Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Sa pagdating **** napabalita
Unang sulyap palang namangha na

Gayak na sinauna
Sa paningin mahalina
Musikang kaytanda na
Sa pandinig mahiwaga

Mahalaga ang gabi
Simula ng pagsaksi
Kwento kong inabangan
Hatid niyang kasaysayan

Sa aking talambuhay
Gabing iyon may saysay
Nasa pagtitipon
Mga kaklase noon

Kapitbahay inuman
Masaya ang kwentuhan
Subalit ako’y saglit
Umuwi sa malapit

Iyon ay dahil batid ko
Simula na ng kwento
Ng kanyang unang yugto
Gabing Trenta ng Mayo

Mula nang araw na ‘yon
Pagsubaybay tradisyon
Naging makabuluhan
Likhang pampanitikan

Subalit ‘di naglaon
Nawalan telebisyon
‘Di hadlang gayunpaman
Sa radyo’y pinakinggan

Mula pagkabinukot
Hanggang aliping tulot
Babaylang naging ****
Mandirigmang pinuno

Nilupig at nanlupig
Inusig at nang-usig
Natulig at nanulig
Inibig at umibig

Nagtago at naglakbay
Namatay at nabuhay
Tinanggap at nagpanggap
Naghirap at nilingap

Sakay ng karakoa
Tinungo ibang banwa
Naghanda sa pagbalik
Upang ganti’y ihalik

Sa mabagsik na raha
Na pumatay sa ama
Sa pinunong baluktot
At sa harang nanalot

Mangubat at Angaway
Mga rahang kaaway
Lamitan na ninanay
Nais siyang maging bangkay

Sa kahuli-hulihan
Lahat sila’y talunan
Sa babae ng tagna
Walang iba – Amaya

Salamat, umalagad
Maging hanggang sa sulad
Salamat, kapanalig
Laban sa manlulupig

Salamat, Uray Hilway
Mga tinuran gabay
Salamat kay Bagani
Pag-ibig nanatili

Salamat sa Banal na Laon
Diyos ng mga ninuno noon
Kina Amaya’y panginoon
Tagapagpala ng kanilang nayon

Ang dulo ng epikong kapapanaw
Akala’y ‘di na matatanaw
Salamat sa unang Christmas bonus
May TV na bago taon ay matapos

Mahalaga rin ang gabi
Katapusan ng pagsaksi
Huling yugtong tinunghayan
Ang kamatayan ni Lamitan

Sa aking talambuhay
Gabing iyon rin ay may saysay
Nasa huling burol at lamayan
Bago at matapos subaybayan

Iyon ay kakaibang alaala ko
Sa katapusan ng kwento
Ng kanyang huling yugto
Biyernes – Trese ng Enero

Nagbrown-out pa nga
Habang oras ng balita
Buti nalang at umilaw
Sa tuwa ako’y napahiyaw

Sa pagtunog ng huling musika
At paggalaw ng katapusang eksena
Bukas TV at radyo
Sa makasaysayang mga tagpo

Ngayong gabi ng paglikha
Ng tulang handog sa programa
Unang gabing kapani-panibago
Dahil wala na sa ere ang paborito ko

Subalit ang Alaala ni Amaya
Mga gayak, musika, tauhan at kultura
Mga aral, tinuran, inspirasyon at ideya
Mananatiling buhay sa aking diwa!

-01/16-17/2012
(Dumarao)
*missing my favorite program
My Poem No. 93
George Andres Aug 2016
Uy, gawa tayo ng tula
Kasi putang ina ng Maynila
Sa nayon ay dinadakila
Isang abot-kamay na tala

Kailan ka ba kakawala
Sa anino ng Maynila?
Umambon ay may baha
Selpon ay may kukuha

Walang pawis at luha
Walang ngiti ni tuwa
Kwartang pulos kaltas
Walang pambili ng bigas

Kapit kahit mapurol
Mga bundok ay gagawing burol
Nakakita ka na ba ng ulol?
Sa Maynila marami niyan,
buhol-buhol

Kung saan walang permanente
Maging sa suplay ng kuryente
Ang pamahalaan ang hinete
Tagasulsol naman ang gabinete

