Submit your work, meet writers and drop the ads. Become a member
Anna Katrina Jul 2018
Hanggang kailan?
Hanggang kailan ako masasaktan?
Hanggang kailan ako lalaban?
Hanggang kailan ko kakayanin?
Tao din ako, napapagod din.

Palagi nalang ba ganito?
Ano pa bang bago?
'Pag nagmahal ako
Maiiwan at masasaktan din naman ako.

Dapat itigil ko na 'to
Kasi pinapahirapan ko lang naman 'yung sarili ko
'Di na tama 'to
Pero dahil tanga ako,
'Yung puso ko patuloy pa ring umiibig sa maling tao.

Seryoso naman ako?
Wala naman akong sinasaktang tao?
Pero bakit ganito?
Patuloy pa rin akong nagmamahal ng maling tao.
Sabi nila kapag nagmamahal ka magmumukha ka talagang tanga
Pero paano kung pauulit ulit na?

Grabe na.
Hindi ko na kaya.
Sobrang hirap na.
Pagod na pagod na talaga ako.
Tama na.
Ayoko na.
Kahit mahirap, dahil mahal kita
Papalayain na kita.

Hanggang dito nalang ako.
Paalam na sayo.
Anna Katrina Jul 2018
Oo, na-friendzoned ako
Sa taong sinabihan ako
Na mahal niya ako

Sobrang sakit nung malaman ko
Na ang nararamdaman niya'y di totoo
Pinafall niya lang ako
Ngunit di ako sinalo

Labis akong nasaktan
Sa aking kinahinatnan
Mahal niya ako pero bilang kaibigan lang
Akala ko mahal niya ako more than friends
Pero as a friend lang talaga

Oo, paasa ka!
Walangya ka
Pero mahal pa rin kita.

— The End —