Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"inulan" poems
Nakakasawa na ang klima ng panahon sa aking utak Pabalik-balik na ala-ala sa nakaraan Nagmistulang Pawis ang Luha kong tumatagaktak Palihim sa ilalim ng kaulapan sa aking isipan, Nagiisa na lamang madalas , Di masilayan ang sikat ng araw Katog na aking Dibdib , Uhaw parin sa pagmamahal Tag-ulan nga ba sa kagubatan o inulan ako ng kalungkutan sa Tahanan? Kinakalaban nga ba ako ng aking Isip , o Sadyang Hindi ko na kayang buksan ang Pinto ng kinabukasan? Tahan na o Tara na sa Tahanang Katakataka ang Puhunan Kaibigan kong pinagkakatiwalaan , Di nila ako Maramdaman!At Madalas o Minsan ako'y nagiging sisa , Madalas din o Minsan ako'y Nagiisa, Kapag ako'y nagiisa , nakakagawa ako ng Lubid sa aking isipan Paano kaya kapag iniwan ko na ang Mundong ito? Makikita ko na kaya ang Kulay ng "Buhay ko" O Magdidilim lang muli ang Kulay ng "Buhay ko".
0
Jul 4, 2019
Jul 4, 2019 at 11:27 AM UTC
Delusyon
Sariwa pa sa aking alaala, Nakaraan nating dalawa Pinangakong magsasama, Habang buhay hari't reyna. Mga panahon ay lumipas, Pangako'y tilang kumupas, Tinangay ng hangin pataas, At pagmamahalan natin tila nagwakas. Ako'y iyong naging tanggulan Nang buhay mo'y inulan, Ako'y iyong naging sandigan, Giliw, bat mo ngayo'y iniwan? Tingnan kay di ko magawa, Kalimutan pa kaya? Nakaraan nating dalawa Hanggang ngayon dala-dala ko pa.
0
Jan 1, 2018
Jan 1, 2018 at 10:20 PM UTC
Dala-dala Ko Pa
Enero Diez y Nueve, Dos mil Kinse Tulad ng pagdating, pag-alis naging simple Subalit tulad ng unang araw Mga nag-antabay sa daan nag-umapaw ‘Di parin natinag ang hiyawan Ng mga taong sumalubong sa lansangan Tulad ng pagdatal, panahon ay maganda Napakaganda ng araw sa umaga Paglipas ng mga araw na inulan Bumalik din sa maaraw na pinagmulan Mula umpisa hanggang sa wakas Lulan parin ng Pope Mobile na bukas Sa Villamor meron paring sayawan Tulad ng unang paglapag sa bayan Salamat sa wakas maayos na nakabalik Ang Supremo ng Simbahan na sa bansa humalik. -01/20/2015 (Dumarao) *Pope Francis Fever Collection
0
Sep 21, 2019
Sep 21, 2019 at 9:44 PM UTC
Huling Araw ni Papa Francisco sa Pilipinas
Nakamit pagiging Doktor sa Ekonomika Propesora bago maging Pangalawang Pangulo Inulan ng Protesta, niyanig ng kudeta Subalit pinanatili katatagan ng gobierno. -12/29/2014 (Dumarao) *Pinuno Namin sa Panahong Pilak Collection
0
Sep 14, 2019
Sep 14, 2019 at 10:31 PM UTC
Nakaupo Parin Kahit ‘Di Na Nakaupo (Gloria Arroyo)