Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
wizmorrison Jun 2019
Bakit pa kaya ako na buhay?
Bakit pa ako nanatili dito sa mundo?
Tingin ng iba sa akin ay walang halaga,
Siya namang katotohanan...
Ang totoo ay wala naman talaga akong kwenta.
Ipinagtataka ko,
Bakit binigyan pa ako ng pangalawang buhay?
Para saan ito?
Minsan naisip ko, na sana dati natuluyan na lang ako.
Ano pa bang silbi ko?
Ang bigyan ng pasanin ang mga magulang ko?
Ang bigyan ng cancer ang lipunang ito?
Ang bigyan ko ng karagdagang problema ang mundo?
Minsan napapatanong ako,
Ano pang silbi ng pangalawang buhay ko
Kung hindi naman ako masaya?
Bakit hindi nalang ako hinayaang mahimlay na lamang?
Paulit-ulit na akong nasaktan at umiyak,
Hindi pa ba sapat para pagbayaran ko lahat?
Paulit-ulit na pinaramdam sa akin na wala akong kwentang nilalang,
Hindi pa ba iyon sapat para magdusa ako ng tuluyan?
Paulit-ulit akong napahiya at siniraan,
Hindi pa ba iyon sapat para magpahinga na?
Kailangan ko pa bang pagdaanan ang ganito kasakit na bagay?
Paulit-ulit nalang ba?
Wala na bang bago?
Hindi na ba magbabago ang kapalaran ko?
Ganito na ba talaga?
Pagod na ako
Pagod na pagod na ako sa totoo lang.
Ano bang nagawa ko sa mundo para magdusa ng ganito?
Nung mawala ako ng ilang minuto grabe raw ang iyak nila,
Nung bumalik ako, abot-langit ang saya nila...
Paano ako?
Natatanong niyo ba kung masaya rin ako?
Minsan nasasabi ko-
Wala nang magmamahal sa akin,
Wala nang tatanggap sa akin maliban sa pamilya ko.
Wala naman talagang makakaintindi sa akin kundi sila...
Kaya hindi na ako magtataka kung pati kayo ay mawawala.
Nasanay na ako,
Ano pa bang bago?
Sige, magsilisan na kayo.
Gusto niyo ako pa ang maghahatid sa inyo?
Ikagagalak ko.
Shaina Placencia Mar 2021
Isang madaling araw, sa hulog ng himbing ng aking pagtulog ay dagli akong ginising,
mulat ang mga mata na tila ba hindi pa nagpapahinga, sabay ang pagkarinig sa sunod sunod na bulong, tanong...

Nag-uunahan sila na kahit na walang kasagutan, ay gigil na nagsusumiksik sa aking isipan, ako'y naguguluhan nanaman pagkat wala akong alam, hindi ko maintindihan ang rason ng kanilang pagkatok sa aking pintuan, kalungkutan... ninanakaw nanaman ako sa aking katinuan.

Walang ganang bumangon, sinundan ang mga tahimik na paghikbi, at doon sa may malaking salamin ay aking nasaksihan ang tahimik na pagtangis ang isang batang luhaan,

Walang tigil sa pag-iyak, bakas ang pagod sa kanyang mga mata, pagkagutom, pagkauhaw, pawisan na para bang malayo pa ang kanyang pinanggalingan, tahimik akong umupo sa kaniyang tabi... at doon muli ay unti-unti ko s'yang sinabayan.

Naghalo ang pareho naming kalungkutan, kaguluhan ang dala ng pagsasama naming dalawa, ngunit walang magagawa, sapagkat sa isang madaling araw ay s'ya lamang ang natatangi kong bisita.
marqz Oct 2017
Tila –  simbolo ng kawalang kasiguraduhan
Tila bagyo ng pangamba’t agam-agam
Tila di na sapat
Pero tila 'di man matanaw sikat ng araw
Laging tatandaan na ang tila
Sa kabilang banda’y paghupa.
Pagtila – sa gitna ng iyak ng langit
Tila na puputol sa daluyong ng unos.

