Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"buhanging" poems
012817 Iguhit sa buhangin ang iyong nasirang pangarap Natangay man ng hanging habagat Ito'y iyong ulitin Pagkat sa kamay mo nakasalalay Ang imahe na magsisilbing litrato Ng iyong mapaglarong isip. Kumpas ng kamay Na tila nagpapagalaw ng mga butil Ng buhangin kasabay ng nanghihileng tugtugin At ang bumbilyang nagsisilbing ilaw Sa madilim na kwarto Na sya ring nagbibigay kulay At naiisakatuparan ang mga munting nilikha Sa ibat iba nitong linya. Ngayon, ikaw ay dumating Wag **** sasabihing huli na ang lahat Dahil ang isang pangarap na minsang binuo mo, Ay siya ring muling magdidikta ng iyong ginintuang pag-iisip. Kamay ay gamitin sa malikhaing gawa Dahil Diyos ang nagbigay ng talento Na iyong gagamitin sa pagbuo ng natibag na pangarap. Magdiwang dahil kagaya ko, Siya ang magbubuo ng iyong pangarap. Alamin ang adhikain sa mundong ibabaw Dahil dito mo ipakikita na ika'y matatag At makapagpapasya na magbago nang naaayon sa Kanya. Ang iyong AMA ang Siyang gagabay at magpapakita Ng iyong maliwanag na pangarap at buhay.
0
Jan 29, 2017
Jan 29, 2017 at 3:32 AM UTC
Buhanging Mga Kamay
O, ang daang aking tinahak ay unti-unting kumikitid, Ang daluyan ng hangin sa paghinga ay sumisikip. Ang paningin ay nahati sa dalawang lagusan, Isang madilim na madali, isang mahirap na naliliwanagan. Ano ang pipiliin? Ano ang susundin? Ang bulong ng isip? O ang tibok ng damdamin? Ang landas na inakalang magdadala sa tagumpay, Lulan ng isang bangkang inaalon sa karimlan. Tinahak ang karagatan ng apoy na nagliliyab, Nagsaya, nagpakasasa, nagsilbing ulap sa kawalan. Ang daang binalewala ay bumubulong ng salita, "Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Pilit na sumisiksik sa masikip na lagayan, Ang katotohanang wala kang paroroonan. Ikaw na ninais ang siyang iginapos, Ng aking katauhan sa pusong naghihikahos. Sa pagdama ng kasiyahang ikaw lamang ang magbibigay, Aking tinalikuran pag-asang hinihintay. Ang lahat ay tinalikuran, itinapon sa kawalan, Upang makapiling ka sa matatamasang kaligayahan. Subalit matapos ang gabi ng panaginip, Ako ay nagising ang kasuota'y lagunit. Ang lalamunan ay wasak, ang mata ay mapula, Sa aking paglabas, kinatatakutan nila. Sa aking paglalakad sa mundong umiikot, Mga mata'y nagsasabi na ako ay nakalimot. Nang mapadpad ako sa kuwadradong silid, Ay nanlaki, nagulat, sa sarili nakatitig. "Sino ka?" "Sino siya?"Aking pagsusumigaw, Nilisan ng katinuan, ang kaluluwa'y inagaw. Nagpatiluhod at doon ay nagnilay, Ako'y patay na, sinayang ang aking buhay. Isang katauhan ang nababalot sa liwanag, Nagsasabing " Bumalik ka, pumarito ka, tutulungan kita". Ang nakaabang ang kamay ako ay hinihintay, Bago pa man mahawakan ay isang dilim ang bumalot, Sa likod ng aking isipan, sa harap ko ay may inabot. Supot na naglalaman ng buhanging Kristal, Kristal na nagpapasaya at wawasak ng ligaya. Kukunin ba kita at titikmang muli? Itatapon ba kita at sa liwanag kakapit? Ano ang gagawin ng isipang sabog, Sa sayang dulot sa pagkain ng durog?
0
Oct 26, 2018
Oct 26, 2018 at 8:57 AM UTC
Kristal

Continue reading...
48
takbo mo'y karipas sa bawat ahon na humahampas. pinipilit tumakas sa mga buhanging nakakalas. ngiti mo'y di mapawi, tingin ko'y di mawari. sinasabi mo'y sari-sari, buhok ko'y lagi **** hinahawi. buntong hininga ang tanging ipinalit. wala ka manlang bang kamalit-malit? kama'y mo ay sa aki'y ikinawit, sa akin ay ngumiti ka saglit. pilit tinutugunan, salita mo'y ako ay naambunan. tayo'y nagtatawagan, diri sa isang munting dalampasigan. ikaw lamang ay maging masaya. o aking sintang giliw, ako'y kuntento na. makita kang nakangiti't tawa, sa aki'y iyo'y sapat na.
