko lahat ng lakas ko Para sayo sinta Para sa pagusbong muli ng pagibig mo Ibibigay ko lahat Basta't huwag kang mawawala. Muli pasensya sinta Ngayon hayaan mo akong bumawi Dahil disidido akong Maging hardin ang ating pagmamahalan.
0
Feb 19, 2020
Feb 19, 2020 at 6:08 AM UTC
Binhi
6:40AM... Oras. Oras. Oras... Panibagong oras ang dumating, Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling, Unang sulat ng taon, Parang tubig na umaalon. Sa sobrang lakas nito, Ako’y tinamaan sayo. Tinamaan sa bawat memorya, Na hinahanap hanap kung nasaan ka. Mga memorya kung saan bago, Na alam kong ako’y hindi matatalo. Pumasok ka pa lang sa buhay ko, Duon pa lang panalo nako. Di alam ang mga salita na bibitawan, Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan. Isa lang ang masasabi ko, Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal na punong puno ng aking dasal. Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip. Maligayang Bagong taon aking Binibini! Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
0
Dec 31, 2019
Dec 31, 2019 at 5:41 PM UTC
January 1, 2020
Ano mo ba talaga ako? Sino nga ba ako para sayo? Ano bang relasyon meron tayo? Meron bang ikaw at ako? Hindi ko alam kung paasa ka ba, O sadyang umaasa ako sa wala, Minsan ika'y malambing, At minsan rin ako'y estranghero sa iyong paningin. Pagod na ako kakasuyo sayo pag ika'y nagtatampo, Pagod na rin ako kakaisip kung meron bang tayo, Sawang sawa na ako masaktan, Sobra na ang mga sakit na ibibigay mo sa akin. Tanda mo pa ba ang araw na umamin ako sayo, Umamin ako ako na mahal kita at ang sagot mo, Pasensya na hanggang kaibigan lang ang maiibibgay ko, Na paka tanga ko para maniwala sa isang katulad mo. Sabagay, bakit ko nga ba linagyan ng halaga ang mga salita mo? Tapos sa huli ako ang matatalo, Kasi may mahal ka ng iba, At ako nasa isang tabi na walang kwenta. Akala ko parehas tayo ng nararamdaman, Mga akala na nagawa akong saktan, Hindi ko alam ang gagawin ko, Lalo na pag kasama mo siya at hindi ako. Hindi ka ba masaya sa piling ko, Para siya ang piliin mo at hindi ako, May kulang pa ba sakin? Para siya ang papasukin sa puso mo, At hindi ako.
0
Nov 30, 2018
Nov 30, 2018 at 1:46 AM UTC
Wala
Pilipinas anong nangyayari sa'yo? Ang dating bayan ng matatalino. Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo. Ginagawang biro pandemyang ito. Huwag po sana tayong ningas-kugon. Noong una lamang magaling ang pagtugon. Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon. Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon. Hindi ninyo ba talaga alintana? Ang sa ating lahat ay nagbabadya. Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba. Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima. Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda. Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa. Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya. Tumahan ka po sa bahay para sa kanila. Tulungan po natin ang ating lingkod bayan. Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan. Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan. Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan. Huwag na po nating antayin lumalim. Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim. Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim. Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim. Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino. Iyan ang lahi ko at lahi mo. Diba likas sa atin ang pagiging matatalino. Ngayon natin patunayan ito. Sumunod na po tayo sa Gobyerno. Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino. Wag na pong lumabas ng bahay ninyo. Kung di man lang importante ang rason nito. Sumunod na po tayo, Please lang Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG Para kang latang nasipa, TANG TANG Andyan na ang sundo mo, **** **** Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal. Para ang mga suwail tuluyang masakal. Ang rason ay masarap ang bawal. Kaya pati buhay ng iba ay isusugal. Huwag na nating pabayaan, Inang bayan. Matatalo lamang itong kalaban. Kung tayong lahat ay magtutulungan. Bagkus na magturuan at magsisihan.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 8:25 AM UTC
LABAN NATIN ITO" (CoVid ayaw namin sayo) Babelot

44