Kaya kung tila nangangamba
Asahang titila rin,
At darating pangibagong umaga
JOJO C PINCA Nov 2017
wala sa sementeryo
ang misteryo,
hindi namamahay
sa lumang bahay
ang mga multo.
nand'yan lang sila
sa loob ng puso't isip mo.
mga kalansay ng buhay
mo'ng walang say-say,
naaalala mo pa ba
ang puting babae (white lady)
na lumulutang sa kama
habang hinuhubaran mo?
naririnig mo ba ang iyak
ng mga anak mo
na naging tiyanak
matapos mo silang ikalat.
hindi nabubuhay ang patay
pero may mga ala-alang
kailanman hindi namamatay,
susundan ka nila
na parang zombing naglalakad.
walang multo pero
kailangan mo ng indulto
sa dami ng buhay
na iyong nainsulto.
walang multo
pero may aswang
ikaw ang aswang
marami kang inaswang
animal ka.
PoetryLover Feb 2018
Ilang beses ko na  bnag sinabi sa sarili ko na huling iyak ko na to tapos tahan na?
Ilang beses mo na bag dinurog ung puso ko para buuin ko lang nang paulit-uliit?
Ilang beses pa ba akong magpapanggap na wala na pake hanggang sa maramdaman mo namang pagpapanggap lang lahat ng ginagawa ko?
Ilang beses pa ba akong magsisinungaling para lang maintindihan mo ung gustong isigaw ng puso ko pero hindi ko masabi sa'yo?
Maria Leslie Mar 27
It's tiring to cry too
Sometimes you have to stop crying too
Because sometimes you also need to be happy and make yourself happy
But you should know when to stop

You don't need to cry all the time
Even if you are hurt hour by hour and day by day
Even if you hide the tears
There are still sorrows in your eyes and there is a feeling of sadness in the air.

But there's something inside you that wants to be free
Just hide all the tears in your smiles and show others that you are happy
Try to hide your sadness
With them you will also forget the tears for a while

Put aside tears and sadness when you are with other people
Think about yourself first
Have fun, work and get on with life

Then you just release everything at the right time and season
When you have a chance, you will cry again
Think and heal the wounded heart inside

Fight even for yourself and your job
No one else is there for you but you
Only β€œYou” know your true feelings inside, pain and tears
You and God know that and understand

When you feel discouraged
Take your time to rest your heart
Endurance of feelings with him God at the top
Take strength from him, not from your failures and defeats
In the thick of it, you won't lose if you cling to him.

keep it a secret, I know
Those are just tears behind the smiles
No matter what time you think and remember the things that cause tears will appear

Sometimes you secrete the tears first
It's not necessary that you always cry in front of them, right?
There's no need to inform right away, right?
It's not always that they know you're crying and show them, right?

It's enough to cry alone
show that you can and you are a tall person
Strong in achieving your dreams
You can handle it behind the tears you hide.
Carry it despite the hidden tears in your heart.

God is with you in your pain and tears with him it's no secret.

************

"π•Šπ•šπ•œπ•£π•–π•₯π• π•Ÿπ•˜ 𝕃𝕦𝕙𝕒"

Nakakapagod din palang umiyak
Minsan kailangan mo din tumigil sa pag iyak
Dahil minsan kailangan mo din maging masaya at paligayahin ang sarili mo
Pero dapat alam mo kung kailan ka titigil

Hindi naman kailangan palagi kang umiiyak
Kahit oras oras at araw araw kang nasasaktan
Kahit maitago mo man ang mga luha
May mga lungkot parin nababasa sa iyong mga mata at may pakiramdam ang himpapawid sa kalungkutan

Ngunit mayroon sa loob na gusto mo ng makalaya
Itago mo nalang sa mga ngiti mo ang lahat ng luha at ipakita sa iba na masaya ka
Pilitin mo sarili mo itago ang lungkot
Kasama nila makakalimutan mo din saglit ang mga luha

Itabi mo muna ang luha at lungkot kapag kasama mo ang ibang tao
Isipin mo muna ang sarili mo
Mag libang, mag trabaho at magpatuloy sa buhay

Saka mo nalang ilabas lahat sa tamang oras at panahon
Kapag may pagkakataon ka saka mo na iiyak ulit
Isipin at gamutin ang pusong nasusugatan sa loob

