Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Nath Rye Jan 2016
Isang pinto ang nasa aking harapan.

Pintong gawa sa kahoy. Limang tao ang lapad ng pinto, at dalawan' tao ang taas nito. Dahan-dahan 'kong hinawakan ang nakausling parte.

Hinila ko. Ang bigat.

Isang engrandeng *ballroom
ang itinatago ng pintong aking pinasok. Ang una talagang mapapansin ay ang magarang wallpaper na yumayakap sa pader. Sa pinakaharap, may hagdanan na tila hari't reyna lang ang maaring gumamit. Sa bawat dulo ng hagdanan, may mga nakapatong na gintong mga dekorasyon- mga anghel at mga hayop na makikita lamang sa panaginip. Pero, mapapatingala ka talaga sa larawan ng Diyos at mga anghel na sumasakop sa buong kaitaasan ng ballroom.

Ang amoy naman, amoy ng mamahaling pagkain.
May mga lamesa at mga plato para sa mga nais kumain

Ang unang yapak ko sa loob ay sinalubong ng mga tingin mula sa mga tao sa loob. Lahat sila'y magkamukha...

magkakambal kaya?

Nilapitan ako ng waiter. May dala-dalang alak.
"Ser, gusto niyo po ba ng-"
"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"
Lumabas lang ang mga salita sa aking bibig. Di na ako nakapaghintay.

"Ah... ser, kung gusto niyo po ang kasagutan sa tanong niyo, sigurado akong may makakapagpaliwanag sayo nang mas maayos."

At sabay siyang umalis.

Inikot ko ang ballroom. Kinausap ko ang mga tao. May mga sumasayaw, may mga kumakanta, at mayroon pang mini magic show. May mga nakabarong, iba nama'y naka tuxedo.

Naging masaya ang mga usapan, hanggang itinanong ko ang tanong ukol sa kanilang pagiging magkamukha. Pinapasa-pasa lang nila ang tanong sa mga ibang nasa ballroom. Ika nga, "hindi nila mapapaliwanag nang mabuti."

Ano naman ang napakakumplikadong paliwanag na ito?

Lahat ba, naitanong ko na?

Nanlaki ang aking mga mata. May nakita akong nag-iisa sa dulo ng kwarto. Mukhang matalino. Nilapitan ko.

"Sarap ng pagkain."

Binigyan niya 'ko ng tingin ng pagkagulat.

Makalipas ang ilang segundo, nagsalita na rin siya.

"Ganyan ka ba talaga nagsisimula ng isang conversation?"

"Di eh. Pero masarap naman talaga. Kinailangan ko lang ilabas ang matinding damdamin ko para sa handa."

Tawanan. Pero desperado na 'ko. Gusto ko nang malaman kung bakit.

"Bakit magkamukha kayong lahat dito?"

"Ah.... ikaw ay tulog ngayon. Nananaginip ka lang. Ang bawat tao rito'y indibidwal na parte ng iyong sarili. Ang iba't-iba **** personalidad, nag anyong-tao."

"Ha?"
Ginagago ako nito, ah.

"Subukan '**** kurutin ang 'yong sarili. Di siya masakit, di ba?"

Tiningnan ko ang braso ko. Kinurot ko, yung masakit talaga.

Wala akong naramdaman.

"Gets? Ako ang parteng nais tumulong sa iba, sa kapwa-tao."

".... Maniniwala muna ako sayo, ngayon. Pero, ibig sabihin ba'y ang lahat ng personalidad ko'y pantay-pantay?"

"Hindi. Ang mga taong nasa itaas ng hagdan, sila ang pinakamalalaking parte ng 'yong sarili. Kaya sila ang mga pinakamakapangyarihan dito sa ballroom."

"At pwede akong umakyat doon?"
Gusto kong umakyat.

"Handa ka bang tanggapin ang iyong sarili? Pa'no kung puro mamamatay-tao pala ang mga nasa itaas? O magnanakaw? O sinungaling?"

"Edi ok, tanggap ko naman na di ako perpekto."

Pero sa isipan ko, natakot ako. Nakakatakot makita ang mga masasamang parte ng sarili mo, na naging sarili niyang tao.

"Edi umakyat ka. Panaginip mo 'to. 'Di akin."

"Sige, salamat pare."

"Geh."

Inakala ko na ang huli niyang sasabihin ay may relasyon sa pag-iingat, o pagkukumbinsi na 'wag na 'kong umakyat. Pero dahil sa isang "geh" na sagot niya, nahalata 'kong wala na akong makukuhang impormasyon kung di ako aakyat.

Nasa harap na ako ng hagdanan. Kung nakatayo ka pala rito, parang nakatitig ang mga gintong dekorasyon sa 'yo.

Isa-isa kong inakyat ang mga hagdan, at sa taas, may nakita akong apat na tao.
  
Yung tatlo, nakikinig at tumatawa sa biro ng isa.

"Hi...?"
Wala naman akong ibang masabi, e.

Bigla silang tumahimik at napatingin sa 'kin.
Alam na siguro nila kung sino ako, dahil nilapitan nila ako at nakipag-kamay.

"Alam mo na ba ang lugar na ito? May nagsabi na ba sa 'yo?"

