Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Tumambad sa akin ang rehas
Na may tuklap-tuklap na nakaraan,
Minsa’y puti, ngayo’y sinag na ng araw.
May mga banderitas ding panlayag
Siyang simbolo ng mainit na pagbati.

Nakaririnig din ako ng padyak ng mga paa
Sabik sa halik ng lupaing hindi naman pag-aari.
Ang pagtatampisaw sa putikang
May sirit ng pagmamadali.
Ang pagkalampag ng pintuang walang tirahan
At ako’y maiiwan, nakatali sa silyang lupain.

Sampung minuto raw
Sampung minuto ring tumatagas ang mga alaala
Sampung minutong pagiging saksi ng ebolusyon
Ng waring walang himpil na pagtatantya ng pagkakataon.

Nilalatag ko nang paulit-ulit
Ang mga kwento ng bawat katauhang kasapi sa kwento
Sa kwento nilang paulit-ulit na binabasa
Buhat sa matatapang na mga matang
Hindi ko man lamang masuyo.

Nililingon ko sila sa aking paghihintay
Ako’y hindi kilala, bagkus binabalikan.
Malaya ko silang pagbubuksan,
Yayapusin ng buo kong pagkatao.

Hindi ako mapapagod sa pagkukutya sakin ng kalsada
Sa’king mga pagal na mga paang rumorolyo.
Patuloy kong iindahin ang bawat misteryo ng lubak at patag,
Maihatid lamang sila, sa panibagong kwento ng paglisan.
111422

Namumuo ang pawis sa kanyang kamao
Tila ba sapat na ang mga galos na kanyang natamo.
At dali-dali nyang sinarhan ang silid
Na walang ni isang palamuti ng kapaskuhan,
“Nandito — nandito na ako sa ikatlong palapag,”
Aniya sa kabilang linya.

Kinuha niya ang lapis
Buhat sa luma nyang aparador —
Puno ng alikabok
Na kahit ilang pagpag na’y
Hindi naririndi sa pagbuga
Ng umaalingasaw nitong karumihan.

Naupo sya’t napapikit na lamang
Inaalala ang bawat detalye
Ang bawat katagang kanyang narinig
Ang bawat imaheng nais nyang takasan.

Nanginginig pa rin ang kanyang mga tuhod,
At nangangalay ang kanyang mga kamay.
Habang tumatagas ang pawis nyang
Kulay itim sa malagim na gabi.

Naghihintay ng sagot
Sa mga katanungang saksakan ng ingay
Sabayan pa ng sunod-sunod na putok
Ng mga sumasalubong ng Bagong Taon.

At sa kanyang di sinasadyang pagdungaw
Sa bintanang walang kurtina’y
Nabaling ang kanyang tingin
Sa buwang napakaliwanag
Tila ba may taglay itong kung anong elemento —
“Mahiwaga,” wika nya.

Ang mga larawan sa kanyang balintataw
Ay unti-unting gumuho
At napalitan ng imahe ng buwan .
Akala nya’y makakatakas na siya sa liwanag nito,
Akala nya’y ito na ang huling kathang
Kanyang maililimbag sa kanyang kwento.

Maya-maya pa’y sa dulo ng kanyang dila’y
Hindi nya maipaliwanag
Ang kung anong himig na kanyang sinasalaysay
Na tila ba may boses na nag-uutos sa kanyang
Bigkasin ang mga pangungusap
Na hindi nya ninais na sambitin.

Mahigpit ang pag-akap ng kanyang kamay
Sa lapis na guguhit at tutuldok sana
Sa kanyang masalimuot na nakaraan.
At muli nyang pinagmasdan ang kalangitan
Hindi na buhat sa sarili nyang bintana
Pagkat hayag sa kanya maging ang mga bituin.

Dahan-dahan nyang itinuro ang buwan
Gamit ang lapis nyang hindi man lang natasaan —
“Sayang, ngayon lang Kita nasilayan…
Sayang, pagkat hanggang dito na lamang.”
083021

Lumilipas ang mga araw
Na tayo’y waring mga plumang
Nauubusan ng tinta.
At habang tumatagas
Ang huling patak sa ating mga timba’y
Ayaw pa rin nating magmadaling gumayak
At magpatangay sa mga sinag ng araw.

Sa unang mga paglisan ay nauubos pa ang ating mga luha
Ngunit sa mga sumusunod na kabanata’y
Tayo’y minamanhid ng tadhana.
Kasabay ng pag-usbong ng mga buhok na luma'y
Kumukupas ang mga larawang
Dati'y araw-araw na pinupunasan.

Ang bawat batiang noo'y nakatagas ang ngiti'y
Magiging pasalubong na may ibang palamuti.
Kaya naman ang hamon sa nalalabing panahon,
Ay ating sabayan ang agos
Habang ang lahat ay nakadilat pa.
Pag-ibig na laan at bihis sa ati'y
Maging kumikinang na diyamanteng
Sasalamin at aakap sa iba.
Cepheus Jun 2019
Ako yung pending
Na nalimutan **** asikasuhin
Isipin
Sa dami ng iyong gagawin
At dalahin
Nawala sa iyong isip
Dahil na din siguro ika'y makakalimutin
At ang iyong isip ay lumilipad sa hangin
At sa sakit
Na di mo pa kayang burahin

Pero ako yung pending
Na nandito pa din
Na mananatili
Sa iyong tabi
Parang aninong
Bubuntot buntot
Na 'di ka hahayaang mag-isa
Sa dilim man ay iyong kasama
Paglingon mo, ako ay tatawa
Makaguhit man lang kahit papaano ng ngiti sa iyong mukha

Kahit na ako yung pending
Na di ko alam kung kailan mo balak gawin
Kung gagawin nga ba o buburahin
Na nakatawa man ay may kirot pa din
Na tumatagas pag ikaw ay 'di nakatingin
Hahaha heto na naman akong martir
Pero ayos lang hihintayin kitang gumaling
Mananatili hanggat hindi papaalisin
Sarili mo muna ang iyong mahalin
At saka na ako isipin
XIII Nov 2019
Ako yung pending
Na nalimutan **** asikasuhin
Isipin
Sa dami ng iyong gagawin
At dalahin
Nawala sa iyong isip
Dahil na din siguro ika'y makakalimutin
At ang iyong isip ay lumilipad sa hangin
At sa sakit
Na di mo pa kayang burahin

Pero ako yung pending
Na nandito pa din
Na mananatili
Sa iyong tabi
Parang aninong
Bubuntot buntot
Na 'di ka hahayaang mag-isa
Sa dilim man ay iyong kasama
Paglingon mo, ako ay tatawa
Makaguhit man lang kahit papaano ng ngiti sa iyong mukha

Kahit na ako yung pending
Na di ko alam kung kailan mo balak gawin
Kung gagawin nga ba o buburahin
Na nakatawa man ay may kirot pa din
Na tumatagas pag ikaw ay 'di nakatingin
Hahaha heto na naman akong martir
Pero ayos lang hihintayin kitang gumaling
Mananatili hanggat hindi papaalisin
Sarili mo muna ang iyong mahalin
At saka na ako isipin
© Cepheus June 5, 2019

— The End —