Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"ideyang" poems
Ang saya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip Ang saya matulog Para lang akong nahuhulog Nahuhulog sa ideyang tayo Pero di masasabihing totoo Pagtulog na mag-isa ka Sa panaginip kasama ka Naka-ngiti, Magkahawak ng kamay, Nakatawa. Pagkagising mag-isa ka. Nakahiga sa kama Malungkot, Walang kayakap, Marahil na nagdurusa. Nagdurusa sa ideyang dapat may tayo, Kung hindi lang ako bumitaw sa kung ano ang totoo. Naniwala at nagpaloko Sa mga sinasabi nilang kuro-kuro Minsan gusto ko nalang matulog Kase nakakapagod na mahulog Mahulog sa kalungkutan Mahulog sa kasawian May oras na ayoko nang gumising, Sa tulog kong mahimbing. Dahil alam kong kapag ako'y namulat, Gugustuhin ko ulit sumulat. Sumulat ng aking nararamdaman, Sumulat ng bagay na ipinaparamdam, Sumulat ng mga bagay na di mo nararamdaman At sumulat ng bagay na di ko mararamdaman. Pagkatapos sumulat muli akong mapapagod Mapapagod sa nararamdaman Mapapagod sa katangahan Mapapagod sa kabiguan Pagdating ng gabi ako'y hindi makakatulog Dahil sa mga bagay na naglalaro sa aking isipan Pagdating ng alas dos ako'y makakatulog Dahil malinaw na ito'y isang katangahan Sa susunod na pagtulog Sana hindi na ikaw ang laman Ng panaginip At Laman ng puso't isip Dahil masaya matulog Ang saya managinip Walang problema Hindi masama ang ihip
0
Oct 4, 2016
Oct 4, 2016 at 8:34 AM UTC
Tulog.
"hindi pa pala ako handa" yan, yan ang mga katagang binitawan mo sakin 'nung gabing ika'y nagpasya nung gabing ika'y nagpasyang manatili na lamang tayo sa pagitan ng magkaibigan at hindi magka-sinta parang isang hampas ng alon na lumunod sa'kin mula sa dalampasigan na tila nagpahinto sa aking paghinga, tulad ng ihip ng hangin na pumapatay sa apoy ng kandila, ang siyang pagbitaw mo sa mga salitang "nasanay na ata akong mag-isa" parang isang eksena sa isang pelikula na tila gusto **** palitan ng mga bagong linya, na para bagang nais **** gawan ng panibagong wakas, ang siyang pagsambit mo sa ilusyong hindi kapa ata handang may makasama oo, ilusyon ilusyon kong maituturing ang hindi mo na paniniwala sa minsang inakala nating walang hanggan sa minsang inakala kong hindi mo bibitawan at susukuan, tulad ng  noo'y pagkapit mo sa mga palad ko sabay sabi ng "walang iwanan" naalala tuloy nung minsang sinabi mo na darating ang mga oras na magiging mahina ka na baka maguluhan ka, o matakot ka, at sa mga pagkakataong 'yon, ang sabi mo sa'kin, sana 'wag kitang bibitawan sana 'wag kitang  susukuan sinubukan ko, sinubukan ko naman sinubukan kong ilaban sinubukan kong ipaalala ulit sa'yo lahat ng mayroon tayo, kung gaano katotoo bawat sandali at minuto sa piling mo ngunit siguro nga'y tama ka sa minsang sinabi mo na lahat ng bagay ay walang kasiguraduhan na