"Oo. Sabi sa 'kin ng isa na kayo raw ang mga pinakamalaking parte ng aking personalidad."

"AHHH! Mali siya! Nasa impiyerno ka na ngayon. Masama ka kasi eh."

Napatingin lang ako sa kanya.

"Joke lang, 'wag naman masyadong seryoso. Edi madali na lang pala! Sige, pakilala tayo!"
Ngumiti naman ang apat.

Nauna yung tatlo.

"Ako ang parte **** responsable. Alam mo ang mga responsibilidad mo, at maaga mo tinatapos."

Wow. Responsable pala ako.

Ang pangalawa.
"Ako naman ang parte **** madasalin. Malakas ang tiwala mo sa Diyos, kaya mahilig ka magdasal."
Grabe, banal pala ako?

Ang pangatlo.
"Ako naman ang parte **** mahilig sa sports. Mapa-boxing man o swimming, o basketball. Lagi kang handa."
Parang yung bodybuilder ko lang na klasmeyt ah. Napatawa ako.

At ang pang-apat, at ang lider:
"Ako ang parte ng sarili mo na nais makatulong sa ibang tao. Handa kang magpatawa kung kailangan, pero kaya mo naman ring magseryoso. 'Di ka nang-iiwan. Tunay kang kaibigan."

Pero yung tao kanina yung nais makatulong sa ibang tao.... baka ito yung sinungaling. Bahala na.


"Kayo ang pinakamalaki? Natutuwa naman ako."
Nagtawanan lahat.

"Pero may isa pa. Ang pinakamalaki talaga sa lahat."

"Saan?"
Saan nga ba talaga?

"Dito. Halika. Bago ka magising. Para makilala mo."

Pumunta yung pang-apat sa isang dulo ng kwarto. May pinindot siya. May maliit na butas na nagpakita sa pader. Madilim. Nahirapan akong pumasok. 'Di na sumunod ang apat.

Sa gitna ng kwarto, may isang tao. Isa. Nag-iisa, kasama ng mga libro at papel.

"Ikaw ang pinakamalaking parte?"

Tumingin lang siya sa 'kin.

"Ikaw ba talaga? Ano naman sinisimbolo mo?"

"Ako ang katahimikan. Ang katahimikan sa iyong loob. Matatag ang puso mo, at kahit marami kang kinakatakutan, hindi ito nagiging hadlang sa 'yo. Ako ang nagbibigay buhay at enerhiya sa lahat ng mga personalidad mo."

*At ako'y napatahimik. Katahimikan pala ang pinakamalaking parte.
It's 3:44 am woooooooo I started at 3. ps this is in tagalog/filipino. thank you
Paulo May 2018
Naalala mo pa ba ung mga araw na una tayong nagkita?
Mga oras na ako ay galak at tuwang tuwa,
Pagkat ika'y nakilala't natagpuan sa oras na aking inaasahan
Mga panahong tayo pa ay nagkakahiyaan

Andyan yung unang punas sa mukha **** pawisan
Unang usap, unang ngiti at biglang nagkatitigan
Unang pagbabago ng aking nararamdaman
Unang paghatid at sambit ng "ingat ka dyan"

Lumipas ang mga araw ugali mo'y aking nakita
Lakwatsa doon, inom dito yaan ang aking nahinuha
Ngunit ikaw ay aking naintindihan,
Ang aking nasa isip ay malamang dulot ng  nakaraang hindi malimutan

Kaya naman gumawa ako ng paraan upang ika'y mapasaya
Sa kalagitnaan ng gabi ako'y nag atubiling ika'y puntahan
Kabog ng dibdib, lakas ng hangin at ulan ay di inalintana
Makita ko lang ung mga ngiti **** mahiwaga

Salamat sa mga oras na dumaan at ika'y nakilala
Batid kong madaming nagmamahal sayo,
Kaya naman aking pagtingin ay lumayo
At aking naintindihan na mas mabuti maging magkaibigan na lang tayo

Gusto ko lang lagi **** tatandaan,
Na wala man ako sa tabi mo lagi naman akong nasa likod mo,
Handang tumulong sa abot ng aking makakaya
Lalo na sa pamilya, kaibigan, eskwelehan ay may problema

Sana ngayon nasa mabuti kang lagay, Inday
Sana'y mga pangarap mo'y iyong makamtan
Sana'y wag ka na ulit lumuha sa daan
Sana'y pintuan ng iyong puso ay muling mabuksan
Sana'y mahanap na nya ang tamang Adan

Sana'y mahalin mo pang lalo ang 'yong mga magulang
Sana'y maging maayos na kayo at wala ng magkulang
Sana sa iyong pagbabalik ay masaya ka sa bagong aral na iyong napulot
Sana wag kang magbabago't wag makakalimot

Di nako aasang liliit ulit ang espasyo
Magbubukas ulit ang entablado
At makaka tapak sa inyong teritoryo
Kaya't ang aking tanging magagawa ko na lang ay isama ka sa mga dasal ko.
AUGUST Sep 2018
Sino ba ang modernong vincentiano?
Ano ba ang kanyang pagkatao?
Nagtatanong sa sarili ko
Habang pinagmamasdan ang mahinanang kamay
Kung anong magawa ko
Dito ba sa munting palad nakahimlay
Ang lahat ng kakayahan ko?

