Sumasabay saking pag-ibig ang pagluha ng langit Sumasabay sa ihip ang bulong ng damdaming "Tama na, bitiwan mo na sya." "Tama na't bumangon ka na."
Parang tubig na maingay sa bubungan Ang tinig **** minsang Himig na pinakaiingatan Parang butil na hindi mahawakan Ang pagtibok ng puso kong iyong sinusugatan.
Ilang beses man akong umasa Mga salita mo ma'y tila kilig lamang sa umpisa Naglaho na lang ang lahat, Pano na ang tayong sabi mo ay alamat?
Tama na ang paasang mga salita Tama na ang pagbihag sa mga pusong pariwara Tama na ang mistulang sabi **** "mahal kita" Pagkat alam kong ikaw yung tipong Palaruan lamang ang tingin sa Tadhana.
Bibitawan ka na, pagkat tapos na Parang lirikong nalaos nang bigla Parang boses na napaos na parang bula Nagbago, naglaho, oo, *mistulang alaala
Paagkat sabi ng kaibigan ko'y gawan namin ng kanta Ang liham nang nagdurugong puso Na paulit-ulit **** pinaasa.
Sabi ko, di na ko magsusulat eh. Tara, hindi naman tayo mauubusan ng salita eh.