Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"suwail" poems
Pagmasdan ang tanawin sa labas ng bintana Hindi ang sandaling sa kulungan Ito'y sa bawat saglit na nag-iisa ang matinding lungkot na nadarama Ipinta ang larawan ng estado Berde,dilaw,pula kahit anuman ito'y walang sigla Sa mga mata puro puti -tinta ng lahat ng kasalatan Bagwis na malapad taglay ang malakas na hampas Ngunit nanatiling suwail sa hangin hindi na makalipad Isang akyat pa sa hagdan Ang patpating nilalang ay uhaw sa pag-uwi ng titulo Karangalan ang pagtitiis Ang pagwawagi ay bihira lamang Sa taglagas ay ang pagsibol ng mga tanim sa palayan Kunting saya sa isang linggong kasawian Ilang ulit kaya sa isang buwan? Ang orasan ay panauhin sa pagkakaylan man na paghimbing Hindi linggatong kung ituring Ito'y paala-ala na hindi pa kamatayan
0
Dec 4, 2018
Dec 4, 2018 at 4:52 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #6
Ang maputing blusa ay nakakasilaw Dating mag-aaral sa paaralan ngayon reyna na ng kanyang natupad na pangarap Lumaki na ang agwat ng katayuan Distansiya na di malagpasan Subukan bang habulin Kung gaano kalaki ang kagustuhan ganun din ang siyang kabiguan Sa lagaslaw ng tubig sa alon Ang payak na pamumuhay sa gitna ng daluyong Sa araw ng mga  puso ay walang aaminin Ang pag-irog ay hindi mabubunyag Karugtong ng kwento ay maging nalilingid na alamat Iniukol sa kanya ang kalatas Suungin ang daloy ng ilog Pilansik sa balat ay parang asido sa dugo na tinutunaw ang puso Sa lalim ay malulunod, sa babaw ay ang hininga malalagot Suwail sa kalangitan Kung ito'y nakatadhana at ang mga yapak ay nabilang Sana'y maunawaan ang inaasal Sampung hakbang ang layo sa kanyang likuran
0
Dec 27, 2018
Dec 27, 2018 at 6:27 PM UTC
Ang Buhay sa Takipsilim #33
#112715 #4:25PM “Banaag ko ang Wikang tugon; O Giliw na siyang inaapuhap, Sayo ang bituing salin sa tatsulok Sayo ang kambal ng Langit at Dugo.” Mala-unos ang bungang may diin. Salawal ng kataga’t tugma’y banderitas na puti, Doon nabuo ang Kasaysayang hindi makasarili. May iilang Juang Hudas, Bumalasubas sa Bayang itinakwil Kaya’t suwail ang makabagong talinhagaMay lalim sa pag-unawa Bagkus ang isip ay libingan ng mga diktador Na siyang puspos sa paghihikahos. “Paumanhin, Giliw Pagkat ang puso’y may gitgit.”
0
Nov 27, 2015
Nov 27, 2015 at 3:46 AM UTC
Philippine Judas
Nilikha man akong walang mga mata, Mayroon naman akong maibubuga. Nariyan ang aking dalawang tainga, Nakikinig sa bawat matatabil niyong dila. May dila rin akong nakakapagsalita, At bukambibig sa isipan ang inyong pag-aalipusta. Ano ngayon kung wala akong mata? Ano ngayon kung hindi ko kayo nakikita? Ano ngayon kung paningin ko ay nawala? Nabawasan ba ang pagmamahal ko sa Diyos na Dakila? Naging suwail ba akong anak katulad ng iba? O nagrebelde dahil sa wala akong kwenta? Nawalan man ako ng ilaw sa aking katawan, Madilim man ang landas na aking dinaraanan, Masaya naman ako sa loob ng aming tahanan. Sina Ama at Ina'y lagi akong ginagabayan. Inaruga, minahal, at hindi pinabayaan. Laging pinapaalalang, ako'y biyaya sa kanilang kanlungan.
0
Nov 22, 2015
Nov 22, 2015 at 1:17 PM UTC
Bulag
Tuwing dapit hapon nagsisimulang umalingawngaw ang mga tinig. Mga alitaptap ay nangingimasok sa mga bukas na sugat. Maaligasgas na mga tunog ay maririnig sa duguang trumpeta. Hindi mawari ang pagsilay ng buwan sa mga matang nakapikit ngunit nakatingin. Pagiyak ng punong kahoy sa pagkabali sa bagyo ng mga pasanin ay siyang namamayani sa gitna ng gabi. Ang bawat pagpunit ay kasabay ng pagikli ng mga pahina. Kumpas ng orasan sa takipsilim naghahayag ng taglagas nang kaunting saya sa isang linggong kalumbayan. Papatayin ng unti unti at iiwang sugatan ng mga pangungusap na hindi maawat. Mapagkunwaring uwak na suwail sa hangin ay hindi na makalilipad. Ang pagwawagi ay bihira lamang.