Kapatiran may kaputol
Basta't kumapit mala kuhol
May nakahihigit sa batas
Umangal ka at ika'y utas

Wala nang lunas
Wag ka nang lumuwas
Utang na loob kaibigan
Maawa ka sa iyong ksasadlakan
8316 WIP
kingjay Jan 2019
Umulan ng mga talulot sa simbahan
May palakpakan, palirit
Sapagkat pumunta sa kasiyahan
Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan

Katabi ng lalaki ang mahal
Puro halakhak at wala nang pag ngiti
Sa mga ka-nayon na bumabati
Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang
Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan

Bago matapos ang selebrasyon ay
lumapit sa asawa ng maharlika
Ang pagbati ay ibinulong
sabay nakaw-halik sa pisngi niya
Tumalikod at di lumingon
Bigla na lang pumatak ang mga luha

Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa
Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal
Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib
Tibok ng puso'y lumikat

Lumakad nang papalayo
Kahit mga paa'y mabigat iangat
Nanginig nang lumisan
Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig
Nag-iisa sa Cariñosa sa putikan
1.
Noong unang panahon, sa nayon ng Nalbuan
Nakatira ang mag-asawang sina Don Juan at Namongan
At nang bago manganak ang babae
Nagtungo sa mga kaaway ang lalaki
(Once upon a time, in the shire of Nalbuan
There lived a couple named Don Juan and Namongan
And before the maternal labor of the female
To the enemies went the male)

2.
Si Don Juan ay natalo ng mga Igorot
Walang atubiling ulo niya ay pinugot
(By the Igorots Don Juan was defeated
Without hesitation they cut off his head)

3.
‘Di nagtagal, si Namongan ay nanganak
Kakaiba ang kanyang lalaking anak
(Soon, Namongan gave birth to a child
Her son was so odd)

4.
Malaki ang pangangatawan niya kaysa ibang bata
Para siyang isang ganap na binata
(To any child his body is bigger
He is like a mature teenager)

5.
Siya ay nakakapagsalita narin
At sinabi sa lahat na Lam-ang siya kung tawagin
(He could speak even
And said to all Lam-ang is his name given)

6.
Siya rin ang pumili ng kanyang mga ninong
Kung nasaan ang ama kanyang tinanong
(His godparents he elected
His father’s whereabouts he interrogated)

7.
Nang siya ay nasa gulang na siyam na buwan
Ganap na lalaki na kung siya’y masdan
(When he became nine months old
A grown-up man is he to behold)

8.
Nang hindi pa bumabalik ang ama nito
Siya’y nagpasya na sundan ito
(When his father yet returned has not
He then decided to follow that)

9.
Naglakbay siya nang dali-dali
At naabutan ang mga Igorot na nagpupunyagi
(He travelled fastly
And saw the Igorots having revelry)

10.
Sila ay nagsasayawan
Palibot sa pugot na ulo ni Don Juan
(They were dancing
Don Juan’s severed head they’re surrounding)

11.
Galit nag alit si Lam-ang
Lahat na kaaway kanyang pinaslang
(Lam-ang was so very mad
He killed all enemies he had)

12.
Maliban sa isa na kanya munang pinahirapan
Bago ito tuluyang pakawalan na sugatan
(Except for one whom he tortured
Before releasing that injured)

13.
Sa kanyang pagbabalik sa Nalbuan
Siya muna’y naligo sa Ilog Amburayan
(Upon his return to Nalbuan
He first took a bath at River Amburayan)

14.
Dahil sa kapal ng libag at sama ng amoy niya
Doon ay nagkandamatay ang mga isda
(Because of his thick dirt and foul odor
All fished died in that river)

15.
‘Di naglaon, siya’y may babaeng napusuan
Ito’y anak ng pinakamayaman sa Kalanutian
(Later, he fell in love with a woman
He is the daughter of the richest man in Kalanutian)

16.
Ines Kannoyan ang ngalan ng dilag
Kayrami ang lalaking sa kanya’y nangaglaglag
(Ines Kannoyan is the name of the maiden
To her so many men have fallen)

