Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"manunula" poems
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita Huwag mo kong ikulong sa mga salitang nais **** makitang taglay ko Huwag mo kong sikilin ng kalayaan kong ipahayag ang nais ko O bilangin ang metrong sumasaklaw sa mga katha ko O mga tugmang umaabot na gayon na lamang ang paglantad na siya nga ay isang presong Minsang kinulong sa iyong isipan at binigyan mo ng huwad na kalayaan Huwag mo akong pigilan tulad ng mga letrang iyong binitiwan kung sa'n ubos na ang oras na siyang dahilan Upang matigilan ang mga salitang dumadaloy sa ugat na tila nagpipilahan Sa isang lugar na napigilan ng kaguluhan at ingay ang malalayang sugnay Ngayon ay dumadaloy na parang isang rumagasang ilog Sa dulo ng dila ko ay laging naririyan Isa akong salitang walang kahulugan ni patutunguhan Salita ako ngunit hindi sinasalita Ako ay kamatayan sa iilan At buhay sa karamihan Kaya't huwag mo akong pigilan ng mga pinili **** letrang dapat ako, dapat ay tagalayin ko Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Parang ako Ang tula ay malayang di tulad ng tao dahil dito Walang batas na maaring pumuna at saglit na mawaglit sa tunay na eksistensya dahil ang tula ay tula na wala kang karapatang Yurakan o ismiran o saktan man Ang tula ay tula na mga anak ng manunula Hinabi ng emosyon ng puso ng pawis na nararamdaman ang bawat patak bawat tibok at bawat sigaw Dahil ang tula ay tula at ito ay malaya Ako ang pag-ibig ako ang tula Ang tula ng pag-ibig Ang pag-ibig na mapagpalaya Akong pag-ibig na hindi malaya Kaya 'wag mo kong siilin ng mga salita na nais **** makita na nasasa aking tula Dahil ng tula ay tula Ang tula ay malaya Ang mundo ng tula kung sa'n malaya Mundong nais ko sana Isang mundong di ko kailanman matatamasa Sa isang mundong kaaya-aya
0
Jul 8, 2016
Jul 8, 2016 at 11:10 AM UTC
Preso ang Ikinukulong, Hindi Salita

Continue reading...
42
Tila ilog na walang katapusan, Ang mga emosyong aking nararamdaman, Walang preno, walang busina, Walang tigil sa pag-agos ng malaya. Akala ko'y walang humpay, 'tong mga pinanghuhugutan sa buhay, Ang halos lahat ay may hangganan, Ang mga bagay nga pala'y may katapusan. Sabihin mang ako'y makata, Isang manununula, Manunula kasama ang kanyang pluma, Ngunit pluma nya'y wala nang tinta. Tila ba binaon sa nakaraan, Ang minsang nakahiligan, Pilitin ma'y walang maisulat, 'tong makatang naging salat. Iyon ay kanyang alaala, Naiisip sa bawat pagbasa, Ng mga tulang sya din ang gumawa, Mga tulang di nya na ngayon magawa.
0
Aug 20, 2017
Aug 20, 2017 at 2:55 PM UTC
Tinta
Isa kang manunula na karapat-dapat magmahal at maging masaya. Isa kang tula Na may angking ganda Na minsan ay hindi maintindihan Kung hindi nilalaan ang oras upang pag-isipan Minsan pinupuna ng iba Dahil hindi sila nito pinapasaya Hindi nila alam Paano mahalin ang tula Tanggapin ang lahat ng tayutay at salita nito Na hindi na kailangan ng kapalit o salitang panibago Wag kang makinig sa kanila Ikaw ang tula at manunula Ikaw ang may hawak ng sarili **** istorya Ikaw ang magdedesisyon sa bawat salita, linya o stanza Yakapin mo ang sarili **** ganda Hindi mo kailangang patunayan ang sarili mo sa iba Ako’y tanging nagbabasa lamang Nagmamahal at nagsusuporta Kung kakailanganin **** humiram ng ilang salita mula sa akin Wag kang magdalawang-isip na ako’y kausapin Alam kong balang-araw, malayo ang iyong mararating Kung hindi ka naniniwala, magtiwala ka lamang sa akin
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 9:58 AM UTC
Kaibigan ko,
Librong matagal na binuksan sa madla, Ngayon ay ipipinid ko na, Maraming salamat sa pagbasa ng aking mga obra, Sa inyong aking mga taga suporta. Ngunit ngayong gabi wawakasan ko na, Hindi na kailanman masisilayan pangalan ng may akda, Hindi ko na kayang sumulat pa, Sapagkat kadilima'y tuloyan ng nakapasok sa puso ng manunula. Nahihirapan ilimbag itong huling tula, Kahit alam kong dito'y walang magbabasa, Ito na ang huling tulang aking isusulat, Paalam ito'y iaalay sa inyong lahat. 'Wag ka sanag tumigil sa paglikha, 'Wag **** hayaang mawala ang tinta ng iyong pluma, Gawin **** inspresyon ang pagsasara ng aking libro, Ipinapangako kong ako'y gagabay sa'yo. Hindi man kita lubosang kilala, Ngunit ibibigay ko sa iyo ang aking dugo upang ika'y makasulat pa, Maraming salamat, Ako'y magpapaalam na.
