Siyang tinalikdan ang sarili't Inagos ng sariling mithiin, Nagpatangay at yakap ang iilang kalansay, Maging dibuho ng winaldas na pagkatao.
Doon sa eskinitang hindi na masilayan At sa mitsa ng pamumukadkad ng bukas, Siya'y nagmistulang ahas Nanunuklaw ng estrangherong Minsan na rin siyang binalasubas.
Hampas lupa -- Walang malalaking pader ang di nagpayanig, Sablay man ang agos at may iilang nakaligtas, Wari naman nila'y siya'y magbabalik. At sa pasunod pang yugto, Sila'y magsisipang-tampisaw Sa putik na uhaw sa sansinukob.