Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
AUGUST Sep 2018
Para sa mga taong pinaasa ng mga paasa......

Ano bang pakiramdam ng nahulog ka?
Yung pakiramdam na sinalo ka nya pansamantala,
Yung pakiramdam na parang kayo na,
Yung pakiramdam na parang may pagasa, pakiramdam mo lang pala.

Masasabi mo bang di ka sa kanya mahalaga?
Kung ang kanyang ngiti sayo lang naging masaya,
Masasabi mo bang balewala ka sa kanya?
Kung ang pagtingin nya sayo di ka nagdududa, pagpapakita lang ba?

Napakahirap maghusga, kung lalo na medyo malabo
Kumbaga sa distansya, malapit na pero medyo malayo
Takot kang isugal, na parang isip moy matatalo siguro,
Takot kang magmahal, kung ipaglalaban mo di mananalo sigurado
Ngunit pano? Nakakalito,
Parang kang produkto, kapag tinaasan ng presyo, pagnagmahal, walang bibili sayo.

Kaya napagdesisyonan, na wag nalang ipaalam
Ang mga nangyayari ay hahayaan nalang
Ngunit meron paring inaabangan, Na sanay minsan,
Ganap nang manatili yung paminsan minsan

Dahil...
Pusoy ayaw masaktan, takot na baka mabasag
Natatapang tapangan, ngunit laging naduduwag
Papano kung walang sasalo, habang nalalaglag
Para sa  mimahal ko, na di nahahabag

Sanay lumayo nalang, nang katotohanan ay matanggap
Sanay aking nalalaman, kung ikaw bay mapagpanggap
Sana’y wala ka nang di nalulumbay,
Nang Sana’y di nalang ako nasanay,


Kasi hinahanap hanap pa kita,
Buti sana kung di kita madalas makita,
Dahil nasa loob lang tayo ng iisang silid
Andito ako sa gitna anjan ka lang sa gilid

Tulad parin ako nong una, Umaasa,
Mga iniwan **** alalala
Andito pa nagmamarka,
Papano ko mabubura

Sanay makalaya,
Sanay di nagkaakbay, Sanay di nalang humigpit ang kapit ng iyong mga kamay
Sanay di ako nasanay, Nang sanay di ako nalulumbay.
pang spoken poetry
kingjay Dec 2018
Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat
para di mabigyan pansin,
masundan ang lingas
Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak

Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang
Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya
Di magagawa ang pithaya

                      (KWENTO)

(Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka
Masusubukan ang matalas na kampilan
Matatalo ang sinumang dayuhan

Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan
Maalat ang komposisyon ng sipol
Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban
Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan

Ang datu at mandirigma ay iisa
maging sa hangarin na tinagumpayan nila
Kinokondena ang kaaway
Ibibitin nang patiwarik
Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya

Mga bihag ay ipapasok sa kulungan
araw-araw bibigyan ng kakanin
Sa takdang oras sila'y bibitayin
magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu)

Namangha sa kwentong bitbit
Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip
Sila'y hurado na hinuhusgahan din
Binabatikos ang ugali
Kinukurot ng imahe ng repleksyon
Jame May 2016
Bakit mas pinipili natin
yung mahirap
at kung saan alam
nating masasaktan tayo?

Bakit mas pinipili natin
yung mali habang alam
natin kung ano yung tama?

Bakit tayo nagmamahal
kung iiyak rin naman
tayo?

Bakit mas pinipili
nating lumaban kung alam
nating matatalo rin tayo sa dulo?


Bakit tayo ngumingiti
kung hindi naman talaga
tayo masaya?

Bakit mas pinipili nating
magpatawad ng tao kung
alam nating uulitin lang 'to?


Bakit tayo nalulungkot ng walang dahilan
at bakit tayo napagiiwanan?

Bakit sinasarado ang mga
bintana tuwing
umuulan?


Bakit meron tayong mga
tanong na wala
namang kasagutan?

Bakit dumidilim ang
kalangitan tuwing umaangat
ang buwan?

Bakit tayo nagmamahal
ng mga taong may
mahal ng iba?

Bakit maraming namamatay
sa maling akala?


Ikaw at ako ay pinagtagpo
sa isang mundo;
sa isang mundo na punong-puno
ng walang kasagutan at puro kasinungalingan.

Teka lang, saglit
may isa pa akong katanungan
ngunit alam 'kong hindi mo
ito masasagutan;

Kung ika'y pagpipilian
sa aming dalawa,
Sino mas pipiliin **** saktan?
Euphrosyne Feb 2020
Sinta pasensya,
Pasensya dahil
Hindi ko agad napansin
Ang pag usbong
Ng nasasalat mo
Patungo saken,
Ngunit
Sinta dama ko
Nadadama ko
Nadadama ko lahat
Hindi ko lang pinapahalata
Dahil mas nauna sa aking isipan
Na ako'y matatalo agad
Dahil malalaman **** gusto kita
Marahil
Mahal na rin kita
Pasensya sinta
Tinago ko lahat ng ito
Lahat ng nadarama ko
Alam kong may pagasa pa
At hindi ako mawawalan
Ng pag asa
Dahil naniniwala ako sayo
Kahit karampot nalamang
Ang tsansa sayo
At handa akong isugal
Lahat ng iyon
Para sa pagusbong natin
Subalit
Sinta ngayon
Hindi ko na papalagpasin pa
Hindi ka na mabibigo pang muli
Ibibigay ko lahat ng lakas ko
Para sayo sinta
Para sa pagusbong muli ng pagibig mo
Ibibigay ko lahat
Basta't huwag kang mawawala.
Muli pasensya sinta
Ngayon hayaan mo akong bumawi
Dahil disidido akong
Maging hardin ang ating pagmamahalan.
Para sayo ito ulit kilala mo na kung sino ka.
Kenn Dec 2019
6:40AM...

