Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"sasaluhin" poems
Sabi mo gusto mo ko, umaabot sa "Mahal kita". Lagi mo kong tinatanong kung "Kamusta kna ba?" Wala ni isang araw na hindi mo pinaramdam na mahal mo ko. Hindi ako sanay sa ganoon dahil sino ba naman ako? Isang simpleng babaeng walang ganda, Kaya ako'y nagtataka. May pagkakataon na hindi ka ulit magpaparamdam, Alam mo ba na nakakalma ang puso ko pag walang ikaw? Pero babalik ulit sa tuwing nagpaparamdam ka na naman. Ano ba talaga? Ganito ba yung sinabi **** Mahal mo'ko? Sana 'di na lang umabot sa "Mahal kita", kung ganto lang pala. Sana 'di mo pinaramdam na mahal mo 'ko hanggan dun lang pala. Kasi umaasa ako kahit walang tayo. At dahil nahulog na rin ako, umaasang andyan ka lang at sasaluhin ako. Pero ganun pala talaga yun 'no? Kung kailan mahal mo na ang taong mahal ka tsaka kanya iiwan ng walang dahilan...
0
Jan 31, 2017
Jan 31, 2017 at 10:58 AM UTC
Pinaasa
Hindi mo ba alam na ako'y nasasaktan,
 Sapagkat hindi ko makalimutan ang mga pinagdaanan,
 Palimos naman ng pagtingin mo,
 Bigyan mo ako kahit na kapiraso. Ni minsa'y hindi mo tinanong kung ano ang lagay ko, Pagkaing mga niluto mo ay hindi mo hinahain sa harap ko,
 Lumaki akong may hinanakit sa buong mundo,
 Kung tutuusin, itong lahat ay kasalanan mo. Kung minahal mo lang sana ako at tinanggap,
 Hindi ka na sana nahihirapang magpanggap,
 Sa ibang tao kapag ika'y nakaharap,
 Walang bakas ng kahit na anong pangyayaring masaklap. Ang tanong ko palagi'y bakit binuhay mo pa ako? Gayong palagi mo namang ipinadarama na hindi mo ako ginusto,
 Kahit anong galing, kahit na anong pagbida ang gawin,
 Pipikit ka upang hindi mo ako mapansin. Hindi mauubos ang aking mga bakit,
 Dahil sa kabila ng lahat ay mahal kita kahit na anong sakit,
 Sa aki'y ipukol mo ang lahat ng iyong galit,
 Sasaluhin ko ang hinaing sa mundo **** mapait.
0
Apr 12, 2016
Apr 12, 2016 at 5:45 AM UTC
Aking Ina..
ibinuhos ko ang aking damdamin sa pagbabakasakaling lahat nito, iyong sasaluhin pero hindi natapon lamang at maiiging sinipsip ng lupa; nagpatubo ng isang damo, isang munting makahiya. ang aking damdamin ay lubos lang nasayang, pero wala ka namang nalalaman. nasa akin lang ang hinayang.
0
Feb 27, 2014
Feb 27, 2014 at 7:01 AM UTC
sayang
pilit **** iginuhit ang mga ngiti sa aking labi kirot at hapdi sa puso ko'y pilit **** ikinubli saksi ang kwerdas ng iyong gitara kung pa'no **** ako'y napasaya sa mga musikang liriko'y animo'y asin sa sugat--masakit ngunit ito'y aking kinakaya. saksi ang langit kung paano mo akong inayos at binuo sa isang iglap basag mo din akong iniwan--ika'y lumayo hindi ko man magawa nais kong tumakbo 'pagkat puso ko'y umasa sa pagibig **** yun pala'y balat-kayo. ginoo, kung ako'y iyong sasaluhin at pagkatapos ay bibitawan lang rin mabuti pang ako'y 'wag mo ng gambalain 'wag mo na ring tuksuhin at sarili kong sugat ay magisa kong paghihilumin ng sa gayon sarili ko muna ang sisikapin kong mahalin. —thana evreux
0
Dec 6, 2020
Dec 6, 2020 at 11:36 PM UTC
sarili muna.
hindi ka pain para saluhin ang lahat ng balang binabaril. hindi lahat ng bala ay iyong dapat sasaluhin. umilag ka dahil hindi lahat ay tinututok sayo. matagal nang hindi kumakasa ang baril dahil nauna mo na itong patamain sa pagibig kong matagal ng namatay.
0
Mar 11, 2020
Mar 11, 2020 at 8:33 AM UTC
baril
ikaw ang ulan at ako ang hamak na daanan kahit gaano katagal o kahit gaano kabigat ang dala mo'y sa akin ka pa din hihimlay babagsak at mahuhulog ka pa din sa akin pupunan ang mala tagtuyot na panahon iaahon sa init ng mga sitwasyon at ngayon sa muli **** pagbagsak ay tandaang sasaluhin ka dahil ikaw ay ulan at ako ang hamak na daanan na kahit hindi man pareho ang pinagmulan ay paulit-ulit na sa akin ka hihimlay babagsak at hihimlay babagsak at walang hanggan na pagmamahalan.
0
Oct 19, 2019
Oct 19, 2019 at 5:13 AM UTC
bagsakan
15 Ang dalagang si Pina Maliksi’t abenturosa 16 Mahilig magtungo Sa bundok pinakaulo 17 Tanging pana ang tangan Mga palaso kasamahan 18 Sa ibon iduduro Makabasag-bungo 19 Dali-daling sasaluhin Ang ibong kukunin 20 Kaytibay na goma Nakakapit sa narra 21 Ang pana ni Pina ay iyon Dala niya saanman pumaroon. -07/08/2012 *Gintong Lupa Series
0
Sep 7, 2019
Sep 7, 2019 at 9:49 PM UTC
Ihipna 3 -Pana ni Pina-