kahit gaano pa katibay ang pag-ibig na nasimulan at nabuo, hindi ito magiging sapat para ilaban ang isang bagay na ikaw mismo ay bihag; bihag sa isang rehas na kumupkop sa puso **** tila nasanay ng mag-isa manhid na sa kahit anong pakiramdam at tila may mga nawawalang piraso hindi alam kung saan naiwan o saan hahanapin, hindi mawari kung gusto nalang hayaan o gusto pa bang buuin, tanging tiyak na lamang sa ideyang hindi pa handang manindigan sa isang pag-ibig na minsang ginusto mo ring ilaban hanggang dito na lang nga siguro tayo, 'hanggang dito nalang tayo", tulad ng kantang likha niyo na hindi ko inakalang ako ang magiging bida dito na para bagang isang bangungot na tila nagkatotoo ang "bigla" **** pagpili na manatili na lamang "sa pagitan" ng ikaw at ako at lisanin ang pagiging tayo salamat, salamat sa maiksing panahon ng pagpaparamdam mo sa akin ng walang hanggan at sa pinaka-huling pagkakataon, hayaan mo sana akong sambitin ang mga salitang to hayaan **** ipabatid ko sa'yo ang nag-iisang bagay na gugustuhin kong mangyari sakali mang pagtagpuin ulit tayo sa panibagong yugto na kung sakali mang sa  panahong 'yon ika'y handa na, handa nang magmahal muli ng buo at walang takot, pakiusap, yakapin mo ang pagkakataong 'yon para subukang muli ang pag-ibig na minsang naging atin kung sa panahong 'yon ay may natitira pa akong puwang dyan sa puso mo, pakiusap, sa panahong 'yon ay ilaban mo na ako tulad ng minsang paglaban ko sa pag-ibig ko para sa'yo "hanggang dito nalang tayo" hanggang sa muli, rebelde ka at ako ang iyong sundalo.
0
Nov 30, 2016
Nov 30, 2016 at 2:07 AM UTC
Hindi pa pala ako handa

Continue reading...
55
Gusto kong hawakan ang mga kamay mo sa mga oras na natatakot ka sa ideyang baka mapagod ako sa'yo, gusto kong hawakan ang mga ito upang iparamdam sa'yo na mapagod man ako, mahal, magpapahinga lang ako pero babalik at babalik ako sa'yo. Hahalikan kita sa mga oras na nalulungkot ka pagkaraan ay ngingitian kita upang masiguro ko na magiging ayos lang ang lahat dahil hindi ka nag-iisa. Kasama mo ako sa bawat saya, sa bawat lungkot, sa bawat hinagpis, sa bawat araw, sa bawat oras, mahal, tutulungan kita sa bawat problemang maaari **** pagdaanan. Hayaan **** yakapin kita sa mga oras na para bang hindi mo na kayang hawakan sa mga palad mo ang mga problemang dinadala mo. Hayaan **** yakapin kita, gusto kong nasa mga bisig kita habang tinutulungan kitang dalhin sila. Mahal, lagi **** isaisip na hindi ako bibitaw gaano man kabigat ang mga dalahin na maaari **** ibigay sa akin. Hahaplusin ko ang mukha mo at sasabihin sa'yo kung gaano ka kaimportante sa buhay ko. Problema lang sila, magkapareha tayo na nangakong kahit na anong unos, kalamidad, delubyo ang magdaan, hindi tayo susuko. Mahal ko, kayang-kaya nating pagdaanan ang lahat ng ito.
