hindi siya isang pintor at ni hindi rin isang iskultor ngunit nais na niyang maipinta sa tulong ng mahiwagang tinta yaong sa kanya'y humihimok :mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok! Maging ang napakatayog na bundok aakyatin niya hanggang mayapakan iyong rurok at muli doon sa ibabaw kanya pa ring isisigaw ang mga pasaring ng kanyang abot-tanaw bukam-bibig niyang imemensahe ang lihim sa liham nitong Tanglaw at Panglaw! Bagamat minsan na niyang pinailanlang yaring tagumpay na sa kabiguan ay sumalansang at kung ating susuriin,di lahat ng kabalisaan ay gaya ng tubig sa pampang sapagkat mayroong kapayapaan sa gitna ng kagulohang humahadlang.
Sa tuwinang pagmamasdan niya ang walang pakpak na mga anghel sa lupa, sa mga sandaling ramdam niya ang mapanganib na mga lobong nag-aanyong tupa. Iisa lamang ang katanongan na sa kanya'y sumasagupa "ano nga ba ang kasagotan sa mata-pobre upang ito ay magpatirapa?" nang sa gayo'y matutong manikluhod sa Dakilang Lumikha Maiwaksi ang pang-aalipusta sa mga dusta Huwag nang malunod pa sa yaman sa halip tumulong sa aba at dukha sabi nga niya... ITAGA MO SA BATO AT SA TUBIG AY ILISTA "hindi lang bilog ang kaya kong paikotin" Ayon pa sa kanya--aking uulitin "magagawa kong iluklok ang magnasang maging nasa tuktok basta't may kalakip na pag-ibig sa nasasakopang sulok"
hindi siya isang pintor at ni hindi rin isang iskultor ngunit nais na niyang maipinta sa tulong ng mahiwagang tinta yaong sa kanya'y humihimok :mga kulay at puno sa diwa niya'y nakalilok!