Hello Poetry
Submit your work and get some sparkles! Create free account
"punitin" poems
Minsan ako'y naghahangad at nag nanais ng mga bagay-bagay na bihira ngunit hindi labis sa hating papel na takot sa kiskis ng lapis At dahil sa takot at pangamba ako at ang papel ay naging isa sa takot na masaktan ng tadhana at dahil sa mga salita'y naging dala nagpaka layo-layo kasabay ng agos ng hangin hindi alam na basa at gusot ang tatahakin alikabok at buhangin sabay sa buga ng hangin Ako sana'y patawarin bigyan pa ng kaunting pagpapahalaga sa aking damdamin kahit ano mang mangyari sa akin mabasa man o pagpunit-punitin ako ay papel pa rin. © 2018 Kenneth Bituin All Rights Reserved.
0
Aug 6, 2018
Aug 6, 2018 at 11:01 AM UTC
manipis na bagay
#030817 IKAW Yung salitang gusto kong balik-balikan Yung salitang di ko magawang punitin sa isipan Yung salitang laging natatandaan At yung salitang sana -- Sana'y pangwalang hanggan. IKAW Yung bukas na sasalubungin ko Yung bukas na yayakapin ko Yung bukas na ayoko nang sayangin pa At yung bukas na ayoko nang lisanin pa. IKAW Yung mahal na pag-iipunan ko Yung mahal na pagsisikapan kong abutin Yung mahal na pagtatayaan ko Yung mahal na mas pahahalagahan ko At yung mahal na sana'y -- Sana'y manatali, mahuli man ang dating ko.
0
Mar 9, 2017
Mar 9, 2017 at 6:49 AM UTC
Ubusan na ng Pamagat, Ikaw na Naman
habang lahat ng bagay ay umuusad, ikaw lang ang naging tanging pahinga, tuwing ang mundo ay bumibilis, banayad nating dalawa sinubukan ang tadhana. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay naroon ka sa aking tabi, ikaw ay alon at ako ang dalampasigan, kahit anong baybay habang buhay kitang sasamahan. nakasulat na sa mga bituin at ulap, kahit ilipat sa kahit anong pahina, at punit punitin ang papel natin tayo, tayo parin ang matutuklasan. ang sarap pagmasdan ng iyong palad, nakatupi sa aking mga kamay, tingin mo na walang ibang dinala 'kundi kapayapaan. ikaw ang panaginip na pilit ko tulugan muli, na kung saan ang kwento ay nariyan ako sa iyong tabi, ikaw ang buwan na sumisilip bago gisingin muli ang aking araw.
0
Jan 8, 2017
Jan 8, 2017 at 8:57 AM UTC
panaginip
I. Sinong mag-aakalang matatapos ang lahat sa atin? Naalala mo ba na halos boto ang lahat sa atin? Akala nang iba, ‘di tayo magpaghihiwalay, Akala nang iba, tayo'y walang humpay. II. Noon 'yun, at hanggang akala nalang 'yun. Ang sabi nga nila, “Mahirap tumama ang mga akala” Maraming nadismaya at nalungkot nung malaman nila. Na ang dating hindi mapaghiwalay Ay may bago na ulit buhay. III. Bakit nga ba nawala ang dagitab sa'ting dalawa? Ahh, naalala ko na!Nagloko ka nga pala. Humanap ng iba, Samantalang ako tiwalang-tiwala Na ako na ako lang ang iyong sinta. IV. Ako naman 'tong si tanga, tiwalang-tiwala naman Na hindi mo lolokohin ang isang tulad ko, Tanda mo pa ba? Halos lahat ng sikreto ko alam mo. Pati nga numero ko sa ATM pinagkatiwala ko sa'yo. V. Ang tagal na natin, magli-limang taon na sana, Ang dami kong masasayang ala-ala na mababalewala. Pero aanhin ko naman ang mahabang pagsasama, Kung araw-araw may kahati ako sa'king sinta? VI. Siguro nga'y tapos na ang ating istorya, Nabasa na nila ang bawat pahina, Natuldukan na ang kwento nating dalawa. At nalaman na nila kung ano ka ba talaga. VII. Mas mabuti pa ngang punitin na ang bawat pahina, O kaya sunugin nalang, para mas madali, 'di ba? Pero salamat sa'yo ha. Dahil kahit paano may natutunan ako Na hindi sa tagal ang sukatan ng pagmamahal, sa tiwala!
0
Sep 13, 2016
Sep 13, 2016 at 12:06 PM UTC
Ang Hindi Nagpahalaga
042624 Ang bawat buhay Ay binubuo ng mga pahina ng mga tula Ilang libong libro na may makakapal na kuwento At marahil ang iba’y, sa unang pahina pa lamang Ay maroon na rin ang kanilang dulo. Kakatha pa rin ang Bathala Kahit punitin man ng kadiliman. Lilikha gamit ang Kanyang hininga, Isang idlap, isang kurap Patuloy ang pagbibigay buhay at katuturan. Sunugin man ang mga pahina, Dapuan man ng mga alikabok at mga insekto, Mabura man ang mga letra buhat sa mga patak ng ulan Ay mananatili pa rin ang mensahe’t nilalaman. Sa huli, ang may Akda Ang tanging may hawak ng mga kasagutan Sa mga pahinang hindi natin alam Kung kailan nga ba ang katapusan.
0
Apr 26, 2024
Apr 26, 2024 at 6:14 AM UTC
MaKATHA