Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Kiara Malig Jul 2019
Nagdurugo na ang aking gilagid sa paulit-ulit na paghiling na ika’y manatili,
At ikaw naman ay nariyan lamang habang pinapanood ako patayin ang aking sarili.
Dahil sayo, alam ko na kung bakit sinasabi nila na walang pinipili ang pag-ibig,
Pinabayaan kasi kitang ibaon ang iyong matatalim na salita sa aking bibig.
Dahil sayo, nawala na ang inakala kong katotohan,
Ang natira na lamang ay ang sinumulan **** kaguluhan.

Sabi nila, ang nabigo raw ay hindi nagpapabigo ulit,
Edi bakit sandamakmak na ang mga bubog na nagpadugo sa aking gilagid?
Ako naman din ang nagpakaduwag,
Na ang silbi lang ay sumagot sa iyong mga tawag,
Kaya nga siguro hindi ko napansin na nauubos na pala ako—
Na inuubos mo na pala ako.

Tinatanong ko parin ang aking sarili,
Kung bakit hanggang ngayon, ako parin ay nananatili.
Patuloy parin ang gilagid ko’y nagdurugo,
Gaano katagal na lamang bago madudurog ang aking puso?
Zeggie Cruz Jul 2016
Ilang beses ko na bang sinabi
na hinding hindi na magyoyosi.
Tila sindami na ulan noong Hunyo.
Pero bakit ganito wala pang pinagbago.

Walang pinagbago gaya ng nararamdaman ko.
Alam kong isang malaking kahangalan na sabihin na ikaw parin ay mahal ko.
Marahil nga, katangan ito.

Mga patak ng ulan ang nagpapaalala
Sa mga kahapon na ikaw ay kapiling at kasama.
Nalulunod ako, nalulunod sa katahimikan.
Katahimikan sa sunod sunod na patak ng ulan.

Sa tuwing umuulan,
Sinasambit nito ang iyong pangalan.
Sinasambit ang mga pangako at mga alaaang hindi kailan man makakalimutan.

Mahal kita, mahal mo ako.
Yan ang mga salitang naniwala ako.
Sinabi ko at sinabi mo.
Pero sa isang iglap, nasaan na tayo?

Sadya bang nakakaadik
Ang nikotin sa ngala-ngala at gilagid?
O sadya lang makulit at pasaway
Ang aking paglapit?

Sa yosing siyang sumagip
Sa damdaming pinuno ng sakit
Pinuno ng hinagpis at lungkot
Mula ng madurog ang pusong nakakapit
Sa sumpaang sa tadhana ay sumabit.

Naaalala mo pa ba
ang ating mga pangako?
Na ikaw ang siyang mamahalin hangang sa maging upos ang buhay at hininga ay sumuko.


Nagsimula ang lahat ng ikaw ay lumisan
Ang pinakamadilim na yugto sa puso at isipan
May mga bagay talaga na walang kasagutan
Isa na dito ay ang paglayo, mundo ay tinakasan

Mula nang ikaw ay nawala
sa bisyo ako ay nakipisan.
Kasama sa magdamagan
nang sakit ay mabawasan

Hindi madali nang ikaw ay nawala
Hindi ganun kadali na ikaw ay kalimutan
Parang isang kanta na paulit ulit
Bawat kataga sinasambit ang iyong pangalan.
Pangalan at katagang walang katapusan.

Bawat hithit bawat buga
Ang usok ay siyang sa akin ang nagpapaalala ng iyong wangis at itsura.
Sa bawat buga.
Nakikita ko ang iyong mukha.
At sa isang iglap mawawala.

Pero ngayong kaya ko na.
Bakit ang bisyo di na maisara?
Sadya bang nasanay na?
O dahil hinihintay ka pa?
KRRW Aug 2017
Gusto ko ring
maranasang makulong
para naman
magka-thrill
kahit kaunti
ang buhay kong
napaka-boring.


Pero gusto kong
makulong
nang walang
ginagawang
anumang
krimen.


At a loob ng kulungan
ay pabahuan
ng hininga,
kili-kili,
puwet
at singit;
paramihan
ng libag sa leeg,
tinga sa gilagid,
kalyo sa labi,
at tartar sa ngipin.


Doon na rin
masusubok
ang aking
pagiging
best actor
sa pagkukunwaring
makadiyos ako
sa pagdadala ko
ng banal na libro
sa lahat ng oras,
minu-minuto
upang parolya
ay aking matamo
at kinabukasan
ay laya na ako.


Hustisya
ay kaydaling
laruin,
sistema
ay kaydaling
butasin,
buong kuwento
ng aking tula
ay uulit-ulitin.
Written
09 July 2016

Genre
Rap | Spoken Poetry | Literactivism

Copyright
© Khayri R.R. Woulfe. All rights reserved.

— The End —