Anong meron ako, anong meron tayo? kundi kaalaman.

Kaalaman na di galing sa sabi sabi nilang “hugot”
Kundi sa piraso ng mga aral na ating pinulot
Dahil sa disiplina tayo y nililok
Ang kabutihang asal sa diwa ay pumasok

Mula sa Mga **** nating tinuturing na magulang,
Mga mababang tao na ating ginagalang,
Mga taong nakilala mula ng tayo’y musmos pa lang
Ipinamana sa atin ang pananampalataya, pagpapakumbaba, at kabutihan

Ang tanggapin ang katotohanan,
At hangganan ng kakayahan
Ang malaman ang kahinaan, kahit may kasimplehan
Pilit inaabot ang makatulong ng buong kalooban

Ng walang hinihintay na kapalit
Tulad ng modelo nating si San Bisente (st. Vincent)
Na sa pagtulong ay di napagod
Kaya sa mata ng Diyos naging kalugod lugod

Salamat sa  Amang nasa itaas
Na nagbibigay ng lakas
Ang lakas na di nauubos
Para sa aming misyon na di pa rito natatapos

Sandata ay ang panalangin
Lakas ng loob at damdamin
Dahil sa Diyos na mahabagin
Walang pagsubok sa buhay ang hindi kakayanin

Ating misyon, ang tumulong sa mga kapus palad at nawawalan
Hindi lang sa taong nawawalan ng materyal na kayamanan
Kundi para sa mga taong naliligaw, nalilito at nagugulumihan
Pagkat ating ramdam ang bawat hirap
Ang bigat na tinitiis ng bawat taong may pinapasan

Handang makiramay at ibigay ang anuman
Para lamang ang paghihirap sa pighati ay maibsan
Pagkat sa bawat taong ating natutulongan
gantimpalang pangkaluluwa ang dapat ipagyaman

Sino ang gumagawa nito?
Sino ba ang modernong vincentiano?
Isa ba ako sa mga ito?
Ang modernong vincentiano ay di lang ako kundi tayo
Ang modernong vincentaino ay nagsasakripisyo at mapagpakumbabang nagseserbisyo
Ang modernong vincentiano ang magpapatuloy ng ating kwento.
Ang tula kong ipinanalo ng first runner up sa isang slam poetry competition ng event na may temang "Ang Modernong Vincentiano" noong September 26, 2018.
Eugene Oct 2018
"Ilabas ninyo ang kuya namin!" sigaw ni Mon.

"KUYA! Kami to mga kapatid mo!" sigaw naman ni Jef.

Halos magambala na ang mga kapitbahay sa kalye Casa dahil sa ingay ng pagsisigaw ng magkakapatid. Mahigit sampung taon na rin nilang hinahanap ang kanilang nakatatandang kapatid. At may nakapagsabi sa kanilang nasa kalye Casa lamang ito at kasama ang tunay nitong mga kapatid.

"Anong problema ninyo ha? Nakakaistorbo na kayo sa kabilang at sa kalye rito. Sino ba hinahanap niyo ha?" lumabas ang isang matangkad na lalaki at nagsalita sa kanila.

"Alam naming nandito ang kuya Regie naman. Ilabas niyo siya!" sigaw ni Mon.

"Walang Regie dito. At sino kayo? Ni hindi ko nga kayo kilala e," sagot ni ng lalaki.

"Kilala ka namin at ikaw ang nakatatandang kapatid namin. Magkakapatid tayo sa ama. Ikaw si kuya Ryan," wika ulit ni Mon.

"Ah ganun ba? Bakit hindi ko yata alam? Sino bang tatay ang tinutukoy mo?" takang-taka ang mukha ni Ryan nang sabihin nito na magkapatid daw sila sa ama.

"Hindi ikaw ang sadya namin dito. Ilabas mo ang kuya namin!" wika ni Jef. Agad siyang nakipagpatintero upang makapasok sa loob ng bahay. Pero napigilan ito ni Ryan.

"At anong karapatan mo, ninyo na pumasok sa bahay ko? Kayo ba ang may-ari?" mataas na ang boses ni Ryan nang mga sandaling iyon pero nanatili pa rin siyang mahinahon dahil ayaw niyang gumulo pa. "Ang mabuti pa ay umuwi na lang kayo. Walang Regie dito. Nagkamali kayo ng pinuntahan."

"Hindi kami aalis dito. Alam naming nasa loob ang kuya namin. Ilabas niyo siya?" nagpupumilit pa rin si Mon at bigla na lamang niyang iwinaksi ang kamay ni Ryan na nakaharang sa pintuan ng kaniyang bahay. Hindi naman hinayaan ni Ryan na makapasok ito at doon ay ibinuhos na ang kaniyang galit.

"SUBUKAN NINYONG MAGPUMILIT PA NA MAKAPASOK! Ipapa-barangay ko na kayong lahat!" halos kita na ang mga ugat sa leeg ni Ryan sa pagsigaw nito sa kanila. Pero hindi pa rin natinag ang magkakapatid.

