Kung ikaw ay isang senador, ano ang hakbang mo Paano mo aalamin para malaman ang totoo At kung alam mo na, isisiwalat mo ba ito Kung ang madidiin ay isang kaibigan mo
Kung ikaw ay isang mambabatas, ano kaya ang gagawin Kapag nalaman ang totoo, paano ito sasabihin Kung ang kaibigan o pamilya ang siya namang madidiin O patutunayan **** ang batas ay nababaluktot mandin
Kung ikaw ay isang mamahayag, paano ka magsasalita Doon ka ba sa totoo o kung saan ka may mahihita Lalo na kung nais mo ring sumikat sa pagbabalita Basta ba may narinig ka'y isisiwalat mo sa madla
Kung ikaw ay isang pari o kaya'y pastor ng simbahan Ang puso mo ba ay malapit sa taong naghandog sa 'yong kawan Utang na loob mo ba ang iyong isasaalang-alang Dahil ang kawan na hawak mo ay kaniyang natulungan
Paano mo ihahayag kung ikaw ay isang **** Sa mga kabataang sa harap mo'y nakaupo Naghihintay ng liwanag, ng dunong na isusubo Kung ano ba ang nais mo sa kanila'y ituturo
Kung ikaw ang presidente, makakaya mo bang lahat Ang sugpuin ang problemang sa nuno pa natin nag-ugat Ibababa mo na lang ba ang ngalan ng Pilipinas Upang laging mayrong tulong sa ibang bansang ngayo'y sikat
Kung ikaw na karaniwang mamamayan na tulad ko Nag-iisip, nangangarap ng mabuti sa bayan mo Ang makita sa 'sang sulyap, paniniwalaan ba ito O pag-aaralang mabuti kung totoo ang narinig mo
Tayong lahat ay malaya, malaya kang magpahayag Malaya kang maniwala kung kanino ka mahahabag Kung kanino magagalit, kung sino ang nililiyag Ngunit isipin mo sana ang bukas ng ating mga anak.