Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
M e l l o Aug 2019
"Nagbago ka na"
salitang pagbinitiwan
ng mga taong mahalaga sayo
sobrang laki ng epekto
kadalasan huhulaan ko pa
kung masama ba ang pagbabagong
nakikita nila sa pagkatao ko
o maganda ba naman ang dulot nito
hindi masabi ng harapan
kaya idinadaan na lang
sa maliliit na komento
ibubulong kuno para kahit paano
hindi marinig at iwas argumento
pahapyaw lang pero
tagos hanggang buto
ang tanong, mali bang magbago?
mga pagbabagong
sinanay ng panahon
pagsubok sa pananampalataya
at temptasyon
sa huli ay natuto din ng mga leksyon
pero kahit ano pa sabihin niyo
kung kilala niyo talaga ako
ako pa din naman 'to
may ilang nagbago
pero lahat naman tayo
dumaan sa ganito
hinahanap yung totoong silbi
ng buhay na 'to?


Oo nagbago na ako.
Nahanap ko na kasi ang sagot
sa huling tanong ko.
Poem of the day. Aug. 19
Chit Jun 2020
Hay naloko na
Nasira ang cellphone
Ubos na rin ang ipon
Pano na ang FB, IG at ang ibon

Sumaglit sa kanto
Internet ang dinayo
Nang may kaba sa puso
Sa pagbasa ng iyong komento

"Musta? Tara kita tayo!"
Walong pantig
Na sa aki'y nagpanginig
Ngunit saglit lang ang kilig

Bumalik kasi ang kahapong kay pait
Na muling nagpasikip sa aking dibdib

At sa wakas, tama na
Naunawaan ko na si tadhana

Sa nasirang cellphone
At ubos na ipon.
(Isang metamorposis ng damdamin)
FSP+

Sa simula’y isa lang akong munting uod,
Gumagapang sa mga sanga ng opinyon,
Hinuhusgahan sa bawat hakbang,
“Bakit ka ba ganyan? Mali ka na naman.”

Kapag nag-iwan ako ng komento,
Sinusuklian ng tanong—
“Wala ka bang alam?”
Parang lahat ay kritiko, wala ni isang kaibigan.

Kapag ibinuka ko ang pakpak ng damdamin,
“Wrong grammar,” anila,
Na para bang damdamin ay dapat tama ang baybay.
Hindi raw sapat ang puso kung mali ang anyo ng salita.

At nang sinubukan kong manahimik,
Inakusahan akong bato—
Walang puso, walang pakialam.
Samantalang ako’y nagpapahinga lang sa sarili kong lungga.

Unti-unti, ang kalituhan ay naging balot,
Isang kokon na pumulupot sa aking katauhan.
Doon ako natutong umiyak nang walang ingay,
At umasa sa paglipad kahit di pa sigurado kung kaya.

Ngunit heto ako ngayon—isang paruparong alanganin,
May pakpak nga ba talaga o panaginip lang din?
Dahil kahit sa paglipad, may tanong pa rin:
“Masyado kang mataas… o baka naman nagpapansin?”

Ano ba talaga?
Sa bawat yugto ng aking pagbabago,
May tanong na kasabay,
Kaya’t sa gitna ng aking metamorphosis—
Ako’y nalilito pa rin…
Wrong grammar

— The End —