Iilan nang estrangherong labi ang dumampi at alam na din kung paano humaplos ang iba't ibang tela marahil kabisado na din ang bawat indayog na walang musika
ngunit bakit
na sa tuwing pipikit at sinusubukang sabayan ang korong hindi kilala sumasagi pa din sa isip na nakakulong ma'y sa hindi mo bisig at hindi sa iyong unan namamahinga.
simula noong pagtalikod mo'y pakiwari kong milyong beses nang umikot ang oras ang sabi ko pa noo'y nakalimot at malaya na sa mga panahong inaantay ang paghimlay ng araw dahil sa pagsilang ng gabi ka lang din naman masisilayan.
mahina pa din bang aamining na pagkatapos ng linggong itong sinasakdal ang sarili napagtantong baka siguro hindi pa pala lumalagpas sa hatinggabi ang awit.
mahal, baka siguro sa susunod na gabi, nais pa ding sa iyo umuwi.