Sa minamahal **** mga puting pahina Inuukit ang guhit, mga pinagtabing letra Maibsan lang ang nangungulit na pangungulila Upang pansamantalang mawala sa mga alaala;
Saradong puso na nais sanang muli ay madalaw Ngunit ang susi tila'y tuluyan nang nagpaagaw Marahil sa tulad kong naghintay sa pagikot ng mundo Para lang masulyapan ang magandang ngiti mo __ Hilaw na pagtingin, hindi na mapagbibigyan Sa iisang hiling na ikaw ay mapakiusapan Tanging hangin nalang ang mahahagkan Habang ikaw ay nasa aking magulong isipan
Binubuhay ng pag-iisa ang iba't ibang pakiramdam. Nalalaman mo na may mga bagay na 'di mo kayang gawin nang ikaw lang. Nailalabas ang kalungkutang ikaw lang ang nakakaalam. Nailuluha ang pighati na sa sarili mo lamang ipinapakita. Lumalakas ang pag-iyak na mumunting hikbi lang sa tuwing may kasama.
Nauunawan mo na minsan kailangan mo lang din mapag-isa. Nagagawa **** maging matapang - Na kahit hindi mo kaya ay iyong sinusubukan. Nagagawa **** pasayahin ang iyong sarili. Hindi mo na kailangan pang magpanggap na hindi ka sawi. Dumadagsa ang mga kaisipan na sa pag-iisa mo lamang namamalayan.
Ngunit sa lahat ng iyan, Napagtatanto mo na ang pinakamasakit na pag-iisa ay iyong may kasama ka. Wala naman kasing pagkakaiba 'yong pag-iisa na ikaw lang Sa pakikisama mo sa karamihan O sa tuwing napaliligiran ka ng tinatawag **** kaibigan. Pareho lang ang ibinibigay nilang pakiramdam. Pareho lang ang inuukit sa iyong isipan Na mag-isa ka - Kahit ikaw lang o kahit na mayroong kasama.
Sa mundong maraming tukso Handa na ba ang puso mo para dito? Mga kalokohan na nauwi sa tuksuhan Tuksuhan na nagkagusto sayo ng tuluyan.
Pinipigilan ang damdamin Na tila ba lumalalim Inuukit sa langit Mukha **** mapang akit.
Haplos at yakap na naramdaman Sa isip ay hindi makalimutan Pag-iwas sa iyo ako'y nahihirapan Mahal, kaya ba natin ito kalimutan?
Matang mapungay sa akin nakatitig Mapulang labi mo'y nakakatuksong humalik Buhok na kasing bango ng mga rosas Boses **** parang anghel ang katumbas.
Mga braso mo kaysarap hagkan Kamay mo na kaysarap hawakan Mahigpit na yakap na sayo lang naramdaman Nararamdaman na sana wala ng katapusan.
Pero tama na, mahal. Tama na 'to. Tigil na tayo Burahin ang mga alaala na nabuo pareho Kalimutan ang nararamdan at pangako Sa mundong mapanghusga at puno ng tukso.
Hinahanap ka kapag di kita nakikita Namimiss kislap ng yung mga mata At sa bawat pagising ikaw ang unang naalala at ninanais na muli kang makasama
Kahit wala ka saking tabi pinipilit kong isang tabi mga lungkot sa aking mga labi at sa bawat gabi akoy humuhikbi dahil wala ka sa aking tabi maari bang humingi kahit isang gabi na ikaw ay makatabi?
Paulit ulit kong inuukit sa aking isip na sa bawat iyong pag alis ako ang laman ng iyong isip at sana sa iyong pag tulog ay iyong naalala bawat halik at yakap na aking iginuhit
oh aking mahal patawad kung akoy naging hangal dahil sa aking kaduwagan di kita maprotektahan pero ito lamang ang iyong tatandaan may salitang ikaw at ako lamang at walang iwanan pangako yan!
Simpleng tula para sayo regalo na galing sa aking puso mga salitang hindi pangako at ni minsan di mapapako kaya iyong bigyang halaga ang bawat letra dahil dito mo makikita at madarama ang tunay na saya
At nga pala mahal kahit masakit na hindi kita katabi sa bawat gabi yuon ay aking naiintindihan pangako yan kaya wag mag alala dahil hindi ako sayo mawawala saan man ako mapunta
Isang lukot na papel ang natutulog sa harap ng lampara Nagparamdam at hinila ako patayo sa aking kama Sa aking pagbuklat, nakita ko kung gaano nagkalasug-lasog ang mga letra Kung gaano nasaktan ang bawat linya Sa pagaakalang dito matatapos ang buong kabanata Sa pagaakalang naghihikahos na ang mga salita Kaya akin ng sisimulan ang huling talata
Mahal nandito na ko sa likuran ng pahina Kung saan iginuguhit ko ang maganda **** pigura Kung saan hindi na kailangan ng matinding pagbubura Sa mga linyang lagpas-lagpas na Sa mga kurbang di perpekto ang pagkakagawa Ngunit pasensya na
Pasensya na dahil gumagabi na At wala ng espasyo ang boses ko sa loob ng kartera Pasensya na dahil tuluyan ng napaos ang mga pantig sa huling kabanata Nagsawa na sa bawat pigurang ginuguhit Sa bawat salitang inuukit Kaya mahal patawad Hindi ko sinasadiyang mahalin ka gamit ang itim na tinta
Tara. Umpisahan natin ang malikhaing pagbabahagi ng aking mga kuwento. Hindi na mabilang ang titik na maingat na inuukit sa isipang hitik sa karanasan at emosyon ngunit kailan sasapat yaong mga nilikhang tula kung ikukubli lamang? Kaya inihahandog ko ang sarili simula sa isang salita at dinagdagan bawat linya. Ngayong nasa ika-sampu na, hindi mamamaalam
bagkus, maligayang pagdating!
[Filipino] a short poem, structured with lines increasing in word count per line (fr 1-10), I wrote to get in HelloPoetry.
Maaaring nagsisinungaling ang mga makata. Nalilimutan ko na ang tunog ng iyong tawa. Pinipilit maalala ang iyong tinig sa tuwina. Tulungan mo akong maalala. Baka nga sinungaling ang makata. Inuukit sa isip ang mga salitang binitawan. Binabaybay sa tula, binubuo sa iyong wika. Tulungan mo akong gunitain ka. Baka nga isang krimen ang sumulat ng tula. Kada letra ay lenggwaheng naglalakbay, Kada pahina ay anod na di matatangay. Tulungan mo akong lumutang. Baka nga kriminal ang maging makata. Nalulunod sa tinta ng pagkalumbay, sa ilalim ng alon ng paghihintay. Tulungan mo akong tumula.
Maligaya at mapagpalayang Pambansang Araw ng Pagtula! 🇵🇭🪶📜