"Wala kaming pakialam kung iyan ang gusto mo!" bulyaw naman ni Mon.

Magsisimula na sana ang matinding kaguluhan sa pagitan ni Ryan at ng magkakapatid nang isang boses ang kanilang narinig.

"Sino ba ang hinahanap ninyo ha?" wika nito at mula sa likuran ni Ryan ay nakita nito ang kaniyang kapatid na inaalayan ng isa pa niyang kapatid. Mangiyak-ngiyak naman ang magkakapatid na Mon at Jeff nang makita ang pakay nila.

"Kuya! Kuya Regie!" magkasabay na tawag nila sa pangalan nito.

"Sinong maysabi sa inyo na lapitan ang kuya Ron ko ha?" sigaw naman ng isang binata na nakaalalay kay Ron.

"Hayaan mo muna sila Anghel," saway nito sa kapatid na patuloy pa rin sa pag-aalay kay Ron.

"Kuya, ako ito, si Mon at kasama ko si toto Jef. Kuya, miss ka na namin. Uwi na tayo, please!" nang mga oras na iyon ay nanatiling walang emosyon si Ron sa mga salitang kaniyang naririnig.

"Hindi ako si Regie at lalong hindi ako ang kuya ninyo. Wala akong kapatid na Jeff at Mon. Anghel lang at kuya Ryan ang mayroon ako. Kaya, pakiusap umalis na kayo rito!" wika ni Ron.

"Kuya, bakit? Ano ba ang nangyari? Anong ginawa niyo sa kuya namin ha?" nagtatakang tanong ni Mon nang mapansin sa iisang direksyon lang ito nakatingin.

"Bulag ang kuya Ron namin. Naaksidente siya. Kaya kung maaari ay lisanin niyo na ang bahay namin dahil hindi ito makabubuti sa kaniyang pagpapagaling. Pakiusap," sagot ni Anghel.

"Kuya. Alam naming ikaw iyan. Ikaw si kuya Regie namin. Ikaw ang tumulong sa amin nang mga oras na kailangan ka namin at nandito na kami upang kami na ang mag-alaga sa iyo. Please bumalik ka na sa amin. Nakikiusap kami kuya Regie. Kuya Ryan, payagan niyo na po kaming iuwi kuya namin," parang gripong sunod sunod sa pag-agos ang mga luha ni Mon.

"Walang isasama! Hindi niyo siya kuya. Kuya namin siya! Umalis na kayo rito!" bulyaw ni Anghel. Naitulak ni Anghel si Mon at muntik na itong matumba. Nang makabawi ay sinuntok niya si Anghel sa mukha at nakipagsuntukan na rin ito kay Mon. Pilit namang nakikinig at nakikiramdam si Ron sa mga pangyayari.

"ITIGIL NINYO 'YAN!" sigaw nang sigaw si Ron pero tila walang nakakarinig. Panay naman ang awat ni Jef at Ryan kina Mon at Anghel. Hindi na nakatiis si Ron at muli itong sumigaw.

"TITIGIL KAYO O AKO ANG AALIS!" lahat ay napalingon kay Ron at maagap na bumalik si Anghel sa tabi ng kaniyang kuya upang pigilan ito.

"Sorry, kuya," pagpaumanhin ni Anghel.

"Kayong dalawa, Jeff at Mon, pakiusap. Ayaw ko ng gulo. Umuwi na kayo dahil walang Regie sa pamamahay na ito. Hindi ko kayo kilala at lalong wala akong matandaang tinulungan ko kayo bago pa ako maaksidente. Kaya, umuwi na kayo!"

Hindi naman nakapagsalit sina Jef at Mon. Mabibigat ang mga paang nilisan nila ang bahay na iyon na patuloy pa rin sa pag-iyak dahil nabigo silang iuwi ang kanilang kuya Regie.

Habang papalayo naman ang magkapatid ay doon na bumigay si Ron at hindi na napigilan ang pag-agos ng kaniyang mga luha. Ang totoo ay kilala niya sila ngunit ayaw na niyang matali pang muli sa nakaraan. Masaya na siyang malaman na ang kaniyang mga step brothers ay nasa mabuti nang kalagayan. Kahit sa kaloob-looban ng kaniyang puso ay sabik din itong mayakap sila pero naipangako niya sa kaniyang sarili na kalimutan na niya ang kaniyang pinagmulan at ang mga taong naging bahagi ng kaniyang nakaraan. Nais niyang ituon na lamang sa kaniyang tunay na mga kapatid ang pagmamahal na hindi niya naiparamdam sa mga ito buhat nang sila ay nawalay sa isa't isa.
Vernice Q Nov 2015
Bakit kasi biglaan ko pa rin naaalala ang lahat?
Bakit hindi pa rin kita makalimutan?
Gusto ko ng sumaya.
Gusto ko na din magmahal ng iba.
Pero sa tuwing gagawin ko yun, natatakot ako.

Natatakot akong masaktan sila,
at masaktan ulit ako.
Namamanhid ako tuwing susubukan ko.
Bakit ang hirap pa rin?
Sana may tumulong naman sakin
para lumakas lakas naman ang loob ko.