0
Jul 13, 2018
Jul 13, 2018 at 8:25 AM UTC
dalampasigan
Kagaya ng tubig, aagos ang pag-ibig. Ang tubig na inihasik mo sa dagat Ay aanurin din papalayo sayo -- Papalayo ngunit sana'y papalapit ang takbo. Ilang beses ka mang magtaya Ay hindi mo matatantiya ang panahon At ang pagkakataong nasa kamay mo na, Ayan, biglang maglalaho at bubusina Ng "paalam, pagsinta." Ilang beses ka mang magtapon ng barya Aagos pa rin ang tubig At hahampas ng paulit-ulit sa sagradong buhangin. Mananatili sa ilalim ang bawat **** hiling Ang hiling na sana'y hindi ang alat ng dagat Ang dumampi sa nilihang lalamunan. Kumanlong ako sa mga butil ng buhangin Nang muli kong mapagmasdan Ang ilog, ang sapa, ang talon at ang dagat Na nasa iisang garapon. Uminom ako, at doon naglaho ang istorya Ako'y napukaw ng buhanging pambara.
0
May 30, 2017
May 30, 2017 at 9:18 AM UTC
Lagok
Sa mga panahong naaalala Kita, muling nagpupunla ng Sarikulay ang panganorin Sa kaparangan ng lambong Ng gabi. Sanggol mo akong dinuduyan Sa piling ng gunita't pagsintang Mababakas sa balintataw Ng panahon. Bumabakas din sa buhanging Makailang ulit mang igupo Ng alon, ng pagkakataon Eternal ngang nakaguhit Ang iyong pag-iral sa hiwaga Ng puso, isang bagong pagsuyo; Sa mga panahong naalala kita...
0
Aug 12, 2014
Aug 12, 2014 at 5:06 AM UTC
J.
Hawak-kamay, sabay na tinahak ang makinang na dalampasigan Patuloy sa paghakbang at paghila sa animo'y hindi dumarampi sa buhanging mga talampakan Mga palad na magkayakap, mga daliring magkaniig Dalawang pares ng matang nakangiti na ayaw bumitiw sa pagtitig Kasabay ng umaawit at mabining pagaspas ng alon Sumakay sa bangka patungo sa paraiso'y masayang sumagwan Subalit sa masayang paglalakbay ay may humulagpos na unos Paligid ay nilamon ng dilim, dumaan sa langit ang kislap ng talim Bangkang sabay na sinasagwan, tumaob at tinangay ng agos Sa gitna ng laot, sabay ding nilamon ng dagat at sa ilalim bumulusok Patuloy ang delubyong pilit na pinaghihiwalay ang magkahugpong na kamay Pilit pa ring lumangoy at magkasamang sumampa sa bangkang gutay-gutay Niyakap nang mahigpit ang kilalang bisig kahit nakapikit Hindi man mapigil ang higanteng alon at malakas na buhos ng ulan Nangangatal, nangangalay man ay hindi huminto sa pagsagwan Muntik mang malunod sa sigalot na mainam na nakaungos Kumalma ang dagat, natawid ng gabi ang umaga sa gitna ng digma at unos Mula sa dalampasigan, sa laot at sa dulo ng mga puso Mamamayani ang pag-ibig sa malawak at mapanghamong mundo
0
Oct 6, 2019
Oct 6, 2019 at 8:49 AM UTC
Sabay Tayong Sumagwan
29 Ang ikalawang pagsubok ay pabilisan Ng paglangoy mula dalampasigan 30 Ang mga lalaki na walo Kailangang makuha ang bandilang ginto 31 Na nakatayo ng mga metrong labindalawa Mula sa buhanging kinatatayuan nila 32 Mga banderang sa tubig nakalitaw Na parang sa bangka’y mga paraw 33 Nakatusok ang patpat sa buhangin Na mga paa’y aabot rin 34 Pangatlo si Agus na nakakuha Malapit na sa dalampasigan ang una 35 Subalit kanyang ibinuhos lahat ng lakas Naging pinakamabilis at nauna si Agus sa wakas. -06/24/2012 *Gintong Lupa Series
0
Aug 31, 2019
Aug 31, 2019 at 10:01 PM UTC
Daragus 5 -Ikalawang Pagsubok sa Magiging Prinsipe-