17.
Isa na rito si Sumarang
Kanyang hinamon si Lam-ang
(One of them was Sumarang
He dared to challenge Lam-ang)

18.
Silang dalawa ay naglaban
Nanalo ang binata ng Nalbuan
(The two of them fought on
The bachelor of Nalbuan won)

19.
Nadatnan ni Lam-ang kaydaming manliligaw
Kaya gumawa siya ng paraan upang pumangibabaw
(Lam-ang saw so many suitors
So he made a way to surpass them all)

20.
Pinatilaok niya ang manok at isang bahay ang nagiba
Pinatahol niya ang aso at ang bahay ay naayos na
(He made his rooster crow and a house was destroyed
Then he made his dog growl and that house was restored)

21.
Kayrami ding ginto ang tangan ng binata
Kaya kapagkuwan ay ikinasal ang dalawa
(So much gold the man had carried
So soon the two were married)

22.
Dumating ang panahon na si Lam-ang ay inatasang
Manghuli ng isda na kung tawagin ay rarang
(Time came that Lam-ang was summoned
To catch a fish rarang that’s called)

23.
Subalit habang siya’y nasa kailalaiman ng karagatan
Si Lam-ang ay kinain ng pating na berkakan
(Yet while he was down deep the ocean
Lam-ang was eaten by a shark berkakan)

24.
Si Marcos na maninisid sila’y tinulungan
Pagkuha sa bangkay ni Lam-ang kanyang kinayanan
(A diver named Marcos came to their aid
The corpse of Lam-ang he recovered)

25.
At sa kapangyarihan ng aso at tandang niya
Muling nabuhay ang magiting na bida!
(And by the power of his dog and rooster
Again came to life our brave main character!)

-08/10/2013
(Dumarao)
*for Epic Day 2013
My Poem No. 221
Eugene  Oct 2015
Doon Sa Amin
Eugene Oct 2015
Doon sa amin;
kung saan ang mga bata'y nagsasaya,
nagpapaligsahan sa paglangoy,
sa sariwang batis at ilog sa aming nayon.

Doon sa amin;
kung saan ang mga binata'y nanghaharana,
nagbibigay respeto sa nakaugaliang panliligaw,
sa mga dalagang ramdam ang pagiging Maria Clara.

Doon sa amin;
kung saan ang mga matatanda'y,
nag-iinuman, sumasayaw, at kumakanta,
sumasabay sa mga tugtog na makaluma.

Doon sa amin;
kung saan tuwing sasapit ang linggo,
lahat ay gayak na gayak na,
upang pumunta't magdasal sa Poong pinagpala.

Doon sa amin may kasiyahan.
Doon sa amin may pagmamahalan
Doon sa amin may musikahan.
Doon sa amin, labis ang pagpapala.
032316 #TagkawayanBeachToPPC #HawlingDay

Madaya ang dagat na tumatabi,
Umiiwas sa lalim na walang lebel.
Kung susukatin ang dipa ng pising ibinigkis,
Milya ang distansya ng berde't kayumanggi.

Pahiwatig ng hampas ng mga dahon,
Kanila ang lupang may paghuhumaling sa nayon.
Gayundin pala ang kurot
Ng latigong pakpak ang armas.

Hininga ay buhay
Sa baku-bakong daang
Nagmimintis sa tahanan.
Ilang gulong na kaya ang nagpatalyer?
At nausugan ng ilan pang mga panlupang sasakyan.

Napapagod ang likido ng Langit
Na siyang minsang lampas-lupang nagpakumbaba.
Napapagod ang Ilaw
Sa pagsirit ng kandilang hindi nauupos.
O ang mga ibong pumapagaspas
Sa ereng walang tiyak kung saan papadyak.

May mga kasuotang gula-gulanit,
Sila'y may mantsya't may kalakip na basbas.
Hindi maititikom ang pagsampal ng paa,
Mga paang piniling lumaya
Kahit tadtad sila ng kalyo.

Ganoon pala ang pagpihit ng duyang sandali lamang,
Ihihile ka nang saglit,
Sabay makikibaka sa panahong gusto niya.