0
Aug 19, 2021
Aug 19, 2021 at 10:34 PM UTC
"Musika sa gitna ng Dilim"
Waring alabok na dinuyan ng hangin Pagdakay naparam na balintataw sa paningin Ang patak ng kabuluhan sa ganang akin Tila sa sayaw ng mundo nakikipag piging Hindi nga akma sa daigdig na mapaniil Ang musmos na anyo na nasisiil Ngunit kung mag mukmok di papipigil Ang Sanlibutang nangangalit at nanggigigil At sa sinomang bumigkas noo ay mangongonot Waring tiwala'y lubusan nang pinagdadamot Sa pag bihis ng panahong umiiksi ang kumot Hangal namang patuloy na namamaluktot Kung may mga susunod pang pagkakataon Nais ay suwail naman ang ganap na yaon Pagal na sa maginoong landas paroon Paumanhin sa himutok ng batang gising sa ngayon. -JGA
0
Aug 11, 2021
Aug 11, 2021 at 11:27 AM UTC
Alabok
Pilipinas anong nangyayari sa'yo? Ang dating bayan ng matatalino. Bakit, lahat ata ay nawala na sa huwistyo. Ginagawang biro pandemyang ito. Huwag po sana tayong ningas-kugon. Noong una lamang magaling ang pagtugon. Ngunit naging suwail at pabibo ng naglaon. Sige lang, hanggang lahat na tayo nakabaon. Hindi ninyo ba talaga alintana? Ang sa ating lahat ay nagbabadya. Kalabang di nakikita, sakunang nakadamba. Walang malakas, walang mayaman lahat tayo ay biktima. Hindi ba kayo naaawa sa mga bata at matatanda. Idagdag nyo pa ang mga may sakit na madaling mahawa. Maaaring ilan po sa kanila ay iyong kapamilya. Tumahan ka po sa bahay para sa kanila. Tulungan po natin ang ating lingkod bayan. Mapa Sundalo, Doktor, nars o basurero pa yan. Huwag nating dagdagan hirap na kanilang pinapasan. Huwag na nating ilagay buhay nila sa kapahamakan. Huwag na po nating antayin lumalim. Hanggang masaksihan ang di kakayaning lagim. Magdadala sa ating buhay at bansa sa takipsilim. Pakiusap, tayong lahat ay magdasal ng taimtim. Labanan po nating lahat ito, Kapwa ko Pilipino. Iyan ang lahi ko at lahi mo. Diba likas sa atin ang pagiging matatalino. Ngayon natin patunayan ito. Sumunod na po tayo sa Gobyerno. Simpleng utos na kayang sundin ng kahit kanino. Wag na pong lumabas ng bahay ninyo. Kung di man lang importante ang rason nito. Sumunod na po tayo, Please lang Ang makukulit ay babarilin, BANG BANG Para kang latang nasipa, TANG TANG Andyan na ang sundo mo, **** **** Siguro nga kailangan na ang Kamay na bakal. Para ang mga suwail tuluyang masakal. Ang rason ay masarap ang bawal. Kaya pati buhay ng iba ay isusugal. Huwag na nating pabayaan, Inang bayan. Matatalo lamang itong kalaban. Kung tayong lahat ay magtutulungan. Bagkus na magturuan at magsisihan.
0
Feb 1, 2021
Feb 1, 2021 at 8:25 AM UTC
LABAN NATIN ITO" (CoVid ayaw namin sayo) Babelot

Continue reading...
44
at sa tuwing suwail ang mundo kapag ipapakita nito sa'yo ang pangit sa pangit tuwing dama mo ang pag iisa sa kabila ng piling ng iba kapag tila inuunti unti tayo sa sarili nating mga laman at loob hayaan **** kainin kita hayaan mo akong kainin lahat ng di kaaya ayang pakiramdam hayaan **** pakainin kita ng libog, kilig at lambing hayaan **** pakainin kita sa labas at sa loob ng hardin dahil kahit galing ka pa sa labi at balat ng iba dahil kahit nagmumog ka pa sa pawis, laway o dura tanggap pa rin kita kahit mayroong pangalawa anuman ang mangyari o mag iba man ang lasa lulunukin pa rin kita.
0
Jul 1, 2020
Jul 1, 2020 at 1:57 AM UTC
patlang