Kasi hindi ko alam
kung hanggang kelan ko pa kakayanin ang ganito.
Ang hirap-hirap, sa totoo lang.

Dinadaan ko lang lahat sa tawa,
sa pagguhit, sa pagsusulat…
Pero onti na lang, baka bumigay na ako.

Ayoko na ng ganito…
Kailangan ko lang ilabas kasi nakita ko tong picture sa Facebook. Inaamin ko madalas sumasayad sa isip ko to. Sino ba naman ang hindi maiisip to kung marealize mo kung gaano ka kahelpless at powerless na baguhin ang paligid mo. Sino ba naman ang hindi makakaisip na baka may mas magandang lugar para sa ating lahat na kung saan masaya tayo. Yung feeling of guilt kung bakit ako nasa loob ng kotse, naka-aircon tapos may batang kakatok sa bintana mo at siya ay walang makain, tapos pag inabutan mo magsasabi padin ng "Thank you po.", sabay bibili ng sundae sa Mcdonald's. Tangina lang diba, kasi bata lang din sila at gusto nila maenjoy ang buhay. Tapos, magmaneho ka lang sa Quezon ave, may kakatok sa bintana mo humihingi pagkain or limos. Tingin ka sa Quiapo may mga matatandang nanlilimos, tapos, masayang masaya pagka binigyan mo ng pagkain, nakakaputangina. Nung nag Davao kami, yung mga nagbebenta ng perlas dun alam **** isang kahig isang tuka ang buhay nila, isang tingin mo lang alam **** sobrang hirap ng buhay. Nakakagago pala talaga ang pakiramdam ng pribelehiyo no? Kasi andun ka lang para mag lamyerda at gumastos ng madaming pera. Yung feeling na nagiinstagram ako ng walang kakwenta-kwentang bagay tapos may namamatay sa gutom sa ibang lugar, may naaabusong ofw sa middle east, yung mga nasa Mindanao napapagitnaan ng gulo. Yung nakikita **** sales lady sa SM na alam **** todo kayod para kumita ng pera sa Maynila pero tangina hindi nabibigyan ng tamang benepisyo at kontraktwal padin. Ang swerte ko. Ang sarap ng buhay ko. Sa sobrang sarap, napakaunfair na at nakakagago na dahil di ko din masabing ayaw ko ang buhay ko, pero ayaw ko din ang mga nakikita ko. Ang labo no? At bilang isang ordinaryong tao, wala kang magagawa para matulungan sila na maglalast sakanya. Hanggang abot ka lang ng barya kasi di mo pwede isacrifice sarili **** kapakanan para sa iba. Dahil ganun na ang mundo ngayon, sarili ko muna bago iba. Pero masisisi mo ba yung pagiisip na ganun kasi may kanya kanya tayong mga problema na dulot ng pagiging myembro ng society? Duwag tayong lahat. Duwag na tumulong sa abot ng makakaya natin kasi takot tayo na baka tayo naman ang mapunta sa ganung kalagayan kapag binigay natin ang lahat. Tulad ko, pasuicide suicide pa pero duwag akong gawin, hanggang sagi lang sa isip ko, tangina ko eh no? Dahil yung nakakatulong lang talaga yung may tunay na tapang. Katulad ni Mother Teresa ang daming tinulungan at inalagaan, pero ironic dahil nawala ang paniniwala nya sa Diyos dahil sa nakita nya nasobrang hirap na dinadanas ng mga taong inaalagaan nya. Putangina ng Mundo. Bakit ba tayo nandito? Pagtapos nito balik na ko sa normal. Tangina nyo.
JK Cabresos Dec 2011
'Sang gabing walang kasintulad ng dati,
nang naglalakad ako sa tabi-tabi:
animo'y may sigaw na naulinigan
hinanap ko't ng ako'y napatulala
     sa 'di makatarungan.

Tumulong ako kahit 'no pang mangyari
para sa taong walang-awang pinaslang;
'di alam ang gagawin at pupuntahan
nakita'y may mataas na katungkulan.

At nang dumungaw ako sa paglilitis,
nabilanggo'y hindi totoong maysala;
dahil lang nga ba sa kapalarang itim
o mayro'n lamang s'yang kapit sa patalim?

Ngayon nga'y nandito ang pusong sugatan,
baon sa kalungkutan dulot ng rehas:
katarunga'y 'di pa batid kung nasa'n na,
patuloy  na lang ba akong mabubuhay
     sa nakatagong saya?
© 2011
Sa Pagsabay sa daloy ng buhay
Masaya kung may kaagapay
Kasama sa bawat paglakbay
Ng mga paang nais lamang na may karamay

Subalit ang lahat ay di ganun kadali
Ako ay iniwan dahil lamang sa pagkakamali
Sa Isang iglap, kasiyahan sa aki'y binawi
Saan nga ba mapupunta ang puso kong sawi

