Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
demn Oct 2020
Katawang sa gapos ay nais kumawala,
Sa kasing talas ng patalim na mga salita,
Mga matang nagmumugto sa hapdi na nadarama,
Iyak na hindi maisigaw sapagkat takot ang nauuna.

Nais sumigaw, nais lumaban,
Nais ilahad ang sakit na nararamdaman,
Ngunit sariling laman at dugo ang kalaban,
Kaya bang mag wagi kung ganito ang kinalalagyan?

Gustong sumigaw, gustong kumawala,
Gustong umiyak, gustong magpakaawa,
Gustong sumabog,  gustong magmura,
Gustong ilahad ang sakit na nadarama.

Balang araw sana'y makalaya,
Araw ng paglisan aking nais matamasa.
Hindi natin minsan napapansin, kung tayo na nga ba ang may probelma?
Mayari Aug 2020
Dumating na naman ang mga alon
Dala ang ala-ala ng kahapon
Sa pag-ahon, mangangako
Hindi na ulit magpapalunod

Ngunit tinatawag ng tubig
Hindi mapigilan ang pagbalik
Sisisirin ang pinaka malalim
Pangalan mo’y muling hahanapin
Gusto ko nang makaahon.
aL Sep 2019
Bibiguin ka na ng lahat lahat,
Tatalikuran ng iyong itinuring kaagapay
Kalilimutan ng iyong mga karamay
Ngunit sa iyong pagpikit hindi ka iiwan ng dilim,
Sa pag iisa ay siya'y iyong kapiling

Sa paghagulgol mo'y luha lamang ang hahalik sa iyong mga pisngi
Susubaybayan ka ng lungkot sa iyong  pag iisa
Sasamahan ka hangang sa huling hininga mo ng mga mapapait na alaala
Mananatili sa sugatan **** puso ang dilim ng kahapon

Hindi manhihinayang ang sanlibutan sa iyong maagang pagkawala,
Mistulang ang iyong sarili mo nalang ang dapat siyang mag akay sa iyong sangkatauhan
Tayo ay nag iisa, huwag kang palilinlang sa ilusyon.....
aL Jun 2019
Ibenenta ang sarili upang makabili ng kaunting dangal,
Para maliit na salaping hawakan lamang nang saglit ng madungis na kamay

Nanginginig habang malalim ang hinga, ngayon paba isusugal?
Kapirasong pagasa na lamang ang natitirang karamay
makesnosenseatall, makesnodifferenceatall
aL May 2019
Sa aking inang bayan,
Pag asang iyo nga ba'y nasaan?
Kung ang tanging nakahawak sa binhi mo'y mga kawatan.
Ilang ulit nang iyong mga anak ika'y nasaktan

Ano nga ba ang iyong hahantungan?
Inang bayan,
Kung kaming tunay na mangiibig sa iyo'y nagkulang sa paglaban
Para lamang sana sa iyong nasa malayong kalayaan
Upang sa kabila ng aming bigat na iyong pasan
Makapamalas kami sa iyo ng kaunting katamisan
Para lamang sa iyo, harinawa, inang bayan.
Made this while taking a dump

#
aL May 2019
Sa pagdalamhati na rin ng kalangitan
Tila may pagbadya na manipis na pagulan
Sa bawat sanag ipapatak ng mahinahong ambon
Sasabay ata ang mga luhang natago sa ipon

Wala nang katumbas na salapi at ginto para sa iyong kasiyahan

Pilit nalang sa paglimot sa malalambing na sandaling ika' naghagkan

Sa mas malayo na ang pagpunta
ng iyong mga tingin na datirati ay sa akin lamang
Hindi na sapat ang talinhaga at pagsinta
Sa panaginip nalang lagi ang pagabang
Habang tuloy ang pagsulat ko nito sa kaunting minuto parang kusa sa paglabas ang mga salita, this is how i feel and this was barely edited
-Wala lang. Share share lang.
aL May 2019
Sa madilim na pagsapit ng pagkaumaga
Siya na lamang ang nasa isip na dala-dala
Saan ka dadalhin ng iyong pagsinta?
Lamang ay nariyan ngunit papalayo ang pagdama

Kahit na sa pagtakas ng munting mga mata
Hawak parin sa isipan ang sa tuloy na humahalina

Ayaw ngang pakawalan ang inaaliping **** sariling ikaw
your obsession hurts you
aL Mar 2019
Kung makatutulog lang sana uli ng mahimbing
Hindi na hahanap pa ng dahilan upang muling gumising

Dilim na walang katapusan ay mas pipiliin,
Ano pa nga ba ang puwang sa makulay na mundong ito?
Mas nais iwan ang lahat ng nasa ibabaw
Pagod na kahahanap ng kasiyahang mapagtago

Nais nalang magpakain sa mabuting kawalan.
Ang bawat hinga nalang ay kinasusuklaman
aL Mar 2019
Alaalang sagana
Naiwang ngiting kay saya
Sa pagpikit ang lahat ay humahalina

Lumipas man ang lahat ng hugis ng buwan
Lumubog na ng hindi mabilang ang araw
Kayrami man luha na sa mukha ay nagdaan
Kahit kaytaggal ng panahon, matimis na alaala'y di na gugunaw
Next page