Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Lynne Pingoy Aug 2015
Sa loob ng sampung buwan
marami mang pagsubok ang pinagdaanan
nguni wala pa ring atrasan
marami na rin ang pinagsamahan
at naging magkakaibigan.

Isang grupo ng kabataan,
na nagkaroon ng isang magangdang samahan.
Kahit anong pagsubok ay hindi nila inaatrasan, kaya:
kaya nila itong pagtagumpayan.

Isang grupo ng kabataan
na kung minsan ay may alitan
pero ilang sandali, ito ay kanilang kinakalimutan
at tuloy na ulit ang kasiyahan.

Sa kabila ng lahat ng ito ay may nakaagapay
isang **** ang na aming tagapatnubay
na maaaring maging inspirasyon namin sa aming tagumpay.
**** na yata sa habambuhay; motto nya siguro sa buhay.

Bb. Maritess Palac ang kanyang pangalan.
Kahit kailan ay hindi mo malilimutan.
Salamat sa iyo aming ****, na tumayo bilang ikalawang ina sa aming mga estudyante mo.
Salamat po sa inyo mahal naming ****.

Salamat mo sa iyo mahal naming ****, ng dahil sa inyo kami ay natuto.
Kaalaman na galing sa aming magulang, kasama ang kaalamang mula sa inyo.
Ay hindi kayang tumabasan ng anmang ginto.
Salamat sa Diyos kami ay nagkaroon ng isang gurong katulad niyo.
For Ms. Bb. Palac :D tagal na ng tula na ito :D
III-Beryllium
Naaalala ko pa yung araw na maging tayo
Pakiramdam ko noon tumama ako sa lotto,
Yung tipong tila ba’y ayaw kong tayo’y magkalayo
Tapos malingat lang hanap na nang hanap sayo…

Lumipas yung mga araw naguumpisa na ang ating istorya
Istorya na hinubog ng pagsubok at pagtitiwala
Mga tao sa paligid ambag sa kwento natin ay iba-iba
Yung iba nakakatulong, yung iba naman nakakasira…

Umabot sa buwan tayo’y patuloy na tumatatag
Sa kabila ng kaliwa’t kanang problemang sa ati’y hinahapag,
Walang sukuan, alitan natin naaayos natin sa loob ng magdamag
Para sa pangakong relasyon natin na sinuma’y di kayang matibag…

Taon na ang binibilang panibagong kabatana nanaman,
Kahit mas tumindi ang bagyo, kaya natin lagpasan…
Kahit minsan, mabigat na, patuloy parin lumalaban
Mga binuo nating pangarap di natin binitawan…

Tumagal pa at tumatagal mas minamahal pa kita
Mas may ngiti at tawanan mapapansin sa ating pagsasama
Ang alitan at problema parang sa ati’y wala na,
Dahil mas malaki na ang tiwala natin sa isa’t-isa…

Patuloy na binibilang at pinagtitibay ng panahon
Pagmamahalan nating di kayang sirain ng bagyo o alon,
Ang pangakong pag-ibig na walang kondisyon,
Ating ipinaglalaban at ipaglalaban KAHAPON, BUKAS, NGAYON!

©2017 John Vincent Obiena. All rights reserved.
Isang tula patungkol sa pagsasama at relasyon namin ng aking kasintahan, mulas sa aming pinagdaanan at sa tibay ng aming pakikipaglaban...
Kassey Sep 2019
Sa bawat araw na lumilipas
Simula ng nagtagpo ang ating landas
Hindi ko inakalang
Ang paglalapit ng ating mga mata
Magiging daan sa hindi inaasahang
Pagkakakilala at pagkakaibigan
Sa isang ihip ng hangin
Agad kang napansin
Hindi man natin aminin
Sa isa't isa'y tayo'y may pagtingin


Pilit nating nililihim
Ngunit nadarama'y
Ating diningin
Sa paglapit ng tadhana
Ikaw pala'y mamahalin
Ng totoo at labis
Lahat kayang gawin

Dumating man ang alitan
Tayo man ay magkasakitan
Mawala man ang kasiyahan
Sa piling mo ako'y laging andiyan
Pipiliin ka, kahit ano pa man
Pipiliin ka, kahit nasan ka man
Pipiliin ka, sa dulo ng hangganan
Pipiliin ka, kahit man masaktan
Pipiliin ka, sa gitna ng kalungkutan
Pipiliin ka, dahil ikaw lang ang nais
Nais mahalin at alagaan
Pipiliin ka, sa araw araw
Inspired by listening to ben&ben's "Araw- Araw"
Daniel Mar 2018
Laban para sa bayan
Laban sa kalayaan,
Laban sa katarungan
Laban sa katapangan

Naririnig mo rin ba?
Ang mga alingawngaw
Ng mga tao't bansa,
Nais ng makalaya

Hanggang kailan mo kaya
Lumaban sa kanila?
Kalayaan na nais
Kailan ba makakamit?

