Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"gusot" poems
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis At dahil sa takot at pangamba ako at ang papel ay naging isa sa takot na masaktan ng tadhana at dahil sa mga salita'y naging dala nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin hindi alam na basa at gusot ang tatahakin alikabok at buhangin sabay sa buga ng hangin Ako sana'y patawarin bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga sa aking damdamin kahit ano mang mangyari sa akin mabasa man o pagpunit-punitin ako ay papel pa rin. © 2018 Kenneth Bituin All Rights Reserved.
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 11:01 AM UTC
manipis na bagay
pumasok sa kompartamentong bilang sa lahat ngunit ipagsiksikan ang sarili, sumuot, at ipilit dahil ang maiiwan sa españa ay hindi makakarating makipaglaban, mang-agaw, ang akin ay akin trenta minutong paghihintay sa ilalim ng init, tiyaga ang kapiling sa umaga bakit nga ba ‘di pa makikipag-balyahan? asal-hayup upang mapuntahan ka lamang sa pagdating sa istasyon ng sta. mesa pawis ay naghahalo, amoy ay ‘di mawari napagitnaan ng dal’wang dalagang nagchi-chismisan ‘di sinasadyang makinig, ako’y ‘di sang-ayon kaya iiling sa hawakan ay higpitan lalo ang kapit sasakyan natin ay paparating na sa pandacan tumitig sa bintana at muli, bigla kang naisip ngunit sila’y ‘di maibigay ang inaasam na pagtahimik bakit nga ba ako nagtitiyaga? sa masikip, magulo, at maingay na paraan paalis na tayo sa istasyon ng paco ika’y singtulad ng tren na ito hindi makahinga sa dami ng taong nilalaman kailan ba mapapadali ang ruta sa araw-araw? magrereklamo, magsasawa, sasabihing “ayoko na” titigil sa istasyon ng san andres mananatili hanggang makaabot sa vito cruz pasulong ang andar ngunit ang gana’y wala na pagod at nagsasawa, hindi magawang iwan ngayon ka pa ba susuko, eh ang lapit mo na? nawala ang bigat ng pasahero pagdating sa buendia nawala na rin panandalian ang sikip na iniinda ngunit ano namang silbi ng ginhawa, kung paalis ka na rin at nalalapit na sa paru-roonan pagod ka na pero tiyagain mo nalang ikaw at ang sitwasyon ay nariyan na nga nag-inarte ka pa kung kailan nasa pasay road na hindi ka pa ba nasanay sa araw-araw? tumigil ang tren sa istasyong pinakahihintay pawis, pagod, suot ang damit na gusut-gusot heto na, sa dami ng nangyari ay narito na sa edsa magallanes, salubungin mo siya
0
Oct 17, 2015
Oct 17, 2015 at 3:00 PM UTC
ang hindi maisiwalat na pagnanasa at tumatakbong imahinasyon sa istasyon ng tren: byaheng mula españa hanggang edsa-magallanes

Continue reading...
40
Sinulat ko ito para sa babaeng inspirasyon ko Sinulat ko to para sa babaeng gusto ko Sinulat ko to kahit di mo gusto Sinulat ko to sa damdaming nanawagan para sayo Sinulat ko to kahit kupas na ang gamit na mga litanya Sinulat ko ito sana'y dinggin at pakinggan Sinulat ko to para sa babaeng mahal at mamahalin ko Sinulat ko to para sayo, aking sinta. Babaeng sinta nakita ko sa'yong matang nakasandal sa pighati hatid ay lumbay at kalungkutan Damdamin mo'y gusot nilukot pinaikot-ikot, kirot ang naidulot Di ka ba napapagod Sa iyong matang luhang di mapigilan pumatak ,umaagos hanggang sa mapagod at makatulog ngunit minsan nauudlot dahil sa sakit na naidulot Bibig at boses na ginapos ng nakaraan sa matatamis mabobolang salita lumipad sa kawalan humantong na bitiwan ka nya Ngayon ay hikbing paudlot udlot, pwede mo na ba ihinto? Para sa taong handa kang hintayin at mahalin ng walang