Lumaban ka kahit para sa sarili mo nalang at sa trabaho mo
Walang ibang taong nanjan para sayo kundi ikaw lang
Ikaw lang naman ang nakakaalam ng mga totoo **** nararamdaman sa loob, sakit at mga luha
Ikaw at ang Diyos ang nakakaalam nyan at nakakaintindi

Kapag napanghihinaan ka ng loob
Tibayan mo ang loob mo
Tibay ng damdamin kasama sya sa taas
Sa kanya ka kumuha ng lakas huwag sa mga kabiguan at pagkatalo mo
Sa may kapal hindi ka talo kung kakapit ka sa kanya.

ilihim mo man yan alam ko
Nanjan lang yan luha sa likod ng mga ngiti
Kahit ano oras lalabas kapag inisip at naalala mo ang mga bagay na sanhi ng pag luha

Minsan isikreto mo muna ang luha
Hindi naman kailangan na palagi kang umiiyak sa harapan nila diba?
Hindi naman kailangan na ipaalam agad diba?
Hindi naman palagi na nalalaman nila na umiiyak ka at ipakita sa kanila diba?

Tama na at sapat na ang lumuha mag isa
ipakita mo na kaya mo at mataas kang tao
Matibay sa pag abot ng mga pangarap mo
Kayanin mo sa likod ng mga tinatago **** mga luha.
Buhatin mo sa kabila ng mga nakatagong luha sa puso mo.

Kasama mo ang Diyos sa mga sakit at luha mo sa kanya hindi ito sikreto.
Written: 10.26.2024
Maria Leslie Mar 26
Sometimes I always wonder when I will stop crying and how long I will be hurt and cry.

You are in the middle of a fight you should know the limit of tears and when to stop.

Whether you choose the limit or not
The past will not disappear
But leave it behind

If you always go with the flow of the river.
You may not control the river but you control your emotions.

Sometimes pain is just a process because of love.
The heart or what hurts because you have loved.

The limit is the length of your presence in your heart in loving how far you are and you stop or you will still have the opportunity to fall in love.

You always cry
How long will you cry
How long will the tears last

Tears are with you in life
But you won't cry forever
You will also find where you will be happy

You can not cry and just forget everything for now
But it still hurts if you only achieve happiness for a moment because
You will return to your old form and you will really cry.

I feel like I want to cry but my mind and heart don't want to anymore.
I want to cry but the tears have left me as if I can't feel anything anymore.

I can cry but it seems like I've dried up under the hot light as if there is an endless war deep inside the battle.

I will also cry at the right time and day
and when my thirsty feelings for missing you are watered.

In the midst of battle and sorrow
You can do nothing but fight
There is no other way but to fight
If there is no one else for you to fight with you
The fight continues even though it is difficult

There are tears behind the battles
There is also a tired heart that always hurts
Tears also have an end.

************
"𝕃𝕦𝕙𝕒"

Minsan palagi kong naiisip kung kailan ako hihinto sa pag iyak at hanggang kailan ako masasaktan at iiyak.

Nasa gitna ka ng laban alam mo dapat ang limitasyon ng luha at kailan hihinto.

Piliin mo man ang limitasyon o hindi
Hindi mawawala ang mga nakalipas
Pero iwanan mo na sa likod

Kung palagi ka nalang nakasabay sa agos ng ilog.
Hindi mo man kontrol ang ilog pero kontrol mo ang emotion mo.

Minsan ang mga pasakit ay proceso lamang dahil sa pagmamahal.
Ang puso o ang nasasaktan dahil nag mahal ka.

Ang limitasyon ay haba ng iyong presensya sa iyong puso sa pag mamahal kung hanggang saan ka lang at himinto ka na o magkakaroon ka pa ng pagkakataon na umibig.

Palagi ka nalang umiiyak
Hanggang kailan ka umiiyak
Hanggang saan ang mga luha

Kasama sa buhay ang mga luha
Pero hindi habang buhay imiiyak ka
Hahanapin mo rin kung saan ka magiging masaya

Pwede naman hindi umiyak at kalimutan nalang muna ang lahat
Pero masakit parin kung sandali mo lang makakamtan ang kaligayahan dahil
Babalik karin sa dating anyo at umiiyak ka talaga.

Parang gusto kong umiyak pero ayaw na ng isipan at puso ko.
Gusto kong umiyak pero iniwan nako ng mga luha para bang tigang na wala na kong maramdaman.