Patuloy na lalaban
Para sa kalayaan,
Huwag maging gahaman
Upang walang alitan

Minamahal kong bansa
Ipaglalaban kita,
Anuman ang mangyari
Patuloy lang ang laban.
Trying new twist hahaha! 7 syllables per line mga mam/ser!!
Tuwing Halalan, may kalakalan…
Palitan, tindahan ng mga pangalan
Manibalang, sariwa’t bulok man
Hilaw o hinog, merong pagpipilian.

Tuwing Halalan, may paligsahan…
Maliit, malaki, mahirap, mayaman
Basta handa at gustong lumaban
Maging sino ka man, pwedeng sumali diyan.

Tuwing Halalan, may kaaliwan…
Kantahan, sayawan at palakpakan
Kainan, kwentuhan at inuman
Wari’y may pista ang buong bayan.

Tuwing Halalan, may kasawian…
Tsisimisan, siraan, banghayan, alitan
Hamunan, bugbugan at bantaan
Hanggang kamatayan, walang uurungan.

Tuwing Halalan, may kalayaan
Pumili ng pinuno ang mamamayan
Dikta ng sarili **** isipan
O maging anong uri ng kabayaran.

Tuwing Halalan, may karanasan!

-09/29/07
(Dumarao)
*upcoming local elections
My Poem No. 28
Joshua Feb 2019
"Hindi ka pa napapagod,
O di kaya'y nagsasawa?
Sa ating mga tampuhan?
Walang hanggang katapusan."

Kaya pala paulit-ulit **** pinapatugtog
ang kantang ito,
Pag kasama ako.
Kasi sawa ka na sa ating mga alitan at tampo.
Kaya pala wala na ang tamis.
O sabihin **** ako'y iyong namimiss.
At wala na ang mga lambing ****,
"Babe, wala bang kiss? :( "

Tayo yung long term "lovers"
Na ngayon ay parang "strangers"
Ang relasyon natin parang isda,
Kasi "tuyong-tuyo" na.

Ako yung kanta na noon, favorite mo.
Ngayon, hindi na.
Dati enervon natin ang isa't isa,
Ngayon stress, at totoo,
Nakakapagod na.

Mali nga ako na pinipilit ko pa 'to.
Mali na lumalaban pa ako.
Hindi na ito yung dating ikaw at ako.
Kaya sige,

Tama ka.
Tama na..
Michael Sep 2020
Napalitan na ng sigawan
Na dati’y isang malakas na tawanan
Nakaririnding bagsakan ng pintuan
Na nagbibigay kaba sa’king kalooban
Mabibigat na yabag ang bumabagtas paakyat at pababa ng hagdan
Na tila nagpapahiwatig na may nangyaring sagutan,
Nakakabinging katahimikan
Na minsan ay hindi ko ginustong maranasan

Walang katapusan na pagtatalo
Palaging nakalingon sa nakaraan, hindi magawang kalimutan
Ilang taon na ang lumipas ngunit palaging hinuhugot pabalik sa kasalukuyan,
Palaging mayroong argumento
Pero ano ba ang tunay na napapala?
Sino ang nanalo at sino ang natatalo?
Sino ang magdedetermina sa kanilang dalawa na tama na?
Sino sa kanilang dalawa ang unang magtataas at magwawagayway ng kanilang puting bandera?
Hindi lingid sa aking kaalaman na wala isang perpektong pamilya
Hindi maiiwasan ang pagkakaroon nang hindi pagkakaintindihan
Ngunit ang isang away at papatungan pa ng isang away, parang ibang usapan na yan.

Kaya minsan-
Mas pinipili ko na lamang ang mag-isa
Magkulong maghapon at magdamag sa kwarto habang sa’king kama’y nakahiga
Nakikinig sa mga luma’t bagong musika, o ‘di kaya naman nanunuod ng pelikula
Sapagkat iyon ang mga oras nawawala ang aking pangamba
Na baka mayroon sumabog na alitan sa pagitan ni ama’t-ina

Tahan na tahanan,
Napalitan na ng sigawan ang dating malalakas na tawanan
Hindi na ikaw ang munting bahay na masaya kong inuuwian
Punong-puno ka ng tensyon at ang enerhiya sa paligid mo’y hindi na kaaya-aya
Ang tanawin sa iyong apat na sulok ay hindi na maganda
Kung kaya’t tahan na tahanan,
Parehas tayong umasa na ang lahat ay babalik sa dati nating nakasanayan

— The End —