Oras.
Oras.
Oras...

Panibagong oras ang dumating,
Ngungit di parin nagbabago ang aking hiling,
Unang sulat ng taon,
Parang tubig na umaalon.

Sa sobrang lakas nito,
Ako’y tinamaan sayo.
Tinamaan sa bawat memorya,
Na hinahanap hanap kung nasaan ka.

Mga memorya kung saan bago,
Na alam kong ako’y hindi matatalo.
Pumasok ka pa lang sa buhay ko,
Duon pa lang panalo nako.

Di alam ang mga salita na bibitawan,
Sa sobrang pagmamahal na nakasanayan.

Isa lang ang masasabi ko,

Sa’yo ko lang nakita ang tunay na pagmamahal
na punong puno ng aking dasal.
Na alam kong lahat ng ito ay hindi panaginip.

Maligayang Bagong taon aking Binibini!

Oras na para patunayan kung ano nga ba ang pagmamahal.
Notes of K (1/366)
madi Apr 2018
Alam mo ba, ang sabi sakin ng iba ang tanga  ko talaga.
Pero hindi ko sila pinapakinggan kasi, alam ko may pag-asa pa.
May pag-asa pa para ibigin mo ako gaya ng pag-ibig na ibinibigay ko sayo.
Kaya pa, hindi ako susuko hangga't kaya ko pa kasi alam kong hindi pa ako talo.

Ikaw lang ata nagpapangiti sakin na parang wala na ang langit dahil sa taas ng aking labi.
Ikaw lang ata ang nagpapaiyak sakin na parang wala na ang mga ulan dahil sa tulo ng aking luha tuwing gabi.
Ikaw lang ata ang dahilan ng pagkatalo at pagkapanalo ko sa bawat paligsahan na aking nilalaro.
Ikaw lang ata ang mamahalin ko ng higit pa sa pagmamahal na ibibigay mo.

Pero hindi ko alam kung may maibibigay ka nga ba sakin o sadyang umaasa lang ako sa salitang tayo.
Tayo na ako lang ang nakakaalam at hindi mo alam ang aking inaasam.
Kaya kitang ipaglaban kanino man.
Pero ang tanong kaya mo rin ba akong ipaglaban gayung hindi mo nga ako mahal?

Sa larong ito, dalawa lamang ang pagpipilian mo.
Ang salitang talo o tayo.
Kung pipiliin mo man ang tayo hindi ka matatalo.
Pero kung gusto **** matalo, doon rin ako, para sa dulo meron pa ring salitang tayo.
I also published this one in Hugot Snap Poetry on Facebook!
Dark Nov 2018
Ano mo ba talaga ako?
Sino nga ba ako para sayo?
Ano bang relasyon meron tayo?
Meron bang ikaw at ako?

Hindi ko alam kung paasa ka ba,
O sadyang umaasa ako sa wala,
Minsan ika'y malambing,
At minsan rin ako'y estranghero sa iyong paningin.

Pagod na ako kakasuyo sayo pag ika'y nagtatampo,
Pagod na rin ako kakaisip kung meron bang tayo,
Sawang sawa na ako masaktan,
Sobra na ang mga sakit na ibibigay mo sa akin.

Tanda mo pa ba ang araw na umamin ako sayo,
Umamin ako ako na mahal kita at ang sagot mo,
Pasensya na hanggang kaibigan lang ang maiibibgay ko,
Na paka tanga ko para maniwala sa isang katulad mo.

Sabagay, bakit ko nga ba linagyan ng halaga ang mga salita mo?
Tapos sa huli ako ang matatalo,
Kasi may mahal ka ng iba,
At ako nasa isang tabi na walang kwenta.

Akala ko parehas tayo ng nararamdaman,
Mga akala na nagawa akong saktan,
Hindi ko alam ang gagawin ko,
Lalo na pag kasama mo siya at hindi ako.

Hindi ka ba masaya sa piling ko,
Para siya ang piliin mo at hindi ako,
May kulang pa ba sakin?
Para siya ang papasukin sa puso mo,
At hindi ako.
Pilipinas anong nangyayari sa'yo?
Ang dating bayan ng matatalino.
Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo.
Ginagawang biro pandemyang ito.

Huwag po sana tayong ningas-kugon.
Noong una lamang magaling ang pagtugon.
Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon.
Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon.

Hindi ninyo ba talaga alintana?
Ang sa ating lahat ay nagbabadya.
Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba.
Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima.

Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda.
Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa.
Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya.
Tumahan ka po sa bahay para sa kanila.

Tulungan po natin ang ating lingkod bayan.
Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan.
Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan.
Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan.

Huwag na po nating antayin lumalim.
Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim.
Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim.
Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim.

Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino.
Iyan ang lahi ko at lahi mo.
Diba likas sa atin ang pagiging matatalino.
Ngayon natin patunayan ito.

Sumunod na po tayo sa Gobyerno.
Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino.
Wag na pong lumabas ng bahay ninyo.
Kung di man lang importante ang rason nito.

Sumunod na po tayo, Please lang
Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG
Para kang latang nasipa, TANG TANG
Andyan na ang sundo mo, **** ****

Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal.
Para ang mga suwail tuluyang masakal.
Ang rason ay masarap ang bawal.
Kaya pati buhay ng iba ay isusugal.

Huwag na nating pabayaan, Inang bayan.
Matatalo lamang itong kalaban.
Kung tayong lahat ay magtutulungan.
Bagkus na magturuan at magsisihan.

— The End —