Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Stum Casia Aug 2015
Kalong ng kanyang ina
ang isang labing anim na taong gulang na binatilyo.

Basang-basa.

Nangingitim ang mukha at di na humihinga.

Patay na yata.

Nakuryente siya
habang ini-aakyat ang black and white
na telebisyong kasasangla lang
ng isang magsasakang magpapa-check-up sa PGH-
sa ikalawang palapag ng kanilang 5 square meter na tahanan.

May bagyo noon. Super.

At umapaw ang ilog.

Ang sabi sa radyo nakataas na ang signal no.3 sa buong Central Luzon.

Nag-iisip pa rin siya (ang ina) habang binabagtas
ng sinasakyan nilang rubber boat na kulay dilaw
ang daan papuntang evacuation center.

Hindi na niya nagawang magsuklay at mag-suot ng bra.

Kalong niya ang kanyang binatilyong
pangarap mag-aral sa Maynila-

na kanya ngayong ipinagluluksa.

Sa Maynila,

sa isang pamantasang kulay langit ang pasukan at labasan,

nagdiriwang ang mga paang patungo sa Robinsons.

Alas dose.
Cut ang klase.

#WalangPasok.
110621

Noong bata pa ako'y
Saba-sabay kaming mag-uunahan
Sa pagsalubong kay Inay.
Yayakap at magmamano sa kanya,
Sabay uupo ang nauna sa laylayan ng kanyang palda
Habang syang namamahinga sa lumang upuang
Yari pa sa Narra.

Ni minsa'y hindi ko naisip
Na ang pagkalong ni Inay
Ay may katumbas pala sa aking paglaki.
Marahil bata pa nga talaga kami noon,
At wala kaming ibang inatupag
Kundi ang pag-aaral at paglalaro.

Ilang taon na ang lumipas
At malapit na rin ang araw
Na ako mismo'y lalayag sa sarili kong bangka.
At hindi na ito laru-laro lamang,
Pagkat sa bawat pasyang aking susuungin
Ay iba na ang aking kasama.

Sabi nya nga sa akin,
Handa na syang akayin ako.
Hindi lamang sa kanyang mga bisig
Pero maging mga responsibilidad
Na itatangan ng panahon at tadhana sa kanya.

Ganito pala ang pag-ibig,
Kung saan handa tayong humakbang nang humakbang pa.
Hindi tayo maaaring huminto dahil tayo'y pagod na.
At alam ko, sa tamang panaho'y
Handa na naming kalungin ang isa't isa.
dalampasigan08 Jun 2015
Minsan isang araw tayo’y magkikita

Mga ngiti’y mamamalas - sa pananabik ay lunas

Mga mata’y mangungusap na tila ba nangangarap

Tangan ang isang hiling - Pag-ibig yaring hanap.



Minsan isang araw tayo’y mag-uusap

Ihahayag ng puso - natatanging pagsuyo

Ibubulong sa hangin - aanurin sa baybayin

Paglingap at hangarin walang sawang sasambitin.



Minsan isang araw ika’y mayayakap

Ikukulong sa ‘king bisig, tila kalong ng ulap

Nanamnamin ang sandaling walang kasing sarap

Aangkinin ang ligayang wri’y abot alapaap.



Minsan isang araw ika’y mahahagkan

Kasabay ang damdaming pagsinta kailan pa man

Mga labi’y magniniig habang dinig yaring himig

Walang humpay itong minsan ‘pagka’t ika’y iniibig.
mata ang may bitbit ng
dagitab ng bawat sandali

at waring mga kamay na aba,
ang karagatan na may kalong na katahimikan;
sinusuri ng ilaw ang lahat,
mga palad na nagdadaop.
ang halakhak sa sukal ng gabi.
ang batong binabalinguyngoy sa lalim
ng bawat pag-tingin

itong mga kamay
tanaw ng mata


ang alaala
solEmn oaSis Jul 2022
( Episode 1- Putong )

Poong may Kapal
Kalong po'y Dasal
Noong ako'y pagal
Tulong mo'y Bukal

KulOng pa naman at sakal
dahong binasbas ay banal
Payong ay bukas sa lokal
Balong iniigiban ay moral

kay tagal sinasalubong ng daluyong
Kay bagal umusbong ng Kamagong
Dumatal na at lumipas rin ang dagundong
Kumintal pa rin sa akin hampas ng bagumbong

Ngayong patayo na nga si Pangulong Digong
Tayong mga Pinoy pa din ang pihong bayong
may layong muling maLulan ang panibagong pinunong
Mayroong Tapang sa Pagsulong ng Totoong PagkanLong

Mala-Antonio Luna ang dila,,,hinding-hindi umuurong
Andres Bonifacio naman kung sumugod,,pag itak ang umiiral
Samantala tila Apo Lakay kung umakay ng talino sa pag-usbong
At buwis benepisyo sa sarili ang ikararangal kapara ni Jose Rizal

Sa ngalan ng ama na naging kasing-tatag ng bumbong.,..
Paupo na nga at buong pagpupunyagi sa pagitan ng tipikal kontra kritikal...
Ang anak na itinakda walang iba kundi si Presidente Bongbong...
Ang ika-Labing pitong Pangulo ng Pilipinas , sa inang-bayan ay mapagmahal !!!

© June 8, 2022
Pen by soLemn oaSis


it is not emergency but so
merging epic getting-in to
" T M A L M " episode 2
          were
reminiscing and heading
on the way too,
right inside the ride
            where
i picked packed boom,
as i rewrite my old poem
entitled tic tac toe
           wears
a single syllabication
of chosen words' lyricism
narrated from start to end and
          bears
a no beware bars set up
until i care to dare
the bottom bares on top !
       fear
neither nobody nor elses foes
and heaven knows good son
who does one hell of a bad
       near
unproven bundled doses of unrhymed
lines made by those unarmed farmers
gonewild with unarmored poetries .
                    T  E  A  R ! ! !
             h  r  r  e
             r  a  r  p
            o  s  i  e
            u  u  v a
            g  r  e  t
             h  e  s  s
Inspired by history and events here in my homeland a.k.a orient pearl of far east
The Philippines

— The End —