halong kasinungalin at tunay. Handa ang panyo para punasahan ang iyong luha Handa ang tenga para dinggin ang iyong walang katapusan na drama Handa ang mga kamay ipagluto ka punan ang iyong katakawan Handa ang boses para ikaw kantahan kahit sa lumang paraan na tawag ay harana Handang handa kang paglingkuran kahit labhan ang damit ng iyong mga kuya Handa kang samahan sa iyong kasiyahan lalo na sa panahon ng iyong kalungkutan Handang gawin ang lahat ng makakaya para ikaw mapasaya lamang Handa iaalay ang sarili sa Diyos at hubugin ang sarili para maging karapat dapat sayo at sa pag ibig **** alay Handa ako ipakilala ka sa aking pamilya Handa kang hintayin kahit gano man katagal Handa ako na patunayan ang bawat pangako na nakasulat dahil dapat ang isang lalaki ay may isang salita Handang handa ako mahalin at ipaglaban ka sinta. Kapal man ng mukha ang sayo'y iharap Wag mo sana tingan sa itsura sana makita mo ang puso kong malinis ang intensyon totoong tunay Pakiusap muling buksan ang iyong sugatan hilom na puso; Para sa lalake di uso ang laro Sa bawat bigkas na taludtod Pangako sayo di mapupudpod Puso **** naupod napagod Di na mauulit ang pagkakataon na iyon Sayo'y di kahit kelan mapapagod Intidihin ka sa bawat pagkakataon Respeto at pangunawa ang aahon Para sa panahon sa muling pagkakataon Andito lang ako andito ako naghihintay at maghihintay sayo
0
Mar 4, 2018
Mar 4, 2018 at 2:05 AM UTC
Handa

. madalas tanging titik ang nakalilok sa iyong pagitan at ng yaring imposible -- walang gusot tiwalang bali kayamanan man o maging tinik ang nakakabunga ng yaong nilalaman sa kalibliban ng iyong dibdib . © Frederick Kesner. All Rights Reserved.
0
Nov 26, 2010
Nov 26, 2010 at 4:11 AM UTC
Ukol sa Pagsulat
Mahirap, 'di ko tal'ga alam pa'no tanggalin ang gusot nitong aking damit, nakakahiya naman kung ito pa'y susuotin, magtitiis na lang ba ako sa buhay na mapait? Pumunta na ako sa iba upang humingi ng tulong, subalit wala silang maimungkahi sa gusot na 'to, kaya hinarap ko'ng mag-isa; wala ng iba, at doon ko nalaman na may plantsa naman pala.
0
Nov 2, 2011
Nov 2, 2011 at 4:40 AM UTC
Gusot
#070616 #ElNido #BHouse #JGH May gusot sa kalendaryo ng puso, Kaya't muli kong binalikan ang eksaktong petsa. May punit ang pahina, Kaya't kumuha ako ng pandikit Para sa may lamat na larawan. Taong dalawang libo't labing-apat, Nalalabi ang oras sa libingan. Hinukay ko sa'king memorya, Baka sakaling ang ugat ay may nutrisyon na. Dinampian ko ang sarili ng panyong maputi, Sigurado akong hindi na mamantsyahan pa. Pero pagsilip ko'y may misteryong bumalandra, Ngalan mo'y nakaukit pa rin pala sa tadhana.
0
Jul 6, 2016
Jul 6, 2016 at 9:52 AM UTC
Hulyo Sais
Nakakatawa isipin na sinubukan natin mangahas sa maiksing oras, tumaya sa natatanaw na dulo, at maniwala sa pangitain ng bukas. Pero, Mahal, hahayaan ko na ang mundo at pagbibigyan itong manalo. Bulsa ang sagot sa mga tanong na walang katiyakan kung saan aabot. Kabilang ang mga gusot na sa panaginip na lang maitutuwid. Sa panaginip, sa tabi mo gigising. Sa paggising, ibubulong na lang ang hiling. Dahil kahit ulit-ulit natin ang lahat, baliktarin man ang aking unan, sagutin man ang mga natitirang palaisipan, at kahit manatili man saglit, hindi magdadalawang-isip na dayain tayo ng langit. Ngunit, kung sakaling malinlang ko ang taas magsisimula muli ta'yo sa bagong espasyo na ta'yong dalawa lamang ang huhulma ng bukas. Kung saan walang pwersang hihila. Kung saan, Mahal, katabi ka paggising tuwing umaga.