Ngunit Mag-isa man ay hindi dapat huminto
Sa laro ng buhay ay patuloy lang sa pagtakbo
Sa bawat pagsubok, mag isa man ay hindi susuko
Madapa man at walang tumulong, lalaban pa rin ako
solEmn oaSis Apr 2017
hindi siya isang pintor
at ni hindi rin isang iskultor
ngunit nais na niyang maipinta
sa tulong ng mahiwagang tinta
yaong sa kanya'y humihimok
:mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!
Maging ang napakatayog na bundok
aakyatin niya hanggang mayapakan iyong rurok
at muli doon sa ibabaw
kanya pa ring isisigaw
ang mga pasaring ng kanyang abot-tanaw
bukam-bibig niyang imemensahe ang lihim sa liham nitong Tanglaw at Panglaw!
Bagamat minsan na niyang pinailanlang
yaring tagumpay na sa kabiguan ay sumalansang
at kung ating susuriin,di lahat ng kabalisaan ay gaya ng tubig sa pampang
sapagkat mayroong kapayapaan sa gitna ng kagulohang humahadlang.

Sa tuwinang pagmamasdan niya
ang walang pakpak na mga anghel sa lupa,
sa mga sandaling ramdam niya
ang mapanganib na mga lobong nag-aanyong tupa.
Iisa lamang ang katanongan na sa kanya'y sumasagupa
"ano nga ba ang kasagotan sa mata-pobre upang ito ay magpatirapa?"
nang sa gayo'y matutong manikluhod sa Dakilang Lumikha
Maiwaksi ang pang-aalipusta sa mga dusta
Huwag nang malunod pa sa yaman sa halip tumulong sa aba at dukha
sabi nga niya... ITAGA MO SA BATO AT SA TUBIG AY ILISTA
"hindi lang bilog ang kaya kong paikotin"
Ayon pa sa kanya--aking uulitin
"magagawa kong iluklok
ang magnasang maging nasa tuktok
basta't may kalakip na pag-ibig sa nasasakopang sulok"

hindi siya isang pintor
at ni hindi rin isang iskultor
ngunit nais na niyang maipinta
sa tulong ng mahiwagang tinta
yaong sa kanya'y humihimok
:mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!
learn to move
move to learn

*April 9 Araw ng Kagitingan sa Pinas
kingjay Dec 2018
Ngunit walang kaparis ang hinahanap na piyesa
Di mabibili gaya ng rubi't iba pang mamahaling bato
Tuluyan man pinabayaan ito'y di mapapalitan ng bago
Iisa lang ang puso ng saging sa mundo

Ang pagitan ay sinagtaon sa kinatatayuan at mithiin
Anggulo ng teleskopyo ay bahagya na pahilis
Lumihis ang tanaw sa Polaris
Paano matunton kung nalito sa direksyon
Maabot kaya ng radyasyon?

Guhitan nang matuwid ang Norte
Kumakapit pa sa pinaglalaban ang pobre
Sa dibinong galamay ng sansinukob
ang tumulong para hagilapin ang nawawalang bituin
at sulsihin tulad sa bahay-gagamba

Maitim na imahe ay nananakal
Tinangka na dakmain ito ngunit di masalat
Kumalma at hinay hinay gumulong,
inikot ang busol
Naalimpungatan nang lumabas datapwat panaginip ang lahat

Munting ninanais ay maisakatuparan kung ano ang nasa isip
Nang hindi na makagalaw, susunduin ng awa
At may aampon- habag ni Bathala
Mamamayan ng Kanyang paraiso'y manunumpa
JOJO C PINCA Nov 2017
“The future depends on what you do today.”
― Mahatma Gandhi

Nakakapagod ang mangarap, yung naglalakad habang nananaginip ng gising, para ka lang gago na pabalik-balik, walang simula at walang katapusan. Walang ipinagiba sa mahabang dalampasigan habang sa taas nito ang hindi masukat na kalawakan, oo ganito ang mangarap at umasa ng dilat. Kung bata ka ayos lang na managinip kahit paulit-ulit lalo na kung hindi ka makatulog. Pero hindi kana bata, matanda kana – maanghang na ang utot mo hijo.

Sana ang buhay ay isang pangarap, sana lagi na lang ang tao nangangarap. Subalit ang buhay ay isang banyuhay kung saan ito’y laging nagbabagong hugis at anyo. Kailangan matuto kang humarap at sumabay sa mga pagbabago kahit ang mga ito’y sadyang nakakapanibago. Matanda kana hindi kana bata, ihinto na ang mga panaginip at kumilos ka ng ayon sa tawag ng kasalukuyan. Ang bukas (kung aabutan mo pa ito) ay nakasalalay sa iyong ngayon.

Matuto sa aral at karanasan ng iba pero ‘wag na ‘wag **** susundan ang kanilang anino, gumawa ka ng sarili **** liwanag. Maging pantas ka gamit ang sarili **** panulat, padaluyin mo dito ang laman ng iyong utak. Hindi lahat ng magaling mag-isip ay matalino kaya’t ‘wag **** kalilimutan na gamitin ang laman ng iyong puso. Bigyan mo ng respeto ang iyong sarili, ‘wag kang mangopya dahil hindi ka naman si Tito Sotto.

