Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
madrid Feb 2016
totoo and sinasabi nila
na sa segundong mawalan ka
ng pakialam sa mundo ay bigla nalang itong
magpapakita ng pakialam sayo
na sa oras na maglaho sa iyong pansin ang tagtuyo
biglaan nalang iiyak ang mga ulap para sayo
na sa sandaling binitawan mo ang kamay
ng gusto ng makawala
darating ang ibang kamay na hahawak muli nito
ng mas mahigpit, totoo
ang sinasabi nila

tila mahirap lang maniwala
sa sabi-sabi, sa haka-haka
dahil hindi nga naman ikaw ang nakatayo sa sapatos nila
tiwala

tiwala sa pag-angat ng araw na hindi ka nito bibiguin
tiwala sa iyong pag-dasal sa mga bituin na
kumukuti-kutitap sa gitna ng dilim, ang buwan
na sa mga pagkakataong wala ng pag-asa
ay kakantahan ka ng may bukas pa, totoo
ang sinasabi nila

oo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaiyak
sa tuwa, sa lungkot
sa paglisan ng taong iniikutan ng buhay mo
darating ang mga araw na bigla ka nalang mapapaluhod
dahil wala ka ng magawa at wala ka ng matawagan
pero tatandaan mo na hindi ka nag-iisa
dahil nandito ako, ako

ako na kailan ma'y minahal, nagmamahal, at magmamahal sayo
kumapit ka lang
sa aking kamay
sa aking balikat
sa aking katawan
na kahit ulanan ng pasa at sugat
ay ibinibigay ko sayo
ng buong buo

uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
na sa gitna ng kawalan
sa gitna ng pagsuko
sa gitna ng pagbitaw
ito mismo ang maghahanap sayo
siya mismo ang maghahanap sayo
darating at darating ang parte nitong kwento
na bubuo sayo
at muli nanamang iikot ang iyong mundo
pero sa ngayon, sa dito, sa oras na ito
habang naghihintay ka pa,
ay mali pala, dahil hindi tayo maghihintay
at hindi tumigil ang pagtakbo ng oras sa buhay na ito
dahil maliwanag pa sa bumbilya ang kamalian ng nakaraan
bitawan mo lang
at hayaan mo kong isatupad ang aking mga pangako
hindi kita iiwanan, tiwala
magtiwala ka lang

sa huling pagkakataon,
uulitin ko, totoo
ang sinasabi nila
hindi ka nagbubulagbulagan
kundi pinagkakatiwalaan mo lang ako
ng buong isip at buong puso, ako
ako na nagtiwala rin sa Kanya
ako na hindi umasa, ngunit
humawak sa salita ng aking Ama, ako
ito ang tatandaan mo
para sa mga gabing isinisigaw ang mga kaisipang nagtatago mula sa liwanag
para sa mga bukang liwayway na  nagpupumilit humagap ng init ng araw ngunit hindi mahagip ang tapang upang bitawan ang lamig ng gabi
Joseph Floreta Oct 2016
Binibini, saakin
Iyong sabihin
Wag ma windang sambitin,
Mga luha sa 'yong mukha
Ito'y papawiin,
Binibini, wag ka nang umiyak,
Kakantahan nalang kita
Nang mga awiting
Sayo'y mag papangiti.
Binibini wag ka nang umiyak,
Mga luha sa iyong mukha,
Ito'y papawiin
Wag ka nang umiyak,
wag ka nang umiyak,
Wag ka nang umiyak..
#AsongforYou #tears #Cry
Random Guy Oct 2019
kung hindi ka umalis
ikaw sana ang katabi ko
sa bus
sa rides
sa pictures

katabi sa pakikinig ng mga lumang kanta
katabi sa pagtulog sa byahe
katabi kung sakaling mahilo ka

siguro
patago kong hahawakan ang kamay mo
o pasadyang kakantahan ka
o yayakapin ka
mula sa likod
sa espasyong walang makakakita
siguro

dahil kung hindi ka umalis
ay mas makabuluhan sana ang mga field trip
mas napahalagahan ko sana ang mga museo
dahil kasama ka
mas napahalagahan sana ang iba't ibang importanteng monumento
dahil kasama ka
mas napahalagahan sana ang scientific name ng kung ano
dahil kasama ka

ngunit hindi naman din kita masisisi
kung bakit ka umalis
dahil hindi natin ito kasalanan
pero kahit ganon pa man
madami sana tayong pagsasamahan
kung walang nangyaring iwanan
'kung hindi ka umalis' series
high school
Random Guy Oct 2019
kung hindi ka umalis
ikaw sana ang nakasayaw ko
ilang oras na pag indayog
kahit sumakit pa ang paa ko

hawak ang iyong beywang
hawak ang iyong mukha
hawak ang iyong kamay
hawak ang iyong mundo

dahil kung hindi ka umalis
ay ikaw lang ang isasayaw
ikaw lang ang magdamag bubulungan
ng mga nararamdaman
kakantahan
kasabay ng mabagal na kanta

ngunit hindi naman din kita masisisi
kung bakit ka umalis
dahil hindi natin ito kasalanan
pero kahit ganon pa man
madami sana tayong pagsasamahan
kung walang nangyaring iwanan
'kung hindi ka umalis' series
high school

— The End —