Simple ang buhay,
Namamahinga't umiiling kadalasan.
Ni ayaw ang gintong luha,
Kalasag pala ng kanyang pagkatanda.
Pusang Tahimik Feb 2019
Kumusta mga kabataan
Na pag-asa bayan,
Ano ang dahilan
Aral ay napabayaan?

Isip ay nalason
Ng banyagang layon
Alisin ang tuon
Sa aral ng nayon

Nasaan ang tinig
Ng tunay na pag-ibig
Sa bayang natitigib
Ng mapanirang bibig?

Tila ba nakalimot
Puso ay ibinalot
Sa bagong aral na pulot
Nagmistulang mga salot

Walang pagmamahal
Bayan na ng mga hangal
Nasan na ang dangal
Na turo ni Rizal?

Halika na't magising
Simulang tanawin
Ang nagdaang ningning
Ng Araw at Tatlong Bituin!

JGA
Inspired by Jose P. Rizal "Sa Aking Mga Kabata"
John AD  Feb 2019
Kalungkotaon
John AD Feb 2019
Luha ng dahon , Isinilid sa Kahon
Init ng nayon , Malamig na Kahapon
Sarili ay Bumangon , Kalungkuta'y aahon
Pag yao'y hinamon , Lumuha ang Panahon

Ang pag-iyak ng mga dahon sa bukang-liwayway
Pinawi ng init ng araw ang iyong mga kamay
At Naglaho sa dapithapon , muling matamlay,
Nag-iwan ng marka sa takipsilim ako'y namatay

Umiiyak Taon-taon,Pighati Ang Baon
Pagkalumbay ko , kinukuwestiyon
Sumabog nanaman ang Mayon
Sa loob ng utak kong naghahamon
57 Sa bisperas ng kasalan muling nagkita
Sa kanilang tagpuan sina Birio at Alyna

58 Napagpasyahan nilang maagang umuwi
Bandang tanghali at ‘di na gabi

59 Subalit nang sila’y pauwi na
May pagsubok pa pala

60 Paligid nila’y umapoy
Mga nakapalibot na punungkahoy

61 Paano na sila makababalik  ngayon
Sa kani-kanilang mga nayon

62 Mistula silang nakakulong
Sa isang naglalagablab na patibong

63 Sila’y tumaghoy ng saklolo
Sa lahat ng sulok at dako.

-07/19/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 178
Nalagpasan kursong pag-aabogado
Kay Roxas nanungkulang Bise Presidente
Naitatag Sentro ng Pananalapi
Subalit Komunista sa mga nayon umatake.

-12/21/2014
(Dumarao)
*Pinuno Namin sa Panahong Tanso Collection
My Poem No. 291
71 Nang mga pagsubok nalagpasan na
Inanunsiyo ng diwata ang pagkasal sa dalawa

72 Sinang-ayunan naman iyon
Ng magkabilang nayon

73 Mga ligaw na itik panghanda ng silangan
Mga paniki naman sa kanluran

74 Isang kasalan na kakaiba
Puspos ng biyaya, balot ng hiwaga

75 Sapagkat naroon din mga mahiwagang panauhin
Si Amihan at iba pang diwatang kasamahan din

76 Malaking piging mula magkaibang sulok
Idinaraos sabay sa tuktok ng bundok

77 Sa araw ding iyon, ipinagpaalam sila
Na dadalhin ni Amihan sa Gintong Lupa.

-07/12/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 168
8 Ang panday na si Birio
Ang natatanging iho

9 Mula sa pamilyang gumgawa
Ng mga punyal at espada

10 Bilang kaisa-isang anak na lalaki
Maagang tinuruan ng gawaing pangmalaki

11 At sa paglipas ng panahon
Siya’y naging bihasa sa nayon

12 Kung may magpapagawa ng itak o espada
Lumalapit lamang sa kanya

13 Itong si Biriong kay agang natutunan
Ang pamamanday sa kanluran

14 Sa pamilya ni Alyna bumabaling
Tuwing kinakailangan ang uling.

-07/15/2012
*Gintong Lupa Series
My Poem No. 170

— The End —