0
Dec 3, 2019
Dec 3, 2019 at 11:31 PM UTC
Dinaya ng Langit
sulat dito, sulat doon, inaalala ang pait ng kahapon. mga gusot na papel sa ibabaw ng mesa, iniiyak ang bigat ng dibdib sa mga letra. nagpupuno ang mga salitang nagkakagulo, kahit isang mensahe lamang ang nais iparating nito. dudukutin sa isip lahat ng natitirang alaala, hanggang ang lahat ng pag-ibig ko’y mawala na. hindi pansin ang nangangalay na kamay, pinapagod ang damdaming taglay. sulat nang sulat gamit ang tintang paubos, hanggang sa ang hinagpis ng puso'y matapos. sa aking pagsulat ng huling salita, at sa huling pagpatak ng aking tinta, iiwan sa papel lahat ng poot at sakit, kakalas sa plumang mahigpit ang pagkapit.
0
Feb 19, 2025
Feb 19, 2025 at 8:43 PM UTC
tintang paubos
Umaga — Oras na naman para bumangon Para buhatin ang sarili At akayin ito Patungo sa walang kasiguraduhan. Sa mga tala kagabi, Aking pinagnilay-nilayan Ang mga katagang pa-na-hon Na sa mga oras na ito’y sisibol muli Ang pag-asa buhat sa delubyo ng kahapon. Tinitiis ko ang sinag ng tirik ng araw Para bang hindi nya naisip Na nasasaktan ako — Na sa tuwing bubuksan ko ang aking bintana’y Nariyan sya at tatambad sa akin.. Para bang walang nagbago, Para bang hindi nya ako dinaya kahapon O sa ibang araw pang lumipas. Gusot ang damit ko, Ni hindi ko man lamang nagawang plantsahin ang damit ko Na para bang sinisigaw ko sa mundo na, “Tama na! Pagod na pagod na ako!” Pero nakatikom pa rin ang aking bibig At pilit akong lumuluhod sa aking mga luhang, “Wag muna, wag muna ngayon.” Minsan na rin akong nakalasap ng tagumpay Yung tipong minsang bumago sa kung sino ako ngayon, Ito yung minsang alam ko namang may kapalit — Yung panghabambuhay na.. Naniniwala pa rin akong pantay ang pagtingin ng Langit Sa katulad ko at sa katulad nila Kung ang ulan nga‘y Sabay na babagsak sa dukha’t gintong kutsara, Gayundin ang pag-asa. Hindi ako mapapagod, Hindi ako titigil na bumangon sa umaga Hindi pa rin ako titigil sa pasasalamat — At pagbubuksan ko pa rin ang Umaga.
0
Oct 4, 2020
Oct 4, 2020 at 11:41 PM UTC
Lilim
Kapiraso. Parte Ng puso. Bahagi Ng buhay. Kasama Sa bahay. Piraso Ka. Oo, ikaw Ay may Papel. Makulay, Puti, Gusot, Na Idinikit Sa punit At simpleng Ako Upang mabuo.
0
Sep 8, 2017
Sep 8, 2017 at 9:36 PM UTC
Kapirasong Papel
Patapos na ang taon!! Paano kaya tayo nakaabot sa sitwasyon na ito. Nitong nakalipas lang hinihiling na mawalay sa mundo to pero lumalaban ka parin, pagmasdan mo nandito ka parin nagpapatuloy ― Siguro bago natin salubongin ang panibagong taon ayusin at taposin ang mga problema ng nakaraan; Mahirap simulang ang bagong pahina kung ang luma pahina ay punit at di kumpleto. Nasabi mo na din to dati!! Magbabago na ako!! Sana bago natin ideklarang magbabago na tayo ngayong taon, nawa ay maayos muna natin ang mga gusot ng kahapon ̄ Isipin mo yon ang taon ay nakausad na pero nakakulong ka parin sa nakaraan; Hindi na natin mababalikan ang nakalipas pero pwede tayo magsimula ng panibago kaya tuloy lang. Simulan natin to na may kasamang kilos hindi lang puro salita at asa sa iba kundi matuto tayong tumayo sa mga sariling mga paa. Salamat sa mga tao nakasama natin dahil sila ang ating kasama pagtaas pa mula una at hanggang pagbaba, madadagan man o mabawasan sila ang mahalaga nandito ka parin. Sana magtuloy tuloy ang samahan hanggang sa panibagong pahina. Salubongin natin ang panibagong pahina na may kasamang pagtitiwala sa Diyos. Maligayang Bagong pahina, pag-asa, yugto at Taon.....
0
Dec 31, 2022
Dec 31, 2022 at 7:18 PM UTC
Untitled