Ang lupa ay matagal nang sinalaula ng mga mapagmahal kuno sa bayan at ng mga ipokritong nagsasabing maka-diyos daw sila, utang na loob ‘wag ka nang dumagdag pa. Itigil mo na ang pananaginip mo ng gising dahil tanghali na, bumangon kana at gumawa. Gumawa ng mga mabubuti at kapakipakinabang na mga bagay. Mahalin ang sarili at ang kapwa na tulad sa’yong sarili. Iwasan mo ang umangal kung ibig mo’ng maging marangal.

Sinunog at winasak ng mga ulol na tao ang mundo, laganap ang kahirapan, ang kaapihan at naglipana ang mga patay-gutom na walang tunay na kumakalinga at gustong tumulong. Panahon na para bumalikwas ka sa’yong pagkakahimbing, gawin mo ang inaakala **** magaling basta’t hindi ka makakasakit sa damdamin ng iba.  

Hindi ka isang propeta pero sige sumigaw ka sa ilang kung kinakailangan, tawirin mo ang mga hangganan at gawin mo kung ano man ang tinitibok ng iyong damdamin. Ngayon ang tamang panahon upang ihasik ang iyong sigasig at mga kaisipan dahil kung hindi ay wala kang aanihin pagdating ng bukas na ‘yong inaasam.
Mahirap gawin.
Wala kang oras.
Hindi mo na matatapos.

Bakit?
Dahil hindi mo na kaya?
Pagod ka na?
Inaantok ka na?
O tinatamad ka lang?

Marami ka ba talagang ginagawa. Marami ba talaga ang mga pinapapasa kaya natambakam ka na?

Tumingin ka sa oras. Ang bilis ng takbo katulad ng pag higa mo sa kama sa inaakalang magigising ka ng umaga para mka gawa.
Parang kapag nag babasa ka at naka tatlong sanaysay ka na. huminto, nagpahinga at sinubukang mag basa ulit. Naka anim ka na, umupo, nagbasa, nagpahinga malapit sa kama, nahiga habang nagbabasa at unti unting pumikit ang mga mata.

Bangon! sabi ng orasan na nagpapahiwatig sayo na gawin mo ang bagay na ito. Na kaya mo naman talagang tapusin.

Bangon! sa pag iilusyon mo na pagod ka na sa isang damakmak na gawain.

Bangon! para sa mag papel na nasasayang. Sa mga mamamayang nawawalan ng laman ang bulsa.

Bumangon ka! Wag kang magpahinga lang! Hindi ka tamad!
Masipag ka! Hindi sa pagpapahinga, kundi sa pag kilos!

Kumilos ka para sa kinabukasan ng ating bansa, sa ika uunlad ng taong mga tumulong at sa pawis na tumulo sa sahig. Wag **** hayang punasan lang nila ang pawis na iyon. Tanggalin mo!

Kasi minsan nasa isip mo lang na hindi mo kaya pero alam ko at alam mo na magagawa mo ang bagay na iyan. Gawin mo sana!
Ngayon ko lang nakita ang mga gagawin ko sa Local History namin. Sobrang dami kaya naisipan kong magsulat. :))) Kaya ko to!
JOJO C PINCA Dec 2017
sinusunog na mga bahay,
sinasamsam ang mga ari-arian,
sinasaktan pati ang mga bata,
ginagahasa ang mga babae,
at pinapatay ang mga lalake.
ganito araw-araw ang kanilang sinasapit,
hindi sa kamay ng mga tulisan o rebelde,
hindi sila ang salarin sa pang-aapi,
kundi ang estado at militar ang pasimuno.
sila ang pasistang halimaw na naninibasib,
pagkat gusto nilang maubos ang mga Rohingya.
hindi daw sila taga Burma,
latak daw sila ng mga Arabong dayo,
kaya kailangan na sila'y malipol.
walang magawa si Aung San Suu Kyi,
pati s'ya hawak sa leeg ng militar.
walang ginagawa ang Amerika at UN,
palibhasa wala silang mapapala sa mahirap na bansa.
isa na naman ba itong Rwanda,
o katulad sa Gaza?
walang gustong tumulong sa kanilang walang pakinabang.
maramot ang saklolo sa mga madaling maloko,
hindi kinakalinga ng langit ang mga tunay na api at kapos palad,
sapagkat ang mata ng kasaysayan ay nakatuon lagi sa Europa
at sa mga bansang masagana.
Oh Pinakamakapangyarihang Dios Ama
Tagapaglikha ng tao, langit at lupa
Panginoon ng Silangan, Kanluran, Timog at Hilaga

Kailan Mo po diringgin
Ang sampung taon ko nang panalangin?
Pag-ahon sa karimlan ay akin nga bang sasapitin?

Kayraming tao sa mundo ang sadya **** pinagpala
Hinandugan ng kapangyarihan at limpak na pera
Subalit kanilang ginamit sa mali at masama!

Ako na itong alam Mo kung saan gagamitin
Negosyong pangtustos sa pagkaparing nais tahakin
Puhunang tutulong sa mga taong may mabuting adhikain

Bakit ipagkakait sa nais pagsilbihan Ka?
Sa may hangaring tumulong sa kapwa at sa bansa?
Dakilang Tagumpay sa Philippine Lotto sa akin po ay itadhana!

