Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"binaril" poems
Sa aking lupang tinubuan Na sinakop ng mga dayuhan noon pa man Ang una'y mga espanyol na mananakop Dala daw nila'y kristiyanismo Upang ipakilala sa ating mga katutubo Ngunit ang tanging hangarin pala'y manakop at gawing kolonyanismo Kaya ilang daan taon tayong hawak ng mga ito Ating mga katutubo walang nagawa kundi ang sumunod at magsawalang-kibo May ilan ding nagsisipag aklas upang makalaya Ngunit sa kalauna'y sila'y bigo sapagkat pawang malalakas at makapangyarihan silang mga nilalang Nariyang si Gat. Jose Rizal na kinulong at binaril sa bagong-bayan Na tinatawag na natin ngayong (LUNETA/RIZAL PARK) At si Gat. Andres Bonifacio na hanggang ngayo'y hindi alam kung sino ang pumatay Ang tanging alam natin sa kanya'y siya ang "Ang Ama ng himagsikan" Sa kabilang banda'y hindi nagpatinag ang ating mga katutubo Nagbuo ng mga samahan upang mapag-aralan kung kailan ang tamang panahon para lumaban Kaya nung dumating na ang tamang panahon upang sila'y magsipag-aklas Marami ang sa kanila'y naghimaksik upang ang kalayaa'y makamtan Kaya noong taong Hunyo labing dalawa, isang libo't walong daan, siyam na pu't walo Nakamtan ng ating mga katutubo ang kalayaan na kanilang pinaglalaban Sa bahay ni Hen. Emilio Aguinaldo sa Kawit, Kabite Kanyang iwinagayway ang ating watawat Sagisag ito ng ating kalayaan sa kamay ng mga mananakop na espanyol Sa mga nakalipas na taon, tayo'y naging malaya na Ngunit, ano ba ang kahulugan ng isang malaya? ''Ito ay ang pag-gawa sa isang partikular na bagay ng walang humahadlang o kumokontra sayo at may kakayahan kang kumilos batay sa kung ano ang iyong gusto o nais'' Oo nga't malaya kang gawin ang iyong gusto Subalit, labag naman ito sa karapatang pantao At nakapapanakit ka na ng kapwa mo Marami ang sa ati'y nakakalimot na sa mga paglapastangang ginawa sa ating mga katutubo Marapat nating pagkatandaan na ang ating kalayaa'y utang natin sa ating mga bayaning nakipaglaban At ang kalayaa'y dapat igawad sa lahat Magkaroon ng pantay-pantay na karapatan ang bawat nilalang Mapa mayaman o mahirap man Mapa babae o lalaki man Mapa bata o matanda man Maging tunay sanang malaya tayong mga pilipino Hindi lamang sa salita, kundi sa isip at sa ating mga gawa.
0
Jun 12, 2018
Jun 12, 2018 at 5:48 AM UTC
Araw ng Kalayaan

Continue reading...
38
Tumulo ang aking luha nang makita ang larawan sa nakaraan Ang Dami na palang nagbago,pansin ko ang mga ngiti nila dito Makikita mo rin ang mabilis na pagpalit ng imahe nila erpats at ermats Bata pa sila non at ako wala pang kamuwang-muwang kundi maging masaya Nakakatuwang nakakalungkot dahil hindi na natin maibabalik ang dati Panahong kailangan kong matulog ng tanghali para daw lumaki Napalo pa nga ako dahil sa pagsuway sa kanilang mga sinasabi Naalala ko pa nga nung binaril ko si erpats ng Baril-barilan na kanyang binili Nakakamiss ang ganitong mga bagay sa isang lumang larawan Kahit naibaon na , puno ng alikabok , talagang maalala mo ang dati Minsan mapapangiti ka nalang na may kasamang luha pero lagi **** tatandaan , masarap balikan ang nakaraan pero mas kailangan natin bigyang pansin ang kasalukuyan.
0
Jan 29, 2018
Jan 29, 2018 at 11:35 PM UTC
Lumang Larawan