0
May 4, 2016
May 4, 2016 at 6:01 AM UTC
MESM, s01e04
Kaibigan? Ka-ibigan? Kai-bigan? Ano nga ba tayo? Dalawang taong hinapo na ng mga karanasan sa pag-ibig, Dalawang taong pinili ang isa’t-isa, Dalawang taong nais maging isa. Ngunit ano nga ba tayo? Pinasaya, Binigyan ng oras, Kinantahan ng mga lirikong nakaaantig ng puso, Pinangakuan ng kung anu-ano sa ilalim ng buwan, Na tila ba ngayon ay para bang iginuhit na lamang sa tubig. Kinuha mo ang puso ko, Pero gusto ko lamang linawin, Hindi ko ninais na ipalit mo ang iyo sa akin. Pero para bang ginago ako ng tadhana, Itinakbo mo ang puso ko palayo— Palayo sa’kin, nang hindi lumilingon. Ipinagsawalang bahala ko ang sakit na naramdaman, Nagbulag-bulagan sa mga bagay na malinaw sa aking paningin. Pinilit burahin ang masasamang ideyang namumuo sa aking isipan, Umaasang mali ang lahat ng sakit na ipinagkikibit-balikat ko lamang. Totoo nga, Madaya ang kapalaran. Nakakatawang isiping Sa loob ng isang buwan, Kaya **** mainlove. Pero, nakakagago din isiping, Sa loob ng isang buwan, Kaya ka rin nyang iwanan. Sa bagay, ano nga ba tayo? Wala naman, diba? Maaaring ihanay mo lamang ako sa mga babaeng pinaasa mo, Na marahil pagdating ng panahon, Malilimutan mo rin kung ano ang namagitan satin, Na siguro sa paningin mo’y pang landian lang pala ako, hindi pang seryosohan. Hindi ako yung tipo **** babae, Hindi ako matalino, Wala akong political stance, Hindi ako kagandahan. Ano nga bang kataka-taka dun? Walang dapat ikasakit dahil Hindi mo naman ako tipo kaya hindi mo ko sineryoso. Walang tayo, Hindi rin tayo magkaibigan. At lalong hindi magkasintahan. “Almost”, yun tayo. Halos Halos naging tayo. Halos umabot na ko sa punto na mamahalin kita ng buo. Halos napaniwala mo kong mahal mo ko. Halos napaniwala mo kong kamahal-mahal ako. Halos napaniwala mo kong karapat dapat akong pahalagahan. Halos bigyan mo ko ng oras mo. Halos naramdaman kong sincere ka. Halos araw-araw kung hanapin kita. Halos minu-minuto kung tingnan ko ang cellphone ko para lang maghintay ng reply mo. Halos ikaw na lang ang marinig ko pag naririnig ko yung mga kanta sa radyo na inawit mo sakin. Halos ikaw na lang yung hanapin ng puso ko sa bawat saglit na hindi kita nararamdaman. Halos.
0
Mar 6, 2018
Mar 6, 2018 at 6:00 AM UTC
Halos

61
tangan ang papel nagsusumigaw ang pluma sumisilab na damdamin nais kumawala magdamag na nilimi ideyang ibinubulong hinabi ng karunungan sagisag ng regalo ng Maykapal
0
Jul 30, 2016
Jul 30, 2016 at 1:31 AM UTC
Tula (Poem)
Lumalala nanaman ang aking isip , kakaisip, Kailan ba ako matututong makisalamuha sa mga tao? Palagi ko nalang sinisilip , Ang bawat laman ng kanilang mensahe habang humihigop sa isang baso Ng kape na mainit,dagdag kaba sa sarili kong hindi ko maipinta Sa sarili kong nagpapagaling pa, Wala akong lagnat , Hindi nga lang marunong kumalma Ang utak ko'y pagod na pagod na sa mga ideyang kakaiba at di ko alam kung san papunta Ang isip ko na di ko mapakalma, Nararamdaman ba nila , o patuloy paring humahalakhak Sa kalagayan kong patay na patay na, Kaya minsan ayaw ko ng kasama, di ko kasi maipaliwanag sa kanila na Ako'y biktima lamang ng kalungkutan , Biktima ng nakaraan at kasalukuyan May mga bagay lang talaga na madalas kong makalimutan, madalas ding matandaan , (ako'y nagpapagaling pa at dahang-dahang nagpapakalma)
0
Jun 8, 2018
Jun 8, 2018 at 11:11 AM UTC
6/8/18 11:07
sa totoo lang, hindi naman talaga ako umiinom ng alak para makatakas sa lungkot at sa mga ideyang baka pwede ba o baka pwede pa. kahit hindi ako lango ay gan'on pa rin naman. hindi ka na babalik. napapadalas lang ang pag-inom, sapagkat nakakatulog ako nang hindi ka iniisip; nakakatulog na hindi ka laman ng bawat panaginip. at sa pagsapit ng umaga, maaalala na naman kita.
0
Apr 10, 2021
Apr 10, 2021 at 1:38 PM UTC
sorbesa