Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
101915

Alam kong sayo ang sakay
Medyo nainip ako buhat sa pagkabigo
Nang minsang inabanga'y
Nakaligtaang arkelado pala.

Nag-abang ako,
Pumara ng iba
Pati ruta pala'y ibang ibayo ang salta.

Ibang kalsada,
Naglakad akong muli
Oo, mas napagod
May paltos at kalyo ang mga paa
Sana'y naghintay na lang ako sayo
Kahit walang kasiguraduhang
Magbabalik para paangkasin.

Bukas makalawa,
Sa panahong hindi mala-Cinderella,
Daraan kang muli
Hihinto kahit di parahin,
Aalukin akong sumakay
Pagkat naihatid mo na ang iba.

Ako marahil ang huling pasahero
Bagkus alam kong may bakanteng silya
Silyang inilaan at palaging pinapagpagan
Nang hindi maalikabuka't
Maihanda sa  oras na nakalaan.

Sasakay ako nang dahan-dahan,
Hindi gaya ng dating may pagmamadali,
Titingnan kong maigi ang hagdanan
Nang hindi ako matalisod
At may mahawakan.

Sasakay akong may panibagong pag-asa
Walang pag-aalinlangan sa pait ng nakaraan
Marahil hihintong muli ang sasakyan
Bagkus totoo nga't
Makabababa na sa tamang hantungan.
Heynette Writes Oct 2018
Maaari bang dahan-dahanin mo ang iyong pag-alis?
Dahil sariwang sugat at alaalay hindi agad mapapalis.
Maaari bang dahan-dahanin mo lang ang pag-iwan sa akin?
Dahal baka kung biglaan ay hindi ko kayanin.
Dahan-dahan lang, gaya nang dahan-dahang pagkawala ng nararamdaman mo sa akin,
Gaya nang dahan-dahang pamumuo nang pagtingin mo sa kanya,
Gaya nang dahan-dahan **** pagpaparamdam sa akin na s'ya na talaga.
Ang pinipili mo.
Ang mahal mo.
Ang kailangan mo.
At ang nagpapasaya sa 'yo.
Dahan-dahan lang,
Gaya nang dahan-dahan **** pagpaparamdam sa akin ng matinding sakit sa unti-unti **** panlalamig.
Dahan-dahan lang,
Gaya nang dahan-dahan **** pagbitaw sa aking kamay na matindi ang pagkakakapit.
Dahan-dahan lang,
Para maihanda ko ang sarili ko sa iyong pag-alis.
Dahan-dahan lang,
Para sa kaunting panahon bago kita tuluyang palayain,
Bitawan,
At ipagkatiwala sa kanya,
Masabi kong aking ka pa rin.

— The End —