Kaya kong umiyak pero tila natuyo na sa ilalim ng nag iinit na liwanag na para bang walang katapusang digmaan salalim ng laban.

iiyak rin ako sa tamang oras at araw
at ng madiligan ang nauuhaw kong damdamin sa pangungulila sayo.

Sa gitna ng labanan at mga lungkot
Wala ka ng magagawa kundi lumaban
Wala ng ibang paraan kundi lumaban
Kung walang ibang tao para sayo para ipag laban ka
Patuloy parin ang laban kahit mahirap

May mga luha sa likod ng mga laban
May kapaguran rin ang puso na palaging nasasaktan
May katapusan rin ang mga luha.
Written: 10.24.2024
Kenn Mar 2020
Ikaw at Ikaw parin ang aking pipiliin
Kahit na lasing ikaw parin ang aking aalahanin.

Mga bawat masamang ala-ala
Ikaw ay naging isang biyaya.

So sobrang dilim ng mundo
Ikaw ang naging liwanag ko.

Mga bawat iyak at lungkot
Napalitan ng kasiyahan na binigay mo.
Notes of K
Kurtlopez Feb 2024
Sa iyak nalang
dinadaan yung mga damdaming
di mo maintindihan -
Akala ko noon...
ang pagmamahal ay sapat.
Na kapag ikaw ay totoo,
kapag ibinigay mo ang lahat,
babalik din iyon, buoβ€”
higit pa sa iniwan **** pagkatao.

Pero ang hindi ko alam...
ang pag-ibig pala,
hindi lang laban ng damdamin,
kundi laban ng tiyaga,
ng pananatili,
ng pag-uunawa
kahit pa ang bawat araw ay parang dulo na ng mundo.

Sino ba ang may sabi
na ang mga tunay na nagmamahal,
hindi napapagod?

Sinong manunulat ang nagturo sa atin
na basta mahal mo,
laging may β€œtayo” sa dulo ng kwento?

Naniwala ako.
Tadhana, naniwala ako.

Pinili kitang mahalin,
kahit hindi ako ang pinili **** mahalin pabalik.
Pinili kitang intindihin,
kahit ako na ang nalulunod
sa katahimikang hindi mo kayang ipaliwanag.
Pinili kitang ipaglaban,
kahit ikaw, matagal mo na akong binitiwan.

At sa bawat gabi,
habang ginigising ako ng sariling iyak,
hinihiling kong sana…
sana ako na lang ulit.

Pero hindi ganun ang buhay.
At lalo nang hindi ganun ang pag-ibig.

Minsan, kahit gaano ka kabuo,
kahit gaano ka kabait,
kahit gaano mo siya minahal sa paraang wala kang itinira para sa sariliβ€”
hindi pa rin sapat.

Dahil ang pag-ibig,
hindi laging patas.
Hindi laging sabay ang tibok.
Minsan, isa lang ang tumitibok
habang ang isa'y matagal nang nanahimik.

At doon ko naintindihan...

Walang perpektong pag-ibig.

Walang pag-ibig na walang lamat,
na walang luha,
na walang tanong sa gabi,
na walang sigaw sa unan.

Pero higit sa lahat,
walang perpektong pag-ibig
kung wala ang dalawang taong pumipili,
araw-araw,
na manatili.

Hindi ko ito tula para sa mga β€œnaging tayo.”
Ito'y para sa mga β€œhalos tayo.”
Sa mga β€œkung kailan minahal kita ng buo,
tsaka ka nawala.”
Ito'y para sa mga iniwan kahit wala namang pagkukulang,
sa mga nagmahal nang sobra,
at sa huliβ€”sarili ang nawalan.

Kaya kung ikaw ito...
kung ikaw ay gaya ko...

Patawarin mo ang sarili mo
sa pag-asang babalik pa siya.
Patawarin mo ang puso ****
lumaban kahit mag-isa.
At higit sa lahat...

Piliin mo ulit ang sarili mo.

Dahil ang natutunan ko?

Ang tunay na pag-ibigβ€”
hindi kailangang perpekto.
Pero kailangang totoo.
At kailangang pareho kayong nandyan,
hindi lang kapag madali,
kundi lalo na
kapag masakit na.

— The End —