Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
astrid Jun 2018
salamat,
sa pagpiling laruin ang aking mga daliri
na tila hindi alintana ang pasmang taglay
na kung lumuwag man ang kapit ko,
ay mas hihigpit ang hawak mo
kung dumulas man ang palad ko,
ay hahatakin mo ako pabalik
patungo sa piling mo
upang hindi tayo maligaw
sa ating mga sariling halik.

salamat,
dahil ilang beses kong pinasalamatan ang kalahatan
pati ang tila pagyakap ng mga unan
sa iyong bawat pagtahan
ang mga salitang kaakibat ng kalungkutan at kasiyahan
at pagmamahalan,
na kung susuriin ay pilit na lumalaban
kahit paulit-ulit kitang pinapahirapan.

salamat,
sa araw-araw **** pagbati ng "magandang umaga"
kahit ikaw ang sanhi ng pag-aalinlangan
kung tama bang magpahatak sa iyong kanlungan.
ilang beses ko bang pagdududahan
ang boses **** tila kandungan
hindi ko man hiningi
ay hinandog ng kalangitan
sa likod ng mga telepono'y nagngingitian
ngunit pipiliin kong ang akin ay hindi mo masilayan
dahil puno ito ng kalungkutan.

salamat,
sa mga pangakong matulin ang pagkakasabi
na bago pa man bigkasin
ay batid ang mariing katotohanan
na paulit-ulit lang itong maglalaro sa isipan.
kahit ilang beses kong pagbawalan ang mundo
na bitiwan mo ang kamay ko
ay nasasakal na ang mga daliri
at humihina ang aking pulso.

salamat,
dahil ang relasyong ito ay tila hindi matatakasan
ang pangungusap na nabubuo'y nagtatapos sa kuwit
at ang mga katanungan ay sinagot ng pilit.
ang bawat "mahal kita" ay naging nakaririndi
nagbabalitaktakan kung kanino ang mas dinig
pilit man lakasan ang aking tinig
ang panawagan kong umalis ay hindi mababatid.

salamat,
kahit paulit-ulit kitang pakawalan sa aking puso
ay mahigpit ang iyong kapit
na sa sobrang higpit ay tila paulit-ulit ding nagdurugo
pati ang isip kong tila gumuguho
dahil hindi ka lumalayo.
patuloy man ang aking pag-ayos
at nagtamo pa ng maraming galos;
ay patuloy din ang iyong pagsira
dahil pareho tayong lumuluha.
j.s.
Anna Katrina Jul 2018
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako masasaktan?
Hanggang kailan ako lalaban?
Hanggang kailan ko kakayanin?
Tao din ako, napapagod din.

Palagi nalang ba ganito?
Ano pa bang bago?
'Pag nagmahal ako
Maiiwan at masasaktan din naman ako.

Dapat itigil ko na 'to
Kasi pinapahirapan ko lang naman 'yung sarili ko
'Di na tama 'to
Pero dahil tanga ako,
'Yung puso ko patuloy pa ring umiibig sa maling tao.

Seryoso naman ako?
Wala naman akong sinasaktang tao?
Pero bakit ganito?
Patuloy pa rin akong nagmamahal ng maling tao.
Sabi nila kapag nagmamahal ka magmumukha ka talagang tanga
Pero paano kung pauulit ulit na?

Grabe na.
Hindi ko na kaya.
Sobrang hirap na.
Pagod na pagod na talaga ako.
Tama na.
Ayoko na.
Kahit mahirap, dahil mahal kita
Papalayain na kita.

Hanggang dito nalang ako.
Paalam na sayo.
Shynette Oct 2018
Natatandaan mo pa ba
Sabi mo dati tayo'y wala na
Mahirap mang tanggapin ngunit aking kinaya
Mga luhang pumapatak tuwing gabi aking ininda
Dahil sabi mo pagod kana
Dahil sabi mo ayaw mo na
Dahil sabi mo gusto mo ng mapag-isa
Binigay ko naman diba?
Ngunit bakit ba ako'y pinapahirapan mo ng ganito
Lumayo ka ng minsan kaya sana nama'y wag kanang bumalik pa
Dahil tuwing nakikita ko ang mga mata mo
Dahil tuwing naririnig ko ang boses mo
Hindi mapigilang bumalik ang nararamdaman kong ito
Hindi ko alam ngunit siguro nga mahal pa kita
Kaya tama na, tama na ang minsang paglayo wag ka ng bumalik pa
Dahil ayoko ng mahalin ka
Dahil ayoko ng tanggapin ka
Dahil ayoko ng magpakatanga pa
Ayoko ng magpakatanga sa isang taong minsan ng lumayo
Minsang lumayo na ngayo'y babalik para ano
Para ako'y akitin ulit sa mga matatamis na salita
Patawad ngunit tama na ang minsang pagmamahal na binigay ko sa iyo
Hanggang dito nalang nga siguro
Ika'y unang lumayo kaya patawad ako nadi'y lalayo

— The End —