0
Jul 3, 2018
Jul 3, 2018 at 3:29 AM UTC
Isasarado Na
Sabi nila di ka tunay na manunula kung ang sulat mo'y di tugma Kaya napatingin ako sa aking mga tula At nagtanong sa aking sarili kung ang aking iniisip ay tama O tunay nga ba ang aking duda Hindi nga ako isang makata Marahil ang gawa ko'y di makatutugma Dito ay kalungkutan ang aking nadama Dahil sa kasinungalingan ng aking paniniwala Di tugma ang aking kinurbang salita Gamit ang makabagong pluma Luha't dugo ko'y na baliwala Dahil lang sa sinabi ng isang makata Kaya't gumuho ang aking mundo't pag-asa Galit at pighati ang gumising sa aking gabi, mulat ang parehas na mata At ako'y umiyak at lalong nagduda Sa aking talento't kakayahang tumula
0
Feb 25, 2021
Feb 25, 2021 at 5:42 AM UTC
Duda
Ano ang dahilan at tila Sumusulat ka ng tula Upang aliwin ba ang madla O sambahin ang mga dakila? Sapat nga ba ang aanihin Sa ihahasik na pagkain Ito nga ba ay diringgin Ng pusong malayo ang tingin? Kung tapos na ang simula Ano pa ang mapapala At kung wala nang manunula At patay na ang tula? Sino ang makikinig Kung higit na nananaig Sa kumpas ng aking bibig Ang maingay na sahig? Walang may nais umunawa Sila'y pagod na't nagsawa Nais ay mabilis na ginhawa Sa isip na nakakaawa JGA
0
May 10, 2019
May 10, 2019 at 3:44 PM UTC
Patay na ang Tula!
Matagal-tagal na ang nakalipas mula sa huling beses kong magsulat ng tula Pag sinabi kong matagal, ang ibig kong sabihin Ay ilang araw na ang nakalipas Nang hindi ako nakabubuo ng tula Nasanay kasi akong halos araw-araw akong may naisusulat Kung di man buong tula Kahit ilan mang linya Nasanay kasi akong lahat ng aking nakikita Ay ginagamit kong inspirasyon Sa pagbangon Sa paghugas ng pinggan Sa pagkain ng hapunan Sa pagsampay ng labada Hanggang sa pagpikit ng mga mata Hindi ako nauubusan Ng salitang nais isulat o ibigkas Ngunit sa mga nakaraang araw Ay hindi ko yun naramdaman Pareho lang naman ang kaganapan Pero tila nawala ang aking mga salita Pareho lang naman ang aking ginagawa? Bakit nawala bigla ang aking pagiging manunula? Ang pagbangon ay nanatiling karaniwan Hanggang pagpikit nang mata Wala namang mahalagang kasulat-sulat ng tula Hindi ko mawari Kung ano ang nangyari Hindi ko matukoy Katamaran ba ito? Pagod? Antok? Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko matukoy Kasi wala akong maramdaman Alam mo yung pakiramdam ng paang manhid? Aba syempre hindi, kasi wala naman itong nararamdaman. Sa totoo lang, hindi ko alam Kung ano ang punto ng tulang ito Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi ko Sa simula hanggang dulo Pero kahit papaano Mabuti at nakapagsulat muli ako
0
May 18, 2020
May 18, 2020 at 10:04 AM UTC
Simula Muli
Hindi kalayuan ang mga bituin Kung ito’y sagad na susumahin Di hamak na mas mahirap marating Ang pusong hinding hindi mo ma-angkin Hindi kalayuan ang pangarap Kung ito’y sakdal nasang makaharap Di hamak na mas malayo ang agwat Ng dalawang pusong di magka sabwat Pangarap kong maisulat kita sa aking mga tula Pangarap ko ring maisulat mo ako sa iyong mga akda Sana’y sing dali tayong maglapit at maglapat Na tulad ng mga papel at kanyang panulat. © 2020 Glen Castillo All Rights Reserved
0
May 9, 2020
May 9, 2020 at 12:55 PM UTC
Manunula’t Manunulat (The poet and The writer)