-06/27/2015
(Dumarao)
*My Prayer Poems for Ultimate Victory Collection
My Poem No. 370
Ako ang nandito.
Bakit binabalewala mo?
Ano?
Ano ang dapat na gawin ko para ako ay mapansin mo?
Ano ang meron siya na wala ako?
Ano ang kailangan kong gawin para makita  mo na ako ang nagmamahal sayo?
Ilan?
Ilan na tula ang dapat kong gawin para mapahanga ka?
Ilan na taon pa ang kailangang lumipas para malaman mo na mahal kita?
Ilan beses ba dapat ako tumulong sayo para maliwanagan ka?
Ilan beses ba dapat ako masaktan para lang sayo?
Ilan beses ko ba dapat ipakita sayo na mahal kita?
Ilan beses ba dapat ako magpakatatag at lumaban sa isang pagmamahal na ako lang yung nagmamahal?
Kahit tumingin ako sa iba. Ikaw pa rin talaga. Sana malaman mo :)
No Name Feb 2022
Anu ba ang pandemya?
ito ba ay parang hawla
na lahat tayo ay naka kubli
naka kulong sa apat na sulok
na wala na magawa
kung hindi naka totok telepono
naka tingin sa telebisyon
na araw araw di nag nagbabago!
nagbabago ang balita
na ang maralita ,
maralita lng ang nabubuhay ng normal?
pero hindi lahat tayo ay tinamaan
ibat ibang kwento
ibat ibang karasanan.

Nawalan ng trabaho
Nalugi ang negosyo
Naiwan ng mga minamahal
at wala namang maayus na tugon
walang kasiguraduhan
kung meron mag babago
sa mga bukas na haharapin
sapagkat tayo ay naging alipin
naging lumpo, tayo dahil sa pademya
lahat bay randam na?
ang pahirap at pasakit

Ramdam ko at ramdam nyu
ang malaking pagbabago
tinatawag nilang bagong normal.
bagong normal na di natin ginusto,
pero wala na tayong magagawa
andito na to.

Kaibigan , kapatid
sana tayo ay di sumuko
alam ko mahirap
pero tayo ay mag sumikap
tayo ay tumulong.
tayo mag kaisa
para ating boses ay umugong
Isigaw ng sabay sabay
na ngayun pandemya tayo
ay pantay pantay
lahat tayo ay may maitutulong
maliit man o malaki.
patuloy sa pagdarasal
na sa huli
tayong Pilipino parin ang magbunyi
unknown Mar 2020
sa ilalim ng mga ngiti sa aking labi,
ay may nakatagong lungkot at pighati,
naguguluhan sa mga desisyong pinipili,
patuloy na pagku-kuwestiyon sa sarili.

pilit inaalam kung ako ba'y may importansya,
sa mga taong tinulungan kong magkaroon ng pag-asa,
lubos ang pagbibigay at aking isinakripisyo,
ngunit bakit tila wala naman yatang epekto?

pipilin lamang sa oras ng pangangailangan,
babalewalain sa oras na hindi mabigay ang kanilang kailangan,
ganito ba talaga ang mundo?
kilala ka lang kapag kaya **** ibigay ang kanilang gusto?

hindi nila nakikita ang aking kalungkutan,
dahil hindi naman nila gustong malaman,
at sino ba naman ako para magreklamo?
isang taong tumulong sa kanilang bumagon sa mundong magulo.
ig: seluring
twt: seluring
fb: seluring
follow meeeeee!
Joseph Floreta Dec 2022
Akala ko ang Pagkukusa ay nakabubuti, Akala ko lang pala.
Sa bawat pagkukusa ko ay inuubos ko na pala ang aking sarili.
Sabi ng taong mahal ko,
Hindi naman masamang tumulong dahil ano't ano pa may pamilya ko pa din sila,
Hindi ko naman sinabing mali siya,
Hindi ko rin sinabing tama siya.
Dito ko napag tantong,
Hindi lahat ng pagkukusa ay nakabubuti.
Oras na para isipin ko naman ang aking sarili.
Mahirap makisama sa pamilya
Aphrodite Jun 2020
Bawat segundo, minuto, buwan at taon,
Lahat ng ito ay  lumilipas at nagbabago,
Lahat ay napapalitan ng 'di inaasahan,
Walang permanente sa mundo kaya oras pahalagahan ng husto.

Hanggang buhay ka pa, mahalin mo ang mga magulang mo,
Habang nakakangiti ka pa, ngumiti ka at tumawa,
Habang nakakalakad ka pa, tumakbo ka't gumala,
Habang nakakarinig ka pa, pakinggan mo ang huni ng ibo't likha ng Diyos.

Habang malakas ka pa, tumulong ka sa kapwa mo,
Habang bata ka pa, magsaya ka kasama ang tropa mo,
Habang kaya mo pa, gawin mo ang lahat ng gusto mo,
Kasi maaaring isang-araw, wala na ang mga ito.

Pahalagahan mo at mahalin mo ang nasayo,
Huwag lumimo't bagkus magpasalamat sa Maykapal,
Ang buhay natin ay hiram lamang,
Kung kaya't bawat oras 'wag sayangin bagkus pahalagahan.

— The End —